Kahit napuyat at pagod sa nagdaang gabi ay maaga pa ring nagising si Rodrigo. Bumili muna siya ng pandesal sa malapit na panaderya sa bahay niya. Bumili na rin siya ng sachet ng 3in1 na kape, milo, at gatas. Hindi kasi talaga niya alam kung ano ang iniinom ng bisita niya sa bahay.
Nagpakulo na rin siya ng tubig at nagkape. Ang tirang tubig ay inilagay na niya sa thermos para hindi na mahirapan si Shey na magtimpla ng kung ano ang nais nito.
Matapos sa ginagawa ay kumuha siya ng papel at nag-iwan ng note para kay Shey na tulog na tulog pa rin.
Mataas na ang sikat ng araw ng imulat no Shey ang mga mata. "Good morning Yaya Lourdes." Nakangiting bati pa ni Shey kahit nakapitkit pa.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagtataka siya kung bakit walang bumabati sa kanya, kaya naman napilitan siyang magmulat ng mata. Nagulat pa siya ng magpagtantong hindi niya kilala ang bahay na kinalalagyan niya. Hanggang sa maalala niya ang pagtakas niya mula sa engagement dapat niya.
"Oo nga pala." Bumangon na rin si Shey mula sa kama.
"Paano ako magpapalit ng damit?" Tanong ni Shey sa sarili ng paglabas niya ay nakita niyang wala na upuan ang damit na iniwan niya kagabi. Bumalik siya sa kwarto ni Igo at binuksan ang bintana. Nakita niya ang malaking puno na kalapit ng bahay ni Igo at ang sanga na halos dumikit na nga sa bubungan. Nandoon din ang kanyang damit na sa tingin niya ay laba na. Nakasampay katabi ng damit niya ang underware niya at bra. Pinamulahan naman agad siya ng pisngi sa isiping si Igo ang naglaba ng damit niya.
"He already washed my clothes, and my undies and brassiere?" Tanong niya sa sarili na siya din ang sumagot. "Yeah, sino pa ba? There's no other person in the house. Rather than you and Igo, the owner."
Pumunta naman siya sa kusina para humanap ng pagkain. Napatingin naman siya sa kabuoan ng kusina. Malinis naman iyon. Hanggang sa makita niya ang isang papel na nakapatong sa lamesa. Napapatungan iyon ng nakataob na tasa.
Shey,
May pandesal na akong binili. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya bumili na ako ng kape, milo at gatas sa tindahan ikaw na ang bahala dyan. May mainit na akong tubig na nakalagay sa thermos, pipilitin kong makauwi mamayang tanghali para naman masamahan kitang makabili ng damit mo sa may bayan. Isa pa nga pala. Madali lang magluto. Kumain ka na.
Igo.
Basa ni Shey sa sulat ni Igo. "Infairness maganda ang handwritten niya ha." Papuri ni Shey sa sulat kamay ni Igo.
Napatingin ulit siya sa kusina nagugutom na siyang talaga. "Nasaan ba ang thermos na sinasabi niya? Paano ko naman titimplahin ito? Dapat talaga sinama ko si Yaya Lourdes pag-alis eh." Aniya at naupo muna sa upuan doon at isinubsob na lang ang mukha sa lamesa.
Halos nasa isang oras na siyang nakatigil sa may lamesa, ng maisipan niyang kunin sa labas ang mga damit niya at nagpasya na lang maligo. Nagpasalamat na lang siya at may tubig ulit sa lalagyan na naroon sa banyo kahit naman papaano ay marunong siyang gumamit ng tabo kaya hindi siya nagkaroon ng problema.
Matapos maligo at makapagbihis ay isang buntong hininga ang pinakawalan ni Shey. Naaamoy niya sa sarili niya ang amoy ni Igo. Kahit ayaw sana niyang pakialaman ang gamit nito, wala namang siyang choice dahil iyon lang ang mayroon sa banyo nito. Pasalamat na lang din siya at liquid body wash ang gamit nito kaya hindi nakakailang gamitin.
"Nagugutom na talaga ako." Reklamo niya sa tiyan niyang nagrereklamo na rin.
Pinilit niyang lumabas ng bahay, baka may makikita siyang tao. Hanggang sa kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ay siyang paglabas ng isang may edad na ginang sa bahay na malapit kay Igo.
"Good morning po." Magiliw niyang bati sa ginang.
Binigyan naman siya ng mapanuring tingin ng ginang bago siya nginitian nito.
"Magandang umaga din ineng." Bati nito sa kanya pabalik.
"Diyan ka natulog ineng? Kaano-ano ka ni Rodrigo? Ang ganda mo ha. Wag mong sabihin girlfriend ka ni Igo? Nagtanan ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ng ginang na ikinailing niya.
"Kaibigan po ako ni Igo. Tinanggap lang po niya akong makitira dito dahil taga malayo po ako. Ako nga po pala si Shey." Pakilala niya sa ginang kahit ayaw man niyang sabihin ang tunay niyang pangalan ay wala na rin siyang magagawa.
"Ako nga pala si Maring. Pwede mo akong tawaging Nanay Maring." Pakilala nito sa kanya.
"May kailangan ka ba hija? Baka may maiitulong ako sayo. Lalo na at bago ka lang pala dito."
"Nanay Maring can you do me a favor? Can you make me a coffee?" Magalang niyang tanong na matanda na nagpanganga dito.
"Naku ineng kahit simpleng Ingles laang iyan ay mahina ako eh. Tagalugin mo na lang sana." Anito.
"Sorry po. Pwede po ba ninyo akong ipagtimpla ng kape, nagugutom na po kasi ako. Hindi ko naman po alam kung ano po ang thermos na sinasabi ni Igo, ay may tubig na daw po iyong mainit." Nahihiya man pero sinabi talaga niya dito ang totoo.
"Halika dito sa bahay ni Rodrigo at ituturo ko sayo. Saan ka ba nakita ni Rodrigo na bata ka. Mukha namang hindi ka sanay dito. Pati iyang suot mo. Halatang pang mayaman." Puna ng ginang sa kanya.
"Baka po nagkakamali lang kayo, hindi po ako mayaman at." Napabuntong hininga na lang si Shey dahil hindi na rin niya alam ang sasabihin pa niya. Baka lalong magduda ang ginang sa kanya.
Itinuro nito kung alin ang thermos, at kung paano timplahin ang kape. Napangiti naman si Shey dahil kahit simpleng bagay lang iyon ay nalaman niya kung paano gawin. Tinanong din niya sa ginang kung paano gamitin ang gas stove na nandoon para makapagluto. Sa tingin naman niya ay madali lang iyon. Kaya naman iniisip niyang makakapagluto siya ulit ng kahit na itlog pag nagutom siya mamaya.
"Salamat po dito. At sa pagtuturo po sa akin, para mabuhay ang lutuan." Aniya sa ginang bago ito magpaalam, dahil may gagawin pa daw ito.
Malapit ng magtanghalian at nagugutom na rin si Shey. Sinubukan niyang mabuhay ang gas stove. Nabuhay naman niya iyon. Inilagay niya ang kawali dahil ganoon naman ang ginawa ni Igo kagabi. Kinuha niya ang itlog sa ref. Tapos ay inilagay sa kawali.
Noong una ay maayos pa hanggang sa, hindi na niya malaman ang gagawin. Umiitim na ang itlog at nakakapit pa ito sa kawali. Hanggang sa nataranta na lang siya at hindi nita malaman kung paano papatayin ang apoy. Binundol na lang siya ng kaba, sa isiping baka masunog ang bahay ni Igo ng dahil sa kagagawan niya.
"I-Igo.... I-Igo...." paulit-ulit niyang sambit habang hindi na niya mapatigil ang mga luha niya sa mata, gawa ng sobrang takot. Nagiging halos kulay itim na rin ang itlog na nilagay niya sa kawali. Hindi naman niya maalala kung paano pinapatay ang apoy.
Napaluhod na lang si Shey sa sobrang takot na nararamdaman. Nakatingin sa apoy na tumutupok sa kawali at itlog, ay hindi niya naramdaman ang pagbalibag ng pintuan mula sa labas.
Mabilis na pumasok si Igo sa kusina ng makitang malapit ng mapuno ng kulay itim ang kulay stainless niyang kawali. Mabilis niyang napatay ang gas stove at ang tangke ng gasul. Napatingin naman siya sa babaeng nakaluhod sa sahig at walang ampat na umiiyak. Magkaharap na sila, pero hindi pa rin yata nito nararamdaman ang presensya niya.
"Shey? Shey!" Tawag niya dito ng lalo lang bumuhos ang mga luha nito at niyakap siya.
"Sorry, sorry. I don't know what happened and I don't know what to do. I feel hungry and I try to cook. I thought it was easy. And I guess I'am wrong." Paliwanag ni Shey kay Igo na ikinabuntong hininga nito.
"Nakakaintindi naman ako ng Ingles wag naman ganoong kabilis na magsalita. Para kang hinahabol ng sampong kabayo. Relax. Ano ba sana ang lulutuin mo?"
"I just want to fried your eggs." Sagot ni Sbey na kahit wala namang iniinom ay nasamid bigla ni Rodrigo.
"Pakitigilan na nga iyang itlog na iyan. Parang nakakatakot kang kasama eh. Baka mamaya tunay na itlog. Hay naku. Ako na nag bahala. Tahan na. Ipagluluto na lang kita. Nakabili ako ng manok sa bayan. Gusto mo bang ipagluto na lang kita ng manok?" Tanong ni Igo na sinang-ayunan na lang ng tiyan ni Shey. Ang tiyan na kasi nito ang sumagot.
Napailing na lang si Igo. Pero nangiti din siya ng makita kung gaano kasunog ang kawali niya. Halos mapulbos ang itlog na niluluto ni Shey kanina. Sa halip na magalit ay natawa na lang siya.
"Alien talaga." Bulong niya sa sarili at inutusang magtungo na lang si Shey sa may salas at magluluto na lang muna siya. Pero hindi pa ito nakakahakbang paalis ay tumingin muna ito sa kanya, bago nagsalita.
"Can you cook a chicken soup for me?"
"Anong chicken soup?" Tanong ni Rodrigo.
"Iyong may ginger." Tugon niya kay Rodrigo. Nakuha naman kaagad ni Rodrigo ang nais iparating ni Shey.
"Tinola ba ang nais mong sabihin."
"Yeah that one." Sagot nito bago nagtungo na sa salas. Paborito niya ang tinola na luto ng Yaya Lourdes niya. Na sa tuwing nalulungkot siya, at mabigat ang kalooban niya, iyon ang nakakapagpagaan ng nararamdaman niya. Alam niyang may green leafy vegetables ang tinola. Pero pag hinahayin na iyon ng yaya niya. Wala ng berdeng damo na nakalagay doon kundi sabaw at karne na lang ng manok. Kaya kung ano man ang gulay na ilalagay doon ni Rodrigo ay sure siyang hindi na naman siya pamilyar.
Napapailing na itinuloy na lang ni Igo ang paggagayat sa manok. Napatingin pa siya kay Shey na nakaupo sa pang-isahang upuang kawayan at tulalang nakatingin sa labas ng pintuan.
"Saan ka ba talaga nagmula Shey? Nakakapagduda lang kasi. Na kahit pagbubukas ng faucet hindi ka marunong. Ano pa nga bang aasahan ko sa ibang bagay sayo? Sinunog mo pa ang kawali ko. Ano bang buhay ang mayroon ka bakit napunta ka sa lugar na ito?" Tanong ni Igo sa sarili bago itinuloy ang kanyang ginagawa.