Chapter 16

1819 Words
Agad silang sinalubong ni Vienne nang makarating sila sa bahay nito. Humalik lang sa pisngi nito si Ron saka dire-diretso na itong naglakad papasok sa bahay ng pinsan nito. Naiwan naman sila ni Vienne habang nakatingin lang sa papalayong lalake. Nang mawala na ito sa kanilang paningin ay saka siya hinarap ni Vienne. “Anong mayroon at magkasama kayo ni Ron?” agad na usisa sa kaniya ni Vienne. Nagkamot siya ng ulo saka ngumisi nang humarap na siya rito. “Ano bang sabi niya sa iyo kanina?” tanong pa niya rito. “Hmmm, sabi niya rito na lang niya ie-explain sa akin. Nagtaka pa nga ako nang number mo ang tumawag pero ibang boses ang kausap ko,” sagot ng kaibigan. “O iyon naman pala e, ano pang ginagawa natin dito? Halika na nang ma-explain na sa iyo ng pinsan mo kung anong nangyari,” nakangisi niyang saad dito. “Hindi ba p’wedeng ikaw na ang mag-explain?” tanong pa nito sa kaniya. Sasagot sa na siya nang marinig nila ang boses ni Ron. “Vienne!” tawag nito sa pinsan. “Nandiyan na!” sagot naman ng dalaga sa kaniyang pinsan. “Halika na!” sabay yaya sa kaniya nito. “Teka, ikaw lang naman ang tinawag niya e.” Pigil niya sa babae nang hilahin siya nito. Natatawa naman ito saka pabiro siyang hinampas sa balikat. “Gaga! Tara na sa loob, may mumu rito sa labas bahala ka,” pananakot pa nito sa kaniya. Agad naman siyang kumapit sa braso nito habang nagpalinga-linga pang sumabay maglakad papasok ng bahay nito. Humagikhik naman sa kaniyang tabi si Vienne at tila aliw na aliw ito sa kaniya. “Uyyy, ‘wag ka namang ganiyan Vienne, takot ako sa mumu!” aniya rito. “Joke lang!” humahagikhik namang sagot nito sa kaniya. Kinurot niya ito sa tagiliran na lalong ikinatawa nito. Magkasabay na silang pumasok sa sala kung saan naghihintay si Ron. Nagkatinginan muna sila ni Vienne bago lumapit sa kinaroroonan ng binata. “Okay, so what happen?” tanong ni Vienne kay Ron nang makaupo na sila sa sofa. Bumuga muna ng hangin si Ron saka tumitig kay KJ. “That woman beside you said thet she’s pregnant and I am the father!” halos umusok ang ilong nito sa pagkakasabi niyon kay Vienne. Natutop naman ni Vienne ang sariling bibig saka nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya. Nginisihan naman niya ito habang naka-peace sign. “Oh em gee! Really? Pero kailan pa naging kayo? Bakit hindi ko alam?” sunod-sunod na tanong nito sa kanila. “That’s my point! I barely known this woman, tapos sasabihin niya na buntis siya at ako ang ama! This is ridiculous!” frustrated na sabi nito sa kanila. “KJ, can you explain? Bakit mo naman sinabi iyon?” naguguluhang tanong ni Vienne sa dalaga. Tumikhim naman si KJ saka nagtaas ng mga kamay na tila sumusuko. “Okay, I’m sorry kung nasabi ko iyon...” “See? So she’s just lying!” sabat ni Ron sa pagsasalita niya. “Teka nga muna kasi, puwede? Patapusin mo muna kasi ako!” sagot naman niya rito. Kumalma naman ito saka iminuwestra ang kamay sa kaniya. Kaya naman nagpatuloy na rin siya sa pagsasalita. “As I was saying, sorry kung nagawa ko iyon. Kasi naman si manang makabintang — magnanakaw kaagad? Ang ganda-ganda ko tapos mapagbibintangan akong magnanakaw? Haller!” sabi pa niya sabay hawi sa kaniyang buhok. Napalingon pa siya kay Vienne nang marinig niya itong bumubungisngis sa kaniyang tabi. Dumampot siya ng throw pillow at inihagis iyon sa kaibigan. “Aray!” reklamo pa nito sa kaniya. “Makatawa ka riyan wagas!” Inirapan pa niya ang kaibigan. “So ayun na nga, wala akong choice kundi sabihin iyong — you know.” Iminuwestra pa niya ang pagbubuntis sa mga ito. “Tsk! Sa dami ng ipapalusot mo iyon pa talaga ang naisip mo. Saka ano ba kasi ang ginagawa mo sa lugar na iyon? Are you stlking me?” masungit na tanong ni Ron sa kaniya. “Oo! Este, hindi naman sa ganoon. Nagpapapansin lang naman ako sa iyo kasi nga kras kita,” nakayukong pag-amin niya kay Ron. Makapal na sa makapal ang mukha niya, pero iyon naman talaga ang totoo. Saka isa pa, naroon na rin lang naman sila lulubos-lubusin na niya ang pagiging makapal ang mukha. Napailing naman si Ron habang si Vienne naman ay hindi mapigilan ang paghagikhik sa kinauupuan nito. Tila kilig na kilig ang kaibigan at aliw na aliw sa kaniya. “Ngayon, ano nang gagawin natin? For sure hindi tayo makakabalik sa condo nang walang press na nasa paligid.” Sabay naman silang napatingin ni Vienne sa pinsan nito. Problemadong-problemado ito sa sitwasyon nila ngayon. Ano kayang maaari niyang gawin? Mataman niyang tinititigan ang binata nang may pumasok na idea sa kaniyang isip. Iyon e kung papayag si Ron sa naisip niyang iyon. “Alam ko na!” Napatayo pa siya pagkasabi niyon. “Ano naman iyang naisip mo?” tanong pa nito sa kaniya habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa kaniya. “Simple lang — magpapanggap tayong mag-jowa!” nakangising sagot niya rito habang taas baba pa ang kaniyang mga kilay. “No!” mabilis na sagot naman nito sa kaniya. “Luh! Magpapanggap lang naman e. Hindi ka naman na lugi sa akin ‘no! Maganda, matalino, balingkinitan — o saan ka pa! Pero kung ayaw mo, e ‘di ‘wag!” wika naman niya rito saka muling naupo. “Kulang ka sa height!” masungit namang saad nito. “Arouch huh!” kunwa’y nasaktang saad niya rito. “Iyon lang! Hindi talaga ako biniyayaan ng malahiganteng height! Pero aminin mo... face value at wankata, pak na pak ako!” aniya rito sabay palo sa kaniyang hita. Tawa naman nang tawa si Vienne mula sa kinauupuan nito. Maluha-luha pa ito katatawa. Kaya naman bahagya niya itong hinampas sa hita para tumigil na ito sa ginagawa nitong pagtawa. Pinahid pa nito ang mga luha sa mga mata nito. “Laugh trip ako sa iyo bakla!” anito habang nagpapahid pa rin ng mga luha. Habang si Ron naman ay mataman lang na nakatitig sa kaniya. Tila malalim ang iniisip nito. Doon naman niya natitigan ng ganoon kalapit ang binata. Napakaperpekto ng mukha nito. Iyong dating niya na suplado, dalang-dala niya e. Chinito eyes with long eye lashes — dinaig pa nga ang kaniya. Malakastilang ilong sa katangusan — well hindi ganoon katangos ang ilong niya, pero cute naman. At ang mga labi niya, oh em gee! Nakakaakit sa sobrang kapulahan niyon, nag-lipstick kaya ito? Higit sa lahat kahit salubong mga kilay nitong makakapal habang nakatingin sa kaniya, hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nito. “Huyyy! Baka naman matunaw si Ron niyan?” untag sa kaniya ni Vienne. “Bakla ang pogi naman kasi niya, I can’t take my eyes off him!” sagot naman niya rito habang nakatitig pa rin kay Ron. “Nakakaloka ka talaga!” natatawang saad naman ni Vienne sa kaniya. “O ano na cousin? May naisip ka na bang ibang paraan?” Baling nito kay Ron. “Wala!” sagot nito sa kanila saka napabuga ng hangin. “So payag ka na sa idea ko na magpanggap tayong mag-jowa?” nagniningning ang mga matang taong niya rito. “If there’s any other option, hindi ko tatanggapin iyang idea mo. But we’re caught up in this situation. Kaya sige pagplanuhan na lang nating mabuti ang pagpapanggap natin,” sagot nito sa kaniya. Kinilig naman siya sa narinig niyang iyon. Ibig sabihin mahahalikan, mayayakap at makakasama niya si Ron palagi! Eeeiii!!! Bonga! Pero biglang naglaho ang ambisyon niyang iyon nang muling magsalita ito. “But I have conditions to be followed.” “Ayyy, taray may pa-condition pang nalalaman. Anong kondisiyon iyan?” tanong niya rito. “Una, magpapanggap lang tayo sa harap ng press at ibang tao kapag magkasama lang tayo.” “Okay!” “Pangalawa, no kissing, no touching, and no hugging.” Bigla namang nanlumo ang kaniyang pakiramdam. ‘Bakit naman gano’n? Hayst!’ sambit niya sa kaniyang sarili. “Pangatlo, simula ngayon sa akin ka na magtatrabaho bilang PA ko. Since ipinangalandakan mo na buntis ka at ako ang ama.” “Teka, paano naman ang trabaho ko sa Casa Vielle?” agad niyang tanong rito. “Huwag kang mag-alala, hindi ka ipa-fire ni Vienne. Magtatrabaho ka pa rin sa Casa Vielle pagkatapos nating maayos ang gusot na ginawa mo. In two months — I think makakagawa na tayo ng excuse. Palalabasin nating nakunan ka, and then iyon ang magiging dahilan ng paghihiwalay natin,” seryosong saad nito. Namangha naman siya sa kaniyang mga narinig. Para siyang nasa isang pelikula dahil sa sinabing iyon ni Ron. Naguguluhan man ay napatango-tango na rin siya. “Okay. So iyon na ba iyon? kailan naman magsisimula ang palabas natin?” tanong pa niya rito. “Bukas na bukas din.” Tumayo na ito at akmang tatalikod nang muli siyang magsalita. “Bukas? As in tomorrow?” nanlalaki ang mga matang atnong niya rito. “Yes! So let’s meet at exactly eight in the morning sa kumidor for breakfast, and I will discuss to you the other details para sa palabas na ito,” anito saka naglakad ng muli paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ni Vienne. Muli naman siyang napaupo sa tabi ni Vienne saka nasapo ang kaniyang ulo. Bigla yatang sumakit ang ulo niya sa mga sinabi ni Ron kanina. Magtatrabaho siya bilang PA ni Ron? So it means, makakasama nga niya ito ng madalas. Pero paano nga ang trabaho niya? kabago-bago pa lang niya sa trabaho, magli-leave na siya ng ganoon katagal? Napatingin pa siya kay Vienne na ngayon ay ngiting-ngiti sa kaniyang tabi. “Bakit parang aliw na aliw ka pa riyan?” kunot-noong tanong niya rito. “Wala naman natutuwa lang ako sa inyo ni Ron. At last for how many years, may isang nakagiba rin ng pader na inilagay ng pinsan ko sa paligid niya,” nakangiting sagot nito sa kaniya. “Ganurn? Hmmm, pero paano nga iyong trabaho ko?” nag-aalalang tanong niya rito. “Ano ka ba? Huwag mo nang isipin ang trabaho mo sa Casa Vielle, ako na ang bahalang kumausap kay Vielle,” nakangising sagot nito sa kaniya. ‘Vielle? Iyon ba ang may ari ng Casa Vielle?’ tanong niya sa kaniyang sarili. “Close kayo ng may-ari?” kunot-noong tanong niya rito. Makahulugang ngiti ang ibinigay nito sa kaniya. Tumayo na ito saka iniabot ang isang kamay nito sa kaniya. “Halika na, magpahinga na tayo para bukas may lakas kang makinig sa mga sermon ni Ron,” nakangisi pang saad nito sa kaniya. Napasunod na lang siya rito kahit hindi pa nito sinasagot ang katanungan niya sa kaibigan. Bakit may pakiramdam siyang hindi basta-bastang tao si Vienne?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD