Chapter 18- Ang Pinakamagandang Desisyon•

1512 Words
Noon pa man ay libangan na ni Lara ang magtanim ng mga halaman, kaya naman pinagawan siya ng kaniyang asawang si Draco ng malaking garden sa kanilang malawak na lupain. Abala siya sa pagdidilig ng mga halaman at pagtatanggal ng mga tuyong dahon dito. Marami-rami na rin ang mga alaga niya, ang iba ay bigay lang ng kaniyang mga kaibigan na ngayon ay napalaki na niya at naparami. Sa sobrang abala niya ay hindi niya alam na dumating pala ang kaniyang anak na si Cayden. Pagtapak na pagtapak ng binata sa loob ng kanilang bahay ay ang ina agad ang kaniyang hinanap. "Where is Mom?" tanong niya sa unang taong nabungaran niya sa loob. "Huh! Si-Sir Cayden!" nabiglang sabi ng mayordoma ng mga Frio na si Tinay. Labis ang pagtataka na mababakas sa mukha nito ng makita ang kaniyang amo. Wala pang isang buwan simula ng umalis ito at bumalik ng Madrid buhat sa pagbabakasyon nito sa Pilipinas, kaya ipinagtaka ng kasambahay kung bakit bumalik ito kaagad? Nasanay sila na isang beses lang sa isang taon kung umuwi ang binata, minsan nga ay umaabot pa ng dalawa o tatlong taon bago ito makauwi kaya labis ang pagtataka ng mayordoma. "Nasaan si Mommy?" Inulit ni Cayden ang kaniyang sinabi dahil hindi nito sinagot ang taanong niya. "Ah, Sir, nasa garden po si Ma'am Lara." "How about Dad and my sister Briella?" "Si Sir Draco po ay nasa opisina, si Ma'am Briella naman ay pumasok sa school." "Oh, okay, pakiakyat na lang po ang mga gamit ko sa kwarto ko at pupuntahan ko muna si Mommy sa garden." "Sige Sir, ako na po'ng bahala rito." Masigla ang mga hakbang na tinungo ni Cayden ang kinaroroonan ng kaniyang ina, excited na siyang makita ito. Nadatnan niya ito sa garden na abalang-abala kaya naman may naisip siyang pilyong gawin para mapansin nito. Habang naglalakad palapit dito ay may nadaanan siyang mga tulips, ang gaganda ng mga bulaklak nito kaya naingganyo siyang pumitas ng tatlo bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakatalikod ang posisyon ng kaniyang ina kaya hindi siya nito nakikita, lalo pa at tahimik lamang siya at iniiwasan na makagawa ng ingay para hindi nito mapansin na may iba pang tao sa garden bukod sa kaniya. Tumikhim muna si Cayden bago nagsalita. "Delivery po para kay Mrs. Lara Frio, nand'yan po ba siya?" Sinadya niyang baguhin ang tono ng kaniyang boses para hindi siya agad makilala ng ina. Napatayo sa gulat si Lara nang may marinig na nagsalita sa kaniyang likuran. Labis ang pagtataka niya kung paanong may nakapasok na ibang tao sa loob ng kanilang bakuran samantalang may mga gwardiya sila? Sa labas pa lang ng gate ay haharangin na ito at itatanong ang pakay. Hindi naman basta-basta nagpapapasok ang kanilang guwardiya ng kung sino-sino nang hindi nila ipinag uutos. Pumihit siya paharap sa taong nagsalita para lang mas lalo pang magulat. Napaawang ang bibig niya ng makita ang pinakamamahal na anak. "Ca-Cayden, ikaw ba 'yan anak?" alanganing tanong nito. "Yes, it's me, Mom," masayang tugon ng binata. "Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip?" tanong na naman ng ginang, hindi siya kumbinsido, baka kasi namamalikmata lang siya at mali talaga ang kaniyang nakikita. Imposible naman kasing bumalik kaagad ang kaniyang anak samantalang wala pang isang buwan simula ng umalis ito. "You're not dreaming, Mom. I'm back and this time it's for good," seryosong sabi ni Cayden, titig na titig ito sa kaniyang ina. "Cayden... totoo nga, ikaw nga ang anak ko!" Dali-daling tinanggal ni Lara ang suot na gwantes sa magkabilang kamay at sinugod ng yakap ang anak. "I'm so happy to see you again, Mom. I miss you so much!" anang binata na gumanti rin ng yakap sa kaniyang ina. "Hindi mo lang alam kung gaano ako nangungulila sa'yo, anak. Sa araw-araw lagi kitang naiisip. Iniisip ko kung kamusta ka na ba? Nakakakain ka ba ng maayos? Malusog ba ang katawan mo? Kung masaya ka ba at walang pinoproblema? Lahat ng iyon ay iniisip ko anak at sa araw-araw ay wala akong ibang hiniling kung hindi ang bumalik ka na sa amin. Gustong-gusto ka na naming makasama pero ayaw naming hadlangan ang mga pangarap mo, kaya kung saan ka masaya ay nakasuporta lang kami sa'yo. Kung nasa Madrid at sa paglalaro ng soccer ang kaligayahan mo ay maligaya na rin kami para sa'yo,"ani Lara. Matagal na niyang kinikimkim ang damdaming iyon. Bilang isang ina ay wala naman siyang hangad kung hindi ang kaligayahan at kabutihan ng kaniyang anak. Proud na proud siya rito at sa mga narating na nito sa buhay sa batang edad. Ngunit, sa tuwing umuuwi ang anak at babalik muli sa Madrid ay gustong-gusto niya itong pigilan at huwag ng pabalikin pa. Masakit sa damdamin niya na mapapalayo ito sa kaniya at matagal na panahon na naman silang hindi magkikita. "Don't worry, Mom, hindi mo na ako mami-miss ng sobra dahil lagi na ako sa tabi mo. Siya nga pala flowers for you." Ibinigay na rin ng binata ang bulaklak na kanina pa niya hawak-hawak. "Hala! Bakit mo pinitas ang mga alaga ko?!" gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Lara. Bumaling pa ito ng tingin sa anak. Napakamot ng ulo si Cayden at alanganing napangiti. Alam niyang may kasalanan siya sa ina, mahal na mahal nito ang mga alaga niya at ayaw nitong may sumisira sa mga ito. "I'm sorry, Mom, natuwa lang ako sa kanila. Promise hindi ko na uulitin," anito sabay taas ng kanang kamay na tila ba nanunumpa. Natuwa naman si Lara sa ginawing iyon ng kaniyang anak. "Your Dad and Briella will be so happy to see you. What made you decide to go back? Totoo ba ang sinabi mo na for good ka na rito?" Tumango si Cayden. "Yes, Mom. I've talked to my coach and our manager. I told them that I want to take a break. I want to rest from playing soccer. I know my body will miss it, but in time, I'll get used to it not being a part of my life anymore." "Pero ang paalam mo ay magpapahinga ka lang sa paglalaro? Babalik ka pa rin 'di ba?" "No, Mom. I've decided to quit. I just said I would take a break, but I won't be returning. My contract with them is already finished. I won't be renewing it anymore, even if there are higher offers. Even the other company wants to recruit me, I'm not interested. I want to help you and Dad in running our own company and businesses. I know Dad has too much workload and is losing time with you. I want to take charge so that he can have some rest and you both can have time for each other." Masyadong na-overwhelmed si Lara sa pinakitang concern at pagmamahal sa kanila ng kaniyang anak kaya naman hindi niya mapigilan ang mapaiyak sa labis na tuwa. "Huh! Why are you crying, Mom?" takang tanong ni Cayden sa ina. Bigla siyang nag-alala para rito. "Wala anak, masaya lang ako. Masayang-masaya," tugon ni Lara, nakangiti ito ngunit hindi pa rin napapawi ang luha sa mga mata kaya naman masuyong pinahid ni Cayden iyon ng kaniyang palad. "Stop crying. Everything will gonna be okay now!" Tumango si Lara. "Your Dad and your sister need to know this beautiful news, anak. Tatawagan ko sila para maaga silang umuwi. Let's celebrate kumain tayo sa labas. Magpahinga ka muna alam kong pagod ka sa flight mo. Nagugutom ka ba, gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?" "Thanks, Mom but I'm full. Siguro nga kailangan ko munang magpahinga para pagdating nila Dad ay nakapag-recharge na ako at makalabas tayo." "Sige anak, umakyat ka na muna sa silid mo. Malinis 'yon, araw-araw kong pinalilinis kahit wala ka." "Okay, Mom. See you later." Habang naglalakad si Cayden pabalik sa kanilang bahay ay sinusundan lamang ito ng tingin ni Lara. Masayang-masaya ang puso niya habang tinatanaw ang anak. Ngayon ay sigurado na siya na hindi na ito mawawalay sa piling nila. Nang mawala na sa paningin niya ito ay ipinagpatuloy niyang muli ang kaniyang ginagawa. Sa pagkakataong iyon ay minadali na niyang matapos dahil tatawagan pa niya ang kaniyang asawa at ipapaalam dito ang pagdating ng kanilang anak. Hindi na siya makapaghintay na makumpleto ang kaniyang pamilya. Naisip niya rin na tawagan si Cloud para makasama nila ito sa dinner. Matagal na panahon na rin na hindi sila nakukumpleto, ito na ang tamang panahon para ipunin niya ang kaniyang mga anak at magharap-harap sila sa hapunan. Marami silang dapat na pag usapan bilang isang pamilya. Napangiti siya. Napakadali ng panahon, parang kailan lang ay maliliit pa ang mga anak nila ngayon ay may sari-sarili na itong buhay. Hindi niyq lubos na mapaniwalaan na ang mga pangarap lamang niya noon ay mangyayari na ngayon. Katulad ng kaniyang inaasahan ng tawagan niya ang kaniyang mag-ama at ipaalam sa mga ito ang sorpresang pagdating ni Cayden ay na-excite ang mga ito at gusto nang magsipag uwi. Maswerteng si Cloud ay hindi busy ng araw na iyon kaya agad pumayag nang sabihin niya rito ang plano nilang mag-dinner na pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD