Prologue
"Daddy I don't want to get married! I'm only twenty three. Beside hindi naman ikakalugi ng company mo kung hindi ako magpakasal sa anak ng kompadre mo." Maarteng wika ni Shey sa ama.
"It's not about for our company hija. It's for your future. Gwapo, mayaman at tagapagmana ng airlines si Daniel Sarmiento. You know your Tito Danilo. Alam mo namang botong-boto sayo ang tito mo para kay Daniel. Isa pa, matagal ka ng sinusuyo ni Daniel."
"Dad, he is so mayabang. And I don't fall for him. He is so gwapo and I see it. Hindi ako bulag. But, there's a but dad. Sobrang yabang ng anak na iyon ni Tito Danilo. That's why, I can't see my future with him." Sagot niya sa ama.
"Pero anak, mabait si Daniel. Okay medyo may pagkamayabang nga ang batang iyon pero mahal ka niya."
"No dad! He is not in love with me. Gusto lang niya ako kasi, gusto niyang ipagyabang sa mga kaibigan niya, na ang girlfriend niya pagnagkataon ay ang anak ng may-ari ng Pagsinuhin Plantation. Na siyang nagsusupply ng mga prutas at gulay sa palengke at mga mall. Isa pa mayroon tayong matatag na kompanya na siyang gumagawa ng mga process fruits, juice, asukal at iba pa. Isa pa isa ang kompanya natin na gumagawa ng sikat na kape na tinatangkilik ng masa. Saan pa s'ya? Kaya no dad. I don't like him." Nakasimangot na sagot ni Shey sa ama.
"Ano naman ang sasabihin ko sa Tito Danilo mo? I want to secure your future. Kaya gusto ko si Daniel para sayo. Sila ang may-ari ng Sarmiento Airlines. Kung mayaman tayo anak, mas mayaman sila kaya naman alam kong mapupunta ka sa mabuting kamay. Kaya naman anak. Pumayag ka na. Kasi sa susunod na buwan. Idadaos ang engagement party ninyong dalawa." Mahabang pahayag ni Henry na hindi napigilan ni Shey na pagtaasan ng boses ang ama.
"Daddy! I don't! I don't! And I don't! Hindi ang tulad ng hambog na iyon ang mapapangasawa ko!"
"Shey Pagsinuhin!" Mataas na boses ng ama.
"Aminado akong maarte ako. Lahat ng gusto ko sa isang pitik lang nangyayari. Isang utos ko lang may gagawa para sa akin. Pero mas gusto ko pa ring magpakasal sa isang taong mamahalin ko, at mamahalin ako, sa kabila ng ugali ko. At hindi iyong para lang ipagmayabang kahit hindi ako mahal. It's a big no dad!" May diing pagtanggi niya sa ama.
"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa mga Sarmiento kung hindi ka papayag sa napagkasunduan namin ng tito mo. Ayaw kong mapahiya. Ganoon din siya. Sa ayaw at sa gusto itatakda ang ayaw ng engagement party ninyo ni Daniel!" Maawtoridad na wika ng kanyang ama.
"Mas gugustuhin ko pang maging asawa si Piping kay sa doon sa hambong na iyon!" Inis na wika ni Shey.
"And who's that Piping anak?" Napapaisip na tanong ng ama.
"Our gardener." Nakangising wika ni Shey, bago iniwan ang ama sa library.
"That brat!" Napahilot na lang si Henry sa kanyang noo sa katigasan ng ulo ng kanyang anak. Buhat kasi ng mawala ang mommy nito noong five years old ito ay hindi na niya natutukan ang anak. Kaya ang nangyari, ay lahat ng nais nito ay ibinibigay niya. Lahat ng gusto nito ay sinusunod niya. Kaya naman lumaki itong spoiled. Ngayon naman ay hindi niya mapasunod. Tumigas na ang ulo. Maarte pero mabait pa rin ang kanyang anak, at may puso sa mahihirap.
Pagkalabas naman ni Shey ng library ay dumiretso agad ito sa may pool. Nahiga muna siya sa lounge chair na nandoon. Tinawag din niya ang yaya niya at nagpatimpla siya ng orange juice.
"Anak ito na ang orange juice mo. Okay ka lang ba? Nag-away na naman ba kayo ng daddy mo?" Tanong ng Yaya Lourdes niya. Narinig kasi nito ang sagutan ng mag-ama.
Ang Yaya Lourdes na niya ang kinalakihan niya. Mula ng mawala ang mommy niya, ito na ang gumabay sa kanya, mabait ito at itinuring na rin siyang anak. Kaya naman pagnag-aaway sila ng daddy niya ay dito na siya nagsusumbong. Ito din ang mas nakakakilala sa kanya.
"Yes yaya. Inaaway ako ni daddy. Sabi ni daddy, next month daw ay engagement party na namin ng hambog na Daniel iyon. Ayaw ko nga sa kanya. And I'm too young para mag-asawa. You know what yaya. Puro lang naman kayabangan ang meron doon sa Daniel na iyon. And he is so babaero. Kung sa ugali din lang mabuti pa si Piping kay sa doon sa lalaking iyon." Nagmamaktol na wika ni Shey kaya naman natawa ang Yaya Lourdes niya.
Si Piping ang hardenero nila. Mabait ito at masipag. Iyon nga laang ay may kapansanan ito iika-ika itong maglakad, pero hindi naging hadlang ang kapansanan para makapagtrabaho ito ng maayos.
Tinawag naman ni Shey si Piping na nagdidilig ng halaman. Tanim iyon ng mommy niya. Na hanggang ngayon, pinapaalagaan ng daddy niya.
"Bakit po senyorita?" Magalang na bati dito ni Piping.
"Sumama ka sa akin Piping, magtanan tayo." Alok ni Shey dito, na siyang ikinaubo ng hardenero.
"Mahabaging Diyos ko po senyorita!" Sabay sign of the cross.
"Manang Lourdes, itakbo na ninyo si senyorita sa ospital. Mukhang nagdedeliryo na!" Dagdag pa ni Piping na siyang ikinatawa ng yaya niya.
"Aba Piping! Ang ganda ko naman para tanggihan mo!" Inis na wika ni Shey.
"Sa sobrang ganda mo senyorita, kaya nga ayaw kong lumapit sayo. Sa halip na sagutin ako ng Susan ay kaya na lang hindi ay baka magselos pa sa iyo."
"Ipagpapalit mo ako kay Susan?"
"Senyorita naman. Trabaho ang hanap ko kaya ako nandito. Malaman pa ng senyor iyang mga sinasabi mo, mapugutan pa ako ng ulo. Naku senyorita, padala ka ng ospital. Malala na yan." Payo pa ni Piping kaya naman lalo na siyang tinawanan ng yaya niya.
"Yaya, nireject ako ni Piping." Natatawang wika ni Shey, habang nakaturo sa sarili.
"Pasalamat ka hija, at mabuting tao si Piping. Paano kung masamang tao ang inalok mo niyan naiisip mo. Wag kang padalos-dalos anak."
"Kasi naman si daddy!" Reklamo ni Shey at hindi na napigilan ang maiyak. Naramdaman naman ni Yaya Lourdes ang lungkot ng alaga, kaya niyakap niya ito.
"Tahan na hija, malalampasan mo din ang problema mo. Nandito lang ako. Para sayo."
Matapos ang sagutan ng mag-ama ay hindi na rin sila nag-usap pa. Naging busy si Henry sa negosyo nila. Habang si Shey naman ay naging busy para sa sarili. Shopping, bar hopping, boy hunting. Yes naghahanap siya ng lalaking maiiharap sa daddy niya, para naman hindi matuloy ang engagement niya kay Daniel. Pero ilang araw na lang ang nakatakda nilang engagement ay hindi pa rin siya nakakahanap ng lalaking pwede niyang bayaran para naman magpanggap na boyfriend niya.
Hanggang sa lumipas ang mga araw, at ngayon ay nakaharap siya sa vanity mirror habang inaayusan ng make-up artist.
"Napakaganda mo madam." Wika nito matapos ayusin ang make-up niya.
"Maganda ka na kanila, mas lalo pa ngayon." Dagdag pa nito.
Napangiti na lang si Shey pero hindi niya nagawang sumagot. Pumasok din sa kwarto niya ang yaya niya at inaya na siyang lumabas. Nauna naman sa kanila ang nagmake-up sa kanya.
"Yaya parang ayaw kong magtungo sa hotel. Ayaw kong ma-engage sa hambog na iyon." Naiiyak na naman si Shey pagnaaalala ang mangyayari ilang oras mula ngayon.
"Hija, malay mo, mahalin mo din si Daniel. Mayabang nga ang batang iyon, pero mabait naman. Tara na hija at naghihintay na ang daddy mo sa pagdadausan ng party ninyo." Wala na rin siyang nagawa at sumunod sa yaya niya.
Kinuha muna niya ang wallet niya na naglalaman ng dalawampong libong cash. Iniwan na rin niya ang cellphone niya. Napahawak pa siya sa kwintas na sabi ng yaya niya ay galing iyon sa mommy niya. Ang pendant ito ay mismong pangalan niya.
Pagdating sa labas ng bahay, ay nakahanay na ang mga bodyguard ng daddy niya at ang kotse niya na sasakyan niya. May driver siya ngayon dahil ayaw ipadrive ng daddy niya sa kanya ang kotse niya sa araw na iyon. Ng biglang may tumigil na isang taxi sa harapan niya. Bumaba kasi ang katulong ng kapitbahay nila dito.
Mabilis niyang binuksan ang kotse na sasakyan niya at pumasok naman sa taxi na nasa harapan niya. Tapos ay mabilis na tinulak ang pinto ng kotse. Dahil sa pagkakaalam na sakay na siya. Umalis na rin ang kotse niya. Ang yaya naman niya ay kasabay sa ibang kotse ng mga bodyguard.
Matapos umusad ang mga kotse ay saka lang siya naupo ng maayos.
"Miss saan ka ba? Bakit hindi ka doon sumakay sa mga kotse na iyon. Ang gaganda pa naman. Dito ka nagtityaga sa taxi ko?" Tanong ng driver.
"Manong, sa malapit na probinsya po talaga ang punta ko."
"Saang probinsya miss. Hindi ako naghahatid doon eh. Dito lang sa Maynila ang ruta ko."
"Please manong. Magbabayad ako ng sapat na halaga, pumayag ka lang."
"Sige na nga, kung hindi lang ako naaawa sayo. Tara na." Wika ng driver ng taxi at umusad na sila.
Hindi alam ni Shey kung saan siya pupunta. Pero sa ngayon walang ibang mas mahalaga kundi ang makalayo siya sa poder ng daddy niya. Makalayo siya sa mga taong nakakakilala sa kanya.