Hindi mahindian ni Cayden si Lizzy, kahit hind siya interesado sa negosyo nito na gustong itayo ay pinagbigyan na lamang niya ang dalaga na pag-aralan ang ipinasa nitong business proposal sa kaniya. Simula nang unang araw na puntahan siya nito sa opisina niya ay nasundan pa iyon at naging madalas na ang pagpasyal nito sa kaniya. Ngayong araw ay hindi niya inasahan na pupunta na naman ito dahil kahapon lang ay nasa opisina niya rin ito. Kulang na nga lang ay gawin na niya itong empleyado dahil parang araw-araw din naman itong pumapasok sa kompanya nila.
"Why are you here?" tanong niya, hindi niya ipinahalata rito na hindi siya masaya sa presensiya nito.
"I just went to a nearby place, so I thought of dropping by here to check on you. I know you haven't had lunch yet. Let's have lunch together, It's on me. I won't accept a 'no' for an answer. Our agreement to have dinner outside has still not been fulfilled since then. I hope you can at least grant me this lunch request," may halong pangongonsensiya na sabi nito.
Itinigil ni Cayden ang ginagawang pagpirma sa papeles at ibinaling ang tingin kay Lizzy.
"Okay fine, you won this time. After this lunch we're even. You don't need to feel guilty about me anymore next time." Pinagbigyan na niya si Lizzy para matigil na ito sa kapipilit sa kaniya na kumain sila sa labas.
Sa isang Japanese restaurant sila nagpunta na malapit lang din sa kompanya nila Cayden.
Masayang-masaya si Lizzy, kitang-kita naman sa mga kilos nito. Kumapit pa ito sa braso ni Cayden na para bang sinasabi sa mga tao na pag aari na niya ang binata.
Hinayaan na lang ni Cayden na ito ang pumili ng kanilang kakainin dahil hindi naman siya mapili sa pagkain at kahit ano naman ay ayos lang sa kaniya.
Nasa kalahatian na sila ng pagkain ng may nakita si Lizzy na kakilala.
"Kuya Daxton!" tuwang tawag nito na kumaway pa sa lalaking bagong dating. Lumingon si Cayden sa tinawag nito.
"He's my brother," pahayag ni Lizzy sa kaniya.
Bigla niyang naalala ang sinabi ng pinsang si Justin. Marahil ito ang tinutukoy nitong Daxton Guillebeaux na may asawang kapangalan ng kaniyang kababatang si Hannah.
Lumapit sa kanila ang tinutukoy ni Lizzy na kapatid. Tumayo si Lizzy at sinalubong ito.
"Who's with you?" walang kangiti-ngiting tanong ni Daxton kay Lizzy. Nakatingin ito kay Cayden na para bang sinusuri ang pagkatao nito.
Ngayon lang nakita ni Daxton si Cayden, sa unang kita pa lang niya sa binata ay parang mabigat na ang loob niya rito.
"He's my friend, his name is Cayden. Cayden I want you meet my brother, Daxton," pagpapakilala ni Lizzy sa dalawa.
Tumayo si Cayden inunat ang kamay para makipag-shake hands kay Daxton ngunit hindi nito tinanggap ang kamay niya.
Lalo kasing bumigat ang pakiramdam ni Daxton sa kasama ng kaniyang kapatid ng marinig niya ang pangalan nito. Naalala niya ang lalaking madalas na tawagin ng kaniyang asawang si Hannah sa panaginip nito. Pareho sila ng pangalan ng lalaking ito.
"Kuya!" inis na sabi ni Lizzy nang hindi makipagkamay si Daxton kay Cayden.
Tiningnan lang ng masama ni Daxton ang nakababatang kapatid. "Is he your boyfriend?" diretsahang tanong nito kay Lizzy.
"No, we're just friend," si Cayden ang mabilis na sumagot sa tanong na iyon ng kapatid ni Lizzy. Ayaw niyang isipin ni Daxton na may namamagitan sa kanila ng kapatid nito, dahil hindi naman niya gusto ang dalaga at iniisip niya na iyon marahil ang dahilan kung bakit parang mabigat ang loob sa kaniya ng lalaking kaharap.
Gusto sanang mag-protesta ni Lizzy sa sinabi ni Cayden, kaya lang ay pinigilan na lamang niya ang kaniyang sarili.
Tiningnan ng makahulugan ni Daxton si Cayden. Duda siya sa itsura nito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nagagalit na agad siya rito kahit wala pa naman itong ginagawang masama. Hindi naman siya inis dito dahil sa ayaw pa niyang magka-boyfriend ang kaniyang kapatid. Ang totoo ay wala naman siyang pakialam sa buhay ng mga ito, masyado lang siyang naapektuhan sa pangalang Cayden.
"Kuya, may kasama ka ba? Why don't you join us," aya ni Lizzy sa kapatid kahit naman gusto niyang masolo si Cayden ay bilang pakitang tao ay inaya niya ang kapatid na makisalo sa kanila sa pagkain.
"No thanks, I have some clients with me. We're having a lunch meeting in the function room, I'm sure they're already here waiting for me. I have to go now just enjoy your lunch," sabi nito na pinahapyawan pa ng masamang tingin si Cayden bago tuluyang umalis.
"Pasensiya ka na sa kapatid ko, seryosong tao kasi 'yon at istrikto," sabi ni Lizzy nang malayo na si Daxton sa harapan nila.
"It's okay," matipid na sagot ni Cayden. Minadali na niya ang pagkain para matapos na sila at makabalik na siya sa opisina.
Hindi pa rin niya hinayaan si Lizzy na magbayad ng mga kinain nila, bago pa ito humugot ng pera sa wallet ay inunahan na niya ito. Hindi niya ugali ang nagpapalibre lalo na sa babae.
Naghiwalay na sila pagkatapos nilang kumain. Bumalik siya sa opisina at si Lizzy naman ay umuwi na. Ang totoo ay wala naman talagang appointment si Lizzy sa malapit, alibi lamang niya iyon, sadyang pinuntahan niya si Cayden. Masyado na siyang nahuhulog sa binata at hindi niya kayang palampasin ang isang araw na hindi ito nakikita.
_
Katatapos lang ng meeting ni Cayden sa kaniyang mga kliyente na galing pa sa bansang Australia. Hindi na siya nakapunta roon kaya ang mga ito na lang ang pumunta sa kaniya para mapag usapan ng maayos ang kanilang itatayong bagong negosyo.
Palabas na sana siya sa hotel ng may makasalubong siyang dalawang babaeng empleyado na nag uusap.
"Si Mrs. Guillebeaux pala ang nag-book ng reservation sa penthouse," sabi ng isang empleyado.
"Oo, huli ka na sa balita," sagot ng kasama nito.
"Ah, talaga ba? Alam mo lahat na yata ng suwerte ay nasa babaeng 'yon, hindi lang maganda, mayaman pa. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makipagpalit ng buhay kahit isang araw lang, pipiliin ko talaga ang maging si Mrs. Hannah Guillebeaux, parang lahat na lang ay nasa kaniya na, dagdag pang may gwapo siyang asawa." Mababakas ang inggit sa tono ng boses nito.
"Ang kaso, walang ganu'n at imposible 'yang sinsabi mo."
"Oo na, kunwari nga lang 'di ba? Ang kj mo naman, sinakyan mo na lang sana ako," inis na sabi nito.
"Ay! teka... naka schedule nga pala na mag-luch ngayon sa restaurant nitong hotel si Mrs. Guillebeaux, kaya lang bakit kaya hindi pa bumababa? Tatawagan ko na nga lang sa room niya para ipaalala na naghihintay na sa kaniya ang pina-reserve niyang table.
Dahil sa narinig ay may nagtulak kay Cayden na huwag munang umalis. Na-curious siyang makita ang itsura ng tinutukoy ng mga ito na si Mrs. Guillebeaux.
Nagtungo siya sa restaurant ng hotel gaya ng narinig niya sa usapan ng dalawang empleyado ay doon daw kakain ng lunch si Mrs. Guillebeaux. Pumuwesto siya ng upo malapit sa pintuan para makikita niya ang lahat ng pumapasok sa entrance door. Makalipas ang sampung minuto ay napatayo siya ng makita si Hannah. Hindi niya inaasahang naroon din sa hotel na iyon ang kaniyang kababata. Matagal na niya itong hinahanap, matapos nitong walang paalam na umalis sa condo niya ay hindi na sila nagkita pang muli.
Mabibilis ang mga hakbang na lumapit siya rito.
"Hannah!" tawag niya, agad namang lumingon ito sa kaniya.
Napaawang ang bibig ni Hannah sa labis na pagkagulat.
"Ca-Cayden, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa binata habang panay ang lingon niya sa paligid. Nag-aalala siyang baka may makakita sa kaniyang kakilala na may kausap siyang lalaki at isumbong siya sa kaniyang asawa. Nadala na siya, ayaw na niyang mangyari na naman ang dati na ikulong siya nito sa bodega.
"I have a meeting here pero tapos na. Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng binata bakas sa mukha niya ang labis na kagalakan na nakita niyang muli ang kaniyang kababata ngunit kabaliktaran iyon ng kay Hannah. Labis ang pangamba niya, natatakot siyang malaman ni Daxton na nakikipag usap siya sa ibang lalaki at lalong natatakot siya kapag nalaman nito na si Cayden pa ang kausap niya.
"Ah- wala, hinahanap ko lang ang kasama ko, wala pala siya rito. Sige aalis na ako baka bumalik na siya sa silid namin," pagsisinungaling na sabi niya. Hindi na niya hinintay na magsalita si Cayden, mabibilis ang mga hakbang na lumakad siya palabas ng restaurant ngunit hinabol siya ni Cayden, hinawakan nito ang braso niya para pigilan.
"Hannah, please let's talk! Why are you avoiding me? May nagawa ba akong masama sa'yo?" nalilitong tanong ng binata.
Umiling si Hannah. "I'm so sorry Cayden pero hindi ako dapat nakikipag usap sa'yo. Please, bitiwan mo ako, huwag kang lumapit sa akin," aniya rito , masakit man sa kalooban niya na balewalain ito ay iyon lang ang alam niyang nararapat na gawin para hindi ito mapahamak.
"Hannah!" tanging nasabi ni Cayden. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso nito at sinamantala naman iyon ni Hannah, kumawala siya sa binata at mabibilis ang mga hakbang na ginawa para makalayo.
Gusto man ni Cayden na pagbigyan ang kagustuhan ni Hannah ngunit hindi niya kayang pigilan ang kaniyang sarili. Hindi siya kuntento sa sinabi nito, gusto niyang marinig buhat dito ang tunay na dahilan kung bakit umiiwas ito sa kaniya, kaya naman muli ay hinabol niya ito.
"Hannah, I need to know why your doing this to me? Hindi ka ba masaya na nagkita tayong muli? Dahil ako masayang-masaya. Can you just give me your little time para naman makapagkwentuhan tayo."
Huminga ng malalim si Hannah, tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Cayden, kaya naman napahinto rin ang binata, tatlong hakbang na lang ang layo niya kay Hannah.
"Look Mr. Frio, kung ano mang relasyon meron tayo dati ay kalimutan mo na. Matagal na panahon na iyon. Tama nang mag "hi", "hello" tayo sa isa't-isa. What we have is all in the past, were too young back then. Hindi ako interesado sa'yo at wala akong panahon na makipag usap sa'yo, okay? Just focus on your girlfriend kung meron man. Please don't bother me anymore." Muli niyang tinalikuran ito at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"I don't have a girlfriend. I want you back, Hannah!" malakas na sabi nito.
Saglit siyang natigilan, alam niya ng mga oras na iyon ay pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid. Kahit masaya siyang malaman na wala na pala itong girlfriend at gusto pa rin siya nito ay hindi magawang magdiwang ng puso niya. Pikit matang pinagpatuloy niya ang paglalakad at hindi nilingon ang binata. Tama lang ang ginawa niya, hindi na siya malaya at wala ng dahilan pa para kausapin niya si Cayden.
Kahit gutom ay bumalik na lamang siya sa kaniyang kwarto at doon nagmukmok. Iniyak niya ang sama ng loob. Galit siya sa sarili niya at mas higit ay galit na galit siya kay Daxton. Sinira nito ang pangarap niya. Ang tanging pangarap lang naman niya ay magmahal at mahalin ng taong mahal niya, ngayong abot kamay na sana niya ay huli na ang lahat.
Samantalang si Cayden ay labis na nalungkot sa nangyari. Siguro nga tama si Hannah, hindi na dapat niyang panghawakan ang nakaraan. Bakit ba mas masakit pa ang nararamdaman niya ngayon kaysa noong tinanggihan siya ni Naomi. Nasaktan siya 'oo' pero hindi kasing sakit nito. Narinig lang niya kung paano siya pagsalitaan ni Hannah at kung paano nito balewalain ang nakaraan nila ay parang pinipiga ang puso niya. Itinago niya ang mga masasayang alaala nito sa isip at puso niya. Ang buong akala niya ay katulad din ng damdamin niya ang nararamdaman ni Hannah, nagkamali siya dahil siya lang pala ang nagpapahalag sa nakaraan.
Nilisan niya ang hotel, nawalan siya ng gana kaya hindi na siya bumalik sa opisina. Imbes na uuwi siya sa kanilang mansiyon ngayon ay sa condo na lamang niya siya tumuloy. Hindi siya lumabas ng kwarto ng maghapon ni hindi niya ginawang kumain.
Panay ang tunog ng cellphone niya ngunit hindi niya pinapansin dahil puro si Lizzy lang naman ang tumatawag. Halos sumabog na nga ang inbox niya sa dami ng text message nito na ni isa ay wala siyang binasa. Alas siyete ng gabi ng tumawag ang kaniyang ina.
"Hello, Mom!" matamlay na sabi niya.
"Cayden, akala ko uuwi ka ngayon? Ipinagluto pa naman kita ng paborito mong ulam," sabi ng kaniyang ina sa kabilang linya.
"I'm sorry, Mommy, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya nagpahinga na lang muna ako rito sa condo ko. Bukas na lang po ako uuwi d'yan," sabi niya.
"Ha! Ganu'n ba? Uminom ka na ba ng gamot? Agapan mo na bago pa lumala 'yan. May mga binili akong gamot nilagay ko d'yan sa medicine cabinet mo, may para sa lagnat, sakit ng ulo at para sa sipon, pumili ka na lang d'yan ng iinumin."
"Ako na ang bahala sa sarili ko, Mommy, huwag ka ng mag-alala sa akin, pahinga lang ang katapat nito. Bukas uuwi ako promise," sabi niya para hindi na mag alala pa ang kaniyang ina. Matamlay siya, pero wala naman siyang sakit.
"Sige, mag-iingat ka anak," alanganing sabi ni Lara, kahit malalaki na ang kaniyang mga anak ay hindi pa rin niya mapigilan na hindi mag-alala sa mga ito.
"Okay, Mom, bye." Agad nang pinatay ni Cayden ang telepono ayaw niyang humaba pa ang usapan nila ng kaniyang ina dahil tiyak ay hindi na naman ito mapapakali at baka sugurin pa siya sa condo niya.