Nakangiti pang kumaway si Igo kay Shey ng tawagin siya nito. Hinihintay lang niya sina Cy at Jose bago lapitan si Shey ng magulat siya sa isang bulto ng babae na hindi niya napansin na nakalapit na sa kanya. Sa gulat ay hindi niya nagawang iwasan ang pagyakap nito at ang paghalik ng babae sa pisngi niya. Nagawa pa nitong ihilig ang ulo sa kanyang balikat habang kapit tukong nakahawak sa braso niya. Kahit pawisan siya.
"Igo namiss kita. Ang tagal nating hindi nagkita. One month din iyon. Hindi mo ba ako namimiss." Ani ng babae na pilit niyang itinutulak, para bumitaw sa pagkakakapit sa kanya.
"Chellay, ang tahimik ng mundo ko ng wala ka, tapos ngayong dumating ka. Haist! Bitaw na!"
"Hindi ako bibitaw."
"Pawisan ako." Aniya.
"Mabango ka pa rin. Ayaw mo lang aminin na namiss mo ako. Ikaw talaga. Pero don't worry kasi, dito lang ulit ako para sayo." Nakangiting wika pa ni Chellay ng makalapit sa pwesto nila ni Cy at Jose.
"Hi Cy. Hello Jose. Tamang-tama breaktime ninyo ano? Nagugutom din ako. Sabay-sabay na tayong magtungo sa karinderya ni Aling Lucing." Bati pa ni Chellay sa dalawa na ikinatango lang ni Jose.
"Sige. Tara na." Sagot ni Cy.
"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Ani Igo na nakatingin sa pwesto ni Shey. Hindi naman umaalis sa pwesto niya ang dalaga. Napangiti naman si Igo ng maisip na para talaga itong bata. Mabait na bata sa totoo lang. Nang sinabi niyang wag umalis sa pwesto nito hanggang ngayon nandoon pa rin.
"Nakangiti ka Igo. Sinasabi ko na nga bang namiss mo ako. Tara na." Pamimilit pa ni Chellay.
"Mauna na kayo, susunod ako."
"Saan ka pa ba pupunta Igo? Tara na. Nagugutom na ako." Sabay higit ni Chellay sa braso ni Igo pero hindi naman natinag ang huli.
"Wag ka ng makulit Chellay mauna na tayo kung nagugutom ka na. Susunod din naman si Igo sa karinderya. Tara na." Pag-aaya ni Cy.
"Sasabay na lang ako kay Igo. Mauna na kayo." Tugon ni Chellay at nagkibit balikat na lang si Cy at inaya na si Jose na mauna na sa kanila.
"Ano ba kasing uunahin mo?" Pangungulit pa ni Chellay habang naglalakad sila papalapit sa tricycle ni Igo.
"Sino s'ya?" Mataray na tanong ni Chellay at sinuri pa si Shey ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Si Shey nga pala Chellay."
"Chellay nga pala, girlfriend ni Igo." Pakilala ni Chellay sa sarili sabay abot ng kamay kay Shey.
Hindi naman malaman ni Shey kung ano ang dapat niyang sabihin. "May girlfriend na pala si Igo, sabagay maganda naman siya. Pero hindi naman ako magpapatalo kung sa ganda din lang. Mas higit naman ang lamang ko sa Chellay na ito kung ganda talaga ang pag-uusapan." Pangungumbinsi pa ni Shey sa sarili sa kanyang isipan.
"Sinasabi mo Chellay. Girl, friend pwede na rin. Hindi girlfriend. Magkaiba iyon." Paglilinaw ni Igo kaya naman biglang lumabas ang simpleng ngiti ni Shey.
"I'm Shey. Igo's roommate. I'm living with him." Nakangitin wika ni Shey, habang tinatanggap ang kamay ni Chellay.
"Anong sinasabi niya Igo! Magkasama kayo sa iisang bahay? Sayo siya nakatira? Pinagtataksilan mo ba ako? How could you do this to me!? Why you cheated on me!" May diin wika ni Chellay ng makatanggap siya ng isang pitik sa noo mula kay Rodrigo.
"Pinagsasasabi mo? Hindi at hindi kita girlfriend. Anong cheated-cheated? Hindi kita pinagtataksilan. Bitawan mo na nga ako at baka magbago pa ang isip ko, hindi kita hayaang sumabay sa amin sa pagkain." Ani Igo na halos magdabog pa si Chellay sa harapan niya.
"Naman Igo oh. Your so unfair my Igo."
"Gutom lang yan Chellay, my, my. Lakad na. Sumunod ka na sa dalawa." Padabog naman silang tinalikuran ni Chellay. Napangiti naman si Shey sa inasal ng babae. Nararamdaman niyang may gusto ito kay Rodrigo. At isa pa sa katunayan nakakapagselos. Pero nararamdaman naman niya sa ngayon na walang gusto si Igo kay Chellay kaya naman hindi na siya nagtanong pa tungkol sa babae.
"Mahalaga, sa bahay ako ni Igo nakatira at wala siyang gusto sa babaeng Chellay na iyon." Nakangiti pa si Shey habang naiisip ang bagay na iyon.
"Nginingiti-ngiti mo? Tara na nagugutom na ako." Ani Rodrigo at inalalayan siya nitong maglakad, at sumunod na patungo sa karinderya na sinasabi ni Rodrigo. Nandoon na rin kasi si Cy at Jose.
Pagtapat nila sa isang maliit na pwesto na maraming lamesa at upuan ay hinanap ni Rodrigo ang pwesto nina Cy. Mabilis naman nilang nakita ang mga ito at nilapitan na nila.
"Anong order ninyo?" Tanong ni Cy ng makaupo sila sa bakanteng upuan na nandoon.
"Hindi ko alam. Igo ikaw na lang." Sagot ni Shey sabay iling.
"Ang arte. Pati kakainin mo hindi ka pa makapagsabi." Inis na sabat ni Chellay sabay irap.
"Tumigil ka Chellay. Omorder ka na nga lang." Ani Cy habang matalim pa ring nakatitig kay Shey.
"Tapsilog lang ako at kape." Mabilis na sagot ni Chellay.
"Ikaw Jose?" Tanong ni Cy sabay tango ni Jose.
"Okay Tapsilog kay Chellay, Bangsilog kay Jose with extra sinangag parehong may kape. Kayong dalawa?" Tanong ni Cy, namangha naman si Shey sa sinabi ni Cy.
"Tango lang alam mo na order niya?" Manghang tanong ni Shey.
"Hindi, nagsasabi naman yan pag-ayaw n'ya ng oorderin ko sa kanya. Dahil wala s'yang sinabi. Sure na tama ako sa gusto niya." Paliwanag ni Cy.
Napatingin naman si Shey kay Igo. Hindi naman kasi niya talaga alam ang kakainin niya.
"Gusto mo din ba ng Bangsilog?" Tanong ni Igo.
"I don't know, what is Bangsilog? I'm just amazed to Cy, kasi alam niya iyong gusto ni Jose." Nahihiyang sagot ni Shey, ng ismiran ito ni Chellay.
"Saang planeta ka ba galing. Ingles ka ng ingles. Nakakairita ha. Isa pa parang wala kang alam sa mga pagkain na nandito. Bakit? Alien ka ba?" Inis na tanong ni Chellay ng mapangiti si Jose, tinambol naman ni Cy ang lamesa at tumawa naman si Rodrigo.
Masamang tingin naman ang ipinukol ni Shey kay Rodrigo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang tawa. "Bakit?"
"I know your whys. I know why you're laughing. I'm not alien. Kainis ka talaga. Tuwang-tuwa ka pang tawagin akong alien." Nagtatampo, na nahihiyang wika ni Shey ng bigla siyang akbayan ni Rodrigo.
"Para binibiro ka lang." Anito na nagpabilis sa pagtibok ng puso ni Shey ang ginawang pag-akbay sa kanya ni Igo. Napatingin naman siya kay Igo na nakatingin din sa kanya. Ang mga ngiti ni Rodrigo na nagpapalambot ng tuhod niya. Mabuti na lang at nakaupo sila kung hindi. Baka bumagsak na siya sa sahig.
"Ano ng order ninyo?" Tanong ulit ni Cy na nagpabalik aa iniisip ni Shey.
"Ano. Bangsilog na lang. Milk fish ang bangus kung hindi mo alam. Prito iyon. May kasama na ring hilaw na kamatis pagsini-serve, sinangag at itlog na sunnyside up. Ano sa tingin mo. Mayroon din namang iba. Tulad ng ang kasama ay hotdog, tocino, tapa, corned beef. Anong gusto mo."
"I'll go with bangsilog and coffee." Ani Shey na ikinatango ni Cy. Ganoon na rin ang order ni Rodrigo, with extra sinangag nga lang.
Umalis na si Cy at nagtungo na sa pinakacounter para sa order nila. Si Jose naman ay tahimik pa rin. Si Chellay naman ay matiim na nakatingin kay Shey, habang nakahilig na naman sa braso ni Igo.
Naiinis man si Rodrigo sa pagiging kapit tuko ni Chellay ay hindi naman niya mapabitaw ito sa kanya. Mabuti na lang at dumating na rin ang pagkain nila.
Nagsimula na silang kumain. Pero unang subo pa lang ni Shey ay hindi na ulit ito sumubo. Napansin lang iyon ni Rodrigo ng maubos na niya ang unang serving niya ng sinangag.
"Ayaw mo ba?" Tanong ni Igo na ikinailing ni Shey.
"Hindi. I mean, masarap. Pero bakit matigas hindi ko malunok?" Tanong ni Shey ng ipinaluwa ni Rodrigo kung ano ang isinubo ni Shey.
Halos masamid naman si Cy sa pagpipigil sa tawa ng makita ang namumutla ng tinik ng bangus na iniluwa ni Shey.
"Paano mo nga makakain iyan ay tinik iyan. Bakit mo naman iyan isinubo. Ang dami namang laman?" Mahinahong tanong ni Igo, pero ito na naman si Shey at maiiyak na naman.
"Hindi ko kasi alam." Nakatungong sagot niya, at hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha.
"Ang arte naman." Pagpaparinig pa ni Chellay.
"Nagtanong lang naman ako. Ang sensitive mo. Akin na at hihimayin ko para sayo. Aalisin ko na ang tinik, para makain mo ng maayos." Ani Igo at iniwan muna ang kinakain niya at kinuha ang pinggan ng pagkain ni Shey.
"Hindi ba s'ya marunong mag-alis ng tinik?" Mataray na tanong ni Chellay.
"Hindi." Sagot ni Cy kaya naman napailing na lang si Igo. Habang tahimik lang na kumakain si Jose.
Matapos maalis ang tinik ay mabilis na sumubo si Shey.
"Thank you ang sarap pala nito." Nakangiting wika ni Shey at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Yeah, masarap talaga yan. Hinimay ko yan gamit ang kamay ko eh. Pero malinis ang kamay ko ha." Ani Igo kaya naman natawa lang si Jose.
Tumitig na lang si Chellay kay Igo habang naiimposiblehan dito.
"Ewan ko sayo Igo." Bulong ni Chellay pero rinig naman nila.
Ipinagpatuloy na lang ni Shey ang pagkain. Kahit naiinis siya sa babaeng kasama nila na may gusto kay Igo, ay nandoon pa rin ang tuwa sa puso niya. Na sa halip na mainis si Igo sa kanya. Dahil hindi naman talaga niya alam na ang matigas na parte ng bangus hindi kinakain ay inalis pa ni Igo para sa kanya.
Masaya niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Kahit ramdam niya ang paninitig ni Chellay sa kanya.
"One point ka naman doon Shey, kahit pa sabihing hindi mo alam ang tinik." Aniya.