Chapter 25-Bilanggo•

3136 Words
Hindi alam ni Cayden kung saan niya dadalhin si Hannah kaya inuwi na lamang niya ito sa kaniyang condo. Binuhat niya ito hanggang sa makapasok sila sa loob ng building. Nakatingin sa kaniya ang mga taong nakakasalubong niya na nakatira rin sa mga unit na naroon. Alas onse pa lang ng gabi at marami pang gising ng mga oras na iyon. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Nang makapsok siya sa loob ng kaniyang unit ay idiniretso na niya sa kaniyang silid si Hannah. Inihiga niya ito ng maayos sa kama at tinanggal ang suot nitong sapatos. Binuksan niya ang aircon para mas maging komportable ang tulog nito. Hindi naman ito nagising, umungol lang at umiba ng posisyon sa pagtulog. Tumagilid ito at yumakap sa hinarang niyang unan. Umupo siya sa gilid ng kama at masaya itong pinagmasdan habang natutulog. Naalala niya noong mga bata pa sila, madalas niyang makita si Hannah na natutulog sa ilalim ng puno sa kanilang school ground. Minsan bell na ay hindi pa rin ito nagigising, kaya ang ginagawa niya ay binabato niya ito ng nilamukos na papel at saka siya tatakbo nang mabilis para hindi siya makita nito. Ang mga alaala ng kanilang kabataan ang mga bagay na para sa kaniya ay masarap balik-balikan. Natigil siya sa malalim na pag iisip ng bigla nalang mag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Kinuha niya iyon at tiningnan. Si Justin iyon, tumatawag sa kaniya. Huminga muna siya nang malalim bago sinagot ang tawag nito. Ngayon lang niya naalala na kasama nga pala niya ang mga pinsan sa bar kanina, hindin maganda ang inasal niya na basta na lamang iniwan ang mga ito ng walang paalam. Tumayo siya at binuksan ang sliding door na nag uugnay sa silid niya at sa terrace. Ayaw niyang magising si Hannah kaya doon siya pumuwesto para kausapin ang kaniyang pinsan. "Where are you, Cayden? Bakit bigla ka na lang nawala?" tanong ng nasa kabilang linya. "I'm so sorry, something's came up. I'm in a hurry, hindi ko na nagawang magpaalam sa inyo," sagot niya. "What? Wala ka na rito sa bar?" narinig niyang tanong ni Dave na noon ay nakikinig sa usapan ng dalawa kaya sumingit na ito at inagaw ang cellphone kay Justin. "Yes, nakaalis na ako. Babawi na lang ako sa inyo next time, importante lang kasi itong pinuntahan ko," pagsisinungaling niya. Bumuntong hininga ng malalim si Dave. "Ano pa nga ba ang magagawa namin? Sige, uuwi na rin kami, basta next time bumawi ka sa amin ha, walang takasan," naniniguradong sabi nito. "Oo, sige promise 'yan," mabilis na tugon naman niya. Matapos ang pag uusap nila ng kaniyang mga pinsan ay bumalik na uli siya sa loob. Ipinatong niya ang cellphone sa side table ng kama. Papasok na sana siya sa banyo para maligo at magpalit ng damit pantulog ng may marinig siyang tunog na nanggagaling sa cellphone. Hindi iyon sa kaniya, sigurado siya dahil naka-silent ang phone niya. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng tunog at nakita niya ang bag ni Hannah na ipinatong niya sa sofa kanina, doon nanggagaling ang tunog. Ayaw tumigil kaya lumapit na siya sa kinalalagyan ng bag, binuksan iyon at kinuha ang cellphone sa loob. Monster is calling... Iyon ang bumungad sa kaniya ng makita ang cellphone nito. Pinindot niya ang decline button para tumigil na ang tawag, ibabalik na sana niya ang cellphone sa bag ng tumunog itong muli. Lumingon siya sa kinaroroonan ni Hannah, tulog na tulog pa rin ito at mukhang hindi naman naapektuha ng ingay. Ayaw tumigil ng tawag kaya nagtungo uli siya sa terrace. Nagtataka siya kung bakit 'monster' ang naka-register na pangalan ng taong tumatawag sa phone book ni Hannah. Wala talagang balak na tumigil kung sino man ang tumatawag na iyon. Hindi niya maipaliwanag ngunit para bang may nagtutulak sa kaniya na sagutin iyon. Dahan-dahan niyang pinindot ang accept button at itinapat ang cellphone sa kaniyang tenga. "F*ck! Where the hell are you, stupid b*tch!" Muntik na niyang mabitawan ang telepono sa labis na gulat. Ang lakas ng boses ng nasa kabilang linya at halos mabingi siya. Boses ng lalaki iyon at mukhang galit na galit. Muli niyang itinapat ang cellphone sa kaniyang tenga pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya masyadong idinikit dahil baka sumigaw na naman ang nasa kabilang linya at tuluyan na siyang mabingi. "Do you f*cking think you can escape from me, huh? Wherever you may be in this world, I will search for you, Hannah. Come back here while I still have the patience for you. Don't wait for me to drag you home. I'll make sure you won't like the consequences I have for you!" dire-diretso at walang prenong sabi ng nasa kabilang linya. Hindi alam ni Cayden kung sino ang lalaking iyon at kung kaano-ano ito ni Hannah. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinagsasabi nito pero halos sumabog na ang dibdib niya sa galit dahil sa paraan ng pananalita nito na para bang walang pagrespeto kay Hannah. Nagkuyom ang palad niya at nagtiim ang bagang niya. Para hindi na niya marinig pa ang mga sinasabi nito at hindi na ito makatawag pang muli ay ini-off na niya ang cellphone at saka siya pumasok sa loob at ibinalik iyon sa bag ni Hannah. "Who is he? Ano ba ang naging buhay mo simula ng magkahiwalay tayo?" tanong niya habang nakatitig sa tulog na tulog na kababata. Kung sino man ang taong 'yon, sa paraan ng pananalita nito, alam niyang hindi mabuti ang kalagayan ni Hannah ngayon. Kaya ba ito nagpakalasing? Kaya ba ayaw nitong umuwi sa bahay niya? Ang dami niyang tanong na si Hannah lang ang makakasagot. Hindi na siya makapaghintay na magising ito para makausap niya. Kung ano man ang pinagdaraanan nito ngayon ay handa siyang tumulong. Ipinagpatuloy na lamang niya ang planong paliligo. Paglabas niya ng banyo ay nakasuot na siya ng boxer short at sando. Minabuti niyang sa sofa na lamang matulog kahit malaki pa ang space ng kama. Ayaw niyang kapag nagising si Hannah ay makita siya na nasa tabi nito. Hindi siya ang tipo ng lalaki na nagte-take advantage sa mga babae. Isa siyang marespetong tao at nirerespeto niya ang mga babae. Pagkatapos ni Hannah ay marami rin siyang naging girlfriend ngunit ng makilala niya si Naomi ay nagtagal na siya sa isang relasyon. Hindi madali sa kaniya ang makatulog ngayon lalo pa kapag naiisip niya na nasa malapit lang si Hannah. Pabiling-biling siya sa sofa lalo pa at matangkad siya kaya hirap din siyang pagkasiyahin ang kaniyang sarili sa hindi kahabaang upuan. _ Papungas-pungas na gumising si Hannah. Tumatama ang mainit na bagay sa kaniyang pisngi at nasisilaw siya sa liwanag na dala niyon. Hindi niya magawang maidilat ng maayos ang kaniyang mga mata. Bumangon siya at naupo sa kama. Laking pagtataka niya nang makita na parang nasa ibang lugar siya. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Nanggagaling pala ang nakakasilaw na liwanag sa nakabukas na kurtina. May sliding door doon at may nakita siyang terrace. Nasa mataas na building siya, iyon ang unang pumasok sa isip niya dahil may natanaw siyang mataas na mga gusali mula sa bukas na kurtina. Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang higaan. Asul ang kulay ng sapin at punda ng unan. Sigurado na siyang hindi iyon ang silid nila ni Daxton dahil kahit kailan ay hindi sila nag iiba ng kulay ng sapin sa kama, laging puti lang ang sapin nila. Ang silid na kinaroroonan niya ay para bang pag aari ng isang lalaki. Bigla siyang kinabahan. Lasing siya kagabi at wala siyang maalala, ang huling alaala lang niya ay nasa bar siya kasama ang asawang si Daxton at ang mga kaibigan nito, nagpaalam siya sa asawa, pumunta siya ng restroom at doon siya nagsusuka, bumaliktad ang sikmura niya sa mga nainom niyang alak at juice, pagkatapos noon ay hindi na niya maalala ang mga sumunod pang nangyari. Parang panaginip na lang sa kaniya ang iba. Pero may imahe ng lalaki ang biglang sumingit sa alaala niya. May kausap siyang lalaki sa labas ng bar ngunit blurd ang dating niyon at hindi niya mamukhaan kung sino ang lalaking iyon. Kinabahan siya ng husto, ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Natakot siya sa isipin na dahil sa kalasingan ay nagawa niyang sumama sa lalaking hindi naman niya kilala. Paano kapag nalaman ng asawa niya ito? Baka kung ano ang gawin sa kaniya ni Daxton. Sinipat niya ang sarili, kung ano ang suot niya kagabinay iyon pa rin naman ang suot niya. Wala naman siyang naramdaman na kakaiba sa katawan niya, palatandaan lang na walang nangyari sa kanila ng kung sino mang lalaki na sinamahan niya kagabi. Nagmamadali siyang bumaba sa kama. Wala naman siyang nakitang tao sa loob ng silid na iyon maliban sa kaniya. Yumuko siya at hinanap ang kaniyang sapatos, nakita niya ito sa paanan ng higaan, nagmamadaling sinuot niya iyon. Tumayo siya at lumakad palabas ng pinto ngunit bumalik din siya agad ng maalala niya na may bitbit nga pala siyang bag kagabi. Hinanap niya iyon sa loob ng silid, ilang minuto rin bago niya ito nakita sa ibabaw ng sofa. Walang sinayang na oras, agad niyang kinuha iyon at tuluyan ng lumabas sa silid. Maingat at dahan-dahan siyang naglakad. Nagtaka siya kung bakit walang tao sa loob ng bahay na iyon. Hindi niya nakita ang lalaki na kasama niya kagabi. Sigurado siyang wala siya sa hotel dahil sa itsura nito sa loob ay hindi naman ganito ang makikita sa isang hotel room. Masasabi niyang isang bachelor pad iyon, maganda ang pagkaka-interior design niyon. Moderno at more on pastel colors ang makikita mo mula sa pintura, mga kurtina at kasangkapan kaya naman napakalinis tingnan. Kung pwede nga lang ay gusto pa niyang manatili sa bahay na ito kaya lang ay kailangan na niyang umalis. Lalo lang madadagdagan ang problema niya kapag nagkataon. Gustuhin man niyang makita ang lalaking iyon ay mas makakabuti pang huwag na lang dahil baka mas maging komplikado pa ang lahat. Nang makalabas siya main entrance ay saka lang niya napagtanto na nasa isang luxury condo siya. Ibig sabihin lang ay talagang mayayaman ang mga nakatira sa building na iyon. Nakalabas siya ng gusali na walang naging problema. Kaya lang ay hindi naman niya alam ngayon kung saan na siya pupunta. Hindi na siya pwedeng bumalik sa bahay nila dahil siguradong galit na galit sa kaniya si Daxton. Kagabi pa siya nito hinahanap. Habang naglalakad siya ay biglang pumasok sa isip niya ang papel na ibinigay sa kaniya ni Leri noon. Laking dismaya niya ng maalala na hindi nga pala niya dala iyon. Itinago niya ang papel sa sikretong lalagyan kasama ng mga inipon niyang pera. Pilit niyang inalala ang nakasulat na address at cellphone number doon ngunit dahil mahigit isang buwan na ang nakalilipas ay hindi na niya maalala kahit ang pangalan ng tiyahin ni Leri na dapat sana ay pupuntahan niya para hingian ng tulong. Dahil wala siyang eksaktong lugar na patutunguhan ay huminto na lamang siya sa paglalakad at naghintay ng taxi na masasakyan. Sasakay muna siya ng taxi at habang bumibiyahe ay doon na lang mag-iisip kung saang lugar siya maaaring magtago kahit na pansamantala lang muna. Ilang minuto na siyang naghihintay ngunit wala pa ring dumarating. Nagulat na lamang siya ng may biglang pumaradang itim na SUV sa harapan niya. May bumabang dalawang lalaki na matataas at may malalaking pangangatawan. Mabibilis ang kilos ng mga ito. Nakilala niya ang mga lalaki tatakbo na sana siya ngunit huli na ang lahat. Bago pa siya makahakbang ay pinagtulungan na siyang buhatin ng dalawang lalaki at ipinasok sa loob ng sasakyan. Umupo ang isa sa tabi ng driver at ang isa naman ay sa backseat kasama niya. "Saan niyo ako dadalhin, Jonathan? Pakawalan ninyo ako. Ibaba niyo ako rito!" naghihisterikal na sabi niya. "Pasensiya na Ma'am Hannah, sinusunod lang namin ang inuutos sa amin ni Sir Daxton. Iuuwi ka na namin sa manisyon, kagabi pa siya naghihintay sa 'yo," sagot ni Jonathan, ang isa sa mga tauhan ni Daxton na labis nitong pinagkakatiwalaan. "Pakawalan ninyo 'ko, ayoko ng bumalik do'n. Babayaran ko kayo ng malaking halaga, sabihin niyo lang kung ano ang gusto ninyo at ibibigay ko, hayaan niyo lang akong makaalis." Desperado na siya, lahat ay gagawin niya huwag lang siyang ibalik ng mga ito kay Daxton. "Hindi pwede ang gusto mo, Ma'am, kami naman ang malilintikan kay Sir Daxton kapag hindi ka namin naibalik sa mansiyon ngayon din." Nanlulumong napasandal na lamang sa upuan si Hannah. Alam niya kung gaano ka-loyal ang mga tauhan ng ni Daxton sa kaniya, kahit anong pakiusap niya sa mga ito ay parang wala silang naririnig. Wala na talaga siyang takas kay Daxton, akala pa naman niya ay pagkakataon na niya iyon. Bigla tuloy siyang nagsisi, dapat sana ay hindi na lang siya umalis sa condo unit na 'yon, baka sakaling hindi siya nahanap ng mga tauhan ni Daxton. Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe ay pumasok na ang kanilang sasakyan sa gate ng mansiyon. Nanlalamig na ang mga kamay ni Hannah sa labis na takot. Nang tumigil sa tapat ng mansiyon ang sasakyan ay pilit siyang pinabababa ng mga tauhan ni Daxton ngunit nagmatigas siya kaya naman halos kaladkarin na siya ng mga ito pababa. "Huwag ka nang magmatigas Ma'am para hindi ka masaktan," sabi ni Jonathan. Gustong-gusto niyang sabihin dito na kahit magpakabait pa siya at makiko-operate sa kanila ay masasaktan pa rin naman siya. Sasaktan at sasaktan pa rin siya ng kaniyang asawa. Pak! Pak! Nayanig ang katawan niya ng salubungin siya ng mag asawang sampal ni Daxton. Nanakit ang mga panga niya sa sakit. May nalasahan siyang parang kalawang. Nang hawakan niya ang pang ibabang labi ay pumutok pala ito kaya dumugo. Balewala lamang iyon kay Daxton. Wala itong pakialqm kahit duguan na siya. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Maya-maya ay hinablot nito ng malakas ang buhok niya kaya napangiwi siya sa tindi ng sakit. Mas matindi ang sakit niyon kaysa sa kirot ng labi niya na dumudugo pa rin hanggang ngayon. "Hindi ka talaga nagtatanda ano? Bakit ba pilit mo pa rin akong tinatakasan kahit alam mong mahahanap at mahahanap din kita?" "Ayoko sa'yo, ayoko na sa bahay na 'to! Hayaan mo na akong umalis. Ayaw mo ba no'n kapag wala na ako sa buhay mo magagawa mo na ang lahat ng gusto mo? Makakapambabae ka kahit ilan pa." "You stupid!" lalong diniinan ni Daxton ang pagkakasabunot sa buhok niya. "Sa tingin mo hindi ko ba nagagawa ang mga 'yan kahit nandito ka sa tabi ko? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi kita pakakawalan kahit kailan. Talagang inuubos mo ang pasensiya ko! Halika!" Hinila nito ang buhok niya, dahil sa sakit ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang dito, kung magmamatigas siya ay talaga namang hihiwalay na ang buhok niya sa kaniyang anit. "Te-teka, saan mo ako dadalhin?" tanong niya sa asawa. "Sa kulungan mo, saan pa ba? Dahil hindi ka nagtatanda ay tuturuan kita ng matinding leksiyon." Sa wakas ay binitwan na rin nito ang buhok niya ngunit hinawakan naman siya nito ng mahigpit sa braso at kinaladkad. Sa pagtataka niya ay hindi sila umakyat ng hagdan, hindi nila tinungo ang guest room na dating pinagkulungan sa kaniya nito. Nagtungo sila sa likod bahay kung saan naroon ang bodega. Ipinasok siya nito sa loob niyon. "Daxton, bakit dito mo ako dinala?" "Because you deserve it! Do you think after what you'be done to me ay magbubuhay prinsesa ka pa rin? Simula ngayon d'yan ka na makukulong at hindi ka makakaalis diyan hangga't hindi ka tumitino." "Daxton, huwag mo 'kong iwan dito, pakiusap!" pagsusumamo niya. "Daxton, please!" Hindi siya pinansin ng kaniyang asawa, hinawakan nito ang pinto at pilit na sinasara ngunit pinigilan niya iyon sa abot ng kaniyang makakaya. "Ayoko dito... please! Hindi ko na uulutin ang ginawa ko, susundin ko lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong ikulong dito," pakiusap niya sa pagitan ng pag iyak. "Sa tingi mo ba mapapatawad kita ng ganu'n lang kadali? Magdusa ka muna d'yan, sinabi ko na sa'yo, hangga't hindi ka nagtitino ay hindi ka makakalaya!" Itinulak siya nang malakas ni Daxton dahilan para mabitawan niya ang pinto, tumama ang likod niya sa estante, napaupo siya sa sahig dahil sa sakit. Sinamantala iyon ni Daxton para tuluyan na nitong maisara ang pinto. Buhat sa labas ay ni-lock nito ang pinto. Nagmamadali naman siyang tumayo kahit masakit ang kaniyang likod sa pag asang mahahabol pa niya ang pagsara niyon. Tinungo niya ang pinto at hinila iyon ngunit sa malas ay hindi niya mabuksan. Tuluyan ng naisara ito ni Daxton. Nanlulumong napaupo na lamang siya sa sahig at nag iiyak. Halos kalahating minuto siya sa ganuong posisyon at walang tigil sa kaiiyak, hanggang sa nagsawa na lang siya. Tumayo siya at pinahid ng palad ang luha na nagkalat na sa kaniyang pisngi. Nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay wala siyang nakita kung hindi ang tambak ng mga kasangkapan na maaayos pa naman ngunit hindi na nila ginagamit. Walang higaan, walang kahit na ano na pwede niyang mapagpahingahan. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya ikukulong ni Daxton sa lugar na iyon. Malinis naman ang bodega, hindi gaanong maalikabok ngunit nakaramdam pa rin siya ng takot. Paano kung may daga sa loob nito o kaya ay may ahas na nakapasok at naninirahan na sa bodega na iyon? Delikado siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Natatakot siya sa maaring mangyari kapag sumapit na ang gabi. Tumingala siya para alamin kung may ilaw ba sa lugar na iyon? May nakita siyang dalawa kaya hinanap niya ang switch. Nakita naman niya iyon malapit sa pinto, sinubukan niyang pindutin ang isang switch ngunit walang ilaw na sumindi, kaya ang isa pang switch ang pinindot niya at bumukas naman iyon kaya lang ay kukurap-kurap na para bang ano mang oras ay pwede ng mapundi. Lalo siyang nakaramdam ng takot. Pakiramdam niya ay nag iisa na lamang siya sa mundo, wala ng katapusan ang paghihirap niya kay Daxton. Lumipas ang maraming oras, walang pumupunta na kahit sino man para dalhan siya ng pagkain. Gutom na gutom na siya, ang huli pa niyang kain ay noong gabi bago sila pumunta ng bar ni Daxton. Kumakalam at nangangasim na ang kaniyang sikmura. Parang naghahanap ng mainit na kape ang kaniyang lalamunan. Naupo siya sa sahig doon sa bakantemg espasyo malayo sa tambak ng mga gamit. Naghintay siya, umasa siya na may darating para maghatid sa kaniya ng pagkain ngunit bigo siya. Hindi niya alam kung anong oras na, kung maliwanag pa ba o gabi na. Nakakapagod at nakakainip ang maghintay sa wala. Nakatulog na lamang siya ng nakaupo at nakayakap sa kaniyang mga tuhod. Mainit sa lugar dahil kahit electricfan ay wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD