Sikat na ang araw, pero nasa higaan pa rin si Shey, wala na si Igo sa bahay. Hindi na muna ulit siya isinama ni Igo sa trabaho lalo na halfday lang daw ito. Masyadong madami ang gulay ang nadeliver noong nakaraan kaya need munang mapaubos iyon bago magpadeliver ulit. Hindi naman maganda ang mastock ang gulay at baka masira ito.
Pikit pa ang mata pero, pero gising na ang diwa niya. Nang bulabugin siya ng isang malakas na katok. Ayaw pa sana niyang bumangon. Pero ang taong kumakatok sa pintuan ay wala pa ring tigil sa ginagawa nito.
Inis na bumangon si Shey, hindi na niya nagawang mag-ayos ng sarili kung sino man ang kumakatok na iyon, talagang makakatikim ng pangmalakasan niyang pag-irap.
"Sino yan?" Patamad niyang tanong habang binubuksan ang pintuan.
"May dala akong adobo for you Igo." Ani ng babaeng bumungad kay Shey sa labas ng bahay. Nakangiti pa ito ng abot tainga. Pero agad ding nawala ng siya ang makita.
Napairap naman si Shey sa harap ng babaeng hindi niya inaasahan ngayon. Naiinis talaga siyang inabala nito ang maganda niyang paghiga sa kama.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong pa nito habang nakasimangot sa kanya.
"Dito kaya ako nakatira." Walang buhay niyang sagot.
"Nasaan si Igo? Bakit ikaw ang nagbukas ng pintuan?"
"Malamang wala si Igo kaya ako ang nagbukas ng pintuan." May pagkasarkasmo amg boses ni Shey ng sagutin ang tanong ng kaharap.
"Nagtatanong ako ng maayos. Bakit? Girlfriend ka ba ni Igo para itago s'ya? Hindi ikaw ang kailangan ko. Palabasin mo si Igo." Anito at halos itulak pa s'ya. Iniharang naman niya ang sarili sa pintuan.
"Ano ba? Pahara-hara ka dyan! Igo! Rodrigo! May dala akong adobo para sayo. Masarap ito, parang ako. Kasi ako ang nagluto nito with love." Nakangisi pang wika ni Chellay sa kanya. Pero sinagot din niya ang ngisi nito.
"Tumawag ka man ng tumawag, walang Igo na sasagot sayo. Bumalik ka na lang sa isang araw. Pwede ring wag na lang." Aniya ng banggain siya ni Chellay at nagawa nitong makapasok sa loob ng bahay.
Ayaw naman ni Shey ng away kaya naman naupo na lang siya sa pinakabalkonahe ng bahay ni Igo at hinintay sa labas ang babaeng ayaw maniwala na wala doon si Igo. Naririnig pa siya ang sigaw ni Chellay habang tinatawag ang pangalan ni Igo.
"Bahala kang maubusan ng boses. Hindi naman malaki ang bahay ni Igo. Cute lang. Tapos kung makasigaw akala mo naman nasa loob ng mansyon. Syempre kahit mahina ang boses n'ya maririnig na iyon ni Igo. Kaso wala nga dito. Kahit pa maubusan siya ng boses. Walang Igo na lalabas. Sige lang ubusin mo boses mo." Ani Shey habang kinakausap ang sarili.
"Saan mo itinago si Igo?" Inis na tanong nito sa kanya.
"Dito sa puso ko. Gusto mong makita? Wait I removed the lock." Nakangising wika ni Shey ng padabog na ilapag ni Chellay ang adobo na nakalagay sa tupperware, na dala daw nito para kay Igo.
"Nakakainis ka ng babae ka. Makikita mo at sa akin lang si Igo." Anito.
"Oops. Inagaw ko ba sayo si Igo? Wala naman akong sinabi na akin si Igo di ba? I just say na wala dito si Igo. Beside hindi ko inaangkin si Igo. Pero hindi ko naman ibinibigay sayo. Kasi kung mismong si Igo ang ayaw sayo. Accept the fact na ayaw niya sayo. Hindi iyong para kang aso habol ng habol sa buto." Aniya ng tingnan siya ng masama ni Chellay.
Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kaba. Pag may ginawang masama sa kanya si Chellay walang makakaalam kasi wala doon si Igo. Wala din ang kapitbahay nilang si Nanay Maring. Takot man sa paninitig ni Chellay ay naging relax lang ang mukha niya. Nang magsalita itong muli.
"Bwisit kang babae ka! Babalik ako mamaya. Nakakainis ka!" Inis na wika ni Chellay at iniwan na s'ya.
Tinanaw naman ni Shey ang papalayong bulto ni Chellay na galit na galit sa kanya. Napahugot naman siya ng malalim na paghinga.
"Buti na lang maldita lang ang Chellay na iyon at hindi masama ang ugali. Bibig mo kasi." Reklamo niya sa sarili.
"Isa pa, kasalanan ko bang wala dito si Igo? Eh bakit kasi nagtataray siya? Kung nagtanong ng maayos di sinabi kong nasa palengke pa si Igo bahala na nga s'ya." Aniya ng mapansin ang tupperware, na nakapatong sa lamesa.
"Masarap kaya ang luto niya? Hindi naman siguro masama kung titikman ko di ba? Hindi naman siguro iyon maglalagay ng lason, kasi si Igo naman ang pakakainin niya di ba? Isa pa nagugutom na rin ako. Kahit naman, ganito ako. Palagi namang itinuturo ni Yaya Lourdes na, masama ang mag-aksaya ng pagkain. Kaya hindi masama kung kakainin ko ito. Wala naman dito si Igo." Kausap pa ni Shey sa sarili at tatangu-tangong nagtungo sa kusina.
Nakita niya na may sinaing na iniwan si Igo. Mainit naman ang ulam na dala ni Chellay kaya ayos na iyon sa kanya. Sumandok siya ng kanin.
"Salamat po sa pagkain." Aniya at sinimulan ng kumain.
"Hindi na masama. Pero masarap iyong para din ganito na luto ni Igo. Pero pwede na." Puna niya sa luto ni Chellay at hindi niya napansin na naubos na pala niya ang luto niyo.
"Hala!" Gulat pa niyang bulalas. "Sabihin ko na lang kay Igo. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling. Nagsinungaling na nga ako na wala akong maalala eh." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Shey. Inilagay na lang niya sa lababo ang pinagkainan niya. Si Igo na kasi ang bahala doon pag-uwi nito.
Naupo na lang siya sa may kawayang upuan, pagkatapos kumain. May maliit namang tv doon si Rodrigo kaya naman nanood na lang siya sa palabas doon. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Ala una na ng hapon ng makauwi si Rodrigo. Hindi na naman nagtungo sa trabaho si Cy at Jose kaya naman ilan lang siyang nagtrabaho ng araw na iyon. Nasa labas pa lang ay dinig na niya ang pag-iingay ng tv. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya si Shey na nakahiga sa upuang kawayan at mahimbing na natutulog.
Pinatay muna niya ang tv. Bubuhatin sana niya si Shey, pero nagising bigla ito.
"Kanina ka pa? Nakatulog pala ako." Ani Shey.
"Kauuwi ko lang. Pinatay ko na ang tv."
"Ah. Ayos lang pasensya na nakatulugan ko na pala."
"Okay lang ano ang inulam mo kanina?" Tanong ni Igo. "Medyo na late ako ng uwi. Hindi ka pa nagtatanghalian? Magluluto ako."
"Hindi pa. Adobo daw iyong kinain ko kanina." Aniya ng balingan siya ni Igo.
"Adobo daw? Nagluto ka? Marunong kang magluto noon?" Tanong ni Igo na sunod-sunod niyang ikinailing.
"Pinuntahan ka ni Chellay dito. May dala siyang adobo para sayo. Kaso wala ka, kaya nagalit sa akin. Tapos padabog na umalis. Hindi ko naman kasalanan na wala ka dito di ba? Tapos ayon sa inis sa akin, iniwan na lang iyong adobo. Mainit pa. Naisip ko na para iyon sayo. Kaya sure na wala iyong lason. Kaso hindi ko namalayan na naubos ko pala. Pero sana wag mong sasabihin kay Chellay na kinain ko ha." Nahihiyang paliwanag ni Shey kay Igo.
Natawa naman si Igo sa ikinikilos ni Shey. Ramdam naman niya na ayaw ng dalawang babae sa isa't-isa. Hindi lang niya alam kung bakit. Pero sa ipinapakita ni Shey kahit naiinis ito kay Chellay ay mabuti pa rin ang puso nito at hindi mataas ang pride. Kung sa ibang babae baka itinapon na nito ang pagkaing dala ni Chellay. Pero ang nangyari pa ay kinain nito at naubos pa.
"Hali ka nga dito." Tawag ni Igo sa kanya at lumapit naman siya. Ginulo nito ang buhok niya na parang tuta. Napasimangot naman siya pero tinawanan lang siya nito.
"Hindi ko alam kung anong problema ninyong dalawa ni Chellay at para kayong magpapanunggab pagnagkalapit. Pero masasabi kong proud ako sa ginawa mong pagkain sa niluto niya. Kahit ayaw mo sa kanya, marunong ka pa ring magpahalaga, pagkain man yan o ano. Sige, para sayo hindi ko sasabihing kinain mo ang niluto niya." Ani Igo, kaya naman napangiti siya ng malaki.
"Pero may gusto ka bang kainin. Hindi ako kumain sa karinderya ni Aling Lucing para may kasabay kang kumain." Dagdag pa ni Igo.
"Talaga? Sige parang gusto ko ng," hindi natuloy ni Shey ang sasabihin ng biglang pumasok ng bahay ni Igo si Chellay na may bitbit na naman na may kalakihang tupperware.
"Alam kong nagugutom ka na Igo, kaya naman ng malaman kong wala ka dito kaninang umaga, bumalik na lang ulit ako sa bahay at nagluto nitong kare-kare. Paborito mo ito kaya naman mas sinarapan ko." Ani Chellay at mabilis na nagtuloy sa kusina. Natigilan naman si Igo. Pero bago pa niya napigilan si Chellay nasa kusina na ito.
"Di ba bawal ang babae dito sa loob ng bahay ko." Wika ni Igo ng ngitian siya ni Chellay.
"So hindi pala babae iyang kasama mo dito?" Sabay turo kay Shey.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"Kung hindi ganoon. Ay ano?" Tanong ni Chellay na hindi naman malaman ni Igo ang isasagot. Ano nga bang sasabihin niya. Na iba si Shey? Paano naging iba? Babae nga ito at sa kwarto pa niya mismo pinatulog. Napabuntong hininga na kang si Igo at napatango.
"Okay sige, hindi na kita pagbabawalan. Pero bawal ka dito pag mag-isa lang ako maliwanag?" Matamis na ngiti naman ang pinakawalan ni Chellay, kay Igo.
Tiningnan pa ni Chellay si Shey. Napatingin din naman ang huli. Isang ngiting tagumpay naman ang pinakawalan ni Chellay sa kanya.
Napailing naman si Shey at napatingin kay Igo. "One point ka Chellay pero babawi ako." Aniya sa isipan, habang inilalagay ni Chellay sa serving plate ang pagkaing dala nito.
Madami pa namang natirang kanin kanina, kaya kung doon man kakain si Chellay ay kasya pa sa kanila iyon.
Naupo na lang siya sa isang upuan na nandoon. Habang si Chellay ay naupo sa tabi ni Igo.