Chapter 12

1665 Words
Masama ang tingin na ipinukol ni Chellay kay Shey, habang nakaupo ito sa kabilang upuan sa tapat nila ni Igo. Hindi naman nagsasalita si Shey at hinahayaan lang nito ang paninitig sa kanya ni Chellay. "Igo kain ka lang ng madami ha, niluto ko talaga yan, para sayo. Alam kong hindi mo natikman ang adobo na niluto ko. Kasi malamang itinapon na lang iyon ng isa dyan." Ani Chellay sabay irap kay Shey. Isang munting ngiti naman sumilay sa labi ni Igo ng marinig ang sinabi ni Chellay. Kung hindi sinabi ni Shey sa kanya ang katotohanan baka nga makaramdam siya ng tampo. Pero sa kaalamang hindi naman ito nag-aaksaya ng pagkain ay natuwa talaga siya. "Okay lang naman kung hindi ko natikman. Magluluto pa nga sana ako ng ulam namin ngayon eh. Pero dahil dumating ka kahit hindi naman kita pinapapunta at may dala kang pagkain. Thank you pa rin. At kakain ako ng madami. Salamat ulit." Wika ni Igo na sa tingin ni Shey ay kinilig naman si Chellay pero hinayaan na lang niya. "Your welcome Igo. Kumain ka na rin Shey. Dinamihan ko talaga yan, para matikman mo kung gaano kasarap magluto ang babaeng nababagay kay Igo. Dapat kasi ganoon ang isang babae, maraming alam sa bahay at sa buhay. Hindi iyong basta lang gigising sa umaga, tapos maghihintay na abyadin pa siya. Hindi dapat ganoon ang isang babae. Ang babae dapat ang ilaw ng tahanan, hindi iyong basta lang palamunin sa bahay." Paliwanag ni Chellay kay Shey. Napatingin naman si Shey kay Igo na sinasandukan na si Igo ng pagkain. Napatungo naman si Shey ng mapansing ibabaling ni Igo ang tingin sa kanya. Tinamaan talaga siya ng hiya sa sinabi ni Chellay. Tama naman ito. Ano bang maipagmamalaki niya? Wala siyang alam sa buhay. Wala siyang alam sa bahay. Si Yaya Lourdes niya ang may alam ng lahat. Sa pagkain niya basta na lang niya iyon kakainin. Pag may kailangan siya, basta na lang niya iyon iuutos sa mga katulong. Wala siyang ibang naranasan na gawain sa loob ng bahay. Ni magpalit ng cover ng kama, ay may gagawa pa para sa kanya. Pati pagpapalit ng mga gamit niya sa banyo, na wala ng laman ay may gumagawa para sa kanya. "Shey!" Tawag sa kanya ni Igo kaya naman napatingin siyang bigla dito. Medyo malayo na rin pala ang nilakbay ng isipan niya, ng hindi niya napapansin. "Kain na." Anito at napatingin pa siya sa pinggan niya na may nakalagay ng kanin at ulam. "Salamat." Isang ngiti naman ang ibinigay ni Shey kay Igo bago nito hinawakan ang kutsara at tinidor. "Bakit naman pati pagsasandok ng pagkain, kailangan pa siyang sandukan?" May inis sa tono ng boses ni Chellay. "Naiinggit ka lang eh. Heto na ayan kain ka na rin." Wika ni Igo sabay sandok ng pagkain at inilagay nito sa pinggan ni Chellay. "Happy." Tanong ni Igo. "Thank you Igo." Nakangiting wika ni Chellay, habang naiiling na lang si Shey. Tahimik lang silang kumakain. Si Shey naman ay hindi na nilagyan ni Igo ng gulay, sauce lang ng kare-kare at karne ang inilagay niya dito. Ayaw niyang may mapuna na naman si Chellay at baka mamaya ay magkairingan na naman ang dalawa. Sabay-sabay naman silang nakatapos kumain. Napangiti pa si Igo ng mapansin naubos naman ni Shey ang pagkaing ibinigay niya. Kahit sabihing madami itong ayaw noong una. Ngayon naman ay napipilitan na itong kainin kung ano man ang ibinibigay niya. Si Igo na ang tumayo para sana ligpitin ang pinagkainan nila. Pinapatas na niya ang mga pinggan ng magsalita si Chellay. "Bakit ikaw ang gumagawa niyan Igo? Wala bang balak gumawa itong kasama mo sa bahay?" Pagtataray ni Chellay habang matalim ang titig na ibinabato nito kay Shey. Napabuntong hininga na lang si Igo, at tinignan si Shey na hindi naman natitinag sa kinauupuan nito. Napakunot ang noo ni Igo ng mapansing nakatungo lang ito, at hindi gumagalaw maliban sa mabilis na paghinga. Mabilis niyang binitawan ang hawak na pinggan at nilapitan si Shey. "Shey! Okay ka lang? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong ni Igo ng tango lang ang isagot ni Shey. "Hey. Magsalita ka! Anong nangyayari sayo?" Hindi na mapakaling tanong ni Igo ng ngitian siya ni Shey. "A-ayos la-lang a-ko." Nauutal ng wika ni Shey ng buhatin ito bigla ni Igo. Ramdam na ni Igo na hindi ito makahinga, base na rin sa tono ng boses at sa mabilis na pag-iiba ng boses nito. Hindi naman malaman ni Shey ang dahilan kung ano ang nangyayari sa kanya. First time niyang makakita ng pagkaing dala ni Chellay. Kahit sa bahay nila ay hindi siya nakakita ng ganoong luto ng pagkain. Ayaw niyang purihin si Chellay pero talagang kahit unang besee pa lang niyang makakita ng ganoong pagkain ay masasabi niyang masarap nga ang luto nito. Pero hindi talaga niya alam kung bakit siya nagkaganoon. Pero alam niya ang pakiramdam na iyon. Alam niya na ganoon ang nangyayari sa kanya pagnakakatikim siya ng peanut, pero wala naman siyang nakita doon sa ulam na kinain niya kaya hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pakiramdam niyang iyon. Pagdating nila sa labas ng pintuan ay siyang dating ni Cy at Jose, may dala ang dalawa na beer at sitsirya. Pero nagulat din ng mapansing buhat niya si Shey na ngayon ay parang papanawan na ng malay. "Anong nangyari?" Sabay na tanong ni Jose at Cy. "Hindi ko alam. Matapos naming kumain. Bigla na lang siyang nagkaganyan." Paliwanag ni Igo. "Wala akong kasalanan dyan ha. Okay naman kami ni Igo, pare-pareho lang naman kami ng kinain." Sabat ni Chellay mula sa loob ng bahay. "Ganoon ba? Sige hawakan mo na lang ito." Sabay abot ng plastic na may lamang beer at sitsirya. "Igo ako ng magmamanehong tricycle mo. Alalayan mo na lang si Shey sa loob. Sasama kami ni Jose. Hindi ka naman namin pababayaan na mag-isa lang na kasama ni Shey sa ospital. Kami man ay nag-aalala sa kalagayan niya." Ani Cy, habang binubuhay na ang makina ng tricycle ni Igo. Naging mabilis naman ang byahe nila. Nadala naman nila kaagad si Shey sa isang maliit na ospital sa bayan ng San Lazaro. Nasa labas lang sila ng emergency room at hinihintay ang sasabihin ng doktor na nag-aasikaso dito. Ilang minuto pa ang lumipas ng ng lumabas din ang doktor na siyang sumuri kay Shey. Mabilis naman silang napatayong tatlo at lumapit dito. "Dok kumusta s'ya?" Nag-aalala pa ring tanong ni Igo. "So far, she's safe. Mabuti na lang at nadala ninyo siya kaagad dito. Na kahit mawalan na siya ng malay, ay may malay pa rin siya ng madala ninyo dito. Mayroon siyang allergy sa peanut. Ano bang nakain niya at nagkaganoong siya?" Wika ng doktor. "Hindi ko kasi alam. Kare-kare ang ulam namin kanina. Madami siyang nakain." Sagot ni Igo. "Nextime be careful. I give her a first aid in case it happened again. The treatment is injection of adrenaline (epinephrine) sa medyo gitna ng hita. Kung hindi naman tumalab pwede ninyo ulit bigyan ang paseyente ng isa pang dosage after five minutes. Need natin ng pag-iingat hindi basta-basta ang allergy. Nakatulog naman siya ngayon, mamaya pagnagising siya pwede na ninyo siyang iuwi." Ayon sa doktor at kumuha pa ito ng resita ng injection na ipabibili nito para kay Shey. Matapos maibigay ang resita ay sinabihan naman sila ng doktor na pwede na silang pumasok. Nasa pinakadulo ng emergency room ang pwesto ni Shey at may harang na berdeng tela. Nakahinga naman ng maluwag si Cy at Jose ng makita ang mahimbing na natutulog na si Shey. Kahit naman papaano nag-aalala sila dito. Naging kaibigan na rin nila ang dalaga mula ng ipakilala ito ni Igo sa kanila. Kahit sabihing para nga itong walang alam noong una nilang nakilala ay nakagaanan na nila ito ng loob. Napatingin na lang sila sa kaibigan na lumapit kay Shey. Alam nilang may nagbago kay Igo mula ng dumating sa poder nito si Shey. Pero tamang biro lang sila. Ayaw nilang pangunahan kung ano man ang nararamdaman ni Igo kay Shey. Basta ang nais lang nila ni Jose. Sana ay hindi masaktan si Igo pag bumalik na ang ala-ala ni Shey. Sinabi naman sa kanila ni Igo na walang maalala si Shey kaya tinanggap at pinatuloy nito ang dalaga sa bahay nito. Pero sa kaalamang, babalik ang alaala ng dalaga, o kaya naman ay mahanap na ito ng tunay na pamilya nito, ay parang naaawa na sila sa kaibigan. Pag aalis na si Shey sa poder nito. Lalo na sa tingin nila ay hindi ordinaryong babae si Shey. Sa tingin nila ay mula ito sa may kayang pamilya, kaya wala itong alam sa mga simpleng gawain sa bahay. "Pinag-alala mo ako ng sobra. Pati ba naman allergy mo nakalimutan mo?" Tanong Igo at hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay ni Shey. "Kami din kaya, nag-alala sa kanya. Kita mo naman kanina. Nakapagsalita bigla si Jose sa sobrang pag-aala. Akala ninyo hindi ko napansin." Ani Cy at natatawa na lang si Jose. "Baliw." Naiiling na sagot ni Igo. "Pero salamat sa biglaan ninyong pagdating. Hindi ko talaga alam gagawin ko kanina, ng mapansin kong naghahabol na siya ng paghinga." "Wala iyon. Kaibigan ka namin at kaibigan na rin namin si Shey. Mula ng dumating siya dito, mula ng ipakilala mo siya sa amin." Ani Cy at ipinagpasalamat muli ni Igo. Muli namang ibinaling ni Igo ang atensyon sa natutulog na dalaga. Maayos na ang paghinga nito, at malayo na sa kapahamakan. Hindi tulad kanina ng nasa bahay pa sila. "Pagaling ka na ha. Mamaya paggising mo bibilhin ko iyong gamot na pwede nating gamitin sayo, kung mangyaring maulit na naman ito." Pagkausap pa ni Igo kay Shey. Nagkatinginan naman si Cy at Jose na nailing. "Tama ako Jose di ba?" Tanong pa ni Cy dito na ikinatango lang ni Jose. Hindi na lang pinansin ni Igo ang pinag-uusapan ng dalawa. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Shey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD