Chapter 16

1728 Words
Masama ang tingin na ipinukol ni Igo sa lalaking ngayon ay nakangisi sa kanya. Si Shey naman ay buhat pa rin niya ngayon at nakasubsob sa pagitan ng balikat at leeg niya. Para itong batang ayaw bumitaw sa tatay niya sa paraan ng pagyakap nito sa kanya. Pati ang pagpulupot ng mga hita nito sa baywang niya. Dagli namang nawala ang init na nararamdaman ni Igo kanina. Pero nadoon pa rin ang kakaibang pakiramdam habang buhat niya ang dalaga. Mabilis namang umalis ang lalaking kaharap. Pero bumalik din ito kaagad dala ang malaking tuwalya. Iniabot nito iyon kay Igo bara maibalot sa halos hubad ng katawan ni Shey. "Baba ka na." Ani Igo sa mababang tinig. "Ayaw ko! There's a small creature and it's wiggling. I hate it." "Sabi ko naman sayo wag ka ng tumulong. Ang kulit mo kasi. Isa pa sa liit noon. Bulate lang iyon, earthworm, kaya wag ka ng matakot." "But it scares me to death. Same reaction with the cockroach, and the mouse. I don't like them." Ani Shey, pero ayaw pa ring bumitaw kay Igo. "Ay anong magagawa ko? Hindi maiwasan, na hindi magkaroon ng ganoon dito. Lalo na at nasa linang itong bahay ko. Pero minsan nga mas madami pa sa bayan. Kaya kung papipiliin ako ng bahay. Dito pa rin ako sa linang." Sagot ni Igo. "Hindi naman ako nagrereklamo. And I'm so thankful na tinanggap mo ako, at kinupkop. Sorry kong matatakutin ako." "Okay lang naman, pero nag-eenjoy ka ba sa pwesto mo?" Hindi mapigilang tanong ni Igo. Magaan lang naman si Shey, iyon nga lang ay siya na ang naiilang sa pwesto nila. Bigla namang tumango si Shey kaya naman napaawang ang labi niya. "Aba at talag---." Hindi natapos ni Igo ang sasabihin ng maagaw naman ng isang tikhim ang atensyon niya. "Ginagawa mo pa dito Cy? Akala ko ba may trabaho kayong dalawa ni Jose?" Tanong ni Igo. "Wala daw trabaho, konte lang daw kasi ang dating ng supply na gulay sa palengke, ay ang iba na lang muna ang pinapasok. Rest day na daw muna tayong tatlo ng ilang araw." Paliwanag ni Cy. "Eh bakit nandito ka?" "Anong bakit nandito ako? Tanungin mo iyong si Jose, at siya pa ang nag-aya na magtungo kami dito. Dito na nga daw kami makikape." "Talaga lang ha. Paano naman nakapagsalita ang isang iyon?" "Malamang may bibig." Iiling-iling na sagot ni Cy kaya napalatak na lang si Igo. Naglakad na rin si Cy patungo sa harapan ng bahay. "Okay ka lang?" Tanong ni Igo na tango lang ang sagot ni Shey. Ramdam niya ang pawis na dumadaloy sa kanyang katawan. Hindi niya malaman kung galing kay Shey iyon, or mismong sa kanya. Pagdating niya, sa harap ng bahay ay nandoon sa balkonahe si Jose at nakaupo sa isang silya. Sa may pasamano naman nakaupo si Cy. Habang parehong nakahawak sa laylayan ng damit ni Chellay na kitang-kita ang inis sa mga mata. "Bakit buhat-buhat mo ang babaeng iyan Igo! Hindi na ba s'ya nahiya!" Na wika ni Chellay ng makawala sa pagkakahawak ng dalawa at sinugod si Shey. Nalaglag ang towel na nakabalot dito. Napasinghap naman si Chellay ng makitang wala ding damit pang-itaas si Igo, habang dalawang maliit na saplot lang ang suot ni Shey. "Anong ginawa ninyo sa likod bahay!? Malandi kang babae ka! Inaakit mo talaga si Igo. Inuubos mo ang pasensya ko!" Inis na wika ni Chellay ng akmang sasabunutan si Shey ng italikod ito ni Igo. "Chellay ano ba!?" May diing wika ni Igo na ikinatigil ni Chellay. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang meron sa atin? Wala naman di ba? Sinabi ko na rin sayo noon pa na wala kang aasahan sa akin." Dagdag pa niya. "Bakit noong dumating ang babaeng yan, nag-iba ka na? Hinayaan mo siyang magstay sa bahay mo. Hinayaan mong matulog sa kwarto mo. Hinayaan mong mapalapit siya sayo. Habang ngayon, buhat mo pa ng walang suot!" Inis na sambit ni Chellay ng maalala niya ang kapirasong damit na suot lang ni Shey. Mabilis na ipinasok ni Igo ng bahay si Shey at hindi na pinakinggan ang mga sinasabi ni Chellay. Wala naman siyang naririnig na puna, mula sa dalawa. "Baba ka na. Maglinis ka na ng katawan mo." Ani Igo ng ipinasok niya si Shey sa banyo. Napatingin naman si Shey sa mukha ni Igo. Napalunok pa siya sa pagdaloy ng pawis nito sa may noo. "M-may pawis ka." Aniya sabay haplos sa pawis sa pisngi ni Igo. Napatulala naman saglit si Igo sa maamong mukha ni Shey. Nandoon na naman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi nila malaman kung anong nangyari. Namalayan na lang nilang magkalapat ang kanilang mga labi. Tumagal din iyon ilang segundo bago sila naghiwalay. "Sorry!" Ani Igo sabay layo kay Shey. Umiling naman si Shey sa sinabing iyon ni Igo. Sa pagkakataong iyon si Shey naman ang muling humalik. Napangiti pa si Shey ng maglayo ang mga labi nila. Magkalapat ang kanilang mga noo at nakatingin sa isa't isa. "Maligo ka na." "Sige." Naglayo na sila at naglinis lang muna si Igo ng kamay ng mga oras na iyon. "Ako na ang kukuha ng mga damit mo." "Hindi ba nakaka--." "Mahihiya ka pa, ako lang din naman nagtitiklop ng mga damit mo. Gusto mo bang jogging pants na lang ang kunin ko at t-shirt?" Putol ni Igo. "Sige, salamat." "Abutin mo na lang iyong mga damit dito sa may labas pagkatapos mo. Aasikasuhin ko lang ang kape noong dalawang tukmol. Dadayo naman daw kasi ng kape kaya nandito iyong dalawa." Ani Igo ng hindi mapigilan ang mabilis na paglapit kay Shey at bigyan ito ng isang mabilisang halik bago lumabas ng banyo. Napatulala naman si Shey sa ginawang iyon ni Igo. "Nakakailan na siya ha." Bulong ni Shey sa sarili sabay hawak sa labi niya. Napangiti na lang si Shey at itinuloy na ang paglilinis ng katawan. Nasa may likod sila ng bahay, ng mga oras na iyon. Doon nila naisipang muling magkape. Kasama na rin nila si Chellay. May dala kasi itong maruyang saging at kamote, bagay na bagay sa mainit na kami. Nagkukwentuhan sila tungkol sa nangyari kanina ar bakit ganoon ang itsura ng mga ito ng maabutan ni Cy. Umikot naman ang mga mata ni Chellay sa narinig. "Ang arte talaga, para bulate lang. Akala mo naman dinosaur ang nakita kung makakapit." Bulong nito pero naririnig naman ni Igo. Napailing na lang ang tatlo sa mga pinagsasasabi ni Chellay. "Alam mo Chellay, hindi naman kasi lahat ng babae katulad mo, na wala lang iyong mga ganoong hayop at insekto. Mayroon talagang mga taong kahit nga sa larawan lang nakikita ay, nandidiri or natatakot na. Hindi natin masasabi kung sadyang takot lang siya, or may pinagdaanan s'ya kaya natakot sa mga ganoon. Pero hindi ibig sabihin nag-iinarte na sila." Paliwanag ni Cy na ikina-okay sign ni Igo at Jose. "Mukhang nag-aaral ka din pala ng mabuti noong Cy." Asik ni Igo. "G*go!" Ani Cy kaya natawa na lang din sila. Habang nagkukuwentuhan ay dumating si Shey. Maayos na itong tingnan kay sa kanina, na puno ng lupa ang paa, at madungis ang mukha gawa ng kaiiyak. "Okay ka na?" Tanong ni Igo sabay lapit dito. Inakay naman ni Igo si Shey sa pwesto niya kanina at doon pinaupo. "Saan ka uupo Igo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Chellay. "Sus, Chellay daming pwedeng upuan ni Igo. Kahit nga sa lapag uupo yan." Sita naman ni Cy. Kumuha naman si Igo ng isang timba na may takip na lagayan ng kanyang binhi at doon naupo. "Okay ka lang dyan?" Tanong ni Shey. "Syempre naman. Ayos lang ako. Inumin mo na yan. Nagkape ka na kanina, kaya gatas naman ang tinimpla ko sayo. Inom na." Ani Igo, sabay abot ng gatas na medyo na wala na ang sobrang init. Hindi na naman kumain si Shey ng luto ni Chellay, busog pa naman siya sa kinain nila kanina, na umagahan ni Igo. Nararamdaman niya ang inis ni Chellay, pero hindi na rin naman niya pinapansin, dahil hindi naman siya na-a-out of place habang nakikipagkwentuhan kina Cy. Hindi man nakikisali si Jose alam, ramdam niyang hindi din siya out of place sa harap nito. Itinuloy na lang ni Igo ang pagtatanim ng mais, matapos nilang magkape. Si Cy at Jose na lang ang tumulong sa kanya. Naiwan sa may lamesa ang dalawang babae na wari mo ay gusto ng magsabunutan. "Ano bang pakay mo kay Igo? Bakit ka nandito sa poder niya! Sa tingin ko sayo, mayaman ka eh! Hindi kaya mayaman ka lang talaga at may pinagtataguan? Kriminal ka ba? Nagnakaw? Nakapatay? O baka naman may tinakasan kang lalaki? Sugar daddy? Boyfriend? Niloko ka ng boyfriend mo? Or ikaw ang nagloko? O kaya naman, nais kang ipakasal ng magulang mo, sa lalaking hindi mo gusto?" Panghuhula ni Chellay sa mga posibleng dahilan ni Shey kung bakit ito nandoon sa poder ni Igo. "Wala akong alam sa sinasabi mo." Iyon ang na naisagot ni Shey, dahil iyon lang ang pinakasafe na sabihin. Daig pa kasing imbestigador ni Chellay kung magsalita. "Di ba, uso naman sa mayayaman ang fix marriage. Baka naman iyon talaga ang dahilan mo! Bakit kaya hindi ka na lang umalis dito sa poder ni Igo. Alam kong makukuha ko na ang loob niya, pero bigla kang umiksena. Nawala lang ako ng isang buwan. Dumating ka na!" "Hindi ako aalis sa poder ni Igo hanggat hindi niya ako pinapaalis. Isa pa, hindi man ako pamilyar sa nararamdaman ko. I think I fell for him. I love him. I'm in love with Igo." Pag-amin ni Shey kay Chellay. "Sa akin lang si Igo!" May diing wika ni Chellay. "May the best woman win." Ani Shey sabay lahad ng kamay. Hindi naman siya maldita, pero naiinis talaga siya kay Chellay. Isa pa, hindi naman siya pinalaki ng daddy niya, na mahina at hindi lumalaban. Tinakasan nga niya ang engagement niya kay Daniel. Tapos ngayong sigurado na siyang may nararamdaman siya kay Igo, sa panahon na magkasama sila, iyon pa ba ang pakakawalan niya. No, no, no. Ipaglalaban niya ang nararamdaman niya kay Igo. "Ako ang mananalo." Nakangising pang sagot ni Chellay. "We'll see." Aniya sabay tingin kay Igo na nakatingin pala sa kanila. Kaya kinawayan niya ito. Sinagot naman siya ni Igo ng isang matamis na ngiti, na lalong ipinagngitngit ni Chellay sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD