Chapter 11

1839 Words
Palabas na si KJ sa Casa Vielle Condominium nang makita niya sina Vienne at Ron na naglalakad papuntang sasakyan ng lalake. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nakaabrisyete si Vienne kay Ron. Iniiwas niya ang mga mata sa dalawa, saka nagmamadaling naglakad patungong sakayan. Ngunit sa malas, nakita pala siya ni Vienne. “KJ!” tawag nito sa kaniya. Wala sana siyang balak lingunin ito ngunit huli na para magkunwari. Mabilis itong nakalapit at hinawakan ang kaniyang braso na dahilan ng kaniyang paglingon. “Uyyy, Vienne! Ikaw pala, bakit?” kunwa’y nagulat niyang bati rito. “Buong araw kasi kitang hindi nakausap e, busy ka yata kanina kaya hindi na kita inabala,” nakangiting turan nito. Hindi maikukubli sa mukha ng babae ang kasiyahan dahil sa pagniningning ng mga mata nito. ‘Sana all maganda ang araw, hayst!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili. “Ahm, ahhh oo, nga e. Pauwi ka na rin?” tanong pa niya rito. Feeling awkward kasi siya ngayong kaharap niya ang babaeng nagmamay-ari pala kay Ron. Mabuti na nga lang at nasa malayo ang lalake at may kausap sa cellphone nito, kaya sila lang ni Vienne ang magkaharap ngayon. “Oo e, hinihintay ko lang matapos makipag-usap si Ron sa telepono,” nakangiting sagot naman nito sa kaniya. Nilingon pa nito ang binata na busy pa rin sa pakikipag-usap sa cellphone nito. ‘Ayan masokista ka kasi e,’ bulong niya sa sarili. “A, ganoon ba? Magkakilala pala kayo ‘no? I mean close pala kayo?” nakangiting wika niya kay Vienne upang hindi mahalata nito ang kaniyang pagkailang. “Oo naman. Hindi lang close — close na close kami niyan!” Tumawa pa ito na ikinairita niya. ‘Ouchy! Mashaket!’ Tumikhim siya upang tanggalin ang barang nakaharang sa kaniyang lalamunan. Magpapaalam na lang siya sa babae bago pa kung ano ang magawa niya, hindi na kasi niya kayang marinig pa ang iba pang sasabihin nito. Baka maglupasay na siya sa sahig kapag may sinabi pa ulit itong hindi niya nagustuhan. “Ahm, sige na Vienne mauuna na ako. Ingat na lang kayo,” paalam na niya rito. “Sige, mag-iingat ka rin.” Bumeso pa ito sa kaniya saka naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Ron. Bagsak ang mga balikat niyang tumalikod na rito. Aaminin niyang nagseselos siya kay Vienne. ‘Teka selos? Hoy! Kailan ka pa natuto niyan?’ Nagulat pa siya sa isiping nagse-selos siya kay Vienne. Alam niyang crush niya si Ron, pero para makaramdam siya ng selos ngayon? Mukhang hindi na lang simpleng pagkaka-crush ang nararamdaman niya para sa lalake. Oh no! Paano na ngayon iyan? May Vienne na sa eksena. Ano nang gagawin niya? ‘Kaloka ka KJ! Bakit ba naman kasi ngayon mo lang napagtanto iyan?’ sabi pa niya sa kaniyang sarili. Naipilig na lang niya ang kaniyang ulo saka nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw na niya munang isipin iyon. Masyado naman kasing mabilis ang mga pangyayare. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang damdamin para kay Ron. Hindi niya iyon napaghandaan. Malay ba naman kasi niyang mauuwi ang simpleng pagkaka-crush sa next level. ‘Next level means? Love ba ito?’ tanong niyang muli sa sarili. Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili. Kaya naman naipilig niya ulit ang kanyang ulo, saka nagpatuloy na sa paglalakad. Ngunit agad din naman siyang napahinto at luminga-linga pa siya sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong lumagpas na pala siya sa sakayan. Napamura tuloy siya sa kanyang sarili saka mabilis na naglakad pabalik sa sakayan. ‘KJ ka talaga!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili habang naglalakad pabalik sa sakayan ng jeep. Samantalang sina Ron at Vienne ay kasalukuyang nasa Naimas Restaurant na malapit sa Casa Vielle. Isa itong Ilocano restaurant, kung saan paborito nila ang pinapaitan recipe roon. “Sino ba iyong kausap mo kanina?” tanong ni Vienne sa kaniya habang humihigop ito ng sabaw. “A, si Don. He reminds me about his date na po-proxihan ko,” natatawang saad niya rito. FLASHBACK... Kagaya nang sinabi niya kay Vienne, hinintay nga niyang matapos ang shift nito saka sila sabay na lumabas ng Casa Vielle. Naka-abrisyete pa ang babae habang tuwang-tuwa itong naglalakad kasabay niya. Naaaliw rin naman siyang makita itong masaya, kaya hinayaan na lang niya ito. Malapit na sila sa sasakyan niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Huminto siya at tinignan kung sino ang tumatawag, “Wait lang Vienne ha, sagutin ko lang ito,” paalam niya sa dalaga. Ngumiti naman ito saka tumango. Kausap na niya si Don nang marinig niya si Vienne na may tinawag. Nilingon niya ito at nakitang kausap ang receptionist sa Casa Vielle. Hindi niya akalain na magkakilala pala ang mga ito. “Don, what’s up?” tanong niya sa kausap. “Bro, ‘wag mong kakalimutan iyong date namin ni Icel ha?” anito na ikinatawa niya. Para kasing takot na takot ang kaibigan niya kapag hindi nito pinuntahan ang date nito. Hindi niya alam pero tingin niya malakas din ang tama ng kaibigan sa magiging date nito, kaya ganoon na lamang ito makapag-react. “Oo na, relax ka lang sagot kita,” sagot naman niya rito na binuntutan pa niya ng mahinang pagtawa. “Bro, seryoso kasi!” naaasar na wika naman sa kaniya. “O bakit? Seryoso naman ako a!” nakangiting aniya sa kausap. “Alam mo ikaw Don, dapat bawas-bawasan mo na ang kape. Masyado kang nerbiyoso e,” dugtong pa niya sa sinabi niya rito. “Basta bro, I owe you one. Promise!” sabi nito sa kabilang linya. “Sige na, inaantala mo ang date ko!” sabi niya rito. “Uyyy, sino iyang date mo?” Biglang nabuhayan ang sira ulo niyang kaibigan. “Si Vienne,” maiksing sagot naman niya sa kaibigan. “Hala ka! Lagot ka kay Dol!” tila gulat pang sabi nito sa kaniya. Tinawanan lang niya ang sinabi nito saka pinutol na ang tawag. Eksakto namang nakalapit na si Vienne sa kinaroroonan niya. Hindi na ito nagtanong kaya sumakay na sila agad sa sasakyan niya. END OF FLASHBACK... “Proxy? Pino-proxy-han na pala ngayon ang mga date?” natatawang sabi pa nito sa kaniya. Napangisi naman siya sa sinabi ng kaniyang pinsan. Oo nga naman kakaiba rin ang trip ni Don minsan e. “Kumain ka na lang, hayaan mo na kami ni Don,” aniya rito. Nagkibit balikat lang din naman ito saka nagpatuloy na nga lang sa pagkain. ***** “Kikay JR! Kumustasa?” agad na bati sa kaniya ni Tyrone nang makapasok siya sa bahay nila. Nasa kusina ito at naghahanda ng pagkain sa mesa. Pabagsak siyang naupo sa sofa saka binuksan ang TV. Nagtanggal na rin siya ng sapatos at ipinatong ang mga paa sa mesitang nasa harapan niya. “Uyyy, mukhang bad day si ate a,” narinig niyang sabi ni Rex. Lumapit ito sa kanya saka naupo sa kaniyang tabi. Hindi pa rin niya ito kinikibo, at hinayaan lang itong maupo sa kaniyang tabi. “Problem?” tanong nito sa kaniya habang sinisiko ang kaniyang braso. “Huyyy!” pangungulit nito nang hindi pa rin niya pansinin ang binata. Dahil nga masama pa rin ang loob niya, pinanggigilan tuloy niya si Tyrone at kinagat ito sa braso. Napahiyaw naman ang kaniyang kababata sa kaniyang ginawa, dahilan para lumabas ang kanyang ina mula sa silid nito. “Hoy, kayong dalawa ano na naman iyang pinaggagagawa ninyo?” tanong nito sa kanila. Agad naman niyang pinakawalan ang braso ni Tyrone. Habang nagmamadaling lumayo sa kaniya ang kaibigan. Napangisi pa siya rito dahil parang takot na takot ito sa kaniya. “Nay Kikay, hindi niyo sinabing may lahing aso pala itong si Kikay JR!” sumbong nito sa kaniyang ina habang hinihimas ang nasaktang braso nito. “Kaye! Bakit mo naman kinagat si Tyrone? Naku mahal pa naman ang anti rabbis vaccine ngayon,” sita naman ng kaniyang ina habang nakatingin sa kaniya. Bumunghalit na siya ng tawa sa sinabi ng kaniyang ina. Nakakaloka talaga ang nanay niya. Akalain ba naman niyang sakyan nito ang sinabi ni Tyrone na may lahi siyang aso? “Arf! Arf! Arf! Arrrrwww!!!” kahol naman niya sabay tawa. “Nakakatawa? Ha? Nakakatawa?” tanong naman ni Tyrone sa kaniya. “Oo. Tawang-tawa nga ako sa itsura mo ngayon o!” nakangising tugon niya rito. “A ganoon, ikaw naman kaya ang kagatin ko?” akmang lalapit ito sa kaniya nang batuhin niya ito ng throw pillow. “Subukan mo nang sumabog iyang nguso mo Tyrone!” pagbabanta pa niya rito. Kinabahan siya ng hindi natinag si Tyrone sa pagbabanta niya. Dahan-dahan pa itong lumapit sa kinaroroonan niya, kaya naman napa-atras siya sa kanyang kinauupuan at akmang tatayo. Ngunit mas mabilis si Tyrone sa kaniya, nahawakan na siya nito sa kamay saka kiniliti sa kaniyang baywang. Napahiyaw siya sa pagkabigla, saka parang kiti-kiting nagpupumiglas habang tumatawa. “Tyrone! Tama na! Ayaw ko na! Ahahahaha!” awat niya sa kababata na patuloy pa rin sa pagkiliti sa kaniya. “Anong tama na, ha?” sabi pa nito saka muli siyang kiniliti. “Nay! Help!” tawag pa niya sa kaniyang ina na nakatanaw lang sa kanila. “Help ka riyan!” nakangising wika ng kaniyang ina saka pailing na naglakad palayo sa kanila. “Tama na! Please!” awat na niya kay Tyrone dahil hinahingal na siya sa kakailag at katatawa. Tinantanan naman na siya nito at nakangising naupo sa kaniyang tabi. Hinang-hina siyang umusod nang upo palayo sa kaniyang kaibigan dahil wala siyang tiwala rito na hihinto na ito sa pagkiliti sa kaniya. “Tama na ha? Ayaw ko na!” sumusukong saad niya kay Tyrone. Pilyong ngumiti naman ito sa kaniya at itinaas pa ang mga kamay na tipong kikilitiin siya ulit nito. Iniharang naman niya ang throw pillow rito bilang panangga. “Nay o, si Tyrone ayaw pa rin tumigil,” sumbong pa niya sa ina. “Ay ewan ko sa inyo. Tara na at kumain na nga tayo,” sagot lang nito sa kaniya saka ikinumpas ang kamay bilang pagtawag sa kanila. “Ayaw ko na kasi Tyrone,” nagmamakaawang saad niya rito. Tumawa naman nang malutong ang kaibigan saka tumayo. Inilahad pa nito ang kamay sa kaniyang harapan para aalayan siyang makatayo. Dahil sa sutil siya, hinampas lang niya ang palad nito saka mabilis na tumayo at tumakbo sa kusina. Nagtago pa siya sa likuran ng kaniyang ina para hindi siya magantihan ng kababata. “Magsitingil na kayong dalawa at baka kurutin ko kayo pareho sa singit,” saway ng ina sa kanila. Binelatan pa niya si Tyrone saka siya naupo sa kaniyang pwesto. “Nay o,” tawag niya sa ina nang akmang susundutin siya ni Tyrone sa kaniyang tagiliran. “Shhh, kain na,” sabi lang nito. Umayos naman na sila at nag-umpisa na ngang kumain. On the other thought, nawala ang lungkot na nararamdaman niya. Gumaan na rin ang kaniyang pakiramdam. Nakatulong ang paghaharutan nila ni Tyrone para muling manumbalik ang kaniyang sigla. Kahit papaano nakalimutan niya ang dahilan ng kaniyang kalungkutan kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD