Chapter 5

1489 Words
Kasalukuyang naghahanda si Ron para sa kanyang mall show nang dumating ang kanyang manager. Agad nitong pinakialaman ang kaniyang mga gamit na inaayos na niya kanina. Sigurista kasi ito at ayaw na ayaw nitong may nakakaligtaan siyang bagay. “Kompleto na ba ang mga ito? Make sure na nandiyan lahat ng mga damit na gagamitin mo sa mall show at pictorial. Kung bakit ba naman kasi ayaw mong kumuha ng P.A para sana may nag-aasikaso ng mga iyan para sa iyo,” mahabang litaniya ni Monique sa kaniya. Napabuntong hininga siya habang isinasara ang kanyang maliit na maleta. Inagaw na rin niya rito ang ilang mga gamit na kinuha nito mula sa kaniyang bag. Nang maayos na ang lahat saka niya ito hinarap. “Monique, okay na ako. You knew that I don’t like PA’s,” aniya rito. Dati naman talaga siyang may PA, ang kaso nag-asawa na ito kaya tumigil na ito sa paglilingkod sa kaniya. Pinahinto na kasi ito ng napangasawa nito dahil hirap itong magbuntis. Ayaw nga sana nitong iwan ang trabaho pero, gusto rin siyempre nitong magka-anak sila ng asawa. Kaya naman wala na rin siyang nagawa kundi ang payagan itong umalis. May mga sumunod pang nagdaang PA sa kaniya, kaso palagi niyang sinisibak sa trabaho. Paano ba namang hindi? E palaging mga lutang sa trabaho. Nadi-distract yata sa kaniya. Well hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil alam niyo na, guwapo e. Kaya simula noon, hindi na siya ulit nag-hire ng PA. Kaya naman ngayon, siya na ang nag-aasikaso sa kaniyang sarili. Kung minsan naman ay ang kanyang manager na pakialamera. “Yeah, yeah right!” pakumpas-kumpas pa ang kamay na sabi nito habang umiikot ang mga eyeballs. “Take a shower at magbihis ka na,” utos pa nito sa kaniya. Muli siyang napailing sa sinabi ng kanyang manager, saka pabuntong hiningang dinampot ang kanyang towel at dire-diretsong nagtungo sa banyo. Mabilis ang kanyang pagkilos dahil ayaw na niyang marinig ang nakaririnding boses ni Monique. Matapos siyang maligo at magbihis ay hinila na niya ang kanyang mga gamit. Dire-diretso niyang tinungo ang elevator kasunod si Monique. “Mall show and then pictorial,” sabi pa ng maarteng manager niya. “Yes ma’am,” sagot naman niya rito. Tahimik na sila pareho hanggang sa marating nila ang parking lot. Tinungo nila ang sasakyan ni Monique, na gagamitin nila ngayong araw. Agad silang sumakay roon, matapos niyang mailagay ang kanyang mga gamit sa compartment ng sasakyan nito. Pagdating sa mall ay agad silang dumiretso sa back stage upang mag-retouch. Sasayaw lang naman sila at kakanta. Tapos konting plugging ng upcoming movie niya tapos — tapos na. Ilang sandali pa at nag-umpisa na ang show nila. Inihanda na niya ang makalaglag panty niyang ngiti bago lumabas sa entablado. Kumaway pa siya sa mga taong nagtitilian sa kaniyang harapan. Nang pumailanlang ang tugtog na kanilang sasayawin ay may nahagip siyang pamilyar na bulto sa bandang kanan, sa harapang bahagi ng stage. Hindi ito magkandamayaw sa pagtili. Lihim siyang napailing at napangisi. ‘Ang kulit talaga ng babaeng ito. Gusto na naman yatang madisgrasiya,’ aniya sa isip. “Woooohhhhhoooo!!!” tilian ng mga kababaihang nanonood sa isang show na ginaganap sa mall nang araw na iyon. Isa si KJ sa mga iyon. Siyempre pa nandoon ang kanyang yummy-hunky papa e. Kaya naman hindi niya alintana ang pakikipagsiksikan sa mga ito. Para siyang fan girl na nakikipagtilian kasabay ng iba pang kababaihan. “Ano ba iyan Miss, ‘wag ka namang manulak!” narinig niyang sabi ng isang babae sa kanyang tabi. Tinapunan niya lang ito ng tingin saka nginisihan. Muli siyang humarap sa entablado kung saan sumasayaw na ang kanyang sinisinta. Kung kaya naman ay lalo siyang nagwawawala at nagtititili. Namalayan na lang niyang muntik na siyang masubsob sa bakal na harang na nasa harapan niya. Mabuti na lang at mabilis ang mga reflexes niya. Nakahawak siya sa barier at muling nakatayo ng maayos. Nang mapalingon siya, nakita niyang nakangisi ang babaeng nagre-reklamo sa kanyang tabi kanina. Pinanlisikan niya ito ng mata saka inirapan. Muli siyang nagtititili nang makita si Ron sa harapan ng entablado. Itinodo niya ang tili at pagsigaw nang sumayaw ito sa harapan niya. “I love you Ron!!! Eeeeiii!!!” sigaw pa niya rito. Halos mapatid naman ang kanyang litid sa kanyang leeg. Pero wala siyang pakialam. Ang importanteng mahalaga, ay ang masilayan niya ang kanyang yummy, hunky, papa! “Aray ko!” sabi pa niya ng muli niyang maramdaman ang pagtulak sa kaniya. This time mas malakas iyon at parang may kasamang panggigigil. Hinarap niya ang babaeng nanulak sa kaniya. Nakita pa niya itong nakangisi at tila naghahamon ng away. Hindi siya makakapayag na may makalamang sa kaniya. Wala siyang pakialam kung nasa public place sila. Kailangan niya lang talagang makaganti sa babaeng iyon. Kaya naman lumapit siya rito at pa-simpleng itinulak ito palikod. Sa kabiglaan nawalan ng balanse ang babae at nabuwal sa pagkakatayo. Dire-diretso itong bumagsak sa sahig. At dahil medyo siksikan ang mga tao, nahirapan itong makatayo agad. Nginisihan pa niya ito saka nag-peace sign bago binelatan ang pobreng babae. ‘Akala mo siguro huh. Hmp! No one messes around with me!’ Tumalikod na siya saka muling nagtititili. Halos mawalan na siya ng boses kasisigaw, pero hindi pa rin siya tumitigil. Hanggang matapos ang show ay hindi siya nagpaawat sa pagtili. Matapos ang rampahan, palihim siyang nagpunta sa back stage. Nakasuot siya ng white v-neck t-shirt, na pinatungan ng leather Jacket, at ripped jeans. Nagsuot din siya ng bull cap at shades — not her usual attire. Pero dahil gusto niyang makita si Ron, nag-disguise siya. Napapangiti pa siya no’ng maalala ang kalokohan niya nang nagdaang lingo. Nakipag-tandem siya kay Mang Obet para makuha nito ang organizer ni Ron at malaman ang schedule ng binata. FLASHBACK... “Mang Obet, sige na. Tulungan mo na akong makuha ‘yon, or kahit na malaman mo lang iyong schedules niya for this month please?” pakiusap niya sa matandang janitor. Pinagsalikop pa niya ang mga palad sa harapan nito, para lang maawa ito sa kanya. “Ma’am KJ ang kulit mo naman e. Mapapahamak pa ako sa pinapagawa mo sa akin e!” kakamot-kamot sa ulong tugon nito sa kanya. “Mang Obet, you’re just helping a friend kaya hindi ka mapapahamak. Ayaw mo ba akong maging masaya?” nakangusong tanong pa niya rito habang pinalungkot pa niya ang mga mata. Tila nakonsensiya naman ang matanda sa itsura niya. Kaya kakamot-kamot ng ulo itong bumaling sa kaniya. “Hayyy ikaw talaga ma’am. Kung hindi ka lang mabait sa akin, at kung hindi ka lang malakas sa akin e. Sige po, bukas pa ang schedule ko nang linis sa kwarto ni Sir pogi. Pi-picturan ko na lang ma’am para hindi masyadong halata,” nakangiting saad nito sa kaniya. Umaliwalas naman ang kanyang mukha sa sinabing iyon ni Mang Obet. Napatalon pa nga siya, at napapalakpak nang marinig niya iyon. “Yey! Thank you ng marami Manong Obet! May burger ka sa akin bukas!” tuwang-tuwang nayakap pa niya ito. “Iyan ang gusto ko sa iyo ma’am e, may suhol ka palagi sa akin,” nakangisi pang sabi nito nang pakawalan na niya ang matanda. Sabay pa silang napahalakhak dahil sa huling sinambit ni Mang Obet. END OF FLASHBACK... Kaya ngayon, heto siya at stalker ni Ron. Nakatayo siya malapit sa back stage, habang umiinom ng paborito niyang bubble tea. Doon siya pumuwesto para madali niyang masilayan si Ron paglabas nito. Mahigpit kasi ang security nito kaya hindi rin niya ito malalapitan basta-basta. Maya-maya pa ay nagkakagulo na sa labas ng stage. Kaya naman umayos siya nang pagkakatayo at hinintay ang paglabas ni Ron. ‘Hayyy, aking irog kailan ka ba titingin sa akin?’ bulong pa niya sa sarili, nang makitang palabas na ito kasama ng manager nito. Masaya na siyang natatanaw ito mula sa malayo habang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Nang sa wakas ay makaalis na ito nang tuluyan, saka naman siya kontentong nilisan ang lugar na iyon. Napapangiti pa siya habang sumisipsip sa binili niyang bubble tea. Hindi siya makapaniwalang ini-stalk niya ito. Simula kasi nang makita niya ito sa elevator ng Casa Vielle Condominium, hindi na niya ito nakalimutan. Tumatak na ito sa kanyang isip at puso. ‘Hmmm... Lilingon ka rin sa beauty ko one day Ron. Promise!’ sabi pa niya sa sarili saka tinanggal ang bull cap, at inilugay ang alon-alon niyang buhok. Nagtungo siya sa parking lot kung saan niya iniwan ang kanyang motor kanina. Lumapit siya sa kanyang motor saka isinuot ang kanyang helmet. Nang masigurong nakasuot na iyon ng maayos, saka siya sumakay roon at pinatakbo na iyon. Hindi niya madalas gamitin ang motor niya lalo na sa trabaho, dahil naka skirt siya madalas. Ayaw din naman ng nanay niya na nagmo-motor siya, dahil delikado raw para sa babae. Pero sadyang may katigasan ang ulo niya, kaya madalas silang magtalo ng kanyang ina dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD