Chapter 7

1625 Words
Laglag pangang nakatingin si Igo sa dalawang kaibigan habang nakangisi sa kanya. Buhat-buhat pa rin niya si Shey na ngayon ay kapit-tuko pa ring nakakapit sa leeg niya. "Anong ginagawa ninyo dito?" "Enjoying the view." Sagot ni Cy kaya naman napailing na lang si Jose. Tulad din ni Rodrigo ay nakakaintindi at nakakapagsalita naman sila ng Ingles. Hindi lang talaga katulad ng iba na kahit mabilis na salita ay nagkakaintindihan. "Iyong totoo? Anong ginagawa ninyo dito?" Ulit na tanong ni Igo na hindi yata napapansin na sa mga oras na iyon ay buhat pa rin niya si Shey. "Hindi mo kasi kami inaya na magkape na dati naman ay palagi mong ginagawa. Kaya naman, pinatuloy na namin ang mga sarili namin dito sa bahay mo." Paliwanag ni Cy. "Saka ko na kayo, iimbintahang magkape magsilayas na kay-." Napahinto ng pagsasalita si Rodrigo ng mapatingin siya kay Jose na naglakad patungo sa may lamesa at naupo sa may silya. "Ang kulit!" Inis na pa sambit ni Igo. "Mapapalayas mo ba si Jose? Naku Igo magtimpla ka na lang ng kape at---." "May magagawa pa ba ako?" Putol ni Igo sa sasabihin pa ni Cypher, ng maramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap ni Shey sa kanya. Mabuti na lang at hawak niya itong mabuti at hindi nahulog. Dahil sa takot sa bubwit nakatulog na ito sa pagkakabuhat niya. Hindi naman muna pinansin ni Rodrigo ang dalawa at dinala na muna niya si Shey sa kwarto. Inihiga niya ito sa kama ay kinumutan. Nang masiguradong komportable na si Shey ay saka lang niya nagawang lumabas ng kwarto. Pero bago pa siya makarating sa bukas ng pintuan ay mukha ni Cy at Jose ang nakita niya na sa tingin niya ay pinapanood ang lahat ng kilos niya. Kanina pa. "Ang tsismoso ninyong dalawa. Itong si Jose tatahi-tahimik lang, pero isa ding tsismoso eh." Naiiling na sambit ni Igo at nagtungo na sila sa kusina. Mamaya na lang niya gigisingin si Shey pag kakain na sila. Hahayaan na lang muna niyang magpahinga ito. Sa liit ng bubwit na iyon. Para talaga itong bata pagnatatakot. Mabilis makatulog. "Anong meron sa inyo ng babaeng kasama mo dito sa bahay? Kaya naman pala, maaga ka palaging umuuwi may ipinabahay ka na. Para namang hindi mo kami kaibigan nyan ni Jose eh. Di ba Jose?" Sabay baling kay Jose na nakikinig lang sa kanila. Tumango naman ito bilang pagtungon Nagtimpla na rin si Igo ng tatlong kape para sa kanila. "Oh kape ng nerbyosin naman kayo sa pagiging tsismoso ninyo." Sabay baba ng tasa ng kape sa mesa sa tapat ni Cy at Jose. "Grabe ka naman sa amin. Ay sasagutin mo ba ang tanong namin o tatanungin namin iyong babaeng ibinabahay mo?" Tanong ni Cy ng makatanggap ng pambabatok mula kay Rodrigo. "Aray! Ang sakit noon ha." Reklamo ni Cy. "Kung anu-ano kasi iyang lumalabas sa bibig mo." "Ay ano mo siya kung hindi mo ibinabahay?" Nakikinig lang naman si Jose sa pinag-uusapan ng dalawa. "Ganito kasi iyon." Ikinuwento naman ni Rodrigo kung kailan niya nakita si Shey at kung paano sila nagkakilala. Na naawa siya dito dahil sa sinabi nitong wala itong maalala kaya naman pinatuloy na muna niya sa bahay niya. Lalo na at ayaw ng dalaga na magpadala sa pulis sa kadahilanang hindi naman daw nito alam kung ang kukuha sa kanya ay kilala ba nitong talaga o may balak na masama sa kanya. "Naniniwala na kayong dalawa na hindi ko talaga ibinabahay si Shey." "Ibinabahay pa rin ang tawag dun." Si Cy sabay higop ng kape. "Ang kulit! Hindi ko nga siya ibinabahay. Kinupkop ko lang siya." Aniya. "Parang pareho lang naman iyon. Kinupkop at ibinabahay. Lalo na at sa iisang bahay kayo nakatira ng kayo lang dalawa. Isa pa iisa lang ang kwarto dito sa bahay mo. Higit sa lahat babae siya." Paliwanag ni Cy. "Isipin na ninyo ang gusto ninyong isipin pero hindi ganoon. Paano ko ba kayo naging kaibigan? Ito si Jose pangisi-ngisi lang pero nakakaasar. Ikaw namang Cypher ka, puros tanong. Ito sa kwarto ko siya natutulog at doon ako sa mahabang upuang kawayan. Kaya hindi kami magkasama. Isa pa hindi iyon babae." "Ay ano?" Tanong ni Jose na ikinagulat ng dalawa. "Nice dapat pala ma-curious itong si Jose. Nakakabigla ng tanong eh." Ani Cy sabay tapik sa balikat ni Jose. "Good question." "Balik sa tanong kung hindi siya babae ay ano?" Ulit na tanong ni Cy. "Alien." Maikling sagot ni Igo kaya naman parehong nasamid si Cy at Jose. Naaawa man sa dalawang kaibigan ng kitang-kita niya kung paano lumabas sa ilong ng dalawa ang mainit na kape dahil sa pagkakasamid. Sa isip-isip niya ay nakaganti naman siya sa pagiging tsimoso ng dalawa. Alam niyang masakit iyon sa pakiramdam lalo na at mainit pa ang kape. Pero sa puntong iyon. Hindi mapigilan ni Igo na hindi tawanan ang dalawang kaibigan. Inabutan naman niya ang dalawa ng malinis na tuwalya at tig-isang baso ng tubig. Mabilis naman iyong kinuha ng dalawa, pero hindi pa rin mawala sa sistema niya ang pagtawa sa dalawa. Nang makabawi sa pagkakasamid na naramdaman ay tiningnan ng masama ng dalawa si Igo na halos hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. "Tawa pa Rodrigo. Napakasama mong kaibigan." Ani Cy. "Paano namang nangyari iyon? Kayo na nga ang pinagtimpla ng kape. Inabutan ko pa kayo ng tuwalya at tubig. Ako pa ang napakasama? Nakakasakit ka ng damdamin." Sagot ni Igo na nagdadrama pa. "Ang drama mo Igo. Pero bakit mo naman nilihim sa amin na may kasama kang babae dito. Isa pa anong alien ang pinagsasasabi mo?" "Hindi ako naglihim ipapakilala ko din naman siya sa inyong dalawa. Kailan lang ba tayo nagkasama-sama ng pag-uwi? Ngayon lang di ba? Tapos nagmamadali lang akong pumasok sa loob kanina kasi baka mamaya ay wala na akong bahay." Paliwanag ni Igo na hindi naman paniwalaan ng dalawa. "Oo na lang. Pero anong kalokohan mo at may pa alien-alien ka pang nalalaman?" "Paano ay kababae niyang tao walang alam sa gawaing bahay. Isa pa noong unang beses niyang tungtong dito sa bahay ni pagsasandok ng kanin sa plato niya hindi niyan alam kaya ako pa ang gumagawa. Sa tingin ko talaga mayaman siya, base na rin sa suot niyang damit noong una ko siyang nakita. And hindi kumakain ng gulay. Inisip pa yata na baka ako, noong kumain kami at kinakain ko ay pechay." Paliwanag niya at tatango-tango lang si Jose at Cy. "Okay. Baka naman may dahilan talaga kaya siya napadpad dito." "Siguro nga Cy. Hahayaan ko na lang muna. Palagi naman akong wala dito sa bahay, kaya hinayaan ko na lang na magstay dito. Kahit naman papaano ay naturuan ko na siya ng ibang gawain kaya naman, mabubuhay siya ng wala ako. Kasi nakakapagluto na siya ng pagkain niya. Hinahabilin ko naman siya kay Aling Maring." Aniya. Patapos na ang pagkakape nila ng bumukas ang pintuan ng kwarto at lumabas si Shey. Nandoon pa rin ang mga luha sa mata. Mabilis itong nagtungo sa tabi ni Igo at hindi pinansin ang dalawa. "Umiiyak ka pa rin hanggang ngayon?" Tanong ni Igo ng abutin ni Shey ang laylayan ng damit ni Igo at siyang ginawang pampunas sa luha. Natameme naman ang dalawa na kahit si Cy na matanong ay walang nasabi sa ginawa ng dalaga. "I'm fine. Before I wake up. I have a bad dream na naman kasi. There's a hundred of mouse attacked me, and I run fast as I could. Para hindi nila ako maabutan, tapos noong nadapa ako at maaabutan na nila nagising na ako. Kaya ako naiyak. Akala ko totoo." Nakangusong paliwanag ni Shey, ng bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ni Igo. Isang tikhim ang nagpabalik sa isipan ni Rodrigo na hindi lang sila ang nandoon sa kusina at kasama pa nila ang dalawang kaibigan. "Hi." Bati ni Cypher. "Hello I'm Shey, nice to meet you two." Ani Shey at kumaway din kay Jose. "Jose." Maikling pakilala ni Jose kay Shey. Napatingin naman si Igo at Cy kay Jose na nagsalita na naman. "Nakakadalawa na iyan ngayong gabi." Puna ni Cy. "Ako naman si Cypher tawagin mo na lang akong Cy. Mga kaibigan kami ni Igo. Magkakasama kami sa trabaho. Malapit lang ang bahay namin ni Jose. Ilang minuto lang na lakarin." Pakilala ni Cy. "I'm sorry about earlier. Nagulat lang talaga ako kanina." "Ayos lang wala namang problema. Aalis na kami. Igo salamat sa kape." "Sus nahiya pa kayong dalawa, wag na kayong mag-inarte dito na kayo kumain. Magluluto na rin lang naman kayo pagkauwi ninyo. Magluluto na ako ng ulam natin, may sinaing na si Shey." Pigil ni Igo sa dalawa. "Okay mabilis kaming kausap." Bumalik lang sa pwesto ang dalawa at nagsimula ng magluto si Igo ng ginisang patola na may misua. Si Shey naman ay naupo sa silya sa tapat nina Cy at Jose at nakipag-usap sa dalawa at pritong karne. Naiiling na lang si Igo dahil sa lahat ng tanong ni Cy ay sinasagot ni Shey. "So marunong ka namang maglaba? Mukha kasing hindi man lang nasasayaran ng sabong panlaba ang kamay mo?" Tanong ni Cy. "Oo tinuruan na ako ni Igo. Dati kasi kahit mga brassiere at underware ko nilalabhan ni Igo. Nahihiya na rin ako kay Igo kaya pinag-aralan ko ng maglaba kahit iyon lang. Ngayon ako na gumagawa maliliit naman kasi. Iyong mga damit ko na lang ang nilalabahan niya." Nakangiting sagot ni Shey. Oo nahihiya siya, nga lamang iyon kasi ang katotohanan. Kaibigan naman ni Igo ang dalawa, bakit naman siya maglilihim pa. Laglag pangang tumitingin sa kanya si Cy. Ganoon din si Jose na nagkakamot ng ulo. Natawa na lang si Igo sa reaksyon ng dalawa, para sabihin tama siya ng sinabi niya na alien talaga si Shey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD