Episode 4

2193 Words
1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi May 4, 2021 Episode 4 "Ang ganda ganda niyo ngayong gabi senyorita Annabel," ang bati ko habang naglalakad ito sa gitna sa parada. "Salamat, sana ikaw rin! Pero huwag mo na pangaraping maging maganda dahil hindi mangyayari iyon, mukha ka pa ring kargador inside and out!" ang mataray na sagot nito. "Senyorita, bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Pwede maging magkaibigan na lang tayo?" tanong ko pa dahilan para lalong tumaas ang kanyang kilay, halos umabot na ito sa kanyang noo, "Kaibigan? Patawa ka ba? Hindi nakikipagkaibigan ang mga katulad kong Insulares sa mga mahihirap at mababahong indio! Dejar de soñar despierto! Itigil mo na nga ang pangangarap mo ng gising!" ang pag uulit pa niya sa tagalog. "Hala, shuta naman tong babaeng to. Tadyakan kita dyan e!" ang sigaw ko sa aking sarili. Nakangiti lang ngunit gigil na gigil na ako sa kanya, malapit ko na ihampas sa kanya itong arko. "Shhh, Anna bakit ba ang init ng ulo mo? Pinupuri ka lang naman nung tao. At huwag mo sanang sinabangutan yung mga taga hanga mong nag-aabang sa iyo, kung maaari kawayan mo sila at ngitian," ang wika ni Sergio. "Bakit ba kasing ipinanganak ako maganda at mayaman? Nakakapagod ang mga ganitong pagtitipon, nakakasawa na," ang wika ng senyorita sabay irap sa akin. Hindi naman ako kumibo, mas mabuti pang manahimik na lang kasya makipag bangayan sa kanya. Sa kabilang banda ay nakikita ko naman si Bastos na hindi inaalis ang titig kay Senyorita Annabel, para bang lng na lasing siya sa kagandahan nito. Alas 10 ng gabi noong matapos ang sagala, mayroong libreng pakain sa plaza para sa mga kalahok na reyna at eskorte, pero minabuti kong umalis na lang at umuwi. Hindi naman ako napagod sa pagbubuhat at paglalakad. Napagod ako ng husto sa walang humpay na panunuligsa, pamimintas, panglalait at panghahamak ni Senyorita Annabel sa akin. Busog na rin ako at kotang kota sa kanyang mga salita. Matapos ang parada ay biglang niyang hinila si Sergio sa mga kaibigan niyang espanyol upang ipakilala. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa kanya bago umalis. Pagdating sa bahay ay agad akong nakaramdam ng gutom kaya naman nagtungo sa aming munting kusina para kumain. May mga nilagang gulay at pritong isda, ito na lamang ang aking kinain. "Hoy Mario, hindi ka ba kumain sa plaza? May malaking pagsasalo salo doon para sa lahat ang partisipante sa parada," ang wika ni inay. "Yung pagsasalo salo ay para sa mga partisipanteng reyna at konsorte lamang. Kaming mga taga-dala lang ng arko ay hindi kasali doon," ang tugon ko naman habang namumuwalan ang bibig sa pagkain. "Hay kawawa naman ng anak ko. Sige kumain ka lang diyan ng marami. At alam mo ba, ikaw ang pinakagwapong taga dala ng arko kanina. Kahit yung ibang konsorte ay walang laban sa iyo. At alam mo ba na may gusto pala sa iyo yung anak ni Tasing na si Digna," ang wika nito. "Inay, si Digna ay malakas kumain kaya ganoon ang katawan niya. Siya ay madalas laman sa mga bunuang bayan," ang sagot ko naman. "Oo alam ko iyan. Si Digna ay kampeon sa labanan ng lakas na pangtanghalan doon sa kabilang bayan. Halos itinaob niya yung mga babaeng katunggali niya," ang wika ni inay. "Walang laban sa kanya lahat ng iyon dahil si Digna ay isang makulada," ang sagot ko naman. "Pero si Digna ay nagpapaabot ng kanyang pag-ibig sa iyo. Gusto ka niyang maging asawa sa hinaharap. Hindi ba't magandang ideya iyon?" tanong inay dahilan para maibuga ko ang pagkain sa harap niya. "Ay ano ba iyan Mario, umayos ka nga, bakit ba biglang bigla ka?" tanong niya. "Inay mas mabuti pang magbigti na lang ako kaysa maging asawa ng amasonang iyon. Saka inay, tanggapin niyo nalang na mayroon na akong ibang gusto," ang wika ko. "At sinong babae naman ang nagugustuhan mo? Yung matalik na kaibigan mo bang si Cora Mae Lawit? Kapag siya ang inibig mo ay tiyak na gugulo ang buhay mo dahil ambisyosa si Cora Mae, gusto niyang makapasok sa publikasyon ng Boletin Oficial de Filipinas at nais niyang maging manunulat doon. Magulo ang buhay na naghihintay sa kanya kaya't baka madamay ka pa," ang tugon ni inay. "Bata pa lang kami ay iyon na talaga ang gusto ni Cora kahit ayaw ng kanya mga magulang. Hindi raw magandang manuligsa siya ng kung sinu sino. Pero pangarap niya iyon at wala tayong karapatang humadlang. Saka hindi kami talo ni Cora, ibang tao ang tinutukoy ko inay," ang nakangiti kong tugon. "Ibang tao? Ibig sabihin ay may iba pa?" pagtataka ni inay. "Opo inay, at sa tingin ko ay sa kanya ako magiging masaya," ang tugon ko habang nakangiti. Napakamot si Inay ng ulo at uminom ng tubig, "at sino naman iyang babaeng iyan? Ipakilala mo sa akin para makilatis ito," wika ni inay. "Inay, lalaki po siya at siya ay si Sergio," ang diretso kong salita dahilan para maubo si inay at maibuga sa aking mukha ang tubig na iniinom. "Si Senyorito Sergio? Pambihira ka naman Mario, ano bang sinasabi mo? Ang lalaki ay para sa babae at mali ang gusto mo! Pag nalaman ito ng iyong ama ay tiyak na magagalit siya sa iyo," ang wika ni inay. "Inay, hindi niyo ako maaaring pilitin sa mga bagay na ayaw ko, at hindi niyo rin ako maaaring pigilan sa mga bagay na gusto ko," ang katwiran ko. "Pipigilan ka namin dahil makakasama iyon sa iyo. Kung minsan ay may mga bagay tayong gusto na hindi maaaring mangyari dahil ikapapahamak natin ito. Kalimutan mo na ang tungkol kay Sergio, mag aasawa ka ng babae dahil iyon ang nararapat at iyon ang mangyayari! Sumasakit ang ulo ko sa iyo Mario," ang sermon ni Inay sabay pasok sa kanilang silid. Ako naman ay natahimik at napatingin na lang sa labas. Malalim na ang gabi gayon rin ang aking mga iniisip. Kung bakit ba may mga bagay na hindi maunawaan ng iba kahit anong pilit ang pagpapaliwanag mo sa kanila. Kung sabagay hindi iyon ang pinakamahirap na parte buhay. Dahil ang pinakamahirap na parte ay yung hindi mo maunawaan ang sarili mo. Sa puntong ito ay nauunawaan ko pa naman ang gusto ko at masaya ako dito. Tuloy tuloy pa rin ang buhay ko. Kapag wala ako sa mansion nila Senyorita Annabel ay tumutulong naman ako kay inay sa aming munting gulayan. Madalas akong nakaupo sa ilalim ng puno ng maga habang nakatanaw sa berdeng bukirin. Gustong gusto ko ang presko at malamig na ihip ng hangin dito. Sa tuwing lumalanghap ako ng malalim ay narerelax ng husto ang aking dibdib gayon rin ang aking isipan. Habang nasa ganoong pagtanaw ako ay bigla na lang may tumakip na kamay sa aking mata. "Sino ako?" tanong nito, boses babae. "Hmm, Sergio?" tanong ko habang nakangiti. "Ano ka ba, ang bobo mo naman Mario. Boses babae na nga diba?" ang hirit pa niya na may malanding boses, wala talaga akong ideya kung sino ito. "Hmmmm, Cora Mae?" tanong ko. "Tsk. Hindi, mas maganda naman ako don no, sige pa! Medyo matanda ako kay Cora Mae," ang wika niya. "Ah e, inay? Ikaw ba iyan?" tanong ko ulit. "Hala, putang ina napaka bobo mo naman talaga Mario. Gusto mo gulpihin kita diyan? Pinaglalaruan mo ba ako?" ang gigil na tanong nito. "Eh sino ka ba kasi?" tanong ko sabay alis sa kanyang kamay at humarap ako sa kanya. "Surprise!" ang wika niya habang nakangiti. "Digna? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na may halong pagkagulat at takot. "Bakit ba ganyan ang reaksyon mo Mario? Nakita ko kasi yung ama mo sa bayan, ang sabi niya sa akin ay nandito ka daw kaya pinuntahan kita," ang wika nito. "Ano naman yung kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya sabay distansiya ng kaunti. "Hay, huwag ka nga lumayo sa akin. Galit ka pa rin ba sa akin dahil parati kitang itinutumba noong mga bata tayo? Naalala mo pa noong inupakan kita sa mukha, isinubsob sa kanal at itinapon sa sapa? Iyon marahil senyales," ang wika niya na may halong kilig. "Iyon ang senyales na isinumpa ang buhay ko noong makilala kita," ang hirit ko naman. "Ano ka ba, alam mong hindi totoo iyan, ang pagkakakilala natin ay itinadhana. Naalala ko pa ang lahat ng mga pinagdaanan natin nung bata tayo. Punong puno iyon ng kabuluhan," ang wika niya sabay yakap sa akin. "Huwag mo nga ako yakapin, baka maya maya ay may balak ka pang balian ako ng buto katulad nung mga kalabang itinumba mo sa plaza," wika ko naman. Agad akong tumayo at nagpaalam sa kanya. "Mario, siguro naman alam mo nang gusto kita saka kalat na iyon sa bayan. Alam mo hindi talaga ako naniniwalang bakla ka. Pero kung bakla ka man ay gagawin kita tunay na lalaki! Halika na, umuwi na tayo! Hindi na ako galit!" ang hirit nito at muli akong nilundag dahilan para mahiga ako sa lupa. "Bitiwan mo nga ako Digna, uuwi na ako! Baka hinahanap na ako ni Inay doon!" ang pagpupumiglas ko pero sa laki ng kanyang katawan ay bale wala talaga ito. Nagpagulong gulong kami sa damuhan, "hindi ka makakatakas sa akin ngayon Mario, babaliin ko na talaga ang buto mo kapag umalis ka!" ang singhal nito. "Bitiwan mo na ako! Ano bang nakain mo at bakit ako ang pinagdiskitahan mo? Ang daming lalaki dito sa bayan! Huwag mo akong isumpa!" ang sigaw ko "Ikaw ang gusto ko dahil alam kong hindi mo ako lolokohin dahil mahina ka at babalian kita ng buto kapag sinaktan mo ako! Okay na sa akin yung mga katulad mong weak at GG!" ang singhal niya sabay hawak sa aking magkabilang braso. "Huwag na ako! Iba na lang! Hindi talaga ako pwede dahil may mahal na akong iba!" ang sigaw ko naman at dito ay nagpagulong gulong kaming dalawa sa damuhan hanggang sa may maka kita sa amin at bigyan ito ng malisya. "Ay jusko! Si Mario ba iyon at Digna? Ano ba namang mga bata iyan! Bakit masyadong mapupusok!" ang wika ng matandang nakakita sa amin. "Wala po kaming ginagawang masama! Tulungan niyo ako dahil mababali na ang buto ko kay Digna!" ang sigaw ko pa ulit, nagmamakaawa sa anumang tulong na darating. Patuloy kaming nagbuno sa lupa hanggang sa lumuwag ang paghawak niya sa akin at makawala ako. Dito ay nagtatakbo ako ng mabilis. Sinubukan akong habulin ni Digna pero hindi na rin ito umabot sa akin sa aking bilis. Noong bata kami ni Digna ay madalas niya akong binugbog dahil payat lamang ako noon. Wala siyang ibang ginawa kundi ang itumba ang kanyang mga kalarong mas mahina sa kanya at isa na nga ako doon. Hindi ko alam kung anong kalokohan ang pumasok sa isip niya at nagustuhan niya ako pero kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo ay hindi talaga papatol at magkakagusto sa taong lumapastangan sa buhay ko. "Lumapastangan talaga? Ano ka biktima ng r**e? Alam mo madalang lang magkagusto si Digna sa isang lalaki at maswerte ka dahil ikaw ang nagustuhan niya. Sadayang pihikan si Digna at hindi ito mahilig na magpaligaw," ang wika ni Cora Mae noong doon ako nagtago sa kanilang bakuran. "Hindi ako maswerte dahil tiyak na kamalasan ang nangyari sa akin! Kaya walang lalaking nagkakagustuhan dyan kay Digna ay dahil natatakot sila dito. At kung ako ang tatanungin ay hindi ako magkakagusto sa kanya! Kahit ipako pa ako sa krus o pakuluan sa kumukulong mantika," ang singha ko naman. "Eh totoo bang nakita kayo ni Mang Kadyo na magkapatong sa bukid? Alam mo ba na isang sensitibong bagay ang gawin mo iyon sa isang dalagang Filipina," ang dagdag pa ni Cora. "Hindi iyon totoo, hindi ako papatol kay Digna at alam ng Diyos iyon! Saka isa pa, siya ay hindi dalaga kundi isang butanding!" ang sagot ko naman dahilan para matawa si Cora. "Kung sa bagay ay hindi mo naman talaga magagawa iyon," ang sagot nito. Habang nasa ganoong pag-uusap kaming dalawang magkaibigan ay nakita namin ang pinsan ni Cora Mae na tumatakbo sa labas ng bakuran, agad siyang lumukso dito at lumapit sa amin. "Kuya Mario, kuyaaaa!" ang pagtawag niya. "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko naman. "Kuya siguro ay kailangan mo na umalis dito at magtago,", ang bulong niya. "Magtago dahil?" tanong ko "Dahil nakita ko sa bayan yung tatay ni Digna, may dala itong baril at saka hinahanap ka kuya. Ang sabihin nito ay kailangan kayong maikasal ni Digna dahil may naganap na sa inyong pagitan!" ang pag aapura nito. Noong marinig ko ito ay agad akong naghanda para makatakas, sa likod na ako ng bahay nila Cora lumabas. At mula doon sa bakuran ay naririnig ko ang boses ng ama ni Digna, galit na galit ito. "Mario! Kailangan ay pakasalanan mo ang anak ko! Sa ayaw at sa gusto mo dahip papatayin kita!" ang panawagan nito. "Oo nga, sumuko ka na Mario!" ang sabad ni Digna sabay iyak. "Papa, gumawa ka ng paraan, kailangan ay makasal kaming dalawa!" Samantalang ako naman ay nagtatakbo patungo sa likod ng kanilang bahay at mabilis rin akong lumukso sa kabilang bakod upang makatakas sa bangungot na aking kinasasadlakan. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD