Chapter 2

1532 Words
Galit na galit si Henry ng malaman niya na nawawala ang nag-iisang anak. Nandoon na silang lahat sa hotel, pati ang pamilya ni Daniel. Ganoong din ang mga bisita at si Shey na lang ang hinihintay para magsimula ang engagement party nito sa anak ng kanyang kumpadre na si Danilo. Pero ang spoiled niyang anak, nawawala. Hinihintay kasi nila ang pagbaba nito ng sasakyan kaya nakaabang ang lahat sa entrance ng hotel. Nandoon din si Daniel na napakagwapo sa suot nitong puting tuxedo. Bumaba ang driver nila at pinagbuksan ito ng pintuan. Pero pagbukas ng pinto ay walang Shey na sakay, kaya walang bumababa na babaeng nakasuot ng eleganteng puting damit. "Nasaan si Shey?" Tanong agad ni Henry kay Yaya Lourdes na hindi din malaman ang isasagot. "Sabay kaming bumaba ng bahay, nakita ko pa si Shey ng buksan niya ang pintuan ng backseat at sumakay. Tapos noon ay sumakay na rin ako kasama ng mga bodyguard. Kaya paano ko masasagot ang tanong mo kung nasaan ang batang iyon. Gayong alam kong nakasakay na naman siya sa loob ng kotse." Sagot ni Yaya Lourdes na sobrang nag-aalala na ngayon sa kanyang alaga. "Ikaw naman Ryan. Ikaw ang nagmamaneho, paanong hindi mo nalaman na nawawala dyan si Shey?" Tanong ni Henry sa naatasan nilang magmaneho ng kotse ng anak. "Señor, binuksan ng senyorita ang pintuan at isinara. Kaya ang alam ko ay nasa loob na siya. Napapansin po ba niyo ang harang na iyan? Hindi ko siya nakikita sa likod." Turo pa nito doon sa harang na nakalagay. Isa iyong makapal na telang itim at hindi malaman ni Henry kung kailan pa naroon ang telang iyon. Napahilot na lang siya ng sentido. Sakit sa ulo ang anak niyang iyon. Kung sa pasaway ay baka mabigyan niya ito ng award para sa katagang iyon. "Shey Pagsinuhin! Nasaan ka na bang bata ka?" Halos mapapikit si Henry sa hindi maipaliwanag na nararamdaman para sa anak. Kung maaari nga lang niya itong itali at ikulong sa mga oras na iyon ay nagawa na niya. Napatingin naman siya sa kayang kumpadreng si Danilo. Kausap nito ang esposa, habang nakatingin sa anak na nakaupo sa isang silya at hinihilot din ang sentido. "Nasaan ka na ba Shey? Bakit ba napakapasaway mo! Wala ka ng mahahanap na lalaki na kagaya ko. Pero binigyan mo pa ako ng kahihiyan sa mga oras na ito. Wag ka lang pahuhuli sa akin. Oras na magkita tayo, sisiguraduhin kong makakasal at makakasal ka sa akin." Ani Daniel sa isipan habang pilit na nilalabanan ang kahihiyang nararamdaman. Nagtatangis ang bagang sa inis sa mga taong nakatingin ngayon sa kanila. Sa pamilya niya. Binibigyan siya ng mga mapanuring tingin na hindi niya matanggap. Pinagtitinginan siya ngayon ng mga bisita at naririnig pa niya ang bulungan ng mga ito. "Ang hambog kasi." "Karma lang niya yan. Masyado kasing babaero." "Deserved." "Oo nga at gwapo. Pero sobra naman, para ipagmayabang." Ilan lang sa mga narinig niyang bulungan ng mga bisita. Lalo lang siyang nagngingitngit. Pero pinipilit ni Daniel na hindi sumabog. Baka lalong makagawa ng malaking eksena, at mailathala pa sila sa mga pahayagan, radyo at telebisyon. Kaya kahit nagngangalit ang kanyang kalooban. Mas pinili na lang niyang sarilihin ang pagkapahiyang nararamdaman. Napatingin naman siya sa kanyang ama, na lumapit sa ama ni Shey. Gusto niyang magalit sa matanda, pero ng makita niya na galit din ito sa nangyaring pagkawala ni Shey ay hindi na lang siya nagsalita, ni magtanong. "Henry ano bang nangyari kay Shey? Akala ko ay maayos ang usapan natin? Si Shey lang ang alam kong nababagay kay Daniel pero bakit naman ganito?" May hinanakit sa boses ni Danilo habang sinasabi iyon kay Henry. Akala talaga ni Henry ay ayos na ang lahat. Kung hindi lang sana talaga, naging pasaway ang anak. At kung hindi lang sana siya natakasan nito, ay wala sana siyang problema. "Hindi ko alam. Alam ninyong ipinasundo ko si Shey. Kasama pa ang bodyguard ninyo sa pagsundo. Pero walang nakakita kung paanong nawawala ang batang iyon!" May diin sa pagpapaliwanag ni Henry pero talagang nagpapakatatag lang siya dahil sa pagkapahiyang nararamdaman. Samantalang, makalipas ang ilang minutong byahe, ay nakarating na sina Rodrigo sa bahay niya. Pagkababa ng sasakyan ay mabilis siyang pumasok ng bahay ay nahiga sa mahabang upuang kawayan. Hindi naman siya nagsara ng pintuan kaya alam niyang makakapasok si Shey. Pero nasa sampong minuto na siyang nakahiga ay hindi pa rin ito pumapasok sa bahay niya. Inis na bumangon si Rodrigo at pinuntahan ang unexpected visitor niya na ngayon ay nakaupo pa rin sa sidecar. Nakakunot noo pa niya itong nilapitan. Hindi pa rin ito gumagalaw sa pwesto nito. "Bakit hindi ka pa rin bumababa dyan? Pwede ka namang bumaba na at pumasok sa loob ng bahay." "You didn't tell me na pwede na akong bumaba. Basta ka na lang umalis at iniwan ako. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko." Naiiyak na wika ni Shey kaya naman ngayon ay hindi lang katawan niya ang masakit. Sumasakit na rin ang ulo niya. "Alien ka ba? Syempre pag tumigil na ang sinasakyan mo, pwede ka ng bumaba. Bumaba na rin ang driver mo oh." Sabay hilot sa noo. "I'm not an alien kaya. Sobrang ganda ko naman para maging alien!" May inis sa boses nito. "Hindi ka din marunong magbuhat ng sariling bangko ano?" "What did you say?" "Wala! Sabi ko bumaba ka na dyan." "Okay, dahil sinabi mo." Wika ni Shey at bumaba na tricycle. "Can I take a bath? I feel sticky and stinky na kasi." "Oo pumasok ka na sa loob may banyo doon. Pwede kang maligo doon. Dahil wala kang damit pwede kong ipahiram sayo ang mga bago kong damit. Hindi ko pa iyon nasusuot." Sabay silang pumasok sa loob ng bahay. Pumasok si Igo sa kwarto niya kumuha ng bagong damit boxer na pwede niyang ipasuot sa hindi niya inaasahang bisita. Kumuha na rin siya ng bagong labang towel. "What was that?" "Damit. Iyan lang ang meron ako dito Shey. Kung magiging pilian ka pa, matulog kang ganyan ang suot. Isa pa wala akong kasama dito sa bahay ko, kaya naman, wala ka na talagang pagpipilian, kundi damit ko." Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Shey bago tinanggap ang damit at towel na ibinigay ni Rodrigo. Itinuro naman ng huli kung saan ang banyo. Malinis naman iyon kahit papaano. Matapos mahubad ang damit ay biglang may lumipad na kung ano kay Shey kaya naman nagsisigaw ito. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Igo ng hindi niya inaasahang lalabas ito ng banyo na dalawang maliit na saplot lang ang suot. Higit sa lahat ay ang biglang pagyakap nito sa kanya, na parang bata na nagpapabuhat sa tatay niya. "There's a brown flying creatures. Lumipad s'ya sa akin. Waaaaaah. Alisin mo yan sa akin! Ilayo mo ako sa kanya!" Sigaw ni Shey habang walang pakialam sa pwesto nila. Habang si Igo naman ay natuod sa pwesto niya. Nakasaklang si Shey sa kanya, habang ang dibdib nito ay damang-dama niya. Kahuhubad lang kasi niya ng damit dahil magpapalit na sana siya ng bigla naman itong magsisigaw. Wala namang nagawa si Igo kundi hawakan ang pang-upo nito dahil mahuhulog ito sa pagkakabuhat niya. Napahinga naman siya ng malalim, ng sa hindi inaasahang pagkakataon, nagreact ang katawan niya ng dahil sa dalaga. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito, na dumadampi sa katawan niya. "Waaah! Igo! Nasa floor ang flying creature!" Sigaw ni Shey na halos maiyak na sa takot. Doon lang biglang bumalik sa kasalukuyan si Igo. Pagharap niya sa sahig ay hindi malaman ni Igo kung maaawa o matatawa ba siya sa babaeng kapit tuko sa kanya sa takot sa flying creatures na sinasabi nito. "Itong liit na ito takot ka?" Tanong ni Igo na sunod-sunod namang pagtango ni Shey. Sabay tapak na napakaliit na ipis. "Kawawawang ipis." Bulong ni Igo sa isipan. "Ipis iyon. Saang planeta ka ba talaga galing na alien ka at ang ipis ay hindi mo alam? Wag ka ng matakot na alien ka. Patay na ang ipis." "I'm not alien. Bakit ba palagi ka na lang alien ng alien?" Pagtataray pa ni Shey. Pero ilang sandali pa ay mas humigpit ang pagkakayakap nito kay Igo kahit wala na ang kinatatakutan nito. "It scared me to death. There is no big or small things. Basta natatakot ako sa creatures na iyon." Hindi na napigilan ni Shey ang pag-iyak dahil sa nadaramang takot. "Okay tahan na. Kawawa naman ang alien na ito. Patay na ang creatures na iyon, isa pa may pangalan iyon. Ipis iyon. Ipis. At isa pa pwede bang bumaba ka na. Baka nakakalimutan mong lalaki ako. Isa pa nararamdaman ko na iyang katawan mo, lalo na iyang de--." "Bastos!" Hindi natapos ni Rodrigo ang sasabihin ng makatikim ng isang malutong na sampal sa kabababa lang na babae mula sa pagkakabuhat niya. Mabilis din itong nagtungo sa banyo at naglock ng pintuan. "Ako pa ang bastos? Siya nga itong hindi na nahiyang sumaklang sa akin ng iyon lang ang suot. Tapos ako pa ang bastos? Mga babae talaga. Tsk." Kausap ni Igo sa sarili at bumalik na lang sa kwarto para makapagsuot na ng damit bago magluto ng kanilang kakainin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD