Wala pang alas sais noon ng umaga pero tapos na silang kumain. Hindi na hinayaan ni Rodrigo na magsalita pa si Shey dahil pakiramdam niya, ay kung anu-ano na naman ang lalabas sa bibig nito.
Nakaupo si Shey sa may balkonahe sa labas ng bahay, doon nito itinuloy ang pagkakape, habang si Igo ang nagdayag matapos nilang kumain.
"Okay ka lang dito?" Tanong ni Igo matapos ang kanyang ginagawa.
"Uhmm." Sagot ni Shey habang tatango-tango. "Nga pala you don't have a work?" Ani Shey ng mapansin nitong mukhang hindi nagmamadali si Igo, ay alas sais na.
"Hindi na muna ako papasok. Samahan na lang daw muna kita. Si Cy at Jose na lang muna ang bahala. Dahil wala naman akong gagawin. Doon muna ako sa likod bahay. Bubungkalin ko ang isang plot ko doon para makapagtanim naman ako ng iba pang gulay." Sagot ni Igo at tuluyan ng lumabas ng bahay.
"Hey Igo. Sama ako sa likod." Tawag niya.
"Baka mainip ka lang doon."
"Mas nakakainip dito. Wala naman akong makausap ay nandyan ka naman."
"Sige na nga. Tara. Maupo ka lang doon ha. Ipagdadala kita ng upuan." Sagot ni Igo at binalikan ang isang mono block chair para may maupuan si Shey.
Pagdating nila sa may likod bahay, ay nakita ni Shey iyong mga rectangular nataniman na sinasabi ni Igo. Halos tuyot na ang mga halaman na nakatanim doon. Kaya naman pwede na nga ulit taniman.
Kumuna ng asarol si Igo na nakalagay sa tabi ng bahay nito. Napasunod naman ng tingin si Shey kay Igo ng bigla nitong hubarin ang suot na damit at isabit doon sa sampayan na nandoon. Kinuha naman ni Igo ang isang tuwalya at isinabit sa leeg nito.
Wala pang ginagawa si Igo pero napalunok na ng laway si Shey. Hindi niya maalis ang mga mata sa katawan nito. Perks of being kargador, na may workout na pagbubukal ng lupa. Kahit malakas kumain ay may disiplina sa sarili.
"Mas okay pa talagang modelo ang isang ito. Papasa pa ito sa mga local and international modeling." Ani Shey at hindi inaalis ang tingin kay Igo.
Napakunot noo naman si Igo ng maramdaman ang mainit na pagtitig sa kanya ng kasama. Kaya naman dahan-dahan niya itong tiningnan. Napangiti pa siya ng mahuli niya itong nakatulala sa kanya. Mali nakatulala sa katawan niya. Hindi man sa pagmamayabang, maganda naman kasi talaga ang katawan niya. Same with Cy and Jose. Oo nga at mahihirap lang sila, pero katawan lang naman ang maiipagmalaki nila. Kaya naman, iniingatan nila.
Being a healthy and fit person. Mas mapapadali sa kanila ang trabaho nila. Mahirap kumilos kung mataba ka, base na rin sa trabaho nila. Kaya naman mabilis silang kumilos at easy lang ang trabaho ng pagbubuhat dahil malakas ang pangangatawan nila and physically fit nga kung baga.
"Baka mamaya magulat ka na lang may langaw ng nakapasok sa bibig mo. Natulala ka na nga. Naiwan pang bukas ang bibig mo." Ani Igo na ikinagulat ni Shey. Kaya naman mabilis niyang naitikom ang bibig. Hindi naman niya inasahan na nakatulala at nakanganga na pala siya sa harapan ni Igo.
"Hindi ah. Hindi kaya ako natutula. And hindi kaya nakabukas ang bibig ko. Feeling ka naman." Inis na sagot ni Shey sabay irap.
"Anong hindi natutula? Hindi ka naman talaga natutula. Ano yan? Balagtasan? Natutulala iyon." Pagtatama ni Igo kay Shey. Napaisip naman ang huli, gusto man niyang sabihin na tama ang sinabi niya kaya lang baka mali na naman.
Huminga naman ng malalim si Shey bago muling nagsalita. "I'm not staring at you! Hmmmp. I can't compare you to the local and international models I see in magazines and television. Don't tell me the things I can't do! Okay! I'm not staring at you! Period." Paliwanag ni Shey kaya nailing na lang si Igo.
"Okay sinabi mo eh. Kinumpara pa nga ako. Pero hindi daw s'ya nakatitig ni nakatulala." Bulong ni Igo pero sinadya niyang marinig ni Shey.
"I can't say that!"
"Wala naman akong ibang sinabi ah. Maupo ka na lang dyan at wag kang makulit. Madami akong gagawin ngayong araw, susulitin ko ang walang trabaho. Hmmp." Ani Igo na ikinatahimik na lang ni Shey at pinanood na lang si Igo sa gagawin nito.
Nasa labing limang minuto na rin mula ng magsimula si Igo sa pag-aalis ng mga tuyong dahon at damo sa pagtataniman nito. Ngayon naman ay nagbubungkal na ito ng lupa gamit ang asarol. Tahimik lang na nanonood si Shey sa kanya.
Pawisan ang buong katawan at humihingal si Igo ng matapos malinis ang plot na iyon. Hindi naman iyon malaki ng sobra, pero hindi naman masasabing maliit. Kaya nakakapagod pa rin ang kanyang ginagawa.
Nakatayo lang si Igo at pinupunasan ang mukha ng puno ng pawis. Hindi naman niya napansin si Shey sa kinauupuan nito kanina dahil busy siya sa ginagawa. Napatingin pa siya sa pwesto nito. Pero wala na doon si Shey.
"Igo." Tawag ni Shey kaya napabaling siya kung nasaan ang huli. Mukhang galing ito sa loob ng bahay. May dala itong isang pitchel ng malamig na tubig at isang baso.
"Inom ka muna. Wala naman akong maiitulong sayo. Kaya naman kumuha na lang ako ng malamig na tubig. Nakita ko kasi na sobrang daming pawis ang lumalabas sa katawan mo. Kaya naman need mo ng tubig para hindi ka madehydrate." Paliwanag ni Shey, sabay abot ng baso na may lamang tubig.
"Thank you." Ani Igo na binigyan siya ni Shey ng napakaganda ngiti, bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Halos makatatlong baso ng malamig na tubig si Igo. Masyado nga siyang nauhaw dahil sa ginawa. Pero sulit ang pagod niya, dahil. Natigilan bigla si Igo ng maisip ang tinatakbo ng isipan niya.
Nakangiti si Shey sa kanya, habang inuubos niya ang tubig na nasa baso. Naririnig pa niya ang paliwanag nito sa kahalagahan ng tubig sa katawan, lalo na pagpinagpawisan ka. Kaya kailangan mong uminom para mapalitan iyong inilabas ng iyong katawan. Kaya lang sa boses nito at mga ngiti nito, hindi malaman ni Igo kung bakit ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso.
"Bakit ganoon?" Naguguluhan niyang sambit na hindi niya napansin na napalakas pala.
"Anong bakit ganoon?" Tanong ni Shey na hindi malaman ni Igo ang isasagot.
"Ah, eh. Ah wala. Naisip kong magtanim ng mais total malawak itong plot na nalinisan ko, kumakain ka ba noon?" Ani na lang ni Igo.
"You mean corn?"
"Oo."
"Yeah I love corn."
"Okay mais na lang ang itatanim ko. Kay sa naman bumili pa tayo ay panahon ng mais ngayon, iyon na lang ang itanim ko." Wika ni Igo at iniwan muna si Shey, at nagtugo sa mga lalagyan niya ng mga pananim.
Kinuha niya ang mga binhi ng mais. Tamang-tama lang ang dami noon sa kayang nilinisan at nabungkal na lupa.
"Maupo na ka muna itatanim ko muna ito."
Sumunod naman si Shey sa sinabi ni Igo. Nag-eenjoy siya sa panonood dito. Sa tingin niya ay madali lang iyon, kaya naman bigla siyang tumayo at lumapit kay Igo.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Igo, ng mapansing wala ding suot na tsinelas si Shey habang nasa loob ng plot na pinagtataniman niya.
"Anong ginagawa mo?"
"Para kasing ang dali lang ng ginagawa mo. Can I help you?"
"Mapapagod ka lang, madudumihan pa ang paa mo. Kaya ko na ito."
"Please Igo. I want to learn, how to plant corn. I think it's easy. And I expect I will enjoy it." Pakiusap pa ni Shey, kaya naman walang nagawa si Igo kundi ang hayaan na ito.
Itinuro ni Igo kung gaano kalayo sa isa't-isa ang tanim ng mga mais. Higit sa lahat ang bilang ng mga butil mais sa isang butas.
Nang masiguradong kaya na ni Shey ay hinayaan na niya ito. Ipinagpatuloy na lang din niya ang kanyang ginagawa. Natatawa pa si Igo at mukhang mapapabilis ang pagtatanim niya, lalo na at mukhang mabilis talagang matutuo si Shey.
Halos nasa kalahati na ng plot ang natataniman nila ng matigilan si Shey sa nakitang kung anong gumagapang sa kamay niya.
"Igo.... Igo...." halos maghabol hininga si Shey habang mahina ang boses na tinatawag si Igo. Hindi naman naririnig ng huli dahil halos pabulong lang iyon, at busy si Igo sa ginagawa.
Iniangat ni Shey ang kamay at dahan-dahan na tumayo, pero ang kung ano mang gumagapang sa kamay niya ay pataas ng pataas din sa braso niya.
"I-igo.. I-i-igoooooo!!!!" Sigaw ni Shey ng mataas ng talaga ang narating gumagapang sa kanya. Nagawa niyang ipagpag ang kamay at tumalsik pataas ang nilalang na iyon.
"Anong nangyari!?" Gulat na tanong ni Igo ng marinig ang sigaw ni Shey.
"May-may gumagapang sa kamay ko tapos.. Aaaahhh!!! Igo!!! I think it inside my dress. Igo nawala na s'ya sa kamay ko, pero pumatak sa loob ng damit ko! Igo!" Sigaw ni Shey na hindi na malaman ang gagawin.
Nabitawan na niya ang lalagyan ng binhi ng mais, at nagkalat na iyon sa lupa. Pero hindi pa rin niya malaman kung paano aalisin ang gumagapang na nasa loob ng damit niya.
Tumutulo na ang pawis at luha ni Shey sa sobrang takot. Hanggang sa wala siya choice kundi hubadin ang duster na suot.
Napalunok naman si Igo ng makita na naman sa ikalawang pagkakataon ang maputi at magandang katawan ni Shey.
"Igo nasa, nasa dibdib ko s'ya. Igo! Alisin mo please!" Umiiyak na wika ni Shey ng hindi naman malaman ni Igo ang gagawin.
Halos matuyuan naman si Igo ng laway sa iniuutos sa kanya ni Shey. Kaya lang kung hindi niya aalisin iyon, baka kung ano ang mangyari dito.
Lakas loob na iniangat ni Igo ang bra ni Shey para makuha ang gumagapang na sinasabi nito. Nakahinga naman ng maluwag si Igo ng makuha niya bagay na iyon.
"Tahan na, baka naman kanina nga may gumagapang, pero ugat lang ito ng kahoy." Ani Igo at ipinakita pa ang nakuha nito sa gitna ng dibdib niya. Tinubuan naman si Shey ng hiya, pero sa takot niya kanina. Baliwala ang hiya na nararamdaman niya ngayon.
"Sorry, at salamat." Ani Shey ng biglang dadamputin ang damit na nabitawan sa lupa, ng makakita na naman siya ang bulateng malapit sa may paahan niya.
"Igo!" Sigaw nito at hindi na namalayan ni Igo ang biglang pagsaklang ni Shey sa kanya. Ngayon ay naglalambitin ito na parang bata habang nakayakap ng mahigpit sa leeg niya.
"Wag mo akong bibitawan! Nasa paa ko s'ya kanina! Igo! Ayaw ko na dito! Igo!" Sigaw ni Shey habang umiiyak at walang tigil ang pag-iling at ang pagkapit ng mahigpit kay Igo.
Halos mag-init naman ang katawan ni Igo ng maramdaman na naman niya ang init ng katawan ni Shey. Naramdaman na niya noon ang katawan nito. Pero iba naman ang dating ngayon sa kanya.
"Relax Igo." Bulong niya sa isipan. Napangiti pa siya sa pwesto nila ngayon. Pagkakaiba lang noon. Gabi at nasa loob sila ng bahay. Habang ngayon ay maliwanag ang sikat ng araw.
Siya na half naked, si Shey na dalawang maliit na saplot lang ang suot habang buhat niya ito at dama ang init ng katawan ng isa't-isa. Hahakbang na sana si Igo para dalahin sa loob ng bahay si Shey ng magulat siya sa sinabi ng mapagbirong tinig.
"Pwede namang sa loob ng bahay ang milagro. Bakit dito?"