Hindi mawala ang mga ngiti ni Shey pagmulat ng kanyang mga mata kinaumagahan. Hindi lang niya mapaniwalaan na pareho sila ni Igo ng nararamdaman, at ngayon sila ay ganap ng magkasintahan.
Sa bawat araw na nakakasama niya ang binata ay hindi niya maipaliwanag ang sayang kanyang nararamdaman, kahit noong sinusungitan pa siya nito, pero maalaga naman. Bigla din siyang napabangon ng maalala ang dahilan kung bakit siya napunta sa poder ni Igo.
Naglaho ang ngiti na kanina lang ay nakapaskil sa kanyang labi. Ang tuwa, at saya na kanyang nararamdaman ay nabalutan ng takot at pangamba sa maaaring mangyari sa relasyon nila ni Igo pagnatagpuan siya ng daddy niya.
"Tama, dapat kung ipagtapat kay Igo ang lahat." Buo ang desisyon niyang iyon pagbangon niya sa kama. Akmang bubuksan niya ang pintuan ng kwarto ng marinig niya ang malakas na boses ni Igo. Sa tingin niya ay nandoon ang mga kaibigan nito.
"Ang aga naman ninyong mambwisit!" Sita ni Igo sa bagong pasok.
"Ang damot mo dito sa bahay mo. Sa totoo lang dapat kagabi pa kami. Kaso hindi kami nakatuloy ni Jose. May dalawa kasi kaming love birds na nakita sa may daan, nag-uusap ng walang pagitan ba." Birong totoo ni Cy ng makatanggap ng pambabato ni Igo ng potholder na hawak nito. Nagpapakulo kasi si Igo ng tubig sa takure para sa kape.
"Sinasabi mo!?" Singhal ni Igo, pero agad ding napangiti ng maalala ang pag-amin nila ni Shey sa nararamdaman nila kagabi.
"Deny-deny ka pa dyan Rodrigo Cardenal. Kitang-kita namin. At dahil mabait kami ni Jose, hindi na namin kayo inabala. Kaya ngayon na lang umaga. Tamo kita mo ang bitbit ni Jose." Sabay turo ni Cy kay Jose na nakaupo sa mahabang upunan na kawayan, ang dating hinihigaan ni Igo sa salas.
Itinaas naman ni Jose ang supot ng tinapay na dala nito. "Mainit na pandesal, at iyong isa ay bagong luto rin na pineapple pie." Ani Cy at hindi makapaniwala si Igo na tiningnan ang dalawa.
"Dadayo na naman kayo ng kape?" Wala bang mga kape sa bahay ninyo?" Inis na tanong ni Igo na ikinatango ni Jose. Tumawa namang bigla si Cy dahil sa sagot ni Jose.
"Naibili ko na ng pandesal at pineapple pie, kaya dito na lang kami makikikape." Ani Jose na hindi mapaniwalaan ng dalawa.
"Nice one Jose, dalasan mo yang pagsasalita mo. Para damang-dama na kasama ka talaga namin ni Igo.
"Oo na magtitimpla na ako ng kape, wag kayong maingay baka magising n'yo si Shey. Mga pasaway." Aniya sabay talikod sa dalawa.
"Tahimik nga lang kami. Ngayon aminado ka na bang binabahay mo si Shey, at hindi basta pinatuloy lang." Mahinang sigaw ni Cy kaya naman napabalik si Igo sa may salas.
"Bibig mong Cypher ka. Sabi ng hindi ko nga iyon ibinabahay, magkaiba iyon. Kasintahan ko na si Shey. Happy! Pero hindi ko s'ya ibinabahay. Iginagalang ko iyon kasi mahal ko iyon. Ayos na!" Hindi mapigilang sigaw ni Igo kay Cy kaya naman natawa na lang si Jose.
Hindi naman mapigilan ni Shey ang kilig sa mga narinig niyang sinabi ni Igo. Hindi tuloy niya malaman kung paano siya lalabas ng pintuang iyon. Bukod kay Igo, bigla naman siyang nahiya sa dalawang kaibigan nito.
Habang nag-iisip si Shey kung lalabas na ba siya o hindi, ay narinig niyang inaya ni Igo ang dalawa sa may balkonahe para doon magkape. Narinig din niya ang pagsunod ng dalawa. Unti-unti niyang binuksan ang pintuan para hindi marinig ni Igo na gising na siya. Hindi kasi niya alam kung paano haharap kay Igo. Unang umaga na sila na ni Igo bilang magkasintahan.
"May tanong ako Igo." Pukaw ni Cy kay Igo habang nakaupo sa isang hamba, ganoon din si Cy. Si Jose lang ang nakaupo doon sa upuan sa harap ng mesa doon.
"Ano iyon? Wag mong sabihing kalokohan na naman yang tanong mo. Mapapalayas kita ngayon kahit nagsisimula pa lang tayong magkape." Singhal ni Igo kaya napailing na lang si Cy.
"Sabi mo wag kaming maingay, ikaw itong sigaw ng sigaw. Bahala ka pag nagising iyong nobya mo."
"At ako pa ngayon?" Sabay turo ni Igo sa sarili na ikinatango ni Cy.
"Baliw!"
"Ito seryoso na. Di ba sabi mo walang maalala si Shey. Paano pala kung hindi siya single at may-asawa na pala s'ya." Seryosong tanong ni Cy na hindi magawang mag-angat ni Igo ng ulo para harapin si Cy.
Doon lang niya bigla naisip ang bagay na iyon. Paano nga ba kung may pamilya pala itong naiwan kung taga saan man ito? Sa lalim ng iniisip ni Igo ay hindi niya napansin ang paglapit ni Cy.
"Wag kang mag-isip siguro naman wala siyang asawa. Wala akong nakitang singsing sa ring finger niya. Kaya relax. Pero hindi natin masasabi na wala siyang boyfriend na naiwan. Maganda si Shey, literal kaya wag kang magagalit kung napansin namin iyon. Pero hindi imposible." Ani Cy at muling naupo sa hamba malapit kay Igo. Napatingin naman si Igo sa may pintuan sa loob ng bahay. Bigla namang nakapagtago si Shey kaya hindi siya nakita nito.
Bigla naman natigilan si Shey sa narinig niyang sinabi ni Cy. Mali ito, sa sinabi nitong may boyfriend siya. Pero may iniwan siyang engagement party niya, na kagustuhan ng daddy niya at ng kaibigan nito. Pero hindi niya mahal si Daniel. Kung papipiliin siya, mas pipiliin pa rin niya si Igo. Kahit simpleng buhay ang mahalaga ay mahal nila ni Igo ang isa't-isa.
"Pero paano kung wala naman pala siyang amnesia at may pinagtataguan lang siya kaya s'ya napadpad dito?" Tanong muli ni Cy na ikinatuod ni Shey.
"Hindi magsisinungaling sa akin si Shey. Matagal na kaming magkasama. Isa pa kung natatandaan naman pala niya ang lahat, dapat sinabi niya iyon sa akin. Wala ba siyang tiwala sa akin para ilihim ang sitwasyon niya kaya siya napunta sa poder ko? Malaki ang tiwala ko kay Shey. Lalo na at inamin niyang mahal niya ako, at ganoon din ako sa kanya. Mahal ko siya. Alam kong hindi niya ako pagsisinungalingan." Matatag na wika ni Igo, kaya naman biglang nanlambot si Shey sa pwesto niya.
"Mahal naman talaga kita Igo. Wala kasi akong maisip noong time na iyon kundi ang magsinungaling sa kalagayan ko. Pero totoo ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na mahal kita." Ani Shey sa isipan.
"Aaminin ko din sayo ang lahat Igo. Hindi kita bibiglain. Ayaw kong magalit ka sa akin. Pero sa ngayon, sorry na kaagad. Naduduwag na naman akong malaman mo na hindi naman talaga nawala ang alaala ko at si daddy talaga ang tinakasan ko. Pati na rin ang mayabang na lalaki na iyon." Bulong pa ni Shey at sumilip sa pwesto ni Igo.
"Okay sabi mo eh. Basta nandito lang kami ni Jose para sayo. Masaya kaming pumapag-ibig ka ng talaga. Tadhana nga naman. Hindi mo talaga aasahan ang darating na pag-ibig sayo." Biro pa ni Cy ng makatanggap ng sipa mula kay Igo.
"Ano na namang ginawa ko?" Sabay hilot sa paang sinipa ni Igo.
"Masyado kang makata, sumali ka kaya sa balagtasan ang dami mong alam. Yaan mo at aabangan ko kung paano ka maiinlove." Banta pa ni Igo.
"Sus hindi yan darating, hindi pa ipinapanganak ang babaeng pupukaw sa puso ko." Ani Cy ng batuhin ito ni Jose ng isang pandesal, na agad din naman nitong nasalo.
"Tamo pati si Jose ay hindi maniwala sa mga sinasabi mo." Si Igo.
"At bakit naman hindi kayo maniwala? Totoo naman ang sinasabi ko ah. Baka nga nasa tiyan pa ng nanay niya ang babaeng para sa akin. Kaso baka pagnagtagpo na kami lolo na niya ako." Biro ni Cy bago pinakawalan ang malakas na tawa.
"So baliwala na pala sayo iyong litrato ng batang babae na tinatago mo doon sa kwarto mo, na nakalagay sa isang frame sa likod noong isang valentine card na may nakasulat na to Saysay from Zeze?" Ani Igo na ikinakunot ng noo ni Cy, habang napangiti naman si Jose.
"Ang tsismoso ninyong dalawa paano mo nakita iyon?"
"Oi si Jose nakakita noon ah, pinakita lang sa akin." Tanggi ni Igo sabay tingin kay Jose, na ipinagkibit balikat lang nito.
"Ikaw Jose, ang tahimik mo, pero ang tsismoso mo. Wala lang iyon. Kaibigan ko iyon noon sa Maynila, noong isinama ako ni Tiyang. Nagtrabaho siya sa isang mayaman na pamilya. Mabait ang pamilya ni Zeze, pero nagtungo sa ibang bansa ang pamilya nito. Bigay niya sa akin ang card na iyon kasi bestfriend daw kami. Pero ng umalis na sila, hindi na kami nagkita pa. Kami naman ni Tiyang ay umuwi dito. So ayon bilang mabait na bestfriend tinago ko ang bigay niya. Mabait naman kasi sa akin mga magulang ni Zeze pati na rin si Zeze." Pagkukuwento ni Cy na ikinangisi ni Igo.
"So bata ka pa lang pala, pumapag-ibig ka na?"
"Baliw! Ikaw nga itong may girlfriend na ngayon, pati ikaw ang topic natin. Bakit napunta sa akin!" Singhal ni Cy ng makarinig sila ng kalabog sa loob ng bahay.
Mabilis namang pumasok ang tatlo at nakita nila si Shey na nakahandusay sa sahig, sapu-sapo ang balakang.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Igo na ikinatango naman ni Shey.
"Bakit ka nasa sahig?"
"Hindi ko kasi napansin iyong basa. Ay naapakan ko kaya nadulas ako." Sabay angat ni Shey ng paa ng makita na medyo basang sahig gawa ng natapong kape.
Inalalayan naman ni Igo na makatayo si Shey. Bago ang masamang tingin na ipinukol sa dalawa. Kibit balikat lang na muling bumalik si Jose sa pwesto niya. Habang si Cy ay biglang napalunok na ikinangisi ni Igo.
"So ikaw iyong lintik na nakikape, tapos natapon ang kape mo ng hindi mo man lang sinasabi, kaya nadulas si Shey?" Mariing tanong ni Igo na naniningkit na ang mga mata.
Tumayo naman ng maayos si Cy at ipinatong ang tasa ng kape sa table. Inalalayan naman ni Igo si Shey makaupo malayo ng kaunti sa pwesto ni Jose.
Bigla namang kumaripas ng takbo si Jose, na bigla din namang hinabol ni Igo.
"Bumalik ka dito Romero at hahambalusin kitang tangna ka!" Dinig nilang sigaw ni Igo habang habul-habol si Cypher. Hindi naman mapigilan ni Shey ang matawa sa dalawa na parang batang naghahabulan. Nakalimutan tuloy niya, na may kasalanan pa siya kay Igo, na nagsinungaling sila tungkol sa memorya niya.
"Mahal mo talaga si Igo?" Pukaw ni Jose sa atensyon niya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Shey bago sinagot ang tanong ni Jose. "Sa maniwala ka man o hindi, oo mahal ko si Igo."
"Kung ganoon, may tiwala ako sayo. Sabihin mo na kaagad kay Igo ang dapat niyang malaman bago pa malaman niya mula sa iba."
"Anong alam mo? I mean may nalalaman ka ba tungkol sa akin?" Naguguluhang tanong ni Shey na ipinagkibit balikat na lang ni Jose, at muling tumitig sa dalawang kaibigan na hindi pa rin napapagod sa pakikipaghabulan sa isa't-isa.