Pagkatapos magbihis ay tumuloy na ng kusina si Rodrigo para makapagluto ng hapunan. Kung siya lang ang tatanungin ay nais na lang sana niyang magkape, dulot na rin ng pagod na nadarama. May natira pa naman siyang bahaw na pandesal mula pa kaninang umaga, kaya sapat na sanang panghapunan niya iyon. Pero dahil sa babaeng kasama niya ngayon, heto siya at nagsisimula ng magluto.
Mayroon naman siyang pechay na nakita sa ref. May maliit na refrigerator siya sa kanyang kusina. Iyon talaga ang pinag-ipunan niya ng unang tungtong niya ng San Lazaro. Sa isang liblib na lugar sa mas malayo pang probinsya nagmula si Rodrigo. Pero simula ng magkaisip ay nagawa niyang lisanin ang kinalakihang bayan. Wala na rin naman siyang mga magulang. Pumanaw ang mga ito noong bata pa siya. Kaya mula noon natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Matapos makapagluto ay bumukas naman ang pintuan ng banyo at iniluwa si Shey.
"Iwan mo muna iyang damit mo dyan. Halika dito at ng makakain ka na. Nagugutom na rin ako." Tawag niya dito at wala namang pag-aatubiling lumapit ni Shey sa kanya.
Nakaupo na si Rodrigo at nagsasandok na ng pagkain ng mapansin niyang nakaupo lang si Shey at nakatitig sa pinggan na nasa harapan nito.
"Hindi ka ba kakain?"
"Kakain."
"Ay ganoon naman pala, pero bakit hindi ka pa kumukuha ng kanin?"
"Hindi mo ba ako lalagyan niyan?" Tanong ni Shey na hindi na lang nagawang magtanong ni Rodrigo at nilagyan na lang niya ng kanin ang pinggan nito.
Pero ng akmang lalagyan niya ng ginisang pechay ang pinggan nito ay mabilis naman siyang pinigilan nito.
"Bakit?" Inosenteng tanong ni Rodrigo na mabilis na ikinailing ni Shey dito.
"What was that? It's a grass? I don't like it! I don't eat that! I'm not a cow!" Maarteng wika ni Shey na nagpatigil kay Rodrigo.
"Sandali lang Shey. Pag hindi ka kumain nito, wala kang kakainin, magugutom ka. Isa pa hindi yan damo. Bakit mukha dib ba akong baka? Para isipin mong pagkain ng baka yan? Tsk."
"But I don't know what is that. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang damo." Pag-amin niya.
"Paano mo nasabing ngayon ka lang nakakita nito, kung wala kang maalala? At isa pa nakakahalata na ako sayo, kanina ka pa English ng English. Isa pa mukha ka namang mayaman. Bakit kaya hindi na lang tayo humingi ng tulong sa mga pulis, para mahanap ang pamilya mo? Kay sa ipagpilitan mong damo itong kinakain ko. Haist." Sunod-sunod naman ang pag-iling ni Shey sa sinabi ni Rodrigo.
"Dito na lang muna ako. Hanggang sa may maalala. Hindi naman ako nag-English ah. Baka naman akala mo lang iyon. Wala nga akong maalala, kaya hindi ko alam kung ano yang damo na iyan." Sagot pa niya.
"Okay ipapakilala ko ito sayo ha. Pechay ang tawag dyan at ginisa ang luto niyan iyan lang ang maiibigay kong ulam sayo kaya kumain ka na." Wika ni Igo sabay subo sa pagkaing nasa pinggan niya. Pero si Shey ay hayon at tulala pa rin sa plato niya.
"Lalamig na ang kanin mo. Kumain ka na." Pero hindi talaga matanggap ni Shey na kainin ang pagkaing iyon. Nasa tingin niya ay damo.
"Do you have eggs?" Tanong ni Shey na nagpatigil sa pagsubo ni Igo.
"I mean." Huminga muna siya ng malalim.
"Ibig kung sabihin, may itlog ka? Itlog mo na lang ang uulamin ko." Inosenteng tanong ni Shey na siyang ikinasamid ni Rodrigo. Mabuti na lang at may nakahanda siyang tubig sa mesa kaya mabilis niya iyong nainom at naibsan ang pagkakasamid na nadarama.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Shey sa kanya.
"Oo naman buhay pa. Mayroon namang itlog sa ref. Sige kung iyon ang makakain mo." Pagpayag ni Rodrigo pero hindi naman umaalis sa upuan niya si Shey.
"Wag mong sabihing hindi ka marunong magluto ng itlog? At wag mong sabihin na ipagluluto pa kita?" Tanong ni Rodrigo na sunod- sunod na ikinatango ni Shey.
Napahilot na lang ng noo si Rodrigo at napatingin sa babaeng nakatingin din sa kanya. Maganda ito, hindi niya maiipagkaila iyon. Bukod pa doon ay biniyayaan din ito ng magandang hubog ng pangangatawan, at nakita niya iyon kanina. Ang masaklap lang sa sobrang ganda ng physical nitong kaanyuan. Hindi niya malaman kung ano pa kaya ang ipinagkait dito.
Habang sapo ang ulo ay tumayo na lang si Rodrigo para magluto ng itlog.
"Anong luto ang gusto mo?"
"Gusto ko iyong scrambled mo iyong itlog mo." Pagkasabi ni Shey ay bigla namang napaso ang kamay ni Rodrigo.
"Okay ka lang? Sorry." Nag-aalalang sambit ng dalaga.
"Pwede bang, wag mong dagdagan ng mo ang itlog. Hindi maganda sa pandinig ko eh." Inis niyang wika sa dalaga.
"Sorry."
"Sige maupo ka na at iluluto ko lang itong itlog sa luto na nais mo. Okay, at hindi ako galit kung iyan ang iniisip mo. Napaso lang ako. Pero hindi ako galit." Sumunod naman si Shey at naupo na sa pwesto niya.
Matapos maluto ni Igo ang ulam ni Shey kahit papaano ay kumain ito. Siya na rin ang nagdayag ng pinaglutuan at pinagkainan nila, dahil sa tingin niya ay wala itong kamuwang-muwang sa mundo.
"Saang planeta ba talaga nanggaling ang babaeng iyon? At ang pagkakataon nga naman talaga. Sa dinadami-dami ng pwede nitong makasalamuha. Ako pang talaga." Kausap ni Igo sa sarili at ipinagpatuloy na ang ginagawa.
Matapos magawa ni Igo ang mga dapat niyang gawin ay binigyan naman niya ng extra toothbrush si Shey. Palagi kasi siyang may reserba na personal na gamit. Lalo na kung minsan ay isinasama sila ng ibang byahero sa ibang lugar, para maging tagabuhat ng gulay na isasakay sa truck.
"Thanks dito, pero nasaan ng toothpaste?"
"Nandoon sa may lababo, kumuha ka na lang doon." Turo ni Rodrigo sa lalagyang nasa itaas ng lababo at kitang-kita naman ang malaking tube ng toothpaste na nandoon.
"Personal things mo iyon di ba? Bakit ko naman gagamitin?"
"Oo nga, pero wala naman akong virus. Kung ayaw mo bahala ka, bukas pa kita maiibili ng mga gamit mo." Sagot ni Igo na wala namang nagawa si Shey kundi lumapit sa lababo na tinuro ni Rodrigo
"Wag kang maarte Shey. Kaya mo yan. Mabubuhay ka sa pamumuhay na meron ang lalaking kumupkop sayo. Kay sa naman mamatay ka na lang na nakatali sa anino ng hambog at mayabang na Daniel na iyon. Tama, makakayanan ko ding tiisin ang lahat. I can do it!" Pangungumbinsi ni Shey sa sarili na hindi malaman kung paano gagamitin ang faucet na nasa kanyang harapan. Dahil noong nasa banyo siya, hindi naman siya nagbuhay ng faucet dahil may tubig ang malaking lagayan ng tubig at may takip kaya alam niyang malinis ang tubig doon.
"Hindi ka pa ba tapos?" Tawag ni Rodrigo sa kanya.
"Paano ito ginagamit?" Sabay turo sa faucet.
"Haist! Saang planeta ka ba talaga nagmula? Alien ka ba? Pati faucet hindi mo alam gamitin? Ganito lang yan oh." Itinuro naman muna ni Igo kay Shey kung paano gamitin ang faucet bago niya ito iniwanag muli.
Napahilot na lang siya ng sentido sa sitwasyong kinasasadlakan. "Ano bang nangyayari sayo Rodrigo. Mukhang mas bibilis ang pagtanda mo kung magtatagal pa kayong magkasama ng babaeng kinupkop mo?" Laglag balikat na wika ni Rodrigo sa sarili at hinayon ang kwarto niya, para kumuha ng extrang kumot at unan.
Sa mahabang upuang kawayan kasi siya matutulog habang si Shey na lang ang hahayaan niyang matulog sa kwarto niya.
Makatapos si Shey ng ginagawa ay iginaya na ni Rodrigo ito sa kwarto niya.
"Dyan ka na matulog, sa labas na ako sa may upuan. Hindi naman maaatim ng konsensya ko na doon ka matulog sa salas. Wag kang mag-alalala kahit papaano ay malambot iyang kama ko. Napalitan ko na rin ng kobre kama at punda ang unan. Naglabas na rin ako ng bagong kumot. Matulog ka na at maaga pa ako bukas. Baka paggising mo nakaalis na ako. Kailangan kong agahan sa trabaho ko. Babalik na lang ako ng mas maagap sa hapon." Mahabang sambit ni Rodrigo na ikinatango na lang ni Shey.
May maliit namang ilaw aa kwarto ni Rodrigo, kaya naman hindi matatakot si Shey. Hinayaan siya ni Rodrigo na gamitin iyon habang natutulog siya.
Pabaling-baling at wari mo ay namamahay. Iyon ang nararamdaman ni Shey ng mga oras na iyon. Hindi siya talaga makatulog, ng ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mumunting langitngit na hindi niya malaman kung saan nagmumula.
Nakakaramdam na naman siya ng takot. Bumibilis na naman ang t***k ng kanyang puso dahil palakas ng palakas ang langitngit hanggang sa makita niya ang anino ng kung anong nilalang sa bintana ng kwarto ni Rodrigo. Nasa labas iyon ng bahay, pero dahil sa nasisinagan iyon ng buwan ay kitang-kita niya kung gaano kalaki ang nilalang na iyon.
"Waaaaah! There's a ghost! Oh my gosh!" Sigaw ni Shey.
Napabalikwas naman agad ni Rodrigo ng marinig niyang nagsisigaw ang babaeng kasama. Hindi na niya nagawang kumatok pa, at nakita niya ang mukta nitong takot na takot.
"Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong ng ituro nito ang parte ng bintana na nasisinagan ng buwan sa labas.
"There's a ghost! May multo sa labas!" Sigaw ni Shey na ikinahilot ni Rodrigo sa noo.
"Walang multo."
"Pero nakikita iyong malaking nilalang. Tapos may there's a strange sound. Iyong parang sa horror movie." Nanginginig pa rin sa takot na wika ni Shey.
"Puno iyon. May hangin sa labas kaya lumalangitngit ang bubungan dahil tumatama ang sanga. Isa pa iyon ba ang nakikita mong malaking nilalang?" Sabay turo ni Igo sa kulay itim na anino ng isang bagay.
"Yes ayon na nga."
"Sinampay ko iyon eh. Nilabhan kong damit. Dahil gabi na ako nakarating kanina, hindi ko na nakuha pa." Paliwanag ni Igo, kaya naman nakahinga ng maluwag si Shey.
"Matulog ka na."
"Oo, sorry at salamat ulit." Tugon ni Shey at inayos na ang pagkakahiga sa kama. Wala mang aircon ay malamig naman ang paligid kaya nagawa niyang magkumot. Iniisip pa niyang bukas ng umaga titingnan niya ang paligid, at titingnan din niya ang punong sinasabi ni Igo na humahampas ang sanga sa bubungan.
Nilagyan naman ni Rodrigo ng harang ang bintana ng wala ng makita si Shey sa labas. Ng mapansin niyang nakapikit na ito ay napailing na lang siyang hinayon ang pintuan. Bago pa siya makalabas ng pintuan ay tiningnan muna niyang muli ang babaeng natutulog sa kama niya.
"Mukhang maaga akong tatanda nito."