Chapter 5

1823 Words
Matapos magluto ay tinawag na ni Igo si Shey para kumain. Nakangiti pa itong lumapit sa kanya at masayang tumingin sa pagkaing nasa hapag. "Maupo ka na at kumain ka na." Ani Igo at sumunod namang siya. Natigil sa ere ang kutsara na dapat isusubo ni Igo ng mapansing nakangiti lang sa kanya si Shey na wari mo ay may hinihintay. "May kailangan ka?" "Kakain na ako." Nakangiting wika pa nito na hindi naman maunawaan ni Rodrigo kung ano ang ibig sabihin sa kanya ng dalaga. "Kumain ka na nga, kumuha ka na ng kanin." Sabi pa ni Igo, pero hindi naman kumikilos ni Shey. Napalatak na lang si Igo ng maalala ang nangyari kagabi. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at nilagyan ng kanin ang plato ni Shey. "Okay na. Kain ka na." "Paano ako kakain ay may damo na naman itong ulam ko." Sagot ng dalaga sa kanya. "Tinola ang pinaluto mo di ba? Natural na may dahon iyan ng sili at papaya. Paano ka ba kumain ng tinola?" "Yaya Lourdes always give me only a soup and chicken meat. Hindi niya nilalagyan nitong ibang nakalagay." Sagot ni Shey na pinaningkitan naman ni Igo ng mata. Ilang sandali pa ay narealize din ni Shey ang sinabi niya. "Anong sabi mo? Yaya Lourdes? Ibig sabihin hindi ka talaga nawalan ng alaala, kasi may ibang pangalan kang binabanggit. "No! I can't say any name ha. Sabi ko yah. Yeah, sabi ko yah ibig kong sabihin oo tinola nga ang pinapaluto ko. Pero hindi naman ako nakain ng ganyan kaya sabaw at manok na lang ang uulamin ko." Paliwanag ni Shey. Hindi man bumenta kay Igo ang sinabi nito. Kaya hindi na lang niya pinahaba ang usapan nila. "Okay, anong gusto mong gawin ko?" "Pwede bang alisin mo na lang para sa akin?" "Ano pa nga ba?" Inalis na lang ni Rodrigo ang papaya at dahon ng sili na nakalagay sa mangkok nito at ang itinira na lang ay ang sabaw at karne ng manok. Masaya naman si Igo, dahil sa naging magana namang kumain ang kanyang bisita. Naubos nito ang pagkaing ibinigay niya dito. "Ang sarap ng luto mo." "Napansin ko nga. Mabuti at nagustuhan mo. Sige na. Ako na dito. Mag-ayos ka na at tutungo tayo sa bayan." Ani Igo. Matapos makapaghugas ng pinggan ay pinuntahan na niya si Shey, para makaalis na sila at ng makapamili ito ng gamit nito, pati na rin ng mga damit nito. Pumasok naman ng kwarto ni Igo si Shey para hanapin ang wallet niya. Alam niyang dala niya hanggang sa pagpasok ng bahay ang wallet niya. Pouch lang iyon dahil hindi nga siya nagdala ng mismong wallet niya na may i.d's. "Ito ba ang hinahanap mo?" Tanong ni Igo habang hawak ang wallet na hinahanap ni Shey. "Oo ayan na nga. Saan mo nakita?" "Sa bulsa ng damit na suot mo ngayon. Nakapa ko ng labahan ko kanina. Ipinatong ko yan sa ibabaw ng ref. Akala ko nakita mo na kanina. Tapos nakita ko na nandoon pa rin. Tara na, para makabili ka ng mga gagamitin mo." Namula naman ang mukha ni Shey dahil naalala na naman niya ang paglalaba nito sa damit niyang suot ngayon. Pero pinilit niyang baliwalain iyon. Sumunod naman siya kay Igo. Nakangiti pa siya ng maisip na sasakay na naman siya si tricycle. Masasabi niyang masarap sumakay sa sasakyang iyon. Lalo na at presko ang hangin na nararamdaman niya pagsakay doon. Hindi katulad ng sa kotse niya na need mo pang magbuhay ng aircon. Para makaramdam ng lamig. Pagdating nila ng bayan ay ipinarada muna ni Igo ang tricycle doon sa may bagsakan ng gulay. May pwesto na kasi doon ang tricycle niya kaya hindi na siya mahihirapang magparada. Nadaanan pa niya ang truck na dapat ay ibababa nila ang laman. Pero nagsabi siya kina Cy at Jose na kung maaari ay silang dalawa lang muna doon at may importante lang siyang gagawin, at pinagbigyan naman siya ng dalawa. Isinama niya si Shey sa tindahan ng mga damit. Nakatingin lang sa mga damit ang dalaga, at parang hindi malaman ang gagawin. "Shey, iba ang buhay dito sa probinsya at iba ang buhay na nakasanayan mo. Para makasurvive ka. Kailangan mong makasanayan ang pamumuhay nila dito at makisama at makibagay sa mga tao. Magpasalamat ka na lang at napakabait sayo ni Igo, na kahit napakadami mong kapalpakan, ay hindi nagagalit sayo." Kausap pa ni Shey sa sarili. Magsasalita na sana si Igo dahil parang hindi pa rin alam ni Shey ang gagawin ng unahan siya nito sa pagsasalita. "Manang ano po kaya ang damit na bagay sa akin. Lahat po kasi magaganda ang tinda ninyo. Iyon lang po sanang presko sa katawan." Napatango na lang si Igo sa sinabi ni Shey. Pakiramdam niya ay pinag-aaralan talaga ni Shey ang pamumuhay sa kanilang probinsya. Dahil hindi man nito sabihin. Nararamdaman niyang laki ito sa syudad. Mahilig si Shey sa mga dress. Pero ngayon dahil iba ang pamumuhay niya. Bumili siya ng mga duster. Natuwa naman ang tindera dahil kahit mumurahin ang tinda nito ay para daw naging mukhang mamahalin ng si Shey ang nagsuot. Bumili na din si Shey ng mga undergarments at bra. "Magkano po lahat manang?" "Two thousand seven hundred lahat ineng." Sagot ng tindera. Kukuha pa ng pambayad si Shey ng si Igo na ang nagbayad ng mga damit niya. "Ako na. Pinatuloy mo na nga ako sa bahay mo. Tapos magiging obligasyon mo pa ako. Hindi na." "Ako na. Itago mo na lang iyang pera mo. May ipon naman ako kaya wag kang mag-alala." Nahihiya man ay tinanggap na ni Shey na si Igo na ang nagbayad ng damit niya. "Salamat." Maikli niyang tugon. Matapos magbayad ay nagpasalamat na lang sila sa tindera at umalis na. Sunod naman nilang pinuntahan ang malaking grocery sa bayan. Para makapamili si Shey ng mga personal na gamit nito. "Mamili ka na ng mga kailangan mo, para makauwi na tayo. Ituturo ko pa sayo ang mga bagay-bagay sa bahay. Baka mamaya pag-uwi ko at nagutom ka. Maging abo na ang bahay ko. Sa halip na ikaw lang kinupkop ko. Baka mamaya pati ako magpa-ampon sa mga kaibigan ko." Ani Igo sa seryosong pananalita, kaya napatungo si Shey. "Okay lang yan. Nahiya pa itong alien na ito." Natatawang wika ni Igo na nakatanggap ng kurot mula kay Shey. Bigla namang hinagip ni Igo ang kamay nito at iniharap sa dalaga. "Ang talas ng kuko mo, bili tayong nailcutter mo at putulin mo iyan." Reklamo ni Igo habang haplos-haplos ang braso niyang kinurot nito. "Ikaw kasi. Bakit ba alien ka ng alien? Mukha ba akong galing sa ibang planeta? Ang ganda ko kaya. Kainis ka ha!" Inis na sambit ni Shey. Sabay irap kay Igo. Natawa na lang si Igo, at napahilot sa noo. "Nagbuhat ka pa talaga ng sarili mong bangko?" May pagkamaldita pa rin talaga ang babaeng kinupkop niya. Bukod sa wala itong alam sa buhay, ay para pa itong batang turuan. Hinila na lang ni Rodrigo papasok ng grocery si Shey. Sumunod naman ito sa kanya na hindi napapansin ang magkahugpong nilang mga kamay. Hindi malaman ni Shey ang dahilan, pero bigla na lang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso ng maglapat ang kanilang mga kamay. Hindi niya alam kung naramdaman iyon ni Rodrigo, pero kung siya ang tatanungin. Para iyong kuryente na nagbigay ng spark sa kanyang puso. Hindi na naman siya nakapagsalita, dahil hawak-hawak ang kamay niya papasok ng grocery. Binitawan lang siya nito ng kumuha ito ng pushcart na paglalagyan ng pinamili niya. Pero hindi natatapos doon ang pagreregudon ng puso niya. Dahil hinawakang muli ni Rodrigo ang kamay niya. Para tuloy siyang bata, na akay-akay ng tatay niya kasi baka mawala habang nasa loob ng grocery. "Wag kang bibitaw sa akin ha. Madaming tao, baka mamaya mawala ka. Hindi ka naman sanay dito, baka kung saan ka pa mapunta. Problema ko pa." Anito kay tumango na lang siya. Tuwing bibitawan ni Igo ang kamay niya. Heto siya at kumakapit sa damit nito. Sa takot na mawala siya sa tabi nito. Isang matamis na ngiti naman ang pinakawalan ni Shey. Hindi niya akalaing magiging ganoong kabilis na mapapalagay ang loob niya sa isang lalaki na kagabi lang niya nakilala. "Anong nginingiti-ngiti mo?" Seryosong tanong nito sa kanya. "Wala ah, masaya lang ako kasi sinama mo ako dito. Madami palang pwedeng bilhin dito, at hindi mo na need magpalipat-lipat kung saan-saan." "Ano bang naiisip mong bilhin ngayon?" "Cosmetic section tayo." Isinama naman siya ni Igo sa parteng iyon. Need niyang magtipid kaya hindi dapat siya bumili ng hindi niya kailangan. Pasalamat nalang siya at doon sa pouch na dala niya, nailagay niya ang press powder niya at lip therapy niya. Hindi naman niya kailangan na maglipstick. Natural na mapupula naman ang labi niya. Bumili na lang siya doon ng face powder at lotion. Tapos ay nagpasama na lang siya na bumili ng iba pang gamit, gaya ng sanitary napkin, toothpaste, toothbrush, sabong panligo at shampoo. Matapos nilang bayaran ang pinamili nila, ay dumaan lang ulit si Igo sa loob ng palengke para bumili ng prutas, gulay at karne, iniwan na lang niya si Shey sa may tricycle. Lalo na at pagod na pagod na daw ito sa ginawa nilang paglalakad kanina. Mabilis lang naman ang ginawang pamimili ni Igo, para makauwi na sila ng bahay. Hindi man niya nararamdaman ang pagod ni Shey alam niyang hindi ito sanay sa lakad na nangyari sa kanila. Sa tingin ni Igo ay pipikit na ang mga mata nito. "Dito ka na lang sa may likuran ko sumakay, baka mamaya ay makatulog ka pa habang nasa byahe, makabitaw ka pa." "Paano pag nakatulog nga ako hindi ba mas delikado ang pwesto ko dyan." "Mararamdaman ko pag nakatulog ka. Kaya naman pwede kong itigil ang pagmamaneho." "Okay." Sagot na lang ni Shey at naupo sa likurang bahagi ni Igo. Natuod naman si Igo sa ginawang pagyakap sa sa kanya ni Shey. Ipiniling na lang din niya ang ulo, dahil sa kakaibang damdamin na kayang biglang naramdaman paglapit sa dalaga. Pero binaliwala na lang niya iyon. Dahil naiisip niya ang pagod na nakita niya sa mukha ng dalaga. Samantala, hindi naman malaman ni Shey kung ano ang damdaming biglang nabuo sa kanyang puso ng maramdaman niya ang magkahugpong niyang mga kamay habang nakayakap sa bandang tiyan ni Rodrigo. Napangiti pa siya ng maramdaman ang paninigas nito. May epekto pala ang kagandahan ko sayo eh. Aniya pa sa kanyang isipan, ng mas lalo pa niyang isinubsob nag mukha sa likuran ni Rodrigo. Pawisin ito pero hindi niya maiitanggi na napaka bango nito. "Sabi ko, yumakap ka lang sa akin, para hindi ka mahulog at maramdaman ko kong makakatulog ka. Hindi ko sinabing isubsob mo iyang mukha mo dyan sa likuran ko." Sita niya sa babaeng nag-eenjoy yata sa malapad niyang likuran. "Whatever, Igo. I'm feeling tired na kasi." Maarteng wika ni Shey na ikinaingos lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD