Chapter 17

1609 Words
Tanghali na ng makatapos magtanim sina Igo ng mais. Magulo kasing katulong iyong dalawa. Pinulot pa nila, isa-isa ang nagkalat na butil ng mais na nabitawan ni Shey kaya mas lalo silang nagtagal. Nagpresinta naman si Chellay na magluto. Ayaw sana ni Shey pero wala naman siyang magawa dahil sa part na iyon wala pa siyang gaanong alam sa pagluluto. Tamang si Igo lang palagi ang nagluluto para sa kanilang dalawa. Prito pa lang talaga ang kaya niyang gawin kahit papaano. Nanonood lang si Shey kay Chellay sa pagluluto. Naiinis man siya dito, pero wala naman siyang maiipagmalaki. "Okay ka lang?" Tanong ni Igo ng makalapit sa kanya. Tango lang ang naisagot ni Shey. Napatingin naman sa kanila si Chellay. "Bakit s'ya lang ang kinukumusta mo? Ako kaya nagluluto dito. See napaso pa ako ng dahil sa kanya. Kung hindi niya ako kinulit dito hindi sana ako mapapaso. Wala naman pala siyang alam sa pagluluto." Reklamo ni Chellay, habang ipinapakita ang maliliit na paso, gawa ng pagtalsik ng mantika ng si Shey ang naglagay ng sibuyas at bawang sa kawali. Napatingin naman si Igo kay Shey. Nakatungo ito. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Igo bago muling tumingin kay Shey. "Ako na magtutuloy niyang niluluto mo. Gamutin mo muna iyang paso sa kamay mo." Ani Igo. "Sus malayo sa bituka. Kaya ko namang tiisin. Masaya pa rin akong maipagluto ka. First time ko dito sa kusina mo, na ako mismo ang magluluto para sayo. Dapat nga masanay ka na. Hindi natin masasabi ang future di ba?" Nakangiting sambit ni Chellay at pasulyap na tumingin kay Shey. Mas lalo lang nagbaba ng tingin si Shey. Magkaiba sila ni Chellay. Maarte siya at walang alam sa pagluluto. Kung sa kanya nangyari iyong natilamsikan ng kumukulong mantika baka nga umiyak na siya. Pero si Chellay hindi man lang kakikitaan na nasaktan. Pero sa totoo lang kanina pa niya gustong umiyak. Kasalanan naman kasi niya. Nahihiya lang talaga siyang makita ni Igo ang kahinaan niya. Tapos mas lalong mararamdaman niya na makakapuntos si Chellay kay Igo kaya naman nanahimik na lang siya. "Sorry hindi ko naman kasi sinasadya hindi ko alam na sobrang init na noon, kaya nabigla ako at nabitawan ko ang lalagyan ni sibuyas at bawang." Pag-amin ni Shey sa kasalanan niya. "See, aminado talaga siya na kasalanan niya. Tss." Ani Chellay. "Ano bang lulutuin mo?" "Ginisang kalabasa. Tapos may talbos ka pala dito ng kalabasa, pagsasamahin ko na. And may nakita akong tuyo, iprito ko na rin. Mas masarap iyon sa pananghalian." Masiglang wika ni Chellay at tumingin naman muli siya kay Shey. "Okay lang makakain ko naman iyon. Siguro." Nakangiwi pero nakangiting aniya kay Igo. "Matuto ka ngang kumain ng iba't-ibang gulay, ang payat mo oh. Para magkaroon ka naman ng laman. Hmmm." Ani Igo na ikinatango niya. "Okay ka lang dyan Chellay, thank you sa pagluluto. Maghintay na lang kami nina Jose at Cy sa labas." "Sure, ako ng bahala dito. Isama mo na rin yang si Shey sa labas, ako na lang dito. Honey ko." Halos pabulong na wika ni Chellay ang pahuli kaya hindi narinig ni Igo. Pero narinig ni Shey. Nginisian lang siya ni Chellay bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Okay puntos mo ngayon Chellay, pag-aaralan ko rin lahat ng kaya mo. Akin lang si Igo." Aniya pa sa sarili ng isipan. Hawak ni Igo ang kamay niya, at pinaupo siya sa isang upuan doon sa maliit na balkonahe. Nakaupo rin doon si Cy sa pasamano, at sa silya si Jose. Napansin naman ni Igo ang pagkunot ng noo ni Jose na nakatitig kay Shey. "Anong problema?" Maang na tanong ni Igo. "Anong nangyari sa braso mo? Ang haba ng paso mo dyan oh." Mahabang tanong ni Jose sabay hawak sa kamay ni Shey at iniangat. Napatingin din naman si Cy at Igo sa kamay nito. "Bakit hindi mo sinabing napaso ka rin kanina? Wala lang iyong paso ni Chellay, kumpara sa paso mo na iyan." Nag-aalalang tanong ni Igo, sabay pasok sa loob ng bahay. "Nakakahalata na ako sayo Jose, nagsasalita ka naman pala, pero bakit pagkinakausap ka namin ni Igo tumatango ka na lang or umiiling. Pero pag itong si Shey, mapupuna mo, bigla ka na lang nagsasalita." Tanong ni Cy na ipinagkibit balikat na lang ni Jose. "Ibang klase talaga." Reklamo pa ni Cy. Lumabas namang muli si Igo ng bahay, bitbit ang bulak, betadine at ointment. May dala din itong gasa at medicinal tape. Iniangat naman ni Igo ang braso ni Shey at sinimulang gamutin. Mahaba iton ng halos may four inches. Kumpara sa tatlong tilamsik ng mantika sa kamay ni Chellay. "Ano bang nangyari at napaso ka ng ganyan? Hindi mo pa sinabi sa akin, ng ipakita ni Chellay ang paso ng mantika sa kanya." Nag-aalalang tanong ni Igo. "Hindi ko kasi akalain na sobrang init noong kawali, paglagay ko ng sibuyas, nabitawan ko iyong lalagyan ng sibuyas. Hinabol ko, pero dumikit ang braso ko doon sa kawali. Hindi naman ako nakapagreact, kasi nakita kong napaso din si Chellay dahil ko. Sorry." Sagot ni Shey, na sobra ng nahihiya kay Igo. "Hindi naman ako galit. Kaya lang dapat sinabi mo kaagad, para nagamot na iyan kanina. Hindi ko naman napansin. Kung hindi pa nakita ni Jose. Tingnan mo dahil sa kaputian mo. Kitang-kita iyang parte na iyan na napaso." Ani pa ni Igo habang nilalagyan na lang ng gasa, ang braso ni Shey na napaso. "Sorry ulit and thank you." "Sa susunod sabihin mo kaagad sa akin, kung may problema or kung nasaktan ka. Hmm." "Opo, tay." Biro pa ni Shey, kaya naman ginulo ni Igo ang buhok nito. "Ang sweet ninyo ha. Pwede bang pakibawasan. Hindi ba ninyo naiisip na loveless kami ni Jose." Ani Cy. "Sus! Loveless. Bakit sino bang may love life? Hindi pa kaya nagiging kami ni Igo ko." Sabat ni Chellay na dala ang isang tray na may lamang limang mangkok ng ginisang kalabasa. "Asa ka naman Chellay." Pang-aasar pa ni Cy. "Bakit? Sino ba ang dapat at karapat-dapat kay Igo? Syempre iyong, marunong sa buhay. At maaalagaan siya. Hindi iyong ang laki-laki na, para pa ring bata na alagain. Hmp." Sagot ni Chellay sabay lapag ng mga gulay sa mangkok. "Kukunin ko lang iyong mga iba ko pang niluto at kanin. Nagtimpla na rin ako ng dalandan juice. Masarap kaya iyon sa ganitong kainit na panahon." Masayang wika ni Chellay at iniwan na sila. Matapos maihayin ni Chellay ang niluto niyang pananghalian para sa kanilang lahat, ay nagsimula na silang kumain. Si Shey naman ay tahimik lang. Sumusubo ng kaunti, pero sa tunay ay mas madami pang nakakain ang pusa sa pagkutib nito ng pagkain. "Ayaw mo? Ang arte naman. Sinarapan ko kaya ang pagkakaluto ko? Nagiging pabigat ka na lang kay Igo. Hindi ka sanay sa ganitong buhay? Bakit hindi ka na lang umuwi sa inyo? Kung saan ka nanggaling. Hindi iyong sumisiksik ka dito, tapos ganyan naman ang ugal-." "Chellay!" Putol ni Igo sa sasabihin ni Chellay. "Kumain ka na lang. Nasa harap tayo ng pagkain. Isa pa, wala namang sinasabi si Shey sa luto mo. Hayaan mo siya, sa gusto niyang pagkain. Hindi naman ako nagrereklamo at hindi rin ako nahihirapan. Kain na." Wika ni Igo. Tahimik lang naman si Jose at Cy. Napatingin naman si Shey kay Cy na nakangiti sa kanya. Si Jose naman ay nakita niya ang pag-okay sign. Napangiti na lang si Shey sa dalawang kaibigan ni Igo. Kahit alam niya sa sariling pabigat siya kay Igo. Tanggap din siya ng dalawa nitong kaibigan, at kaibigan na rin ang turing ng dalawa sa kanya. Matapos kumain ay nilagyan ni Chellay ng juice ang baso ng bawat isa. "Inumin kaya ninyo yan. Masarap yan promise." Ani Chellay pero tubig ang ininom ng mga ito. "Gusto ko ng kape." Hindi sinasadyang naibulalas ni Shey kaya napatakip siya ng bibig. Nasasanay na kasi siya kay Igo na pagkatapos kumain umiinom ng kape. "Nagkape ka na kanina, magiging padalawang kape mo na iyan." Si Igo. "Gusto ko din ng kape." Sabay taas pa ng kamay ni Cy. "Me too." Sabat din ni Jose. "Okay, ako na lang magtitimpla ng kape. Ikaw Chellay." "Ewan ko sa inyo. Tanghaling tapat tapos magkakape kayo. Eh mas bagay itong juice na tinimpla ko sa mainit na panahon. Bahala na kayo!" Inis na wika ni Chellay. Sabay tayo mula sa kinauupuan. "Bye Chellay." Ani pa ni Cy. "Bwisit kang Cypher ka! Babalik na lang ako mamaya Igo dadalahan na lang kita ng meryenda." Sabi na lang ni Chellay sabay uwi sa bahay nila. Natawa na lang naman si Igo, Jose, at Cy sa ikinikilos ni Chellay. "Kawawang Chellay." Ani Cy. "Magtimpla na ako ng kape." Sabi ni Igo, sabay hila kay Shey. "Oi, magtitimpla ka lang ng kape ah. Bakit kasama pa si Shey? Makikipagkwentuhan pa kami ni Jose sa kanya oh." Sigaw ni Cy, kaya natawa na lang si Jose. "Ipagtitimpla ko kayo ng kape! O palalayasin na kayong dalawa! Mga abala!" Sagot pabalik ni Igo na tinawanan lang ni Cy. "Bakit mo pa ako isinama dito sa loob?" Nahihiyang tanong ni Shey. "Ayaw kong magdidikit ka doon sa dalawa. Dapat sa akin lang, maliwanag. Upo ka lang dyan magtitimpla lang ako ng kape." Ani Igo. "Bakit?" "Wag kang matanong. Basta sumunod ka na lang. Maliwanag." Ani Igo, kaya napatango na lang siya. "Okay." Nakangiting sagot niya kay Igo. Naikinaupo lang ni Shey sa isang upuan doon. Habang pinapanood si Igo habang hinahanda ang titimplahin nitong kape. Napangiti na lang si Shey sa ikinikulos ni Igo. Hindi man siya marunong sa kusina, pero pakiramdam niya, sa puntong iyon. Panalo pa rin siya para kay Igo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD