Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Rodrigo, maaga ang trabaho nila sa palengke ngayon lalo na at nadelay ang isang truck ng gulay na dapat ay kahapon pa dumating. Paninda iyon ngayong araw. Bukod pa ang mga truck na mismong ngayong araw ang byahe.
Nagtitimpla na si Igo ng kape, nakabili na rin naman siya ng pandesal kaninang pagkagising niya. Nakaupo na siya sa silya at akmang kakagat sa pandesal ng mapansin niya si Shey na naglalakad papalapit sa kanya. Nagtaka pa siya dito at sobrang aga naman ng gising nito ngayong araw.
"Bakit ang aga mo namang nagising ngayon?" Tanong niya dito na halos pikit pa ang mga mata habang naglalakad.
"Good morning Igo. Pwede ba akong sumama sa palengke? Nakakainip na kasi dito. Wala naman akong ibang magawa. Pwede ba?"
"Hindi ko alam kung magugustuhan mo sa palengke. Maingay doon at maputik. May kakaibang amoy din, alam mo iyon di ba? At naisama na naman kita minsan doon. Kaya hindi ko alam kung tatagal ka doon. Isa pa hindi naman pagiging tambay sa palengke ang trabaho ko. Kaya naman kung sasama ka. Hindi din kita gaanong mapapansin kasi may trabaho nga ako." Paliwanag ni Igo.
"Bigyan mo lang ako ng isang pwesto promise. Hindi ako aalis sa pwesto ko. Doon lang ako. Hindi kita guguluhin. Naiinip lang talaga ako dito. Please. Isama mo na ako." Pakiusap pa ni Shey sa kanya.
"Mukha namang wala akong magagawa. Bahala ka. Wala pa akong luto na pagkain. Kape at pandesal pa lang. Okay lang bang ito lang ag umagahan mo?"
"Okay lang. Ipagtitimpla mo ako ng kape?" Nagniningning pa ang mga mata ni Shey habang itinatanong iyon kay Igo.
"Oo na lang. Maupo ka na. May butter dyan. Siguro naman kaya mo ng lagyan ng palaman ang sarili mong tinapay." Ani Igo at ginawa na nga ni Shey ang pagpapalaman sa pandesal.
Masaya naman silang nagkape. Nangingiti na lang si Igo ng sa isip-isip niya ay kahit papaano ay may malaki ng ipinagbabago si Shey, buhat ng makilala niya ito.
Mabilis namang naligo at nagbihis si Shey. Nakasuot siya ng jogging pants at crop top na pinatungan ng manipis na jacket. Nakasuot din siya ng rubber shoes na binili nila ni Igo ng minsang magtungo sila ulit sa palengke. Nakasuot din siya ng sumbrero. Oo nga at mura lang ang presyo ng mga damit na suot niya. Pero nabigyan naman niya iyon ng hustisya.
Paglabas niya ng kwarto ni Igo, ay natawa pa siya ng matigilan si Igo ng makita s'ya.
"Bagay sa akin noh? Ang sexy ko kaya. Tara na. Natutulala ka pa dyan."
"Sus wala akong sinabi na sexy ka. Tara na nga. Mamaya i-zipper mo iyang jacket mo ha ng hindi makita iyang tiyan mo. Madaming lalaki sa palengke, kaya naman pagtitinginan ka nila sigurado. Kaya naman kung ayaw mong may mabugbog ako na kasamahan ko. Isuot mo ng maayos iyang jacket mo." Ani Igo at iniwan na siya sa loob ng bahay.
"Problema ng isang 'yon?" Tanong ni Shey sa sarili bago sinundan si Igo. Si Igo na rin ang nagsara ng bahay nito.
Pagdating nila sa palengke ay medyo madilim pa. Pero sari-saring ingay na ang naririnig ni Shey. Ingay ng iba't-ibang sasakyan. Sigawan ng mga tao at kung anu-ano pa. Nakita pa ni Shey ang malaking truck ng gulay.
Mula sa tinigilan ng tricycle ni Igo ay nakita din niya si Cy at Jose. Kumaway naman sa kanya si Cy at isang tango naman ang ginawang pagbati ni Jose.
"Bakit kasama mo Shey?" Dinig pa niyang tanong ni Cy kay Igo.
"Naiinip daw kasi s'ya sa bahay. Hinayaan ko na."
"Ah, tara na. May kasunod pa ang truck na iyan pag natapos nating maibaba ang mga laman." Ani Cy.
"Dito ka na lang muna, ilang oras pa naman bago tuluyang sumikat ang araw lalo na at madilim pa. Wag kang aalis dito ha. Nakikita mo naman ang truck at makikita mo ako. Kung hindi mo ako makita, pwede kang lumapit kay Cy at Jose. Maliwanag." Bilin sa kanya ni Igo na ikina-okay sign naman ni Cy at Jose.
"Sige magsimula na kayo. Dito lang ako, at hindi ako aalis promise." Ani Shey bago tuluyang umalis ang tatlo sa kanyang harapan.
Nag-eenjoy naman siya sa panonood sa tatlo na nagbubuhat ng bundle ng gulay.
"Grabe naman. Ang lakas nila, para mabuhat ang malaking palstic ns iyon ng gulay. Isa pa. Bakit ang gwapo ni Igo kahit pawis na pawis na?" Wika ni Shey sa sarili ng bigla niyang takpan ang bibig.
"Hala, pinuri ko ba s'ya? Wait! Sabagay, gwapo naman talaga ang isang iyon. Ang bagay kaya sa kanya ng may kahabaan niyang buhok."
Hindi malaman ni Shey sa sarili kung ano ang nararamdaman niya. Basta para sa kanya masaya siyang makita si Igo at nag-eenjoy siyang panoorin ito.
Halos nasa isang oras din bago siya nilapitan ni Igo. "Okay ka lang dito?" Tanong sa kanya ni Igo at inabutan siya ng bottled water.
"Salamat dito. Magpapalit ka na ba ng damit? Pawis na pawis ka oh." Sabay turo ni Shey sa pawisang noo ni Igo ganoon din sa suot na damit nito.
"Hindi na muna, madami pa iyan. Mababasa lang din kaagad ng pawis pagnagpalit agad ako ng damit. Kaya mamaya na lang. Hindi ka ba naiinip dito?" Dagdag tanong pa ni Rodrigo.
"Hindi naman ako naiinip, nag-eenjoy nga akong panoorin ka. You know what. Bakit hindi na lang kayong tatlo nina Cy at Jose na pumasok sa modeling? Mas papasa pa kayong modelo eh." Sagot ni Shey ng mapatingin siya kay Igo na nakatingin din sa kanya.
"Parang titig na titig ka sa aming tatlo habang nagtatrabaho kami ah. Pinagnanasaan mo pa kami?" Naniningkita ang mga matang tanong ni Igo.
"Hindi ah! Anong tingin mo sa sarili mo gwapo?"
"Wala akong sinabi na ganyan. Ikaw ang nagsabi. Nagtatanong lang ako. Ang pikon mo." Anito.
"Lumayas ka na nga. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Ayon tinatawag ka na ng dalawa. Alis!" Pagtataray ni Shey dito habang tinutulak paalis si Igo. Lumapat pa ang kamay ni Shey sa pawisang leeg ni Igo bago siya iwanan nito.
"Ingat ka dyan. Lapitan mo ako kaagad pag may kailangan ka." Sabi pa nito.
"Oo na lumayas ka na." Pagtataboy pa niya.
Nang makalayo si Igo sa pwesto niya ay saka lang niya napansin ang basa niyang kamay dahil sa paglapat noon sa leeg ni Igo. Sa halip na mandiri ay inamoy pa niya iyon.
"Bakit kaya ang bago ng pawis niya?" Nagtataka pa niyang tanong. Sa halip na kumuha ng dala niyang tissue para punasan ang kamay niya sa mismong jacket na lang niya ipinunas ang kamay niya. Napangiti pa siya ng sa tingin niya ay lumapat ang amoy ni Igo doon.
"Anong nginingiti mo Shey?" Tanong pa niya sa sarili ng mas lalo siyang napangiti ng mapatingin kay Igo na seryoso sa ginagawang pagbubuhat.
"Bakit po ganito ang nararamdaman ko ngayon? Hindi naman po ganito ang t***k ng puso ko ng una kaming magkita eh?" Tanong pa niya sa sarili pero hindi pa rin niya makuha ang tamang sagot.
Mataas na ang sikat ng araw ng matapos ulit ibaba nina Igo ang mga gulay sa sumunod na truck. Sumigaw naman ang isang lalaki na sa tingin ni Shey ay pinakaboss nina Rodrigo.
"Break muna kayo! Mamaya pa naman ang dating ng iba pang truck. Kumain na rin muna kayo para may lakas ulit sa pagbubuhat mamaya." Rinig niyang sigaw ng pinakaboss. Nakita pa niya ang pagtatanguan ng ilan pang kasamahan nina Igo.
Napatingin pa siya kay Igo na tinawag sina Cy at Jose. Tingin niya ay hinihintay lang iyong dalawa, dahil kumaway naman pabalik dito ang dalawa. Sa isip-isip niya ay sabay-sabay na ang mga ito na lumapit sa pwesto niya.
Tinawag naman niya si Igo at kumaway sa kanya pabalik. Napangiti pa siya sa mga ngiting ibinibigay ni Igo sa kanya. Nakita na rin niyang papalapit sina Cy at Jose kay Igo. Pero bago pa makalpit ang dalawa ay may isang babaeng mabilis na tumatakbo papalapit kay Igo.
Hindi din niya inaasahan ang biglang ginawa ng babae. Yumakap ito kay Igo at mabilis na hinalikan ang pisngi. Inihilig pa ng babae ang ulo nito sa pawisang balikat ni Igo at ipinulupot pa nito ang mga kamay sa braso nito.
Napahawak naman bigla si Shey sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Habang nakatingin kay Igo at sa babaeng kapit-tukong nakadikit dito. Pinapakiramdaman niya ang sarili. Hanggang sa kulang na lang, manlumo siya.
"Bakit ka ganyan heart? Bakit naman ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako?"