Katatapos lang ng trabaho ni Rodrigo sa palengke. Isa siyang kargador sa palengke ng San Lazaro. Kasama din niya doon ang dalawang kaibigan. Si Cypher at Joselito.
Nauna lang na umuwi ang dalawa niyang kaibigan. Si Cy ay pinakisuyuan ng isang tindera ng gulay na dalahin ang bayad nito sa supplier nila. Habang si Jose naman ayon tahimik pa rin. Ng wala ng ipinag-uutos dito. Umuwi na ng walang pasabi. Siya na lang ang naiwan, kaya naman siya na ang nagbuhat ng isang truck ng gulay na late ng naideliver dahil nasiraan sa daan ang truck.
Habang binabaybay ang medyo may kagubatang daan ay muntik na niyang masagasaan ang isang babaeng biglang tumawid. Kung babae nga bang maiituring ito.
Napakaputi kasi nito habang suot ang isang napakaputi ding damit, na sa tingin niya ay mamahalin. Nag-aalangan pa si Igo na lapitan ito lalo na at bigla na lang itong napahiga sa maalikabok na kalsada bago pa niya mabangga.
"Tunay ka bang babae? O ikaw iyong nababalitang white lady dito? Naman, hindi ako matatakutin, pero parang gusto ko ng kumaripas ng takbo." Aniya habang muli na namang bubuhayin ang sinasakyang tricycle ng marinig niya ang ungot ng babae tapos ay hindi naman ito nawala. Sigurado na siyang tunay na tao ito.
Mabilis namang nilapitan ni Igo ang babae. Tinapik niya ang mukha nito hanggang sa magkamalay ito.
"Who are you?" Tanong ng babae kay Rodrigo.
"Don't English me miss ha! Ikaw itong bigla na lang tumawid sa kadiliman ng gabi. Isa pa ay nakaputi ka pa. Muntik na kitang mapagkamalang white lady na nagpapakita dito sa lugar na ito." Paliwanag ni Igo sa babae ng walang pag-aatubili na yakapin siya ng babae.
"Really? May white lady dito. Wag mo akong iwan please. I'm scared at ghost. Oh my mommy. Please guide me. Save me from the white lady creatures." Wika pa ng babae na kapit tuko pa kay Igo na ikinailing na lang niya.
"Pwede bang bumitaw ka muna. Mukha namang hindi magpapakita ang white lady sa atin. Sa puti mo at sa suot mo. Baka iyong white lady pa ang matakot sayo." Iiling-iling pang sagot ni Igo sa babae.
"Pwede bang malaman kung sino ka? At kung paano ka napunta dito?" Tanong ni Igo ng hindi pa rin siya binibitawang ng babae.
"Bitaw na hindi ako makahinga."
"Paano kung pagbitaw ko. She show me! Ayaw ko nga." Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya, na ikinailing na lang ni Rodrigo.
"Ano bang pangalan mo? At paano ka napunta sa lugar na ito?" Ulit na tanong ni Rodrigo na siyang ikinalunok ni Shey. Hindi niya tuloy alam kung ano ang sasabihin niya hanggang sa isang idea ang pumasok sa isipan niya.
"I don't know my name. I don't know why I'm here. All I know is, someone is following me. That's why I full myself to run fast, hanggang sa makarating ako sa lugar na ito. Anong lugar ba ito?" Paliwanag ni Shey, na nananalangin na hindi siya pagdudahan ng lalaking kaharap.
"Ganito na lang, sumama ka na lang sa akin. Isasama kita sa estasyon ng pulis. Sure na makakatulong sila sayo."
"No!" Sigaw ni Shey na ikinagulat ni Rodrigo.
"I mean hindi pwede. Paano kong may balak pala na masama sa buhay ko ang mga humababol sa akin. At gusto nila akong patayin. Lalo na at wala naman akong naaalala. Tapos kaya ako nakarating dito, dahil tinakasan ko sila. Paano ko malalaman kong safe ako, kung wala akong naaalala." Wika ni Shey habang naka cross finger. Hiling niyang wag magpumipit ang lalaki sa nais nito.
"Kung sasama ka sa akin, hindi ka naman ba natatakot sa akin?" Kinapa naman ni Shey ang sarili niya pero wala siyang makapang takot sa lalaking kaharap kaya naman napailing na lang siya.
"Okay, sa totoo naman wala akong gagawing masama sayo. Solo lang ako sa maliit na bahay na inuupahan ko. Pwede ka naman siguro doon hanggang sa bumalik ang alaala mo, maliwanag?" Tango lang ang naisagot ni Shey kay Rodrigo.
"Okay magpapakilala muna ako. Ako si Rodrigo Cardenal. Igo na lang, iyon ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Anong itatawag ko sayo kung hindi mo alam ang pangalan mo?" Tanong ni Rodrigo ng mapansin ang kwintas na suot nito, na nasisinagan ng ilaw ng tricycle na minamaneho niya kanina.
"Shey na lang ang itatawag ko sayo?"
"Ba-bakit S-Shey?" Nauutal na wika ni Shey. Nagkataon lang ba na nahulaan nito ang pangalan niya? Bulong niya sa isipan, habang inaalis ang kaisipang mind reader ang kaharap.
"Nakita ko sa suot mong kwintas. Baka ayan ang pangalan mo. Iyan ang nakasulat eh." Paliwanag ni Igo, ng halos gusto na ni Shey sabunutan ang sarili. Bakit ba nakalimutan niyang itago ang kwintas na bigay ng mommy niya?
"Si-sige, Shey na nga lang. Baka iyon nga ang pangalan ko." Ani Shey ng maramdaman niyang inalis ni Rodrigo ang kamay niyang nakayakap dito.
"Okay Shey, tama na ang yakap, at tsumatsansing ka na. Tumayo ka na dyan at sumakay ka na ng tricycle, para naman makauwi na tayo." Anito sa kanya, tapos ay iniwan na siya sa pwesto niya. Lumapit naman siya sa sasakyang sinasabi nito.
"How can I sakay this kind of thing? Safe ba yan?" Maarteng wika ni Shey na siyang ikinataas ng kilay ni Rodrigo.
"Syempre safe ito. Maingat pa akong magmaneho. Paano ka sasakay? Pumunta ka doon sa sidecar at maupo ka doon sa upuan tapos kumapit ka sa pwede mong makapitan. Naiintindihan mo?"
"Dito? Ganito?" Tanong ni Shey habang ipinapakita kay Rodrigo ang ginagawa.
"Oo ganyan nga. Saang planeta ka ba galing at mukhang wala kang alam sa mga ganyang sasakyan?"
"Hindi naman kasi ako nakakasakay sa ganito, kasi may sarili akong kot--." Natigilan naman si Shey sa sasabihin niya ng mapansing nakatingin sa kanya si Rodrigo.
"Wala sabi ko, hindi ko maalala kung, paano sumakay sa ganito. Remember, wala akong maalala." Napailing na lang si Rodrigo sa sinabi ng babaeng nakilala niya. Nagdududa talaga siya dito. Pero wala na siyang magagawa. Naioffer na niya ang maliit niyang bahay para dito, kung ayaw nitong magtungo sa pulisya.
"Mahirap din naman ang mapagkawang gawa. Tunay Rodrigo Cardenal? Naialok mo pa ang maliit na tirahan mo?" Kausap niya sa isipan na naiiling na lang.
Kahit hindi sanay sumakay sa tricycle ay napangiti naman si Shey dahil sa tingin niya ay nakalaya siya sa sitwasyong tinatakasan niya. Alam niyang hindi siya agad mahahanap ng ama. Dahil hindi nito aasahan na mapupunta siya sa ganoong lugar.
Ng medyo malayo na sila sa Maynila, ay hindi pa rin niya nasasabi sa driver kung saan talaga siya puounta. Basta ang sinabi lang niya ay magmaneho lang ito ng magmaneho. Nakailang bayan na sila ng biglang ihinto ng driver ng taxi ang minamaneho nitong sasakyan.
"Miss pag hindi mo pa sinabi kong saan ka talaga pupunta, ibabalik na kita kung saan ka sumakay." May inis na wika ng driver.
"Sorry na manong. Ito na ba ang San Lazaro?" Tanong niya dito. Sa totoo ay nakita niya ng lampasan nila ang arko ng San Lazaro. Kaya iyon na lang ang sinabi niya.
"Oo hija ito na nga, saan ka ba dapat bababa?" Bigla namang nagbago ang tono nito at hindi na naiinis sa kanya.
"Doon po sana sa may sakayan."
"Ah sa terminal. Sige malapit na iyon dito."
Ipinagpatuloy naman ng driver ang pagmamaneho hanggang sa nakarating ng terminal.
"Magkano po dito?"
"One thousand five hundred hija. Masyadong malayo na ito eh."
"Ganoon po ba? Bibigyan ko po kayo ng two thousand five hundred, malayo din po ang pagbalik ninyo eh. Tip ko na po ang iba." Sabay abot ng tatlong libo. Sinuklian naman siya ng driver ng buong limang daan.
"Salamat hija, malaking tulong ito sa akin. Mag-ingat ka." Wika ng driver at iniwan na rin siya doon.
Mula sa terminal na iyon ay naglakad siya ng naglakad hanggang sa maligaw siya, lalo na at gabi na rin. Hindi niya malaman kung saan siya napunta. Nakarating na lang siya sa mapunong lugar, na siyang pagtaas ng kanyang balahibo pagdumadampi ang malamig na hangin, sa kanyang balat.
Hanggang sa makita nga niya ang maliwanag na ilaw, mula sa isang sasakyan. Hihingi lang naman talaga siya ng tulong, kaso ay sumabit ang paa niya sa bato kaya naman nadapa siya, at halos ikawala na na rin ng malay ang pagbagsak niya sa lupa, gawa ng sobrang pagod at gutom. Pasalamat na lang siya at mabait si Rodrigo na kanyang nakilala.