Chapter 6

1774 Words
Pagkarating nila ng bahay, ay mabilis na nagtungo si Igo sa kusina dala ang kanilang mga pinamili. Inilagay niya sa ref ang prutas at gulay, at sa freezer naman ang karne. Matapos ang ginagawa ay nagtugo naman si Igo sa likod bahay. May mga tanim siya doong gulay. Tulad ng laing. Maganda na ulit ang dahon noon at pwede ng lutuin. Kaya naman kinuha na niya ang mga dahon nito. Pagkakita kasi niya sa mga dahon ay parang namiss niyang magluto ng ginataang laing. Nakabili pa siya ng tuyo sa palengke kanina. Kaya naman pinuti na niya ang dahon nitong inaakit siya. May tanim din siya sa likod bahay na mga luya, at papaya. Mayroon din doong malunggay, talong at kamatis. Ang malaking puno na nakita ni Shey sa may gilid ng kwarto niya ay ang puno ng mangga. Napatingin pa siya sa sanga noon na humahampas sa may bubungan niya. "Wala akong trabaho sa isang araw. Mapuputol ko na ang sanga mo para hindi maingay sa bubungan." Kausap pa ni Rodrigo sa sarili na nakatingin sa sanga ng mangga. Bago ipinagpatuloy ang pagkuha sa dahon ng laing at huhukay pa siya ng luya. Si Shey naman pagkarating nila ay tumuloy na sa kwarto niya. Tapos nakita na lang niya na nakatulog na ang dalaga. Kaya hinayaan na lang niya muna itong magpahinga. "Pwede na. Masarap talaga akong magluto." Papuri pa ni Igo sa sarili. Ilang sandali pa at pinuntahan na niya si Shey sa kwarto niya para makakain na sila. "Shey gising na, para makakain ka na. Bago ka ulit matulog." Gising niya sa dalaga na mumukat-mukat pa. "Sige, susunod na ako." Nakangiting sagot ni Shey. Umalis na si Igo sa harap niya at sumunod na rin ito matapos maipusod ang mahabang buhok. Pagdating sa hapag ay napatingin si Shey sa pagkaing nakahayin sa lamesa. Hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. Pero kung ang pechay na sinasabi nito ay hindi niya nakain, mas lalong hindi niya makakain ang nakahayin na iyon. Ang kulay pa lang ay parang hindi tatanggapin ng sikmura niya. Naupo na rin si Shey, pero nakatitig pa rin kay Igo na nagsasandok na ng kanin. Hindi man lang niya inabot ang lalagyan ng kanin kaya si Igo na ang naglagay ng kanin sa pinggan niya. "Kain ka na. Namiss ko talaga ang ulam na ito. Kung hindi pa pala ako nakauwi ng maagap ay gugulang na ang mga dahon nito. Kain ka na, masarap yan." Nakangitin sambit pa ni Igo habang isinubo ang isang kutsara noong gulay na sinasabi nito. "What was that?" Maarteng wika ni Shey, habang hindi inaalis ang tingin sa pagkaing mukhang sarap na sarap si Igo. "Malamang pagkain. Kaya nga kinakain ko eh." Ani Igo, sabay subo ng laing at tuyo. Naiiling na lang si Igo dahil talagang nahahalata niya ang pagiging maarte nito sa pagkain, lalo na sa mga dahong gulay. "It's so weird, like. Bakit parang damo? Kadiri kaya! Iyong pechay nga hindi na magandang tingnan. Mas lalo na iyan. It's gross." Nakangiwi pang sagot ni Shey, at diring-diri habang nakatingin kay Igo. "Okay kung ayaw mong kumain magutom ka. Hay ang sarap kaya talagang kumain. Mas masarap pa ito sa pechay. At pinagbutihan ko ang pagluluto nito. Nagkayod pa ako ng niyog para fresh ang gata at hindi iyong nabibili sa tindahan na nakalagay sa sachet. Ikaw ang bahala. Kinupkop na nga kita. Ang dami mong reklamo. Bahala kang magutom." Nakangising wika ni Igo, habang natatawang nakatingin sa babaeng nakatingin pa rin sa kanya. Nailing na lang si Igo at ipinagpatuloy ang pagkain. Pero ng makitang hindi man lang ito kumikilos ay napabuntong hininga na lang siya. Hindi man niya ito matiis pero sa lagay ng pamumuhay niya at sa pagkupkop dito ay dapat matuto talaga itong makisama sa kanya. "Kailangan mo talagang matuto. Kung talagang wala kang maalala konsensya ko pa kung pababayaan kita. Kaya naman pilitin mong makasanayan ang pamumuhay ko dito." Paliwanag pa ni Igo. "Prutas lang at karne at ang iba ay gulay pa rin. Iyon ang nabili ko kanina. Kung karne ang ipapaluto mo, matigas pa iyon sa ulo mo. Kaya naman baka tulog na tayong pareho hindi pa kita naiipagluto. Kaya kumain ka na nito at wag ka ng mag-inarte." "Hindi naman ako nag-iinarte. Hindi ko naman kasi talaga kilala ang pagkain na iyan." Nahihiyang pag-amin ni Shey. "Maganda sa katawan ang gulay kaya kumain ka nito. Hindi masama kung titikman mo. Okay ganito na lang. Naaawa kasi ako sayo kung ganyan ka ng katanda pero hindi ka kumakain ng gulay. Daig ka pa ng bata. Ngayong nasa poder kita, pilitin mong pag-aralan ha. Lalo na ngayon na kasama mo ako, at kasabay pagkain." Wika ni Igo na ikinatango ni Shey. "Paano pag wala ka dito at nasa trabaho ka?" "Kung wala ako. Kung ano lang ang nais mong kainin iyon ang kainin mo. Mahalaga ay kumain ka ha." "Okay." "Sa ngayon subukan mo ito." Sabay lagay ni Igo ng laing sa pinggan ni Shey. Kaunti lang ang nilagay niya sa pinggan nito. Pikit mata namang isinubo ni Shey ang ulam na inilagay ni Igo. Ilang sandali pa ay nagawa niyang malunok iyon. Si Igo naman ay nakatitig kay Shey na pinilit talagang kainin ang paboritong ulam niya. Napangiti pa siya ng masiguradong nalunok na nito ang isinubo nitong laing. "Yeah, you're right. Hindi na masama. Masarap ka ngang magluto." Ani Shey na kahit papano ay nagawang kumain kahit kaunti lang. Matapos kumain ay ipinagbalat pa ni Igo ito ng ponkan at mansanas. Dahil pati pagbabalat noon ay hindi nito alam. Napahilot na lang muli si Igo ng noo, habang nakaharap sa lababo at naghuhugas ng pinagkainan nila. "Ano ba itong pinasok ko. Alien na nga ang kasama mo, parang bata pang sakit sa ulo. Haist." Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng makilala ni Igo si Shey. Kahit papaano ay natututo na ito sa mga simpleng gawaing bahay. Kahit umaalis siya ng sobrang aga sa para sa trabaho sa palengke ay pinipilit niyang makauwi ng mas maagap para maturuan ito. Ngayon ay kahit papaano ay hindi na ito magugutom. Noong una ay ipinapakisuyo pa niya si Shey kay Aling Maring. Mula ng mahalata niya itong kahit ang pagsasandok ng kanin ay hindi nito magawa, ay parang bata niya itong inihabilin sa ginang. Pero ngayon, kahit pagluluto ng mga frozen foods or can goods ay nagagawa na nito ng wala ang tulong ng iba. Iyon nga lang, iyon pa lang ang alam nitong kainin, at ang gulay, sapilitan pa rin. Ang pagsasaing naman ay siya na ang gumagawa bago siya umalis ng bahay. Kahit papaano ay wala naman itong reklamo kahit nalamig ang kanin. Basta bagong luto ang ulam ay ayos na. Gabi na ng makauwi si Igo. Kasabay niya sina Jose at Cy. Hindi na kasi nagsakay sa kanya-kanyang tricycle ang dalawa. Flat ang tricycle ni Cy at hindi pa napapaayos, habang namamaga ang pupulsuhan ni Jose dahil sa pagbubuhat. Pero hindi pa rin tumitigil sa pagtatrabaho. Nagkatinginan naman si Cy at Jose ng pagkatigil sa garahe ay hindi na sila pinansin ni Igo. Habang noon ay pinapapasok pa muna sila nito para magkape. Malapit lang kasi ang bahay nila sa isa't isa. Ang bahay ni Cy ay apat na minutong lakad mula sa bahay ni Igo. Habang nasa anim minutong lakarin ang bahay ni Jose. Sa pagtataka na hindi sila inaya ni Igo para magkape. Kaya naman sa halip na umuwi agad ng bahay ay sinundan ito ng dalawa. "Magandang gabi Igo. Nakapagsaing na ako." Nakangiting bati ni Shey at hinila ang kamay niya. Dahil iniwan ni Igo na bukas ang pintuan ay pinatuloy na ng dalawang kaibigan ang kanilang mga sarili. "Tuloy na kayo Cy, ikaw din Jose. Feel at home." Ani Cy papasok ng bahay ni Igo. Habang si Jose ay natawa na lang sa sinabi ng kaibigan. Nasundan pa nila si Igo hanggang sa kusina at doon nila nakita ang magandang babae na kasama ni Igo. Nakangisi naman si Cy habang nakatingin sa kaibigan. Si Jose naman ay tahimik pa rin na nakatingin kay Igo at sa babaeng kasama nito. Pero alam ni Cy na pareho sila ng iniisip ng kaibigan. Magkakasama silang tatlo sa kasiyahan, pagdadamayan at kalokohan. Kahit kung titingnan ay parang napakamahal ng isang salita ni Jose ay alam nilang iisa sila ng nasa isipan. Hindi naman cold na tao si Jose. Tipid lang talagang magsalita. At sila lang dalawa ni Rodrigo ang hinahayaang mag-ingay sa tabi nito. Kung ibang tao ka. Siguradong iiwan ka ni Jose kung maingay ka. Pinanood lang muna ni Cy at Jose ang kaibigan at nga babaeng kasama nito, habang nakatayo malapit sa kalan. "Magaling ka na bang magsaing?" Mahinahong tanong ni Rodrigo na may kasamanang kaunting paglalambing. "Hindi pa gaano. Pero ngayon, hindi na siya lugaw na tulad noong una akong nagsaing. At isa pa hindi na rin sunog." Pagmamalaki pa ni Shey sa kanya, at binuksan pa ang kaldero ng kanin. Napangiti naman si Rodrigo ng makita ang malambot na sinaing. Pero mas mabuti na ngayon kay sa tulad noong una at ikalawa nitong luto ng kanin. Noong una ay sunog na talagang halos ay hindi na mapapakinabangan. Ang ikalawa naman ay kulang na lang ng luya at lugaw na. "Anong masasabi mo?" Excited na tanong ni Shey na nagpangiti kay Rodrigo. "Para kang bata. Okay na." "Okay lang?" Nakangusong tanong ni Shey kaya ginulo ni Igo ang buhok nito. "Good job. Masaya ka na?" Tanong ni Igo na hindi na nagawang sumagot ni Shey. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang biglaang pagdaan ng isang bubwit sa may paanan ni Shey, at inikutan pa talaga ang paa nito. Kahit si Cy at Jose na pinapanood ang dalawa ay nagulat sa pagsigaw ng dalaga. Mas lalo pa nilang ikinagulat ang sumunod na nangyari. Bigla na lang dinambahan ng dalaga si Rodrigo kaya ngayon ay pasaklang na itong buhat ng kaibigan nila habang nag-iiyak naman sa takot sa bubwit. "What kind of creature is that? It is a mouse? It's a mouse di ba? Waaaah Igo. I hate mouse! Don't let me down. I can't! Igo!" Sigaw pa ni Shey na takot na takot na naman, kahit buhat-buhat na siya ni Igo. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanyang leeg sa takot na malaglag at bumagsak sa tabi ng bubwit. Napaharap naman si Rodrigo sa bungad ng kusina, ng sundan niya ng tingin ang bubwit na kinatakutan ni Shey. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon hindi lang ang bubwit ang nakita niya. Nandoon si Cy at Jose na parehong nakangisi sa kanya at ang bubwit na wala ng buhay dahil naapakan na iyon ni Cy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD