bc

Babysitting The Runaway Señorita

book_age16+
1.3K
FOLLOW
3.7K
READ
others
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
witty
enimies to lovers
self discover
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Babysitting The Runaway Señorita

Ayaw ni Nadielyn sa ideya na muling magpakasal ang ina sa ibang lalak matapos mamatay ang kanyang ama. Kaya pinapili niya ito. Siya o ang bagong lalaki sa buhay nito. Mistulang nagtengang kawali lang ito sa kondisyon niya dahil nagpakasal pa rin ito. Sa sobrang sama ng loob ay napilitan siyang maglayas.

Napadpad siya sa poder ng dati niyang yaya. Bagong mundo ang sumalubong sa kanya dahil malayo iyon sa marangyang pamumuhay na nakasanayan niya. Hindi niya alam kung paano makiayon lalo na at makakasama niya sa iisang bubong ang anak nitong ubod ng antipatiko na si Danilo Imperial. Ang masungit na binata. Uubra kaya ang katarayan niya lalo na kung sa kagwapuhan at malagkit na titig palang nito ay tumitiklop na siya? Nagagawa nitong utusan siyang maglaba! Magluto! At kung anu-ano pa. Pero may isang bagay na kahit hindi nito iutos ay nangyari na. Napapatibok ng antipatikong binata ang puso niya…

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1-Señorita             “Do you really need to marry each other?” hindi maiwasang tanong ni Nadielyn sa Ina.             “Anak, you should understand. I love him,” malumanay na sagot naman nito kahit bakas sa mukha ng dalaga ang pagkadisgusto sa mukha niya.             “I don’t like him! No one can replace my father!” prangkang sagot niya sa Ina na ikinagulat nito. Noon lamang kasi siya naging bokal sa nararamdaman niya sa relasiyon ng mga ito.             Napailing na lang ang Mommy niya at lumabas ng silid. ~*~*~*~*~*~             Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang hitsura ng magandang mukha ni Nadielyn Mijares ng umagang iyon, matapos alalahanin ang naging takbo ng usapan nila ng Ina kagabi. Talagang isinusumpa niya ang araw na ito. Nakatitig siya sa salamin na nasa tokador at panay ang isip kung paano mapipigil ang nakatakdang maganap sa araw na iyon. Pinahid niya ang luhang naglandas sa kanyang makinis na pisngi.             “Nadie, hija ikakasal ang Mommy mo, hindi ililibing. Tama na ‘yang iyak mo at mabubura ang make-up mo. Sige ka, papanget ka niyan,” pabirong puna ni Nana Menang, ang yaya niya.             “Bakit kasi kailangan pa niyang magpakasal? Pwede namang boyfriend na lang, ah? Feeling ko tuloy hindi niya talaga minahal si Papa.”             “Ano ka ba? Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Saksi ako sa pagmamahalan ng Mommy at Daddy mo. Intindihin mo na lang. Tutal naman, eh, bente uno anyos ka na. Malawak na dapat ang pang-unawa mo. Siguro kay Sir Vic lang talaga niya nakita ang muling makakapagpapasaya sa puso niya,” tukoy nito sa soon-to-be step father niya.             “Wala pang halos tatlong taong namamatay si Dad magpapakasal na kaagad siya? Tapos a year ago lang niya naging boyfriend ang lalaking ‘yon at ngayon magpapakasal na? Tapos yaya gusto mong maintindihan ko? Paano na kapag nagkaanak na sila? Eh, di etsa-pwera na talaga ko? Saling pusa!” hindi mapigilang himutok at litanya pa rin ng dalaga.             Talaga naman kasing nakakasama ng loob. Gumawa pa siya ng paraan para lang ‘wag matuloy ang kasal pero useless din. Pinapili niya kasi ang ina. Siya o ang lalaking sa tingin niya’y panggulo lamang sa relasiyon nilang mag-ina. Nagkasagutan lamang sila at nagkasamaan pa ng loob.             Sa huli ito pa rin ang nasunod. Itinuloy ng mga ito ang kasal at nakatakdang maganap iyon ngayong araw na ito.             “Naku, eh, paano ba ito? Parang hindi pa kita maiiwan ngayong araw na ito, ah? Ganyang masama ang loob mo, eh, hindi rin ako mapapakali pag-uwi ko doon sa amin.”             Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Magreretiro na kasi ito bilang Yaya niya. Ito na ang nag-alaga sa kanya sapul pagkabata pa lang siya, kaya naman malapit ang loob niya sa matanda. Itinuturing niya itong pangalawang magulang.             Kapwa kasi abala sa negosiyo ang mga magulang kaya humanap ang mga ito nang makakatuwang sa pagpapalaki sa kanya. Kadalasan pa nga kapag may mga meetings sa school ito ang umaattend para sa kanya.             Talaga namang doble-doble ang hinagpis na nararamdaman niya. Mawawalan na nga siya ng ina, mawawala pa rin ang yaya niya.             “Yaya ‘wag ka na kasing umalis. Baka pwede mong ipagpaliban?” pakiusap niya.             “Eh, kung pwede nga lang ba. Kaso iyong anak kong binata nakaluwas na papunta rito. Baka pagkatapos ng kasal nandito na iyon para sunduin ako. Malayo pa ang pinanggalingan n’on, alangan namang hindi ako sumama ‘di ba?”             “Pa’no ‘yan, hindi na ba tayo magkikita? Paano na ko?”             “Ineng, kailangan mo nang masanay na wala ako sa tabi mo. Panahon na para ibuka mo ang mga pakpak mo at lumipad ng mag-isa.”             “Yaya naman, ano’ng lilipad at pakpak? Ano ko ibon o aswang?”             “Hay naku! Ikaw talaga. Pilosopa. Mamimiss ko ang kakulitan mo. Magpapakabait ka ha?”             “Yaya ‘wag ka na kasing umalis. Please?” pakiusap niya at niyakap pa ito sa braso sabay hilig sa balikat nito.             “Nadie, anak hindi na ako bumabata. Ang gusto nga ng anak ko huminto na ako sa pagtatrabaho at magrelax na lang, lalo pa nga at madalas na rin akong magkasakit. Hindi nga ba at pinaospital niyo pa ako dahil sa sakit kong altapresiyon? Isa pa kailangan ko ring magbawi sa mga oras na hindi ko nakasama ang nag-iisang anak ko.”             Napayuko siya. Naiintindihan naman niya kung bakit kailangan na nitong umalis. Takot na takot nga siya nang magcollapse ito sa harap niya. Kaya siguro panahon na rin para magretiro ito. Halos sa kanya na kasi nito ibinuhos ang buong buhay nito. Panahon na para makasama nito ang tunay nitong pamilya.             “Pero kasi mamimiss kita, eh.”             “Pwede mo naman akong dalawin kapag may oras ka. Hamo’t ibibigay ko sa’yo ang address ko do’n sa probinsiya.”             “Sige na nga po. Mas importante naman ang kalusugan niyo kaysa dito sa pag-i-emote ko. I love you!” pagpayag niya rin.             “Naku salamat naman at naunawaan mo. Mahal din kita. O siya halika na at baka malate na tayo sa kasal ng Mommy mo.”             Napasimangot na naman ang dalaga. Pero kahit naman pahabain pa niya ang nguso hanggang sahig para lang ipabatid sa ina ang pagkadisgusto niya sa magaganap na kasal, wala na naman siyang magagawa.             Buong oras ng kasal hanggang sa reception ay nakasimangot talaga si Nadie. Sa garden pa naman ng bahay nila ang venue. Hindi niya talaga matake na nagpakasal ang ina sa ibang lalaki. Para sa kanya ay wala ng makakapantay sa namayapa niyang ama na namatay dahil sa sakit na cancer.             Mayaman nga sila at maraming salapi pero hindi pa rin naisalba ng mga iyon ang buhay ng ama. Only child at Daddy’s girl siya kaya naman napakasakit para sa kanya na nawala ito. Pakiramdam niya mag-isa na siya. Lalo pa ngayon na ikinasal na ang Mommy niya.             “Hey, tawa ka naman diyan!” kulbit sa kanya ni Bryle. Ang manliligaw niya.             Katabi niya ito sa Presedential table dahil ito rin ang kapareha niya sa hilera ng mga abay. Matagal na itong nanliligaw sa kanya. Kaklase at barkada niya rin ito noong college pa lang sila, pero lately lang nagkalakas ng loob na magtapat sa kanya.             Gwapo at galing din sa mayamang pamilya ang binata pero tingin kaibigan lang talaga ang meron siya para dito. Platonic. No more. No less. May kung ilang ulit na rin niyang itinalampak sa mukha nito na wala itong mapapala sa kanya, pero likas na makulit ang binata. Wala pa kasi sa isip niya ang pumasok sa isang relasiyon. Kung ang sarili nga niya minsan ay hindi niya maihandle, relasiyon pa kaya?             “Paano naman ako tatawa? May nakakatawa ba?” nayayamot niyang tugon.             “Ayaw mo ba niyan, nakatagpo na ng bagong happiness ang Mommy mo?”             “Happiness? Bakit ako ba hindi niya happiness? Napakaselfish niya. Hindi man lang niya ko inisip!”             “Nadie, don’t be so childish. Intindihin mo naman si Tita Cindy,” anito kaya napaangat ang kilay niya.             “Childish? Ako? You know what, if you have nothing nice to say just keep your mouth shut! Hindi ka naman nakakatulong sa nararamdaman ko. Wala kang alam!” asik niya rito.             Nagdadabog na tumayo na rin siya paalis. Hindi niya rin kasi matagalang makita ang mga bagong kasal. Nandoong magsubuan ng cake ang mga ito. Magpingkian ng baso at maghalikan sa tuwing bahagyang ihahampas ng mga bisita ang kubyertos sa mga baso nila.             Hinawakan niya ang laylayan ng peach gown at nagtungo sa sala. Pahinamad na naupo siya sa mahaba at malambot na sofa. Pinunasan niya ang luhang kumawala na naman sa kanyang mga mata. Abalang-abala ang mga kasambahay nila sa pag-i-estima ng mga bisita.  Nakita niya si Nana Menang na palapit sa kanya. May bitbit itong maleta kaya napatayo siya. “A-Are you leaving?” garalgal ang tinig na tanong niya. Malungkot itong ngumiti at pinahid ang luha niya saka marahang hinagod ang likuran niya. Napansin din niyang may namumuong luha sa mga mata nito. “Nandiyan na ang anak ko sa labas. Nakapagpaalam na ko sa Mommy mo. Magpapakabait ka, ha? Kapag may problema o nalulungkot ka tawagan mo ko. Nandito nga pala ang address ko sa probinsiya. Isinulat ko na diyan pati ang landmark. Dalawin mo ko kapag may oras ka,” anito at may inaabot sa kanyang nakatuping papel kaya kinuha niya iyon.             “Y-Yaya naman, eh! Mamimiss kita…” halos humagulhol na niyang sabi at saka niya ito niyakap nang mahigpit.             Nang kapwa mahimasmasan ay kumalas na siya mula sa pagkakayapos sa mabait na matanda.             “Ihahatid ko na po kayo,” prisinta niya at kinuha dito ang may kalakihang maleta.             “Yaya bakit naman ganito ang maleta niyo? Parang yari pa sa kahoy? Luma na, ah? Di ba ibinibigay ko na sa inyo iyong isa kong maleta?” puna niya dahil may kabigatan iyon kumpara sa mga modernong maleta ngayon.             “Ay naku hindi ko pwedeng itapon iyan, pamana pa sa akin ng yumao kong Inang ‘yan sa akin. Ginamit ko rin naman itong maletang bigay mo, ito, oh,” at ipinakita nito sa kanya ang maletang de gulong na hila nito.             Nang makalabas sila sa gate ay nakita niya ang isang lalaking nakasandal sa unahan ng isang owner type jeep na nakaparada sa tapat ng gate nila. Nakatalikod ito sa gawi nila kaya hindi niya makita ang mukha nito.             “Danilo, anak!” tawag ni Yaya Menang kaya napalingon ang lalaki.              Ewan ni Nadie pero para siyang nahipnotismo dahil eksaktong paglingon nito ay saka naman humangin at parang naging slow motion ang kilos nito habang papalapit sa kanila. Nakangiti ito at animo pati mata nitong may pagkachinito ay nakangiti din.             Ipinilig niya ang ulo para maiiwas ang tingin dito. Nakalapit na ito sa kanila at halatang masayang lumapit ito sa ina saka yumakap pagkatapos magmano. Ngayon lang niya nakita ang anak ng Yaya niya. Hindi kalabisang sabihin na gwapo ito.             “Nadie, ito nga pala ang anak ko. Si Dan,” pakilala ng matanda sa anak.             Noon lang niya ulit ito sinulyapan. Matangkad na lalaki pala ito. Sa tantiya ay nasa anim na talampakan ang taas nito o baka nga higit pa. Maganda ang tindig. Papasang modelo. Fair ang kulay ng kutis. Matangos ang ilong at katamtaman lang ang kapal ng kilay. At ang mga mata nito na kulay tsokolate na animo may pagkamisteryo kung makatingin.             “Anak ito ang alaga kong si Nadie,” pakilala naman nito sa kanya.             Bahagya lang tumango ang lalaki sa kanya kaya naman nag-alangan siya kung ngingitian ba ito o ano? Iniabot niya rito ang maletang bitbit at kinuha naman nito iyon sa kanya. Hindi sinasadyang napadikit ang dulo ng daliri nito sa kamay niya kaya napabitaw siya. Animo kinuryente siya dahil sa init na hatid ng daliri nito. Weird.             “Aray!” reklamo nito dahil bumagsak sa paanan nito ang mabigat na maleta.             Halos mapatalon pa ito sa sakit.             “Sorry,” walang latoy na paumanhin niya. Wala kasi siya sa mood dahil sa sitwasiyon niya.             “Iyon lang?” reklamo nito kaya narinig niya ng malinaw ang baritonong tinig nito.             “Bakit? Hindi ko naman sinasadya, eh. Kung gusto mo bagsakan mo rin ako ng maleta sa paa para parehas tayong may patay na kuko kung sakali.”             Nakita niyang napatiim bagang ito at sinamaan siya ng tingin.             “O tama na ‘yan. Nagsorry naman si Nadie, anak. Halika na baka abutan pa tayo ng dilim sa daan.” tila natensiyon na ani ni Yaya Menang.             Isinakay na ng lalaki sa likod ng owner ang maleta. Muli siyang hinarap ni Nana Menang.             “O paano, aalis na kami. Mag-ingat ka rito. Mahal ka ng yaya.”             “S-Sige po, salamat sa lahat. Lab you po Yaya!” saka sila nagyakapan muli.             Ngumiti ito at hinalikan siya sa pisngi. Nagkasulyapan pa sila ng anak nitong lalaki bago ito sumakay. Kinawayan pa niya ang Yaya niya nang umandar na ang sasakyan ng mga ito. Napuno ng lungkot ang puso niya nang mawala ang mga ito sa paningin niya.             Muli siyang bumaling sa bahay at napabungtong-hininga. Kailangan na niya talagang harapin ang buhay ng wala ang yaya niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
49.4K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.2K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
77.2K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
60.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.5K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
32.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook