"I heard from Cloud that you don't have a girlfriend now," sabi ni Justin. Nagsalin ito ng alak sa kaniyang baso at mabilis na tinungga iyon pagkatapos ay ang baso naman ni Cayden ang sinalinan nito.
Gaya ng kanilang plinano ay nasa isang sikat na bar ang magpipinsan ngayon at nag iinuman.
Napakunot ang noo ni Cayden. "Kailan sinabi sa'yo ng magaling kong kapatid 'yan?" tanong niya.
"Earlier, while we were waiting for you at the restaurant, Cloud called and asked if you went to our office. He mentioned that you and your doctor girlfriend have already broken up." Si Dave ang sumagot sa tanong na iyon ni Cayden.
Napakamot ng ulo ang binata, kahit talaga kailan ay hindi mapagkakatiwalaan na pagtaguan ng sikreto ang pasaway niyang kapatid.
"It's okay, sa una lang 'yan masakit, makakalimutan mo rin. Ngayong malaya ka na, bakit hindi mo subukan na makipagkilala sa iba? Maraming magagandang babae sa bar na ito, may mga sinasabi sa buhay at well educated. Gusto mo ba ipakilala kita sa isa sa kanila?" nanunudyong tanong ni Justin.
Mabilis na umiling si Cayden. "No, I'm not interested," tanggi niya.
"You're not interested in any other girls except for Hannah, right?" ani Dave. "She seem so important to you, pumunta ka sa office para ipagtanong siya kay Daddy pati na sa amin. Come on tell us, who is that Hannah in your life?" dagdag na tanong pa nito.
Saglit na natahimik ang binata, tiningnan niya ang mga pinsan at pagkatapos ay bumaling sa hawak niyang baso, pinaikot-ikot ang laman na pulang likido sa loob niyon bago tinungga.
"Ahhhh—" bulalas niya matapos lagukin ang alak ay dama niya ang pait nito na gumuguhit sa kaniyang lalamunan.
Ang mga pinsan niya ay tahimik lang na nakatingin sa kaniya at naghihintay sa kasagutan niya.
"Hannah is my long lost friend. I saw her at the party and I want to see her again," pag aamin niya sa mga ito.
"Oh, she really is important to you. I hope you will find her soon," may simpatiyang sabi ni Justin.
"Teka! Long lost friend nga lang ba talaga? Baka naman long lost girlfriend," may himig panunudyo na sabi ni Dave.
Alanganing napangiti si Cayden.
"Hannah is my first love, whom I still haven't forgotten until now. I thought I was over her, but when I saw her again, my feelings for her came back. It's difficult to explain because I am also confused, considering the fact that I just came out of a serious relationship."
"There's no problem in your case, you are free to love because you're not in a relationship anymore. The question is, is Hannah still free like you? As you mentioned, it has been a long time since you last saw each other. Many things have changed, and a lot of things has happened too."
Hindi nakaimik si Cayden sa sinabing iyon ni Justin na halos kapareho rin ng sinabi sa kaniya ni Cloud. Napaisip tuloy siya na baka nga kaya hindi na interesado si Hannah na kausapin siya at umiiwas ito sa kaniya ay dahil committed na ito sa iba.
Habang nag uusap ang tatlo ay hindi nila alam na may mga matang kanina pa nakamasid sa kanila. Sa 'di kalayuang lamesa ay nakapwesto ang kambal na sina Mindy at Lizzy. Pagdating pa lang ng magpipinsan sa loob ng bar ay naagaw na agad ng pansin nila ang gwapong si Cayden.
"Nakita ko na ang man of my dreams, my husband to be. Napakaguwapo talaga niya! Sis, tawagan mo si Mommy, sabihin mo ipagawa na niya ako ng wedding gown, dahil ikakasal na ako," eksaheradang sabi ni Lizzy na kinikilig pa habang nakapangalumbaba na nakaharap sa table nila Cayden at pinagmamasdan ang binata na hindi naman siya pansin.
Bumusangot ang mukha ni Mindy, umangat pa ang kaliwang kilay nito, "Excuse me, hindi ka magugustuhan ng lalaking 'yon dahil para sa akin lang siya. Tanggapin mo na kasi na mas maganda ako sa'yo," pambubuska nito sa kapatid.
"Ah talaga lang, ha! Tigilan mo ako Mindy, bakit ba lahat na lang ng gusto ko gusto mo rin? Pwede ba mag iba ka naman ng taste lalo na pagdating sa lalaki, hindi 'yong gaya-gaya ka sa akin," inis na sabi ni Lizzy.
"Excuse me, hindi ako ang gaya-gaya kung hindi ikaw, ako kaya ang unang nakakita sa kaniya."
"Bakit, porke't ikaw ang unang nakakita sa'yo na? Walang rules na ganu'n. May the best girl win, hindi naman ako basta na lang maggi-give way sa'yo dahil lang sa kapatid kita at mas matanda ka sa akin. Let him decide kung sino ang mas bet niya sa ating dalawa huwag 'yung nag-aassume ka agad. Huwag ganun, sis!"
"Tsh! Sino ba ang asumera sa ating dalawa 'di ba ikaw naman? May sinasabi ka pa d'yan na tawagan ko si Mommy at sabihin na magpagawa na ng wedding gown para sa'yo," pang aasar ni Mindy.
"Huh! Bakit, totoo naman. Pakakasalan ako ng lalaking 'yon by hook or by crook.
itaga mo 'yan sa bato. Ngayon lang ako nakakita ng gan'yang ka-perfect na lalaki. Nasa kaniya na lahat ng hinahanap ko. Matangkad, maganda ang katawan at higit sa lahat napakagwapo, palalampasin ko pa ba? Ang sarap sigurong gumising sa umaga na siya ang laging nakikita," parang nangangarap pa na sabi ni Lizzy.
Umismid si Mindy. "Sorry ka girl, hindi ko siya hahayaang mapunta sa'yo dahil akin lang siya!" sabi nito na hindi talaga magpapatalo sa kapatid. Sa lahat ng bagay ay laging nagtatalo ang mga ito, higit lalo pagdating sa lalaki. Ilang beses na bang nangyari na nagkaroon sila ng alitan dahil sa iisang lalaki lang?
Nag ambahan ng suntok ang dalawa ngunit hindi naman ng mga ito itinuloy.
"Sige suntukin mo 'ko, mas pabor 'yon sa akin. Playing victim ako para maawa sa akin 'yung poging lalaki at i-save ako from you, tapos ikaw naman magiging masama sa paningin niya."
Binawi ni Mindy ang kamay, nadala siya sa pananakot na iyon ng kapatid. "Let me show you kung sino talaga sa atin ang magugustuhan ng lalaking 'yon," paghahamon nito at tumayo sa kaniyang upuan, sisimulan na sana nitong humakbang kaya lang ay hinatak ni Lizzy ang kamay niya kaya napigilan siya nito sa pag-alis.
"Teka, saan ka pupunta at ano ang gagawin mo?" nag-aalalang tanong niya sa kapatid.
Tiningnan naman siya nito ng makahulugan sabay ngisi. "Doon sa kabilang table, mas masaya do'n kaysa rito, boring kang kasama."
"Huh! Ang lakas ng loob mo, bakit kilala mo ba siya?"
"Hindi, makikilala pa lang. Wala akong mapapala kung hindi ako kikilos at titigan lang siya mula rito na kagaya mo. I will make my move for him to know that I exist. Beside, nakita mo naman na siguro kung sino ang mga kasama niya 'di ba? Justin and Dave Leviste ang mga kasosyo ni Dad at Kuya Daxton sa negosyo. Madali lang sa akin 'to, just watch and learn from the expert," may pagmamalaking sabi ni Mindy.
"Hoy, akin siya, huwag mong angkinin," ani Lizzy na hindi pinapakawalan ang braso ng kapatid.
"Let me go! How can you say that he's yours? Bakit nabili mo na ba siya?" Pilit na binabawi nito kamay sa kapatid.
"Hindi kita pakakawalan, dalawa tayong lalapit," anito tumayo na rin at pinaunang maglakad ang kapatid ngunit hindi niya ginawang bitawan ito. Hanggang sa makarating sila sa table ng tatlong lalaki ay naghahatakan pa rin sila at nagtutulakan kaya ang nangyari ay na-out of balance si Mindy at nahatak naman niya si Lizzy, pareho silang sumubsob sa lamesa ng mga ito.
"Aayyy!" sabay na sigaw ng magkapatid.
Nagulat ang tatlo sa pagbagsak ng kambal sa harapan nila. Napatayo si Cayden dahil nahulog ang bote ng alak at tumapon ang laman niyon sa suot niyang pantalon, nabasa ang binti niya.
"Huh! Naku, sorry, pasensiya na hindi namin sinasadya," hiyang-hiyang sabi ni Lizzy. Hindi ito makatingin ng diretso sa magpipinsan. Kinurot naman ni Mindy ang tagiliran niya dahilan para mapakislot siya.
"Look at what you've done. It's so embarrassing. Napakaharot mo kasi!" paninisi nito sa kapatid, kung hindi naman kasi siya tinulak nitong si Lizzy ay hindi sila masusubsob sa lamesa ng magpipinsan.
"We're very sorry, I hope you will not get mad at us. We'll make it up to you, we will be the ones to pay for those, and we will also replace your drinks with new ones," sabi ni Mindy.
Nagnunot ang noo ni Dave nang makilala kung sino ang mga babaeng iyon na bigla na lang sumulpot sa harapan nila. Ang kambal na anak ng kasosyo nila sa negosyo na si Mr. Robert Guillebeaux.
I don't think it's a good idea for you to replace our drinks with new ones. We were just trying to finish what we have, and it wasn't our intention to get drunk since all of us still need to drive home," sabi ni Justin.
"Oh, Cayden, nabasa ka pala." Napansin ni Dave si Cayden ng pagpagin nito ang suot niyang pantalon na nabasa ng alak.
"Yeah, my pants is wet," dismayadong sabi ni Cayden.
"Naku, mister, sorry talaga, pupunasan ko na lang," presinta ni Lizzy, kumuha ito ng maraming tissue sa lamesa at akmang ipupunas iyon sa pantalon ni Cayden ngunit iniwas ng binata ang binti niya rito.
"No thanks, I can take care of myself. If you'll excuse me I need to go to the restroom." Hindi na niya hinintay na makasagot ang kaniyang mga kasama. Lumakad siya para tunguhin ang banyo at linisin ang sarili.
Sa dami ng juice at medyo may karamihan na ring nainom na alak ay nakaramdam na ng uhaw si Hannah.
"Can I go to the restroom, honey? I need to pee," pabulong na sabi ni Hannah sa kaniyang asawa.
Dahil hindi maiwan ni Daxton ang mga kaibigan kaya pinayagan na lang niya si Hannah na magbanyo mag-isa, tiwala naman siyang hindi siya tatakasan nito.
Sa pagtayo ni Hannah ay nakaramdam siya ng hilo, tinamaan na siya ng alak na ininom niya ngunit sinikap niya paring maglakad ng maayos para makapunta sa patutunguhan niya, habang naglalakad ay napapakapit na lang siya sa mga upuan na nadaraanan niya.
Samantalang ang kambal na sina Lizzy at Mindy ay walang ginawa kung hindi ang magsisihan. Naging palpak ang sana ay pagpapakilala nila kay Cayden. Hindi rin naman sila pinansin ng magpinsang Justin at Dave kaya lulugo-lugong bumalik na lamang sila sa kanilang lamesa.
Medyo matapang ang amoy ng alak sa pantalon ni Cayden ngunit nabawasan naman iyon kahit na papaano ng basain niya at punasan. Palabas na siya ng restroom ng may pamilyar na mukha siyang nakita na palabas din ng restroom ng mga babae. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya ng makita si Hannah. Hindi niya mapaniwalaan na makikita niya ito sa lugar na iyon. Nahalata niya ang pagiging lasing nito dahil hindi na diretso kung lumakad at iba na ang kinikilos, ngumingiti itong mag-isa at kumakanta. Kahit gustong-gusto niyang lapitan ito at kausapin ay hinayaan lamang niya itong maglakad. Nakasunod lamang siya sa likuran nito.
Natutuwa siyang pakinggan ang magandang boses nito habang kumakanta kahit na hindi naman nito siniseryoso at kung minsan ay nakakalimutan pa nga nito ang lyrics. Napapangiti na lamang siya sa likuran nito. Kahit na mapagmasdan lamang niya ito buhat sa malayo ay natutuwa na siya.
Nakuha niyang dumistansiya rito dahil naalala niya ang sinabi ng pinsang si Justin. Paano nga kung committed na si Hannah? Baka kapag nilapitan niya ito ay may bigla na lang sumulpot na lalaki sa harapan nila at magpakilalang boyfriend nito. Tiningnan muna niya ang sitwasyon. Nanatili lamang siyang nakasunod kay Hannah. Ang akala niya ay may mga kasama ito at nagbanyo lang, nagulat na lang siya dahil ang tinatahak nito ay papunta na sa exit door.
Naglagay siya ng malayo-layong distansiya sa pagitan nila kaya lang ay hindi na niya nasunod ang distansiya na iyon ng tuluyan ng makalabas si Hannah sa loob ng bar. Bumilis na ang mga hakbang nito na tila ba nagmamadali kahit na pasuray-suray.
Hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi lapitan ito ng bigla na lamang itong mapatid sa nakausling semento. Bago pa ito matumba at mawalan ng balanse ay mabilis pa sa alas kuwatro na naagapan niya itong masalo.
"Huh! Ca-Cayden," gulat na sabi ni Hannah. Nang iangat niya ang mukha niya para lingunin kung sino ang taong sumalo sa kaniya ay nagulat siya ng makita ang kaniyang kababata.
"Hannah, where are you going? Bakit hindi ka nag-iingat?" may halong pag-aalala na sabi ni Cayden.
Kumapit si Hannah sa bisig ng binata at dumiretso ng tayo. Inabot niya ang mukha nito at hinaplos.
"Ikaw nga si Cayden!" sabi niya sabay ngiti.
"Yes, It's me, Cayden? Saan ka pupunta?" tanong niya rito.
"Doon sa malayo, tatakas ako," wala sa sariling sagot ni Hannah sabay sinok.
Nangunot ang noo ni Cayden.
"Huh! Bakit ka tatakas at saka sino ang tatakasan mo?" tanong niya.
"Tatakasan ko ang mga impokritong tao do'n sa loob. Ayoko na, sawa na akong makipagplastikan!" ani Hannah.
"So where are you going now?" alanganing tanong ni Cayden. Alam niyang lasing lang ito kaya ganu'n magsalita.
"Kahit saan!" sabi nito, bumitiw sa pagkakakapit kay Cayden at lumakad ng pasuray-suray kaya sinundan uli ito ng binata.
Hinawakan niya ito sa braso para pigilan na lumakad.
"Halika na, ihahatid na kita sa inyo," aniya rito.
Tiningala siya ni Hannah. "No... ayokong umuwi, dalhin mo ako kahit saan huwag mo lang akong iuwi sa amin," mariing sabi niya.
Naguguluhang tinitigan ito ni Cayden. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung tama nga bang isama niya ito sa kaniya o ihatid sa bahay nito.
"Halika na umalis na tayo, baka dumating na si Mang Pablo," nagmamadaling hinatak nito si Cayden.
"Sinong Mang Pablo?" kunot noong tanong nito.
"Yung driver namin," sagot naman ni Hannah.
"Let's go! Where is your car?" Hinatak ni Hannah si Cayden.
Wala naman nagawa ang binata kung hindi ang sundin na lamang ang gusto nito. Dinukot niya ang susi ng sasakyan sa bulsa ng kaniyang pantalon at pinindot ang remote key. Tumunog ang puting convertible sports car.
Napangiti si Hannah, binitawan nito si Cayden at parang batang nagmamadali at excited na tinungo ang sasakyan.
"Halika na, buksan mo ang pinto," utos nito sa binata, nasa harapan na siya ngayon ng sasakyan nito.
Sinunod naman ni Cayden ang utos nito, pinagbuksan niya ng pinto si Hannah at mabilis naman itong pumasok sa loob. Nang masiguradong maayos na ang pagkakaupo nito ay isinara na niya ang pinto at gumiya patungo sa drivers seat.
"Where do you want to go?" tanong niya kay Hannah.
Wala siyang narinig na sagot buhat dito kaya nilingon niya ito. Napangiti siya ng makita na nakatulog na pala ito. Nagtataka siya dahil ang bilis nitong nakatulog, kanina lang ay liksi-liksi pa nito.
Ang totoo ay naghalo na ang kalasingan at antok kay Hannah kaya doble ang hilo niya kanina pa. Kaya nga siya umalis sa bar dahil gustong-gusto na niyang matulog.
Bago paandarin ang sasakyan ay sinuotan muna ni Cayden ng seatbelt si Hannah para masigurado niya ang kaligtasan nito habang bumibyahe sila. Habang nagmamaneho ay panay ang lingon niya kay Hannah. Hindi niya mapaniwalaan na kasama niya ito ngayon.
Natutuwa siyang pagmasdan ito habang natutulog.