Chapter 9

1151 Words

Alas kwatro palang ay tumutulong na siyang maggayat ng mga sahog para sa kaldereta. Naabutan sila ni Bebang na kalalabas lang ng eskwelahan.             “Wow! Ang daming laman ng ref! Ang daming chocolate! Ate Nadielyn, ikaw ang bumili ng mga ito?” halos manlaki ang mga matang tanong nito kaya natawa siya.             “Oo. Gusto mo?”             “Siyempre, pahingi, ah?” anito at dumampot ng chocolate doon.             “Hoy Bebang para kang sano diyan. Mamaya ka na kumain niyan at baka mawalan ka ng gana,” saway ni Yaya Menang.             “Kailan pa po ba ako nawalan ng gana? Uubusin ko pa rin lahat ng lulutuin niyo kahit kumain ako nitong chocolate.”             “Ay siya ikaw na nga ang bahala.”             “Ano’ng grade ka na ba?” naisipan niyang itanong.             “Grade 5! At

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD