Mas naging maayos ang pakikitungo ni Shey at Igo sa isa't-isa, sa paglipas ng mga araw. Wala na iyong Igo na akala mo ay palaging irita. Ang nakikita na lang ni Shey ngayon ay ang mas mapang-unawang si Igo. Tulad na lang ngayon na nagluluto si Igo at sinusubukan niyang tumulong. Pero ang ending sa halip na maging masarap. Lumabas ay sobrang alat.
"Sorry." Nakatungong paghingi ng pasensya ni Shey kay Igo. Sa halip kasi na kauting asukal ang mailagay niya sa niluluto ni Igo na pinakialaman niya ay asin pa rin pala ang nailagay niya. Sa halip na maging timbang ang tamis at alat ay lalo lang umalat iyon.
"Halika nga dito. Hindi naman ako nagagalit. Sa ganyan na ang nangyari eh. Ayaw mo noon. Sa halip na adobo ang ulam natin ay buro." Natatawang wika pa ni Igo at hinila siya nito palapit sa kanya.
"Akala ko kasi ay asukal na iyong nahagip ko. Hindi ko naman tinikman. Tapos noong tikman ko na iyong niluluto mo, sobra ng alat. Sorry talaga." Nasa tabi na siya ni Igo, pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin dito.
Hawak ni Igo ang kamay niya, at mas lalo siya nitong hinila. Halos magdikit na ang katawan nila sa pwesto nila. Napalunok naman si Shey sa lapit nila sa isa't-isa. Napatingala naman siya kay Igo na nakatingin din sa kanya.
"Wag ka na kasing mahiya. Hindi pa naman luto di ba? May saging na saba akong nabili kanina. Ilalagay na lang natin. Iyon na lang ang magiging pampatamis ng adobo." Anito at mas lalong nagkalapit ang kanilang katawan. Naramdaman na lang niya na nakahawak na si Igo sa may baywang niya.
"Sure ka? Nilalagay ba talaga iyong saging na iyon sa adobo?" Manghang tanong ni Shey kay Igo. Naaamoy niya ang mabangong hininga ng binata. Sa pwesto nila, na halos magkadikit na. Para ayaw na niyang humiwalay dito.
Napangiti naman si Igo ng hapitin niya papalapit sa katawan niya si Shey. Akala niya ay aalma ito. Pero hindi iyon ang nangyari, mas lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kanya. Mula ng araw na matikman niya ang labi ng dalaga, parang gusto na niyang araw-arawin na matikman ang labi nito. Pero pinipigilan lang niya ang sarili lalo na at baka mag-isip ito ng hindi magandang bagay sa kanya. Bagay na iniiwasan niya. Gusto niyang mapalapit dito. Nais niyang makuha ang loob ng dalaga, lalo na at kahit mahirap lang siya, maganda naman ang intensyon niya dito. Hindi pa siya sigurado, pero pagmapapatunayan niyang tama ang nararamdaman niya, aamin siya dito at hindi na ito pakakawalan pa. Hahawakan niya ang puso nito, para hindi na makuha pang tumingin sa iba.
Napangiti pa siya sa lalim ng iniisip niya, hindi niya napansin na nakatitig na sa kanya si Shey.
"Anong nginingiti-ngiti mo?" Tanong nito na hindi namalayan ang inasta niya.
"Wala naman. Sa nga pala iyong tanong mo. Oo naman. Pwedeng pwede na ilagay sa adobo ang saging. Pwede ding patatas, pinya, pwede ding kamote. Depende sa gusto mo. Pwede ding plain lang at walang nakalagay. Gusto mo bang subukan ang mga iyon sa luto ng adobo?" Paliwanag ni Igo na ikinatango lang ni Shey.
"Sige sa mga susunod." Sagot ni Shey ng maramdaman niya ang mabining paghalik ni Igo sa kanyang noo bago niya naramdaman ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kanya.
"Upo ka na lang at tatalupan ko iyong saging, para mailagay ko na. Para habang lumalambot ng tuluyan ang karne, kasabay ng maluluto ang saging. At wag ka ng mag-isip na maalat kasi promise, magbabalance ang lasa ng tamis, asim at alat nun. Hmmm." Malambing na wika ni Igo sa kanya. Hindi na rin naman niya nagawang magsalita. Nabibigla pa rin siya sa sweet gestures ni Igo.
Kahit dati naiinis ito sa kanya, ay nandoon pa rin ang pagiging sweet nito. Mas lalo lang ngayon, na nawala na ang medyo masungit, puro ka-sweet-an na lang ang pinaparamdam sa kanya ni Igo.
Pinanood na lang niya ang bawat kilos ni Igo. Napapangiti siya sa bawat galaw ng katawan nito.
"Ang perfect niya." Aniya sa kanyang isipan at hindi pa rin inaalis ang tingin kay Igo.
Ilang minuto pa ang lumipas at ipinatikim na ni Igo sa kanya ang adobo na nilagyan nito ng hinog na saging na saba.
"Hindi na nga maalat, and the sweetness of banana, blended to vinegar and to the soy sauce. It taste good. I can say. It is one of my favorite dish now." Aniya at napapatango pa siya, habang inuubos ang ipinatikim sa kanya ni Igo na nakalagay sa platito.
"Ang galing mo Igo. Gusto ko ding matutunan ang luto mo na iyan. Sobrang sarap."
"Wag mo nga akong bolahin. Ikaw talaga, simpleng adobo lang ang niluto ko. Parang ngayon ka lang nakakain ng ganyan. Di ba, nakain mo na dati ang lutong adobo ni Chellay." Umasim agad ang kanyang mukha ng marinig ang pangalan ni Chellay. Halos araw-araw naman kasi nandoon sa bahay ni Igo ang dalaga. Mabuti na lang at tuwing hapon ay umuuwi na ito sa bahay ng mga ito, o di naman kaya ay itinataboy ng pilit ni Igo.
"Masarap iyong luto niya. Pero walang tatalo sa luto mo. Gusto ko iyang adobo na may saging. Sa sunod subukan din nating iyong mga sinabi mo na pwedeng ilagay sa adobo ha." Aniya na ikinatango naman ni Igo.
"Maghahayin na ako. Wag ka ng kumilos ako ng bahala, pero baka may gusto kang gawin. Pwede mo namang gawin."
"Gusto mong kape? Magtitimpla akong kape." Nakangiting sambit ni Shey.
"Nasasanay ka na ring magkape, habang kumakain, or pagkatapos kumain ha." Biro pa ni Igo.
"Mukha kasing nag-eenjoy ka sa pagkakape, hanggang sa masanay na nga ako at masarap pala. Akala ko nga hindi ako makakatulog kasi napadami ako ng inom ng kape noong una. Pero mali ako. Kasi nakakatulog pa rin ako ng mahimbing."
"Ibig sabihin komportable ka ng matulog sa tabi ko." Sagot ni Igo na bigla naman siyang pinamulan ng pisngi. Nagiging mahimbing naman talaga lalo ang tulog niya. Lalo na at sa iisang kama na sila natutulog ni Igo, pero may harang iyon na unan. Hindi naman siya malikot matulog. Kaya naman kahit hindi kalakihan ang kama ni Igo at may unan sa kanilang pagitan ay maayos at komportable pa rin ang tulog niya. Mahalaga alam niyang nasa tabi niya si Igo pag matutulog na.
Matapos makapagtimpla ng dalawang tasa ng kape ay naupo na rin si Shey sa katapat na upuan. Sabay silang kumain ni Igo at talagang masasabi niyang sobra siyang nag-enjoy sa pagkain. Halos naging doble ang servings na kinain niya ngayon, kumpara sa normal niyang kain.
"Okay ka lang?" Tanong ni Igo ng hindi niya malaman kung mauupo ba siya o tatayo sa sobrang kabusugan.
"O-oo okay lang ako."
"Pero bakit mukhang namumutla ka na?" Nag-aalalang tanong nito at hinawakan pa ang kanyang noo na pinagpapawisan ng malamig.
"Actually, hindi ako sanay kumain ng ganoong karami, pero sobra talaga akong nasarapan sa luto mo. Kaya naman hindi ko namalayan sobrang dami na pala talaga ng nakain ko." Pag-amin niya kaya naman tunawanan siya ni Igo. Napatungo na lang siya kasi nahihiya siya dito.
Bumalik naman si Igo sa ginagawang pagdadayag at hindi na sinagot si Shey. Matapos ang ginagawa ay hinawakan nito ang kamay ng dalaga at hinila palabas ng bahay.
"Saan tayo pupuntan?" Takang tanong ni Shey, lalo na at gabi na rin ng mga oras na iyon.
"Hindi tayo pwedeng matulog na ganyan ang nararamdaman mo. Baka mamaya kong mapaano ka pa. Makakatulong ang malamig na ihip ng hangin habang naglalakad tayo dito sa labas, para mawala ang sobrang pagkabusog na nararamdaman mo. Maliwanag naman ang buwan kaya masarap maglakad." Paliwanag ni Igo habang hawak pa rin ang kamay niya, at nagsisimula na silang maglakad.
"Para naman tayong nagdi-date. Walking under the moonlight, while holding hands together. With the sweet songs from the night insects. Isn't it romantic?" Aniya habang masayang naglalakad at magkahawak kamay.
"Kung ano sa tingin mo. Kung ano ang iniisip mo. Parang ganoon na nga. Wala pa akong maiipagmalaki. Tulad ng sabi mo, nawawala ang alaala mo. Natatakot ako, na baka pag bumalik ang alaala mo. Umalis kang bigla, dahil kilala mo na ang sarili mo." Malungkot na sagot ni Igo, ramdam niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.
Tumigil naman si Shey sa paglalakad at nagpwesto sa unahan ni Igo. Inalis naman ni Shey ang pagkakahawak ni Igo sa kamay niya at dinala sa mukha ni Igo.
"Hindi ako aalis ng hindi nagpapaalam sayo. Isa pa, hindi kaya ng puso ko na iwan ka, ng basta na lang." Aniya.
"Nakakahiya mang umamin, pero mahal kita Igo. Naiinis higit sa lahat naiingit ako kay Chellay. Dahil sa lahat ng ibinabato niyang salita sa akin totoo. Wala akong alam sa maraming bagay. Hindi ako marunong maglinis ng bahay. Ni pagluluto, tama siya na para akong bata na alagain. Ako ang opposite ni Chellay. Wala nga akong karapatang magmahal, pero nararamdaman ng puso ko, na mahal kita. Sorry." Pag-amin niya kay Igo. Aalisin na sana ni Shey ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ni Igo, ng hulihin itong muli ng binata.
"Hindi mo kailangang, ikumpara ang sarili mo sa iba. Tanggap ko ang mga kaya mo at hindi mo kayang gawin. Kung mabilis man na maramdaman ko rin na mahal kita, baka nga mabilis pero iyon din ang nararamdaman ko para sayo. Mahal kita Shey. Mahal na mahal." Ani Igo na ikinagulat ni Shey.
"Ibig sabihin pareho tayo ng nararamdaman?" Tanong ni Shey na habang nakangiting tumatango si Igo.
Pareho nilang hindi inaasahan ang pag-amin na iyon. Pero pareho silang umamin sa kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.
"Anong meron na sa ating dalawa ngayon?" Nahihiyang tanong ni Shey. Lalo at alam niyang may gusto si Chellay kay Igo gusto niya ng assurance.
Isang ngiti ang naging sagot ni Igo, bago nito unti-unting sinakop ang labi ni Shey, na agad namang tinugon ng dalaga.
Saksi ang malawak na kalangitan, ang liwanag ng buwan ang mga bituin sa kalawakan. Pati na rin ang mga puno at halaman at ang mga kuliglig sa mga oras na iyon, sa pagiging opisyal nilang magkasintahan.
Napapikit man, si Shey habang pinagsasaluhan nila ni Igo ang mainit na halik na iyon ay masaya ang kanyang puso at isipan. Sapat ang halik ni Igo para malaman kung ano na ang relasyon na mayroon sila ngayon.
"I love you Shey."
"I love you too Igo." At muling naglapat ang kanilang mga labi.