Chapter 10

1531 Words

"Ahhh!" sabay na sigaw ni Nadielyn at Bebang kaya napatakip ng tenga si Danilo. "Hoy! Kung makaagak kayo diyan, daig niyo pa ang kinakatay na baboy. Kababaeng mga tao‘y kalalakas ng bibig!" asar na sita ng binata kaya napalingon si Nadielyn na nakasalampak ng upo sa sahig sa sala. Inirapan niya ito. Tuwing gabi ay iyon ang bonding nila ni Bebang at si Danilo ang tagasaway. "Eh, sa nakakatakot! Mapapasigaw talaga kami!" sagot niya sa binata. "Gandang rason. Ipaliwanag mo ‘yan sa kapit-bahay kapag nakabulahaw ka. Kasagsagan ng gabi, saka niyo naisipang manood ng katatakutan? Tapos mag-aagakan kayo? Parang timang," naiiling na sagot ng supladong binata habang inaayos ang unan sa mahabang sofa. Mukhang matutulog na ito. Simula kasi nang dumating siya sa bahay na iyon ay ang kwarto na nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD