Chapter 14

1541 Words
Kanina pa parang may nakasunod sa bawat galaw ni Ron Rich. Simula nang umalis sila sa Casa Vielle, hanggang sa makarating sila sa venue ng kaniyang photo shoot ay hindi na siya nilubayan ng kakaibang pakiramdam na iyon. Parang bawat galaw niya ay may mga matang nakasunod sa kaniya. And that makes him feel uncomfortable. “Monique, kanina pa ako nakakaramdam ng hindi maganda. Parang may sumusunod sa akin e,” aniya kay Monique nang hindi na talaga siya makatiis. “Huh? Wala naman a,” sabi naman nito habang lumilinga-linga sa paligid saka tinapik ang kaniyang braso. “Honey, it’s just your imagination. Wala namang nakasunod sa atin, saka very exclusive Village ito kaya makakasiguro kang safe rito,” nakangiti pang sagot nito sa kaniya. Tinanguan naman niya ito, pero hindi talaga iyon sapat para mapanatag siya. Muli siyang tumingin sa palagid at wala naman siyang nakitang kahit na anong kakaiba. Naipilig na lang niya ang kanyang ulo saka nag-ayos na ng kaniyang sarili. Mag-uumpisa na rin kasi ang shoot nila. “Ron, ito ang isuot mo para hot na hot ka tingnan,” kumikislap pa ang mga matang pukaw sa kaniya ni Monique. Tiningnan naman niya ang isang itim na brief na hawak nito. Napailing siya sa kanyang manager, saka inagaw ang itim na brief na hawak nito. Hindi naman kasi under garments ang ie-endorse nila sa photo shoot na iyon. “Monique napaghahalataan kang maniac e. Hindi naman under garments ang ie-endorse namin. Tsk!” “Ayyy, akala ko iyon e,” nakangisi pang sabi nito sa kaniya. “Ang mabuti pa roon ka na muna sa mga amiga mo. Kaya ko nang asikasuhin ang sarili ko.” Pagtataboy niya rito. “Okay fine! Doon na nga lang ako, at least doon may alak. Dito masungit na alaga ang meron!” litaniya nito saka nakangising tumalikod na ito sa kaniya. “Don’t drink too much! Iiwanan talaga kita kapag nalasing ka,” pagbabanta pa niya rito. “Whatever!” balewalang sagot nito sa kaniya. Napabuga na lang siya ng hangin sa sinabi nito. Malamang na malasing na naman ito pagkatapos ng shoot. Knowing Monique, sugapa ito sa alak. Parang wala ng bukas kung lumaklak ng alak. Daig pa ang mga lasenggo sa kanto kung makainom. Muli siyang napabuntong hininga bago kinuha ang Hawaiian polo shirt na isusuot niya. “Ron, ready na in ten minutes ha?” wika ng assistant photographer sa kaniya. Tinanguan lang niya ito saka ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aayos. Nilapitan na rin siya ng make up artist para i-freshen up siya. Ilang saglit pa at nag-umpisa na siyang ngumiti sa harap ng kamera kasama ng iba pang mga modelo at artista. Mabuti na lang at nakasama na niya halos lahat sa mga modelong naroon, kaya hindi na siya nahirapan sa pag-a-adjust. May mga times kasi na kailangan pa niyang kausapin ang mga kasamahan niya para makakuha siya ng tamang momentum. Lalo na kapag bago ang kaniyang makakasama. ***** ‘Ito na siguro iyong location,’ bulong ni KJ sa sarili nang huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay. Inayos niya ang pagkaka-park ng kanyang motor, bago niya kinuha ang props niyang mga pagkaing nasa isang malaking bag. Naglakad siya palapit sa gate saka nag-doorbell. Tatlong sunod-sunod na pindot ang ginawa niya bago may nagbukas sa gate. “Ano po iyon?” tanong ng mukhang kasambahay ng bahay na iyon. “Hello po, food delivery po,” itiaas pa niya ang hawak niyang bag na naglalaman ng mga pagkain habang matamis ang pagkakangiti nito sa babae. “Ayyy teka po, bayad na po ba iyang mga iyan?” tanong nito sa kaniya. “Ahm, hindi pa po e,” sagot naman niya rito. “Sino po bang um-order niyan?” “Ahm, si... si... sir Ron po. Ron Rich Pulido,” nakangisi niyang sagot sa katulong. “Naku! Siya yata ang nakasalang ngayon. Tatawagin ko lang iyong manager niya,” akmang tatalikod na ito nang pigilan niya ito. “Naku manang! Hindi po p’wede, kailanga pong kay Sir Ron ko ito mismo iabot,” aniya rito. “E paano iyan, siya ang kinukuhanan ngayon ng photographer?” tanong pa ng katulong sa kaniya. “Ahm, baka naman po puwedeng papasukin niyo na lang ako, para ako na mismo ang mag-abot nito kay Ron — este sir Ron?” Ginandahan pa niya ang pagkakangiti rito. “Naku ma’am hindi po kasi puwede e. Mahigpit pong bilin sa amin na ‘wag magpapapasok ng kahit na sino rito sa loob. Lalo na ngayon, may photo shoot na nagaganap sa loob,” paliwanag ng katulong sa kaniya. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa sinabing iyon ng katulong. Akala pa naman niya lusot na siya nang papasukin siya ng guard ng Village — iyon pala mahigpit din sa location ng shoot. “Ahhh, ganoon po ba? Hmmm, sige po pakibigay na lang po kay sir Ron.” Sabay abot niya rito ng bag na may mga pagkain. “E paano ho iyong bayad?” takang tanong nito nang akmang tatalikod na siya rito. “Ahm, pakisabi free of charge na lang po iyan ehehehe,” nakangising sabi niya rito. Tinanggap naman ng katulong ang dala niyang bag. Binuksan pa nito ng malawak ang gate dahilan para may maisip siyang kapilyahan. Pagtalikod ng katulong ay inunahan niya itong pumasok sa loob ng bakuran, saka mabilis na tumakbo sa malawak na solar ng bakurang iyon. Narinig pa niya ang matinis na pagtili ng katulong nang makapasok siya sa bakuran. “Magnanakaw! Magnanakaw!” sigaw pa nito. ‘Luh! Judgmental si ate, magnanakaw agad?’ bulong pa niya sa sarili habang patuloy na tumatakbo. Naghahanap siya ng mapagtataguan ngunit wala siyang makita. Hanggang sa mapadpad siya sa venue ng photo shoot. Natigilan pa siya nang bumangga siya sa katawan ni Ron. Eksakto namang sunod-sunod na nag-flah ang camera. Nakatingin sa kaniya si Ron habang nakapulupot ang mga kamay sa kaniyang bewang. Samantalang nakatingala naman siya rito at nakapatong ang mga kamay sa dibdib nito. “Perfect!” sigaw pa ng photographer. “Ayan! Ayan, iyong magnanakaw na nakapasok!” Bigla siyang napatingin sa nagsalita. Si manang pala iyon at may kasama na ngayong security ng Village! Ano na ang gagawin niya? “Hulihin niyo iyan dali na bago pa makapanloob ng bahay,” utos pa ng mahaderang katulong sa mga guard. Akmang lalapitan siya ng mga guard nang pigilan niya ang mga ito, “Hep! Magnanakaw talaga ate? Grabe, sa ganda kong ito magnanakaw talaga?” sabi pa niya rito. “Oh sige, stalker! Hulihin niyo ang stalker na iyan! Ini-stalk niya si sir Ron!” sabi pa nito sa mga guard. Natataranta na siya nang palapit na sa kaniya ang mga guard. Wala na siyang kawala nang biglang may naisip na naman siyang kalokohan. “Buntis ako at si Ron ang ama!” sigaw niya sa mga ito. Biglang nanahimik ang kapaligiran. Nakanganga pa ang karamihan sa kanila nang marinig ang sinabi niyang iyon. May narinig pa siyang napa-OH sa mga ito. Nagulat naman siya nang biglang may bumitbit sa kaniya palayo sa harap ng maraming tao. Nang balingan niya ito, nakita niya ang pulang-pulang mukha ni Ron. “What the hell you are doing?!” nanggigigil na tanong nito sa kaniya. Imbes na matakot ay nginitian pa niya ito ng ubod ng tamis at buong pagmamalaking sinagot ito, “Congratulations Honey, magiging daddy ka na!” nanlalaki ang mga mata ni Ron habang nakatitig sa kaniya. “Baliw kang babae ka! Paano naman ako magiging ama ng anak mo? Ni hindi nga kita kilala at saka naka-one night stand ba kita?” halatang sumasakit na ang ulo nitong tanong sa kaniya. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan nito saka malapad na ngumisi at nagpakilala rito. “Kaye Janelle Marasigan, KJ for short. Ngayong kilala mo na ako, halika na’t magpakarami na tayo!” Umabrisyete pa siya sa lalakeng tila hanggang nang mga sandaling iyon ay natitigilan pa rin. Maya-maya lang ay tila natauhan na ito. Tinanggal nito ang pagkakaabrisyete niya sa braso nito at nakapamaywang siyang hinarap nito. “I don’t know what you’re up to. Pero I will not tolerate you!” mariing sabi nito sa kaniya. Humalukipkip naman siya saka ngitiniang muli si Ron. “Honey, magkaka-baby na nga tayo. Aren’t you happy?” nakakalokong tanong pa niya rito. Napasabunot naman ito sa ulo nito dahil malamang sa frustration. “Come! Iuuwi na kita sa inyo baka kasi gutom ka lang o kaya kulang sa tulog!” frustrated na saad nito saka siya hinawakang muli sa kaniyang braso. Hinila siya nito palayo sa mga taong nakamasid pa rin sa kanila. Habang ngiting-ngiti naman siyang nagpahila rito. Kumaway pa siya sa mga tao sa kanilang paligid habang nagpapahila kay Ron. ‘Sa wakas nakuha ko rin ang atensiyon mo hunky-yummy papa!’ tili pa niya sa kaniyang isip. Kabaliwan mang matatawag, wala siyang pake. Ang alam lang niya masaya siya ngayon dahil finally nakuha na niya ang atensiyon ng lalakeng kaniyang pinapangarap. Bahala na si batman bukas at sa susunod pang mga araw! Ang importanten ngayon ay napansin na rin siya sa wakas ng kaniyang sinisinta. Matanggal man siya sa kaniyang trabaho, ayos lang dahil katumbas naman niyon ang kaniyang kaligayahan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD