Chapter 13

1623 Words
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng magising ni Shey. Nag-iwas pa siya ng tingin kay Igo dahil nahihiya siya sa nangyari. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong agad ni Igo ng mapansing gising na siya. Nakita din niya doon sina Cy at Jose. "Sorry, hindi ko naman akalain na magkakaganito ako. Naging pabigat na ako sayo. Pati pagpapaospital ko." Nahihiyang sambit ni Shey. "Kung anu-ano iyang naiisip mo. Wag mong alalaahin ang gastos. Mahalaga ay nasa maayos ka ng kalagayan." Nakangiti pang wika ni Igo. "Salamat. Pero sorry talaga.." "Wala iyon. Ano ka ba? Nasa poder kita, kaya dapat alagaan kita. Allergy ka daw sa manì? Sabi kasi ni dok, mabuti na lang at naagapan." Ani Igo ng mapatitig siya dito. "May peanut ba doon sa ulam na dala ni Chellay? Hindi ko kasi alam. Sorry." Nagbaba ng tingin si Shey. Hindi naman kasi niya talaga alam na may peanut ang ulam na iyon. "Ayos lang wala kang maalala di ba? Kaya sure na pati ang allergy mo ay nakalimutan mo rin." Sagot ni Igo. Nahihiya man pero nakahinga ng maluwag si Shey. Oo nga at nagsisinungaling siya sa kalagayan niya. Pero sa totoo hindi niya alam na may peanut ang ulam na dala ni Chellay. Masarap iyon kaya niya nakain, pero hindi niya alam na manì pala iyong matamis at masarap niyang nalalasahan. "Sorry ulit. Pero wag mong sasabihin kay Chellay na masarap nga siyang magluto. Kasi ang bagay na iyon ay hindi ko pa kayang gawin." Pag-amin ni Shey kaya ginulo na lang ni Igo ang buhok niya. Natawa na lang din si Cy at Jose na nagpaalam na sila na ang magtutungo sa billing para naman makalabas na si Shey at makauwi na sila. Naalala pa nga ni Cy ang beer na dala nila. Dahil maayos na naman si Shey, at nabili na ang injection na sinasabi ni dok ay tuloy na daw ang inuman nila. Hindi naman magpapakalasing chill lang talaga. Sinalubong agad sila ni Chellay pagkarating nila. Hindi pa rin pala ito umuuwi, mula ng umalis sila kanina. "Anong nangyari? Kumusta?" Tanong nito kay Igo na mabilis namang naipulupot ang mga kamay sa braso nito. "Si Shey ang naospital hindi ako. Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Igo. "Nag-aalala kasi ako. Kaya hinintay ko na umuwi kayo. O kahit sina Cy or Jose. Mas mabuti na lang at nakauwi na kayong lahat." Ani Chellay pero kay Igo pa rin ang atensyon. Si Shey naman ay nakababa na ng tricycle ng alalayan ito ni Jose. Hindi na kasi nagawang alalayan ni Igo ng lapitan ito ni Chellay at lingkisin ang mga braso. "Naku Chellay mga moves mo. Ayos naman si Igo kahit si Shey ang naospital." Sabat ni Cy. "Wala bang masakit sayo? Okay ka lang talaga?" Nag-aalala tanong ni Chellay kay Igo at hindi pinansin ang sinabi ni Cy. "Papasok na ako sa loob." Ani Shey, ng aalalayan sana ito ni Igo, pero hinigit ni Chellay ang huli. "Hay naku Chellay." Naibulalas na lang ni Igo at sinundan na lang ng tingin si Shey na papasok sa loob ng bahay habang alalay ni Jose. Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Jose, inihatid lang naman nito Shey sa bungad ng kwarto ni Igo. Lumabas din si Cy na galing sa kusina bitbit ang beer na dala nito kanina, at ang mga sitsirya. "Ituloy na natin ito. Hindi naman tayo magpapakalasing, lalo na at may babantayin si Igo. Chill lamg tayo. Nag-alala lang talaga tayong lahat kanina." Ani Cy habang inilalagay sa maliit na mesa ang mga beer at mga pulutan nila. Naupo naman si Jose sa isang silya nanandoon. "Ano bang nangyari kay Shey, at nagkaganoon?" Mataray na tanong ni Chellay sabay kuha ng isang beer. "Oi Chellay bawal sayo ang alak." Puna ni Cy. "Isa lang naman." "Isa lang talaga." Sagot ni Igo. "Balik ako. Anong nangyari sa babae na iyon?" Tanong ulit ni Chellay. "Allergy sa manì, naubos pa naman ang kare-kare na binigay ko sa kanya. Kaya ayon ang nangyari. Mabuti na lang naagapan." Sagot ni Igo. "Ang arte naman n'ya. Hindi ba niya alam na may manì iyon. Kare-kare nga di ba?" Inis na wika ni Chellay. "Hindi nga noon alam. Bago lang sa kanya ang mga pagkaing iyon, kaya hindi niya alam ang mga sahog doon. Ngayon naman na alam na may allergy s'ya sa ganoong pagkain. Ingat na lang tayo." Ani Igo na kumuha na rin ng isang beer in can. "Sinisisi ba niya ako? Hindi ko naman alam iyon. Isa pa, niluto ko iyon para kay Igo. Kasalanan niya at kumain pa rin siya noon." Sabay irap. "Advance mong mag-isip. Wala ka namang narinig di ba? Sabi lang ni Shey nga dumating kami. Magpapahinga lang muna siya. Dami mong satsat. Ubusin mo na kaya iyan at umuwi ka na sa inyo. Moment namin itong tatlo eh. Minsan lang walang trabaho. Tapos abala ka pa dito." Pang-iinis pa ni Cy. "Tahimik lang kaya ako. At isa pa Cypher nagtatanong lang ako." Pagtataray pa si Chellay. "Si Jose ang tahimik. Hindi ikaw." Sagot ni Cy kaya natawa na lang si Igo. Madami pang tanong at reklamo si Chellay pero hindi na lang nila pinansin. Hinayaan na lang nila itong magsalita ng magsalita. "Nakakainis talaga kayong tatlo. Ipinaparamdam talaga ninyo sa aking hindi ako belong dito." Reklamo pa ni Chellay. Nagkibit balikat na lang si Igo habang wala namang komento ang dalawa sa sinabi ni Chellay. Nagtuloy na lang sila sa pag-iinuman at panay ang kwentuhan. Habang hindi na pinapansin si Chellay na panay pa rin ang lingkis kay Igo. "Last na natin itong isa pang can. Tago mo na lang Igo itong mga natira. Hindi naman tayo makakapag-inuman ng lasing talaga." Ani Cy sabay bungkos ng mga alak na nakalagay sa plastik. "Sige, balik ko na lang sa ref mamaya." Sagot ni Igo. "Ang sama inyong tatlo. Aalis na nga ako." Pagpaparinig pa talaga ni Chellay pero hindi na talaga pinansin ng tatlo. "Babalik na lang ako bukas Igo. Bye." Pagpapaalam ni Chellay. Sabay halik sa pisngi ni Igo. "Para-paraan talaga. Pero hindi naman siya ang magwawagi." Bulong pa ni Cy ng makatanggap ng panghahampas kay Chellay. "Pasmado talaga bibig mo Cy. Tsee. Makaalis na nga ako una ninyong nakilala. Tapos mas kampi pa kayo sa alien na iyon." Inis na sikmat ni Chellay bago tuluyang umalis. Napailing na lang si Igo sa sinabi ni Chellay. Napangiti pa siya ng maalala si Shey. Halos nasa isang oras na mula ng pumasok si Shey sa kwarto niya. Sa tingin niya ay nakatulog na ito. Nang maubos nila ang tig-iisa nilang can beer ay tumayo na rin sa pagkakaupo sina Cy at Jose. "Wag ka na lang pumasok bukas. Bantayan mo na lang muna si Shey. Kami na bahala kay manager." Ani Cy. Tinapik naman siya ni Jose. "Okay sige salamat. Ingat kayo. Gamitin na kaya ninyo ang tricycle ko pag-uwi. Gabi na rin naman. Wala pa kayong ilaw na dala." Ani Igo. "Salamat. Sige mauna na kami." Paalam ni Cy. "Hatid mo na rin si Jose baka paglakarin mo pa ang isang iyan." "Sus, kailan ko pa napaglakad ang tahimik na ito. Syempre ihahatid ko yan. Pag nagkaproblema tawagan mo lang kami ni Jose at pupuntahan ka namin kaagad." Bilin pa ni Cy bago tuluyang sumakay ng tricycle ang dalawa at umalis na. Niligpit lang ni Igo ang pinag-inuman nila, bago sinilip si Shey sa kwarto niya. Nakita niya itong nakakumot at natutulog na. "Good night Shey." Ani Igo at hinaplos pa ang pisngi ni Shey para maalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha nito. "Matulog ka lang ng maayos. Gisingin mo ako mamaya pag may kailangan ka ha." Pagkausp pa ni Igo kay Shey. Tingin kasi niya ay napakahimbing na ng tulog nito. "Igo." Wika ni Shey sabay huli sa kamay niya. "Bakit?" Gulat na tanong ni Igo. Akala talaga niya ay tulog na ito. Hindi niya akalaing gising pa si Shey. "Dito ka na lang matulog. Pakiramdam ko hindi ako makakatulog ng maayos after ng nangyari kanina." Pakiusap ni Shey. Ang totoo kasi, pagnalalagay siya sa ganoong sitwasyon, napupuno siya ng takot. Takot na baka hindi na siya magising. Kaya naman, sa loob ng isang linggo hanggang sa maging okay ang pakiramdam niya ay palagi niyang katabi si Yaya Lourdes sa pagtulog. Pero dahil walang Yaya Lourdes ngayon sa kanyang tabi. Wala siyang choice kundi makiusap kay Igo na samahan siya nito. "Anong ibig mong sabihin?" Naguhuluhang tanong ni Igo. "Natatakot akong baka hindi na ako magising." Totoong pag-amin niya. "Wala naman akong balak na masama. Gusto ko lang matulog ng may kasama. Please." Pakiusap pa ni Shey, kaya naman mas naguguluhan si Igo. "Dito ako matutulog sa tabi mo? Iyon ba ang nais mo?" Paglilinaw pa nito. "Oo sana. Please lang behave ako." Ani Shey at nakuha pang magpaawa kay Igo. Napahilot na lang si Igo ng noo sa kilos ni Shey. Wala na rin naman siyang choice lalo na at sa tingin niya ay natakot talaga ito ng sobra sa nangyari dito kanina. Napatingin na lang din si Igo sa bubungan ng bahay at napabuntong hininga. "Ikaw alam mo sa sarili mong behave ka. Paano naman ako. Anak talaga ng tokwa." Wika ni Igo sa isipan, at walang pagpipiliang nahiga sa tabi ni Shey. "Thank you Igo." Ani Shey at ipinikit na ang mga mata. At kinuha pa ang isang kamay ni Igo. Napatitig na lang si Igo sa pikit na si Shey habang nakaharap sa kanya, at hawak-hawak ang kamay niya. "Ibang klase talaga." Hindi mapigilang bulalas ni Igo sa isipan. "Please Po ako po sana ang payapain ninyo para makatulog." Dalangin ni Igo, habang naiiling sa walang ilang minuto, ay himbing na ang kanyang katabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD