Nagmamadaling bumalik si Cayden sa kaniyang condo matapos niyang bumili ng pagkain sa isang fastfood chain na nasa tabi lang ng building nila. Iniwan niya si Hannah na natutulog pa, sinamantala niya ang pagkakataong iyon para paggising nito ay meron itong makakain.
Masigla ang bawat kilos niya. Hindi siya pumasok sa opisina ngayon dahil gusto niyang ilaan ang araw na ito para kay Hannah. Pagpasok sa loob ng kaniyang condo ay dumiretso siya sa kusina at ipinatong muna sa dining table ang mga pinamili niya bago umakyat sa itaas para i-check kung gising na ang kaniyang bisita.
Laking gulat niya ng makitang walang tao sa loob. Wala si Hannah sa kama kung saan niya ito iniwan bago umalis. Magulo ang kama bakas ng pinaghigaan nito. Sumilip siya sa terrace ngunit wala roon si Hannah. Sunod naman niyang tiningnan ay ang banyo ngunit wala roon ang kaniyang hinahanap. Napalingon siya sa sofa, wala na roon ang bag ni Hannah, pati ang sapatos nito sa ilalim ng kama ay wala na rin. Nagmamadali siyang lumabas ng silid at bumaba. Hinanap niya sa buo niyang unit si Hannah, ngunit talagang wala na ito roon. Umalis ito ng walang pasabi.
Nanlulumong napaupo siya sa mahabang sofa. Kailan na naman kaya niya ito muling makikita? Hindi niya alam kung saan ito hahanapin.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang kumain nang mag-isa. Matapos mananghalian ay nagbihis siya, ipinasya niyang pumasok na lamang sa trabaho kahit half day na. Hindi pa siya nakakapasok sa kaniyang opisina ng salubungin siya ng kaniyang sekretarya.
"Sir, may bisita ka, kanina pa siya naghihintay, kaibigan mo raw, pinapasok ko na po sa opisina ninyo," sabi ni Loraine.
"Sino?" agad na tanong niya.
"Hindi ko kilala, Sir, babae po siya," tugon nito.
Biglang nakaramdam ng sigla si Cayden sa pag aakalang si Hannah ang bisitang tinutukoy ng kaniyang sekretarya na naghihintay sa kaniya. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kaniyang opisina. Agad niyang binuksan ang pinto at napatayo naman ang babaeng naghihintay sa kaniya sa loob.
Napakunot ang noo niya. Nadismaya siya ng malaman na hindi ang inaasahan niyang si Hannah ang kaniyang makikita. Hindi niya kilala ang bisitang sinasabi ng kaniyang sekretarya.
Hindi siya nagsalita walang ganang tiningnan lamang niya ang hindi pamilyar na babae. Ang mataas na enerhiya niya kanina ay bigla na namang bumagsak dahil sa labis na pagkadismaya.
"Ah... Good afternoon, Cayden. I know you don't know me, so let me introduce myself to you first. My name is Lizzy—Lizzy Guillebeaux. I came here to apologize for what happened last night at the bar, if you still remember. I feel so sorry and responsible for what had happened. I couldn't sleep last night because of my foolishness. It's all my fault, if it wasn't for me, you wouldn't have had alcohol spilled on your pants," sabi nito na tila ba nanghihingi ng simpatya kay Cayden.
Sinadya niya talagang puntahan ang binata sa kompanya nito para lang magpapansin. Inunahan na niya ang kapatid na si Mindy sa plano nito.
Lalo namang nangunot ang noo ni Cayden.
"That's not a big issue for me, those things really happen in bars. I understand that sometimes, due to excessive alcohol consumption, we lose control of ourselves. You didn't even need to come here to apologize to me. By the way, how did you know my name and where I work?" tanong niya. Ipinagtataka kasi niya na talagang sinadya pa siya ng babaeng ito para sa ganun lang kasimpleng bagay.
"Dave and Justin told me. I also found out that you're actually cousins. I've known them because my dad and their dad are business partners. The world is so small that I couldn't have not found you. If you're interested with someone you will find ways
to know him," makahulugang sabi nito.
Nakuha naman ni Cayden ang gustong sabihin ni Lizzy ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin dahil hindi siya interesado rito. Hindi si Lizzy ang tipo ng babae na papasa sa standard niya. Ang gusto niyang babae ay yung may class at confident, simple lang manamit pero malakas ang dating. Ang kaharap niya ngayon ay nasobrahan naman ata sa OA na manamit. Ang daming burloloy sa katawan, pinagsama-sama ang lahat ng luxury brand ng damit sa isang suotan lang. Kung may stylist man ito ay dapat na niyang palitan ngayon din, kung wala naman ay dapat na siguro siyang mag-hire ng stylist para naman maging kaaya-aya siya sa paningin ng mga tao. Nakakasilaw kasi sa dami ng kulay ang mga suot nito. Para na siyang walking christmas tree kumikinang sa dami ng gintong alahas at kung ano-ano pang burloloy na nakasabit sa katawan, kulang na lang talaga ay lagyan siya ng star sa ulo. Bilang isang gentleman ay hindi naman niya sasabihin ang mga nakikita niyang kapintasan dito. Malaki ang pagpapahalaga niya sa damdamin ng iba at ayaw niyang may taong sumama ang loob ng dahil sa kaniya.
Pilit na lamang siyang ngumiti rito.
"I almost forgot what happened last night and it doesn't bother me either, but since you came here to apologize, I accept it. Thank you for your effort in coming here. I think you still have other plans to do, so I won't stop you from leaving. I also have work to attend to." Ginawa niyang itaboy ito sa paraang hindi naman ito mababastos. Lumakad siya patungo sa kaniyang working table, bago siya maupo ay natigilan siya ng magsalita si Lizzy.
"If you have free time, can I invite you to have dinner later? Please don't misinterpret me, I just want to make up for what I did to you." Palihim na nag-cross finger pa si Lizzy, umaasa siyang mapapayag niya na makipag date sa kaniya si Cayden.
Saglit na hindi nakaimik ang binata. Umisip siya ng magandang sasabihin para tanggihan ang imbitasyon nito na hindi naman ito mapapahiya.
"I'm so sorry, even though I want to accept your invitation, I can't. I have a dinner with my family today. My Mom cooked food for us, and she wants all of us to be complete for dinner later," pagsisinungaling niya.
Bumagsak ang balikat ni Lizzy sa labis na panghihinayang ngunit hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa.
"Ah, ganun ba? But maybe we can go out some other time kung kailan ka puwede," aniya.
Seryosong tiningnan ito ni Cayden. Wala na siyang pagpipilian kung hindi ang tumango na lamang para hindi na siya kulitin pa nito.
Sa huli ay lumabas si Lizzy sa opisina ni Cayden na masayang-masaya, dinaig pa nito ang nanalo ng jackpot sa lotto sa labis na kasiyahan. Nagtagumpay siya sa plano niya at gusto niyang ipagyabang iyon sa kapatid niyang si Mindy, kaya naman excited siya na kinontak ito at sinabihan na magkita sila sa coffee shop na madalas nilang puntahan.
_
Nanghihina na si Hannah. Ilang araw na rin simula ng ikulong siya ni Daxton sa bodega at isang beses lang sa isang araw kung siya ay pakainin nito, ni hindi siya binigyan ng kahit banig man lang na mahihigaan kaya natitiyaga na lamang siya sa mga tagpi-tagping karton na nakuha niya mula sa mga appliances na nakatambak doon. Tinitiis niyang matulog sa mainit at malamok na lugar na iyon.
Nang hapong iyon ay pumasyal si Yolanda sa manisyon ni Daxton. Isang linggo pa lang ang nakalilipas ng matanggap nito ang monthly allowance na ibinibigay ni Daxton sa kaniya ay naubos na agad dahil gumimik ito kasama ang mga kaibigan at nagyabang na may mayaman siyang pamangkin kaya siya ang binuyo ng mga kaibigan na gumastos at magbayad sa lahat ng bills nila. Ang katwiran naman ni Yolanda, kahit maubos ang pera niya ay hindi naman siya mamomroblema dahil nariyan naman ang pamangkin niyang si Hannah na hindi siya matitiis na hindi bigyan ng pera kapag nangangailangan siya.
"Tita Yolanda, what brings you here?" tanong ni Daxton sa tiyahin ng kaniyang asawa. Nasabi ng isa sa kaniyang mga kasambahay na dumating nga raw ito at hinahanap si Hannah.
"Ah... dinadalaw ko lang ang pamangkin ko, nariyan ba siya?" tanong ni Yolanda, inilibot niya ang mga mata sa paligid.
"I'm sorry Tita, Hannah is not here. Pinagbakasyon ko muna siya sa Germany," pasisinungaling nito.
"Ge-Germany? Ibig mong sabihin nasa ibang bansa ang pamangkin ko?" takang tanong nito. Hindi niya alam na nangibang bansa pala si Hannah. Kung nag-aabroad ito at hindi kasama si Daxton ay siya ang pinapasama nito para magbantay sa kaniyang pamangkin kaya nagtataka siyang hindi man lang siya sinabihan.
"Yes, Tita, she's in Berlin right now," kalmadong sabi ni Daxton, sanay na sanay na kasi itong magsinungaling kaya wala na sa kaniya ang mga ganuong bagay.
"Si-sino ang kasama niyang umalis?"
"Her stylist! Pinasamahan ko siya kay Joana. My wife needs a break. I want her to relax and unwind."
Ang totoo ang stylist ni Hannah na si Joana ay sinisante na ni Daxton, dalawang araw na ang nakakalipas dahil tila ba na-obssess na ito sa kaniya at kung ano-anong pang aakit ang ginagawa para angkinin niya ulit ito kaya lang ay ayaw na niya rito. Kapag natikman na niya ang isang babae ay hindi na niya inuulit pang tikman. Kung baga sa pagkain ay madali siyang magsawa ang gusto niya ay iyong paiba-iba.
"Ah... sayang naman at hindi ako isinama niya ngayon." Doble ang panghihinayang ni Yolanda. Hindi na nga siya nakasama kay Hannah sa Germany ay mukhang hindi pa siya magkakaroon ng pera ngayong araw. Kaya naman pala hindi niya makontak si Hannah dahil wala ito sa bansa. Bago kasi siya pumunta sa mansiyon ni Daxton ay tinawagan niya ito.
"Kailan ba ang uwi ni Hannah?" tanong niya gusto niyang malaman para makabalik siya pagdating nito.
"I'm not that sure, maybe after a week or two."
Nagulantang si Yolanda, kung magtatagal ng dalawang linggo si Hannah sa Berlin paano na siya? Saan siya kukuha ng panggastos niya? Wala siyang kapera-pera, wala siyang naitatabi kahit na singkong kusing. Ang hiningi niyang pera noon sa kaniyang pamangkin para sa negosyong beauty product ay nalugi, hindi pa nga alam iyon ni Hannah. Hindi niya sinasabi rito dahil alam niyang magagalit ito sa kaniya. Tinakasan siya ng akala niya ay mga kaibigan. Kinuha lang ng mga ito ang pera niya at pagkatapos ay nagpakalayo-layo na.
"Si-sige, hindi na rin ako magtatagal, wala naman pala ang pamangkin ko rito," lulugo-lugong sabi niya. Mabigat ang katawan na tumayo siya buhat sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Hindi niya akalain na uuwi siya ngayon na walang-wala.
Nahihiya man siya kay Daxton ay kinapalan na niya ang kaniyang mukha. Wala siyang perang pamasahe pauwi.
"Ah- eh, Daxton, wala si Hannah, baka pwedeng sa'yo na lang muna ako humingi ng pera, wala kasi akong pamasahe pauwi," nahihiyang sabi niya.
Tiningnan siya nito ng may blangkong ekspresyon. Dinukot nito sa bulsa ng suot na short ang kaniyang wallet. Tuwang-tuwa na sana si Yolanda, ang kapal kasi ng pitaka ni Daxton, namumutok ito sa lamang pera akala pa naman niya ay malaki ang ibibigay sa kaniya ngunit hindi pala. Humugot ito ng five hundred pesos sa kaniyang pitaka at inabot sa kaniya.
"Sobra pa siguro 'yang pamasahe. Sige na Tita, umuwi na kayo para hindi kayo gabihin sa daan," sabi nito.
Hindi na nagawang humirit pa ni Yolanda. Ang sama-sama ng loob niya habang naglalakad palabas ng mansiyon.
"Huh! Ang yaman-yaman napaka kuripot naman pala. Naku! Hannah, bumalik ka na, paano na ako mabubuhay nito ngayon?" bubulong-bulong na sabi ni Yolanda habang tinatahak ang daan palabas ng gate.
Imbes na mag-taxi siya pauwi ay nag jeep na lang siya para makatipid. Iniisip niya kung paano pagkakasiyahin ang five hundred hanggang sa makabalik ang kaniyang pamangkin.
-
Kinabukasan ay humahangos na bumalik si Leri sa mansiyon. Maghahatid sana siya ng pagkain kay Hannah sa bodega, kaya lang ay natakot siya ng madatnan niya itong nanghihina. Maputla ito, butil-butil ang malalamig na pawis ngunit mainit ang katawan.
"Si- Sir Daxton, si Ma'am Hannah po, may sakit si Ma'am Hannah. Mainit po siya at hindi makabangon," pagsusumbong nito sa kaniyang amo. Kahit naman dinadamihan niya ang dala ng pagkain kay Hannah para makakain ito ng maayos kung ang tinitirhan naman nito ngayon ay hindi maganda ay talagang magkakasakit ito. Kahit naman siya na sanay sa hirap ay hindi kakayanin na tumira sa bodega na iyon nang ilang araw nang walang labasan, paano pa kaya ang kaniyang among babae na nasanay sa marangyang buhay? Walang sino man ang kakayanin na makulong sa bodegang iyon. Awang-awa siya rito ngunit wala naman siyang magawa.
Pumunta si Daxton sa bodega para tingnan ang kaniyang asawa. Nadatnan niyang nakahiga ito sa karton. Agad niyang sinapo ang leeg at noo nito. Tama si Leri, mainit nga ito. Binuhat niya ang asawa at inilabas sa bodega.
"Ipahanda mo ang sasakyan kay Mang Pablo, dadalhin natin sa ospital si Hannah," utos niya kay Leri.
"Opo, Sir!" mabilis na tugon nito at agad na tumalima sa utos ng kaniyang amo.
Pumarada ang sasakyan sa harap ng mansiyon, isinakay ni Daxton sa likuran si Hannah at tinabihan niya, samantalang si Leri ay pumuwesto naman ng upo sa tabi ni Mang Pablo.
Sa pinakamalapit na ospital dinala si Hannah. Agad naman siyang inasiste sa emergency.
"Mr. Guillebeaux, based on my initial examination, your wife is currently experiencing severe dehydration, compounded by anemia and a persistent fever. We need to admit her for immediate confinement. To diagnose her condition and provide appropriate treatment, she must undergo a comprehensive series of tests. As you can see, her body is covered with numerous rashes and hives, which appear to be a result of insect bites. Urgent medical attention is needed to address her complex health issues and ensure that there are no more serious underlying conditions," sabi ng doktor na tumingin kay Hannah.
"Doc, please ensure that every necessary measure is taken to cure my wife. Give her your finest room here, I want her to be more comfortable while recuperating," pakiusap ni Daxton sa doktor.
"Okay Sir, rest assure that we will take good care of your wife while she's in our hospital. I'll give you an update in her condition after we get all the test result. If you'll excuse me, we'll going to transfer the patient in her room."
Nakaalis na ang doktor at bumalik sa emergency room para asikasuhin ang 'paglipat ni Hannah sa kaniyang magiging silid.
Makalipas ang ilang minuto ay nailipat na si Hannah sa VIP room. Tulog ito at may nakakabit na dextrose. Pumasok si Daxton para tingnan ang kalagayan ng kaniyang asawa. Ngayon nga lang niya napansin ang mga rushes nito na ang iba ang naging sugat na at nangitim marahil dahil nasobrahan sa kamot.
"If you had been obedient to me and followed everything I wanted, you wouldn't end up like this," paninisi ni Daxton sa kaniyang asawa.
Kung hindi naman talaga ito nagpapasaway at sumusunod sa kaniya ay wala namang magiging problema. Dati naman kasi ay puro 'oo' lang ito sa mga gusto niya, ngayon ay natututo na itong lumaban at maging suwail. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong kinokontra siya. Ngayon ay hindi na niya makontrol si Hannah.
Dahil may importanteng bagay siyang gagawin na may kinalaman sa trabaho ay ibinilin muna niya si Hannah kay Leri, pinaiwan din niya ang kaniyang tauhan na si Jonathan para magbantay sa mga ito at masigurado na hindi tatakas si Hannah. Hindi niya masabi, baka kapag nagising na ito at medyo gumanda ang pakiramdam ay magtangka na namang tumakas.