Chapter 14

1566 Words
Napamulat bigla ng mata si Igo ng maramdamang may kamay na nakapatong sa may tiyan niya malapit sa may pusod. Halos mapaiktad pa siya ng gumalaw iyon. Pigil hiningang hinawakan ni Igo ang kamay ng malikot niyang katabi. Halos alas tres na ng madaling araw ng dalawin siya ng antok. Pero ngayon ay alas kwatro pa lang ng madaling araw, ay nagising na siya sa kalikutan ng ni Shey. Hindi naman ganito matulog si Shey pagnakikita niyang natutulog itong mag-isa. Kung ano ang pwesto nito pagbinibisita niya bago siya matulog, ay halos ganoon pa rin pagpapasok siya ng kwarto niya para kumuha ng damit pagmaliligo na siya. Kanina ay nakaunan ito sa kamay niya ng matulog. Ngayon ay sa may braso na niya ito nakaunan at kapit tukong nakayakap sa kanya. Kung hindi lang niya nahagip ang kamay nitong naglalakabay kung saan. Baka nga kung saan na nga iyon nakarating. "Ano po ba itong pinasok ko? Lumaki man po akong mag-isa at namuhay ng mag-isa pero naging mabuti naman ako. Bakit kung kailan nasa tamang pag-iisip ako. Parang sinusubukan ng alien na ito ang pasensya ko?" Piping reklamo ni Igo ng akmang ilalayo na ang kamay ni Shey sa tiyan niya ng bigla nitong higitin ang kamay at umayos pa ng pagkakayakap sa kanya. "Pambihira." Nasambit na lang niya at naghintay pa siya ng ilang minuto. Nang masigurong tulog na tulog pa talaga ito, ay mabilis na siyang bumangon. Inayos na lang ni Igo pagkakahiga ni Shey at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Nagtuloy na lang muna siya sa banyo para maligo. "Masarap talagang maligo sa madaling araw." Puna pa niya pagkabuhos ng isang tabo ng malamig na tubig. Matapos maligo ay, bumili na rin siya ng pandesal sa tindahan, pati na rin ng kape. Habang nagkakape ay sinimulan na niyang magluto. Nagsalang muna siya ng kanin. Bago sinimulang gayatin ng maliliit ang sitaw na nabili pa niya noong nakaraang araw. Kahit hindi na ganoong kasariwa, ay masarap pa din iyon sa lutong gagawin niya. Iginisa niya iyon. Nang maluto na ay inihanda na niya ang itlog. Tapos ay inilagay ang niluto niyang sitaw. Madilim pa ng magising si Shey. Napansin niyang wala na siyang katabi. Kaya naman nagmadali siyang bumangon. Una niyang hinanap si Igo. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan niya ng makita si Igo na nasa kusina at nagluluto. Mabilis niya itong tinakbo at niyakap. Natigilan naman si Igo ng maramdaman ang pagyakap ni Shey at ang pagsubsob nito sa kanyang likod. "Akala ko, iniwan mo na ako. Natatakot talaga akong mag-isa." Pag-amin niya. "Saan naman ako pupunta ay bahay ko ito? Baka nga isang araw, ikaw na lang ang biglang mawala. Dahil hindi ka naman talaga dito nakatira, maalala mo na hindi naman pala talaga ganito ang buhay na nakasanayan mo." Wika ni Igo na hindi malaman ni Shey kung tama ba ang nararamdaman niyang iyon sa tono ng pananalita ni Igo. Pakiramdam niya ay malulungkot ito ng sobra, kung sakaling umalis na siya sa poder nito. Sa totoo ganoon din naman siya. Hindi niya akalaing magiging masaya siya na tumira sa maliit na bahay. Makisalamuha sa ibang tao. Makipagkaibigan sa mga kargador sa palengke. Higit sa lahat kumain ng mga pagkaing noon lang niya nakita. Lalo na ang mga green leafy vegetables na ipinapatikim sa kanya ni Igo. "Hindi naman ako basta-basta aalis. Pagtiwalaan mo ako. Salamat ulit sa pagkupkop mo sa akin dito." Nakangiting wika ni Shey na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Igo. "Oo na lang. Ay s'ya bitaw na. Luto na rin ang kanin. May binili akong pandesal. Tapos na rin akong magluto ng ulam natin. Kain na tayo." Ani Igo kaya bumitaw na si Shey sa pagkakayakap dito. Naupo na lang siya sa isang silya at hinintay na makapaghayin si Igo. Namamangha naman siya sa ulam na nakahayin sa lamesa. Lalo na at hindi siya pamilyar sa pagkaing iyon, pero masasabi niyang mukhang masarap at mabango. "Anong tawag dito?" Tanong ni Shey sabay turo sa ulam na niluto ni Igo. "Ah, ayan ba? Tortang sitaw. Hindi ka naman kasi mapakain ng gulay, kaya ayan ang naisipan kong gawin. Masarap iyan, lalo na at mainit ang kanin. Masarap din iyang ilagay sa pandesal, tapos lalagyan mo ng catsup at mayonaise. Trust me. Kailangan mong kumain ng gulay para lumakas ka. Kung iisipin mong masarap, makakasanayan mo ring kainin iyan." Nakangiting sagot pa ni Igo at pinagsandukan na siya nito ng kanin at nilagyan na siya ng kapirasong tortang sitaw. Nilagyan din iyon ni Igo ng catsup para mas masarap. Bigla namang tumayo si Igo at nasundan pa iyon ni Shey ng tingin. Nagtimpla pala ito ulit ng kape para dito at para sa kanya. Pikit matang tinigman ni Shey ang tortang sitaw na simasabi ni Igo. May tiwala naman siya dito. Iyon nga lang ay sa sarili niya siya walang tiwala. Naniniwala lang siya sa mga kinakain niya kung luto talaga ni Yaya Lourdes niya. Iyon nga lang at hindi niya ito kasama ngayon. Isa pa malaki talaga ang tiwala niya kay Igo. Na kahit papaano ay nakakatikim na siya ng gulay na luto nito. Una na nga ang laing. Napamulat naman si Shey ng lumapat sa dila niya ang ulam. "Hmmm. It's taste goods and you know what? It's like a patty without beef. Parang masarap nga ito sa pandesal tulad ng sinasabi mo. Gagawin ko iyon mamaya. Sa ngayon ay kakainin ko muna siya kasama ng kanin." Ani Shey at masayang nilalantakan ang pagkaing binigay ni Igo. Napangiti naman si Igo. Alam niya sa sarili niyang masarap ang luto niya. Pero talagang sa lagay ni Shey, hindi niya akalaing magugustuhan nito ng ganoon ang tortang sitaw. "Masarap?" Tanong ni Igo. "Yes and I like it." "Sa sunod ipapatikim ko pa sayo ang ibang gulay na pwedeng gawing torta. Para kahit papaano matutulo kang kumain ng gulay. Sa katunayan, need ng katawan natin ng gulay. Para maging malakas ang pangagatawan mo. Kaya nga nagtataka ako. Kung saang planeta ka galing at hindi mo iyon alam. Kaya naman hanggat kasama mo ako. Hanggat nandito ka sa poder ko. Matuto kang kainin ang mga inihahayin ko sayo. Maliwanag?" Tango lang ang naging sagot ni Shey. Pakiramdam kasi niya sa mga oras na iyon ay para siyang anak na pinapagalitan ng tatay niya. "Yes po." "Maka yes po ka naman. Pinagmukha mo naman akong tatay mo." "Hindi ah. Kahit naman parang ganoon nga ang pakiramdam ko. Pero gusto mo bang maging tatay ng mga anak ko?" Walang prenong tanong ni Shey. Kaya naman hindi napigilan ni Igo na masamid. Hindi naman malaman ni Shey kung ano ang gagawin lalo na at parang hindi makahinga si Igo dahil sa pag-ubo. "What happened to you Igo? Bakit ka nagkakaganyan? How can I help you? Igo naman eh." Natatarandang tanong ni Shey na hindi malaman ang gagawin. "Tubig, abutan mo lang kaya ako ng tubig kay sa magpakataranta ka dyan!" Utos ni Igo kaya naman mabilis na tumalima si Shey. Kinuha niya kaagad ng isang pitchel ng malamig na tubig na nakapatong sa ibabaw ng mesa at isang baso na mabilis niyang sinalinan ng tubig, at iniabot kay Igo. Habol hininga naman si Igo, matapos maibsan ang pagkakasamid na nadarama. "Ano bang nagyayari sayo at bigla kang nagkaganoon?" Inosenteng tanong ni Shey, na animo ay walang sinabing kung ano sa kanya. Ipinagpatuloy lang ni Shey ang pagkain, habang hinihintay ay sagot ni Igo. "Hindi mo talaga alam?" Tanong ni Igo an iling lang ang sagot nito sa kanya. "Para ka lang nagtatanong ng, anong ulam, sa mga tanong mo at parang hindi ka man lang nag-iisip." May diin sa tono ni Igo na ikinatigil ni Shey sa pagkain at humarap sa kanya. "Wala namang masama sa tanong ko. Isa pa sa ulam, tama naman na tinanong ko kung ano ang ulam na ito at sinabi mong tortang sitaw. Sinabi ko ding masarap. Bakit ka naman nasamid? Anong kinalaman noon ay ang tagal ko ng tanong at nasagot mo na rin bago ka pa nasamid." Depensa ni Shey sa sinabi ni Igo. Napahilot na lang talaga si Igo ng ulo. "Bakit ka ba ganyan? Para na akong magkakasakit pag-ikaw ang kasama ko. Hindi naman ako nasamid ng dahil doon. Nagulat lang talaga ako doon sa sinabi mo about doon sa. Doon sa huli mong sinabi." "So? Doon ba sa gusto mong maging tatay ng mga anak ko? Ayaw mo ba? Single ka naman di ba? Unless may gusto ka talaga kay Chellay at ayaw mo sa akin." Nakangusong sagot ni Shey kay Igo. "Alam mo ba iyang sinasabi mo? Ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin, na pag-isinubo mo at nainitan ka iluluwa mo bigla kasi napaso ka." Paliwanag ni Igo. "Hala, bakit naman ako magsusubo ng mainit na kanin. Di napaso nga ako. Syempre hihipan ko muna ang kanin bago ko isubo ng hindi ako mapaso, para hindi ko mailuwa." Nakangiting sagot ni Shey, na hilot noong ikinailing na lang ni Igo. "Kumain ka na nga lang." Ani Igo at mabilis na ikinatango ni Shey. "Thank you pala sa pagkain. Nakalimutan ko ng sabihin kanina." Anito. "Kahit papaano nasa kalendaryo pa ang edad ko. Pero bakit sa mga oras na ito pakiramdam ko nasa seventy na ang edad ko." Reklamong bulong ni Igo. Habang nakatingin sa kaharap. "Sana po ay matagalan ko pa ang mga pinagsasasabi ng alien na 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD