Chapter 7

1024 Words

“Nadie, saan ka pupunta?” gulat na tanong ni Menang.             “Aalis na po. Maghahanap na lang siguro ako ng apartelle o lodge diyan sa mga kalapit bayan. Meron naman siguro. Halata namang hindi ako welcome dito. It’s better for me to leave,” parungit ng dalaga at inirapan pa ang binatang masungit.             Napatiim bagang naman si Danilo.             “Mag-usap nga tayo,” seryosong sabi ng binata sa kanya.             “What for? It’s very evident that you don’t want me here.”             “Pag sinabi kong mag-usap tayo, mag-uusap tayo.”             “Makautos. Akala ko tuloy ako lang ang demanding?”             “Upo,” turo ni Danilo sa halip na patulan ang sinabi niya.             “Tsk!” napilitan  siyang maupo sa upuan sa sala. Naupo naman ito sa katapatang upuan.            

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD