Nabigla si Ron nang bigla na lang may babaeng sumulpot sa kung saan at bumangga sa kaniyang dibdib. Mabuti na lang at maagap niyang naipulupot ang mga braso sa bewang nito at naalalayan, kung hindi baka nalugmok na ito sa sahig.
Bigla ang pagdaloy ng mainit na pakiramdam nang maglapat ang kanilang mga balat. Namumukhaan niya ang babaeng ito — ito iyong receptionist sa Casa Vielle. Ang makulit na babaeng palaging nagpapapansin sa kaniya. Pero anong ginagawa nito roon? Nagulat na lang siya nang sumigaw itong buntis ito at siya ang ama! Natigagal siya sa sinabi nito kung kaya inilayo niya ito sa lugar na iyon bago pa makahuma ang mga tao sa paligid.
Paniguradong bukas nasa headlines siya ng entertainment industry. Malamang din na sa mga oras na ito ay pinagpipyestahan na siya sa social media. Napabuga siya ng hangin sa kaniyang naisip. Malamang na gumulo ang kaniyang tahimik na mundo sa mga susunod na mga araw. At hindi lang ang buhay niya ang magugulo, pati ang buhay ng babaeng kasama niya ay magugulo rin.
“Get in!” matigas niyang utos dito.
“Bakit?” tanong nito sa kaniya.
“Get in or I will throw you out in jail?” seryosong saad niya.
“Sabi ko nga e, ito na po Honey!” bumungisngis pa ito bago tumalima sa utos niya.
Napahilamos naman ang dalawang palad niya sa kanyang mukha. Ilang beses muna siyang huminga nang malalim bago sumakay sa kaniyang kotse. Wala siyang alam na ibang safe na lugar ngayon kundi ang bahay nila Vienne. Hinanap niya ang kaniyang cellphone, ngunit wala pala ito sa kaniya. Mahina siyang napamura saka niya hinarap ang dalagang prenteng nakaupo sa kaniyang tabi.
“Hey you,” aniya rito.
Nilingon naman siya nito. “Yes hey me?” sagot pa nito sa kaniya.
“Do you have a phone with you?” tanong niya rito.
Inilabas nito ang cellphone saka iwinagayway sa kaniyang harapan. Hinablot niya iyon saka binuksan. Kaso may password ang cellphone nito.
“What’s your password?” kunoot-noong tanong niya rito.
“Ahm, akin na ako na lang mag-a-unlock, nakakahiya kasi iyong passpowrd ko e,” hindi makatingin ng diretsong sagot nito sa kaniya.
Na-curious naman siya kaya nagpumilit siyang malaman iyon. “Ano nga kasi? Ang arte mo,” sabi pa niya rito.
“Ang sungit mo! Ako na nga kasi e!” pagpupumilit naman nito.
“Isa!” pagbabanta naman niya rito habang inilalayo ang cellphone sa dalaga.
“Ang kulit!” nakangusong wika nito sa kaniya.
“Sasabihin mo ba o pabababain kita ngayon dito?”
“Oo na! Hunkyyummypaparon, all small letters,” mabilis nitong sagot sa kaniya.
Napangisi naman siya sa sinabi nito. Hindi niya alam pero imbes na mainis, parang natuwa pa siya sa sinabi nitong password. Tumikhim siya saka binuksan ang cellphone nito.
“So you really like me that much huh?” nanunuksong saad pa niya rito.
“Hindi naman masyadow! Very, very slight lang naman!” kunwa ay nahihiya pa nitong sagot sa kaniya.
Napapailing na napangisi na lang siya saka dinial na ang number ni Vienne. Sana lang gising pa ang kaniyang pinsan dahil kung hindi — yari na. Baka makatay sila ng ‘di oras ng mga press.
Nahihiya si KJ nang tanungin ni Ron ang password niya. Nalaman na tuloy nito kung gaano siya ka humaling sa binata. Kaya naman iniiwas muna niya ang kanyang mukha rito.
“Hello Vienne, I’m so sorry to disturb you at this time. But I really need your help. I’ll explain it to you later.” Narinig niyang wika ni Ron sa kausap saka ito sumulyap sa kaniya.
Saglit itong huminto bago nagsalitang muli, “Yeah, iyan lang kasi ang tanging lugar na hindi alam ng mga reporters e,” narinig pa niyang sabi nito sa kausap.
“Okay we’ll be there in twenty minutes. Yes ‘WE’, I’m with someone. Okay bye!” paalam na nito sa kausap.
“Here,” anito sabay abot sa kaniya ng kaniyang cellphone.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya rito.
“Magtatago!” maiksing sagot nito sa kaniya.
Napamulagat siya nang paandarin nito ang makina ng sasakyan nito. Agad niyang pinigilan ito dahil hindi pwedeng maiwan ang motor niya. Kahit naman hindi iyon latest model, mahal na mahal niya iyon. Madami na silang pinagsamahan ng motor niyang iyon. Kaya hindi pwedeng maiwan iyon dito.
“What?” naiiritang tanong nito sa kaniya.
“Hindi pwedeng maiwan ang motor ko rito,” sagot naman niya sa binata.
“Tsk! If we’re not gonna leave now, pagpipyestahan na tayo ng mga reporters soon,” naiinis na sagot nito sa kaniya.
“Hmmm, kung mag-motor na lang kaya tayo?” suhistiyon niya rito.
Kumunot-noo naman itong tumingin sa kaniya.
“Are you crazy? E kung madisgrasiya tayo?” masungit na tanong nito. Napangisi naman siya sa sinabi nito.
“Minamaliit mo yata ako e,” may pagmamalaking sabi pa niya rito.
“Look Miss, hindi kita minamaliit. Iniisip ko lang ang safety nating pareho,” paliwanag nito sa kanya.
“Oh yeah? Look hunky-yummy papa, kung magmo-motor tayo mas makakarating tayo nang mabilis sa patutunguhan natin. Saka maingat akong magmaneho, saka hindi ko talaga p’wedeng iwan ang baby ko rito. Saka...” Nabitin ang ano mang sasabihin pa niya sana nang mabilis na lumabas nang sasakyan si Ron.
Napangisi siya sa kaniyang sarili dahil nagtagumpay lang naman siyang ipilit ang gusto niya. Kaya mabilis na rin siyang bumaba ng sasakyan nito at dire-diretsong nagtungo sa kaniyang motor. Hindi naman niya planado ang lahat, dalawang helmet kasi ang bitbit niya. Iniabot niya ang isa kay Ron na hanggang ng mga sandaling iyon ay nakakunot pa rin ang noo.
“Isuot mo ito hunky-yummy papa,” utos pa niya rito.
Nang hindi ito kumilos ay tiningala niya ito upang komprontahin.
“Don’t tell me hindi ka marunong magsuot ng helmet?” nakataas pa ang isang kilay niyang tanong sa lalake.
“Okay, yuko!” utos niya rito no’ng hindi ito kumibo. “Ayaw mo? Sige rito na lang tayo hanggang dumating ang mga reporters,” aniya saka sumandal sa kaniyang motor.
“Okay fine!” sumusukong saad nito saka isinuot ang helmet na iniabot niya rito kanina.
Napangisi naman siya nang makita itong ikinakabit ang helmet nito. Isinuot na rin niya ang kaniya saka sumampa sa kaniyang motor. Nilingon pa niya si Ron nang hindi pa rin ito kumikilos sa kinatatayuan nito.
“Sampa na,” aniya sa lalake. Sumunod naman ito ngunit muli siyang mapalingon nang hindi ito kumapit man lang sa kaniya.
“Try mo kayang kumapit sa akin ‘no? Baka mahulog ka riyan kasalanan ko pa. Buti sana kung sa akin ka mahuhulog, okay lang kasi sasaluhin naman kita. Ayyyiiieee!” mahabang saad niya na may kasamang kilig.
“Bakit ba napakadaldal mo? Just drive,” naiinis nang wika nito.
“Kapit ka muna hunky-yummy papa. Dali na kasi ang arte!” sabi niya rito.
Narinig pa niya ang malalim na paghinga nito saka humawak sa kanyang balikat. Napangiti naman siya sa pagsunod nito sa utos niya kahit na sa balikat lang niya kumapit si Ron. Ang mahalaga, lumapat ang kamay nito sa parte ng kaniyang katawan.
“Alright! Kapit kang mabuti hunky-yummy papa!” aniya saka pinatakbo ang kaniyang motor.
Natawa pa siya nang mapamura ito at napahigpit ang hawak nito sa kaniyang balikat. Lalo naman niyang binilisan ang pagpapatakbo, dahilan para kumapit ito sa kanyang bewang. Napaiktad pa siya nang bigla itong yumakap sa kaniya. Muntik tuloy siyang mawala sa sarili, mabuti na lang at mabilis siyang nakapag-minor. Kung hindi, baka sumemplang sila ng wala sa oras.
“Damn! I swear last na sakay ko na ito sa motor!” narinig niyang sambit nito habang kapit na kapit ito sa kaniya.
“Wehhh? Huwag kang magsasalita ng tapos hunky-yummy papa!” tatawa-tawa naman niyang sagot dito.
“Hah? Are you saying something?” tanong pa nito sa kaniya.
‘Gwapo ka sana bingi ka lang!’ anang isip niya.
“Kapit lang!” sigaw na lang niya rito imbes na ulitin ang sinabi niya sa lalake.
At ganoon na nga ang ginawa nito. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kaniya na ikinatuwa naman niya. Masarap sa pakiramdam ang pagkakadaiti ng kanilang mga katawan. Parang gusto niya pang patagalin ang moment nilang iyon pero hindi puwede. Alam niyang kailangan nilang makarating agad kina Vienne. Dahil gaya nang sabi nito, any moment susundan na sila ng mga reporters.
‘Di bale, may next time pa naman. That’s for sure! I will make it happen!’ nakangisi niyang saad sa kaniyang sarili.
For now, okay na siyang nagtagumpay siya sa kaniyang plano kanina. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang ang lalakeng palagi niyang sinusundan-sundan, ngayon ay kasama na niya at bonus pang nakayakap ito sa kaniya ngayon.
‘I’m loving the feeling!’ sambit pa niya sa sarili.
Ang importante ngayon ay ang matakasan nila ang mga press na for sure sa mga oras na ito ay hinahanap na sila. Mabuti na lang at naisip nitong sa bahay ng pinsan nito magtago. Kaso lagot siya kay Vienne mamaya panigurado. Wala kasing idea ang kaibigan na may pagtingin siya sa pinsan nitong inakala niyang jowa nito noon.
“Saan tayo liliko?” tanong niya rito.
“Sa pangalawang kanto iliko mo. May makikita kang malagong bougainvilla sa gate — iyon ang kina Vienne,” sagot naman nito sa kaniya.
“Paano ko makikita ang bougainvilla, eh ang dilim na kaya?!” muli niyang saad dito.
“Just drive! Ituturo ko na lang sa iyo kung saan ka hihinto!” malakas na tugon naman nito sa kaniya.
“Okay!” tanging saad niya saka muling pinaharurot ang kaniyang motor.
She’s really enjoying the feeling! Kung alam lang niyang ganito pala kasarap ang makulong sa bisig nito, sana noon pa niya pinagplanuhan iyon.