Maaga pa lang ay nakahanda na ang mga gamit ni Ron para sa kaniyang shoot. Ayaw na ayaw kasi niyang natataranta, at nagmamadali kapag may mga commitments siya. Isa pa wala naman siyang PA para mag-ayos ng mga iyon. Napagpasyahan niyang mag-jogging muna sa labas bago mag-shower. Nagsuot siya ng jagger at sando na pinatungan pa niya ng hoody para hindi siya masyadong makaagaw pansin sa mga tao sa labas. Inilagay na niya ang earpiece sa kanyang tainga saka lumabas ng kaniyang unit.
Masyado pang maaga kaya wala pang masyadong tao sa labas. Ito ang mga sandaling na-aappreciate niya ang kapaligiran. Hindi kasi siya pinagkakaguluhan. Isang oras din siyang nagtatatakbo sa paligid. Hanggang sa mapagdesisyunan na niyang bumalik na sa Casa Vielle, para makapagpahinga at makaligo bago mag-breakbfast. Nasa tapat na siya ng kaniyang unit nang hindi niya mahanap ang kanyang susi. Natampal niya ang kanyang noo nang maalalang hindi niya iyon naibulsa bago lumabas sa kaniyang unit.
‘Damn! Bakit ba nakalimutan kong ibulsa ang susi ko?’ bulong niya sa kaniyang sarili.
Napapakamot pa siya sa kaniyang ulo saka muling bumaba sa reception area. Mabuti na lang at maaga pa para sa kaniyang call time.
*****
Samantala, maaga namang pumasok si KJ dahil off ni Jazzy ngayon. Nag-check siya ng mga importanteng bagay na kailangan niyang gawin ngayong araw. Nakayuko siya sa harapan ng log book nang may lumapit sa kanilang desk.
“Good morning sir, how may I assist you?” nakangiting bati ni KJ.
Agad nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Ron pala iyon. Hindi niya ito namukhaan dahil nakasuot ang hood sa ulo nito. Not the usual Ron na nakikita niya.
“Can you please send someone to open my unit?” tanong nito sa kaniya.
“Ahm, okay sir. One moment sir,” atubiling sagot niya rito.
Agad siyang nag-dial sa telepono at may kinausap para i-assist itong mabuksan ang unit nito. Matapos makipag-usap, hinarap niyang muli si Ron. Hindi pa rin mapuknat-puknat ang pagkakangiti niya sa kaniyang mga labi habang kausap ito.
“Ahm, sir our security is on his way to open your unit for you. Pwede na po kayong bumalik sa unit niyo para doon na siya hintayin.”
“Thank you,” matipid namang sagot nito sa kaniya.
“You’re welcome sir!” sagot naman niya rito saka napakagat sa kaniyang labi nang tumalikod na si Ron.
‘Sana araw-araw mong makalimutan ang susi mo, para araw-araw mo rin akong kausapin!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili.
Kinikilig siyang sinundan ng tingin ang papalayong pigura nito. Hanggang mawala ito sa kaniyang paningin ay pilit pa rin niya itong tinatanaw. Nadatnan pa siya ni Vienne na ngiting-ngiti habang nakatingin sa malayo. Ipinitik nito ang mga daliri sa kanyang harapan, dahilan para mapasulyap siya rito.
“Huyyy! Okay ka lang ba?” tanong nito sa kaniya.
“Oo naman!” mabilis niyang sagot dito.
Nawiwirduhan si Vienne na nakamasid sa kaniya matapos siya nitong gambalain sa pagtanaw niya kay Ron.
“Sure ka ha? Para ka kasing baliw na nakangiting mag-isa riyan,” paniniyak pa nito sa kaniya.
“Masaya lang ako, hindi ba puwede iyon?” sagot naman niya rito.
“Ewan ko sa iyo! Anyways, approve na iyong leave mo for three days starting tomorrow.”
Agad nagningning ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang sinabi ni Vienne. Dahil sa kaligayahan, nayakap pa niya ang kaibigan. Natatawa naman itong niyakap siya pabalik.
“Thank you!” tuwang-tuwang sabi pa niya rito.
“You’re welcome!” nakangising sagot naman nito sa kaniya.
“O siya, basta ayusin mo na ang dapat mong ayusin dito. And enjoy your short vacation,” kinindatan pa siya nito bago ito tumalikod sa kanya.
Tuwang-tuwa talaga siyang malamang in-approve ang kanyang leave. Hindi pa naman kasi siya ganoon katagal sa kaniyang trabaho, pero pinayagan na siyang mag-leave. Magagawa na niya ang plano niya mamaya kay Ron.
‘Wait for me hunky-yummy papa Ron Rich! Your delivery girl s***h future jowa is on her way to your heart!’ kinikilig niyang pahayag sa kaniyang sarili.
“Aherm!” narinig niyang may tumikhim sa kanyang harapan.
Umangat ang kanyang ulo mula sa kainyang pagkakayuko. Saglit niyang inihinto ang pagpupunas sa kanilang desk, upang sulyapan kung sino ang tumikhim na iyon. Agad rumihistro ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita si Mang Obet. Ilang araw rin kasi itong absent, dahil nagkasakit ang asawa nito.
“Mang Obet!” ngiting-ngiting bati niya sa matanda.
“Hi ma’am!” nakangisi namang sagot nito sa kaniya. “Na-miss mo ba ako?” tumawa pa ito pagkasabi noon.
“Oo naman Mang Obet, na-miss kita! Kumusta na si misis mo?” tanong pa niya rito matapos bumungisngis.
“Okay naman na sa awa ng Diyos. Nagpapagaling na lang sa bahay,” nakangiting sagot nito sa kaniya.
“Mabuti naman kung ganoon,” magiliw niyang saad sa matanda.
“Ma’am, ready ka na ba para mamaya?” taas-baba pa ang mga kilay na tanong nito sa kaniya.
“Oo naman Mang Obet! Ready na ako para mamaya!” nagniningning ang mga matang tugon niya sa matanda habang tumatango-tango pa.
“Ayos!” Nakipag-appear pa ito sa kaniya at kagaya niya ay tila excited din ang matanda.
Sabay pa silang nagkatawanan pagkatapos nilang mag-appear. Nakakatuwa talagang may kasamahan kang nasasakyan ang trip mo sa buhay. Hindi naman nagtagal at nagpaalam na ito sa kaniya.
“Paano ba iyan ma’am? Iiwan muna kita at kailangan ko ng maghanap-buhay. Balitaan mo ako pagbalik mo ma’am ha?” sabi pa nito sa kaniya bago ito tumalikod.
“Sure manure Mang Obet!” tugon niya rito habang naglalakad na itong palayo sa reception area.
Pipito-pito pa itong naglakad palayo sa kaniya. Nakangiti siya habang napapailing na sinundan ang papalayong matanda. Isa si Mang Obet sa nakasundo niya sa Casa Vielle. Bukod sa mabait ang matanda — kwela rin ito. Kaya naman mabilis silang nagkasundo nito.
Buong duty niyang magaan ang pakiramdam ni KJ. Pakiramdam niya ay nasa cloud nine siya dahil sa sobrang kaligayahang nadarama. Kaya naman napakabilis nang paglipas ng mga oras. Dumating si Monique para sunduin nito ang alaga niyang walang iba kundi si Ron. Dahil masaya siya, hindi na lang niya pinatulan ang kaartehan ng babaeng hindi mo mawari kung babae ba talaga o bakla. Nasobrahan kasi yata sa retoke ang isang ito.
“Hay naku ka naman talaga Ron, sinisira mo ang get up ko e!” narinig pa niyang reklamo nito sa alaga nito.
Hindi naman pinansin ni Ron ang pagrereklamo nito at dire-diretso lang na naglakad bitbit ang isang maleta.
“Ikukuha na talaga kita ng PA para hindi ako ang inaalila mo sa pagbubuhat ng mga gamit mo! Ayyyy!” tili pa nito nang mawalan ito ng balanse at dire-diretsong nag-landing sa sahig.
Paano ba namang hindi masusubsob ang manager niya? E nakasuot ito ng super high heels na sandals. Akala mo naman ay rarampa sa isang pageant sa arteng maglakad. Dinaig pa ang alaga niyang simpleng-simple lang sa suot nitong maong jeans, at plain white t-shirt na pinatungan lang ng polo shirt, na bukas ang mga butones. Habang si Monique ay naka-sundress na lagpas tuhod ang haba, at nakabrim hat pa ito, at naka-shades. Akala mo siya ang celebrity sa kanilang dalawa ni Ron.
“Monique, ano bang ginagawa mo riyan? Bilisan mo kaya, ang arte-arte mo kasing maglakad e,” salubong ang kilay na sita naman ni Ron sa manager s***h alalay nito.
Nakasimangot namang tumayo ito saka muling hinila ang bag ni Ron. Impit na humagikhik naman si KJ sa kaniyang nasaksihan. Tumikhim pa siya para pigilan ang pagtawa, nang biglang lumingon ito mula sa kaniyang kinatatayuan. Yumuko siya at nagkunwari na lang na may ginagawa. Hanggang sa tuluyan nang makalabas ang mga ito.
“KJ!” Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig na iyon.
“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Vienne sa kaniya.
Sinipat naman niya ang kanyang relong pambisig. Alas singko na pala. Nakangiti siyang bumaling kay Vienne.
“Uwian na pala!” nakangisi pang sabi niya rito.
“Sabay na tayo?” tanong naman ni Vienne sa kaniya.
Napakagat labi siya sa sinabing iyon ni Vienne. Naka-motor kasi siya ngayon, at hindi naman niya pwedeng sabihin kay Vienne ang plano niyang pumunta sa shoot ni Ron.
“Ahm, naka-motor ako ngayon e,” nahihiyang sabi niya rito.
“Wow! Nagmo-motor ka pala?” gulat na gulat naman bulalas nito sa kaniya.
Tumango-tango naman siya bilang sagot sa katanungan ni Vienne. Kumikislap-kislap pa ang mga mata ni Vienne, tila na-excite pa ito sa sinabi niyang naka-motor siya.
“Gusto ko sanang ma-experience umangkas sa motor, kaya lang naka-skirt ako e. Uyyy, next time i-angkas mo naman ako ha?” request pa nito sa kanya.
“Oo ba! Promise sa susunod ia-angkas kita,” nakangiting sagot niya rito.
Kinikilig pa itong yumakap sa kaniya. Natawa naman siya sa ikinilos nitong parang bata. “Uhm, sige na Vienne, magbibihis pa ako e. Ingat ka sa pag-uwi,” paalam niya rito.
“Okay, ikaw rin mag-iingat ka sa pagmo-motor mo. Bye!” nakangiting bilin naman nito sa kaniya, saka naglakad na itong palabas ng Casa Vielle.
Napabuntong hiniga naman siya saka nagtuloy na sa locker upang magbihis. Nae-excite na rin siya sa mangyayare mamaya.
‘Are you ready for me hunky-yummy papa? I’ll make sure na mapapansin mo na ako ng bongang-bonga!’ kausap pa niya sa kaniyang sarili.
Magtagumpay kaya si KJ sa kaniyang gagawing pagpapapansin kay Ron? Matuwa naman kaya si Ron sa gagawin niyang iyon?