1 2 3 Asawa ni Marie
AiTenshi
May 6, 2021
Episode 5
"Hinding hindi ko papatulan iyang si Digna! Halos baliin niya yung buto ko doon sa bukid dahil ayaw niya akong pauwiin! Iyon ang totoo!" ang wika ko kila inay, ipinaliwanag kong literal na pamimikot ang gagawin nila sa akin.
"Si Digna ay nag iisang anak ng mga magulang niya, sunod ito sa luho kaya't gagawin nila ang lahat para masunod lang ang layaw nito," wika ni Inay.
"Inay, saka ayoko kay Digna, mainam pang uminon na lang ako ng lasong pamatay sa kuhol kaysa magpakasal sa kanya! Saka bakit ako? Eh pangit ako, hindi ako mayaman at lalong wala siyang makukuha sa akin!"
"Anak, ang pag-ibig kasi ay hindi napipigilan at kusa lang itong nararamdaman, marahil iyon ang nangyari kay Digna," ang dagdag niya.
Napakunot ang aking noo, "hindi ako naniniwala, si Digna ay isang halimaw kaya tiyak na may binabalak siyang masama. Hindi ako magpapakasal sa kanya at hindi ko gagawin iyon!"
"Paano ka makakatakas? Hahanapin ka ng kanyang mga magulang," ang tanong ni inay.
"Magtatago ako inay, sisiguraduhin kong hindi ako mahahanap ng Digna na iyan," ang wika ko sabay silip sa bintana at dito ay nakita kong palapit na ang ama ni Digna hawak ang baril kasama ang kanyang dambuhalang anak.
Agad namang lumabas si inay para salubungin ang mga ito, "nasaan si Mario? Kailangan niyang pakasalan ang aking anak!" ang bungad nito.
"Ayon sa mga nakasaksi ay wala naman ginagawang masama ang dalawang bata. Pinipigilan lamang umalis ni Digna si Mario kaya't nasa ganoong posisyon sila. Digna, bakit hindi mo sabihin sa iyong ama ang nangyari?" tanong ni inay.
"Sinabi niya sa akin na ganoon nga ang nangyari ngunit nagkamali pa rin si Mario doon dahil hinawakan niya ang kamay ng aking anak! Ang tunay na dalagang Pilipina ay parang tala sa umaga, hindi ito maaaring hawakan!" ang gigil ng kanyang ama.
"Inay, nasaan ba si Mario? Kailangan niya akong pakasalan," ang hirit pa ni Digna.
"Tama! Kailangan niyang pakasalan ang aking anak kundi ay babarilin ko kayong lahat!" ang hirit ng ama nito.
"Ah e, wala naman si Mario dito, hindi pa siya umuuwi buhat kanina," sagot ni Inay sabay kambat sa akin sa kanyang likuran na umalis na ako.
"Pinagtataguan ba niya kami?" tanong ng ama ni Digna.
"Hindi ko alam, siguro ay natatakot lamang siya dahil may dala kang baril ginoong Doryo," ang sagot ni Inay.
Hindi ko na sila pinakinggan basta nagtatakbo ako palayo sa kanila, dumaan ako sa likod bahay upang walang makapansin ngunit sadyang mahirap takasan si Digna dahil hindi ako nakaligtas sa kanyang mata. "Hayun! Hayun si Mario! Tatakas ka pa ha!!" ang sigaw niya at dito ay hinabol niya ako na parang isang mabangis na hayop na nakakita ng biktima.
Lalo akong natakot at nagtatakbo ng mabilis patungo sa paanan ng bundok kung saan may kakahuyuhan. Malapit na ang kakahuyang iyon sa mansion at hancienda nila Senyorita Annabel kaya't kadalasan ay naroon sila para mangaso kasama ang ilang mayayamang espanyol na kanilang mga kaibigan.
Wala akong ibang pamimilian noong mga oras na iyon kundi ang pumasok sa loob ng kakahuyan upang makaiwas at makalayo kay Digna na noon ay parang isang mabangis na lobong lumahabol sa akin. At wala siyang balak na tigilan ako kaya naman mas dinoble ko ang aking bilis at umakyat ako sa isang puno ng mangga para magtago.
Walang balak sumuko si Digna, para sa isang babaeng literal pinakamalakas sa buong bayan, ang pagsuko ay isang malaking kahihiyan kaya't hindi niya ito gagawin. Patuloy akong hinanap samantalang ako naman ay nakasiksik sa madahong parte ng mga sanga upang hindi makita.
Nakikita ko si Digna mula sa ibaba, umaamoy ito na parang isang aso, inamoy rin niya ang lupa kung saan ako dumaan. "Naaamoy kita Mario! Hindi ka makakatakas sa akin! Babalian kita ng binti kapag nakita kita upang hindi ka na makatakas sa akin!" ang wika nito habang patuloy na umaamoy hanggang sa makarating ito sa puno kung saan ako nakatago.
Huminto siya dito at saka inamoy amoy ang katawan ng puno, sa takot ko na baka tumingala siya lalo pa akong nagsumiksik sa pinakamakapal na sanga nito ng walang ingay. "Naamoy kita Mario, akala mo ba makakapagtago ka sa akin? Malakas talaga ang pang-amoy ko upang walang makatakas sa akin na kalaban! At ngayon kapag nahuli kita ay sisiguraduhin kong lumpo ka. Magpapakasal ka sa akin at magkakaroon tayo ng maraming anak!" ang wika nito.
Hindi na tao ang tingin ko kay Digna noong mga sandaling iyon, ang tingin ko sa kanya ay isang aswang, o kaya ay isang mabangis na taong lobo, hindi, isang Miryoku na may dugong demonyo. Kung bakit ba naman kasi isinumpa ang buhay ko na sa dinami dami ng lalaki ay sa akin pa siya nagkagusto.
Patuloy akong hinanap ni Digna hanggang sa maya maya ay may narinig akong mga yabag ng tumaktakbong kabayo. Mula sa malayo ay narinig kong may hinahabol sila. Siguro ay nangangaso pa rin sila Senyorita Annabel kasama ang kanyang mga kaibigan. "Ayun, may malaking baboy ramo doon sa tabi ng puno," ang wika ng isa habang palapit.
"Ano ka ba, si Digna iyan no, mukha lang siyang baboy ramo pero hindi siya baboy," ang sagot ni Senyorita Annabel na nakasuot ng mapang akit na damit pang itaas at hapit na pantalon.
Agad siyang lumapit kay Digna at pinagalitan ito, "Hoy maskuladang amasona, ano naman ang ginagawa mo dito sa aming kakahuyan?" tanong ni Senyorita sa kanya.
"Wala po Senyorita, may hinahanap lang ako," ang sagot nito.
"Hay naku, mabuti pa umalis ka na dito dahil baka mapagkamalan ka pang baboy ramo ng mga kaibigan kong espanyol, kanina ay muntik ka na nilang panain. Kaya kung ako sayo umispluk na girl, before its too late. Go na! Run for your life!" ang suway ni Seyorita sabay irap sa kanya.
"Senyorita, saan po ba kayo galing bakit parang may libag ang pusod niyo?" tanong ni Digna
Nahiya si Senyorita at napatingin sa kanyang pusod, "Gaga, tattoo ko iyan at hindi iyan libag, bobang to, aalis ka ba dito o papanain kita?" ang asar na sagot nito sabay kuha ng pana.
"Pasensiya na po senyorita, akala ko po kasi ay libag ito, aalis na po ako," sagot ni Digna sabay takbo palayo. Tagumpay ako noong mga sandaling iyon, sa wakas ay hindi na niya masusundan pa. Ngayon ay hihintayin ko na lang na umalis sila Senyorita bago ako bumaba.
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang nabali ang aking kinalalagyan at mahulog ako, buti na lang ay nakaka-kapit ako sa sanga pero nagulat si Senyorita Annabel at napasigaw ito "Ay Putang inang! p**e!" ang nagulat niyang reaksyon.
"Hala ang sama ng bibig ni Senyorita," ang bulong ko sa aking sarili habang nakabitin.
"Anong binubulong bulong mo diyan? Walanghiya ka Mario, mukha kang ungoy!" ang sigaw nito.
"Senyorita, hindi mo po ba itatanong kung bakit ako nandito?" ang tanong ko sa kanya.
"WALA AKONG PAKI! Walanghiya ka Mario, bakit hindi ka pumapasok sa trabaho mo?! Pumunta ka na nga ngayon sa Mansion at manilbihan ka sa akin! Para makabayad sa utang ang iyong pamilya!" ang singhal nito sabay hampas sa akin ng latigo para sa kabayo. "Pag uwi ko ay dapat nandoon ka na dahil malilintakan ka sa akin!"
"Eh Senyorita, bakit po ba nagpatatak kayo ng ganyang disenyo sa pusod, mukha po itong libag," ang tanong ko.
"Tumigil ka! Hindi ko kailangan ng opinyon ng isang indiong katulad mo! Kayo talagang mahihirap, walang kaalam alam sa salitang fashion!" ang hirit ko nito at muli na naman akong hinampas pero bumitaw ako at nakaiwas.
At iyon nga ang nangyari, dahil gusto kong makaiwas kay Digna ay minabuti kong magtungo na lang muna sa mansyon at doon ay magtago. Mas mabuti iyon, mas makakaya ko pa ang sumpang dulot ng bibig ni Senyorita Annabel kaysa naman sa sumpang dulot ni Digna at ng kanyang tatay sa may sayad.
Pagdating sa Mansyon ay agad akong tumulong maglinis ng hardin, dito ay nakita ko si Bastos na nakaupo sa ilalim ng puno at pinagmamasdan ako. Nakataas ang mga kamay sa kanyang batok dahil parang lumantad ang kanyang makapal na buhok sa kili kili. Hindi ko malaman kung anong iniisip niya basta alam kong hindi ito maganda.
Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa at hindi ko siya pinansin hanggang sa maya maya ay tumayo siya mula sa kinalalagyan at saka lumapit sa akin. "Hoy bakla, may gusto ka ba kay Sergio? Para kasing ang lagkit ng tingin mo sa kanya," ang tanong nito na aking kinabigla.
"Bakit ganyan ang tanong mo? Saka hindi ako bakla, huwag mo nga akong paratangan, mali ang iyong ginagawa," ang sagot ko.
"Hindi kita pinaparatangan at hindi paratang iyon dahil totoo naman talaga. Bakla ka at may gusto ka kay Sergio, akala mo ba ay hindi ko napapansin na halos tumulo na ang laway mo noong gabi ng sagala hababg nakatitig ka sa kanya," ang hirit nito.
"Wala kang pakialam, huwag mo akong paratangan base sa nakikita ng mga mata mo dahil maling mali ito," ang pag-iwas ko sabay layo sa kanya.
Natawa ito, "pwes, malalaman natin iyan Mario, kahit magkunwari ka ay amoy na amoy naman ang baklaan mo," ang sagot niya habang nakangising aso.
Dahil ayoko ng gusot nagpasya akong lumayo na lang sa kanya. Una pa lang naman ay hindi maganda ang pakiramdam ko kay Bastos. Bukod sa literal na bastos ang kanyang ugali ay may kayabangan pa ito na hindi mapapantayan ninuman. At ang pinakamalala ay para bang parati siyang may gagawing hindi maganda.
Noong gabi ng sagala, siya nga itong ulol na ulol sa pagtitig kay Senyorita Annabel. Kulang na lang ay tumulo ang kanyang laway habang nakahawak sa arko.
Alas 7 ng gabi noong makatapos ako sa gawain sa mansyon. Pagdating ko sa aming bayan ay laking gulat ko noong makita si Digna at ang kanyang ama na nagaabang sa kanto namin. Kaya naman natakot ako at agad akong nagtatakbo sa kabilang eskinita palayo.
"Ayun si Mario! Papa! Hulihin natin siya!!" ang sigaw ni Digna at dito ay hinabol na naman nila ako.
"Hoy Mario! Bumalik ka dito! Panagutan mo ang kaawa awa kong anak!" ang sigaw ng kanyang ama.
"Wala naman akong ginagawa sa kanya! Digna sabihin mo kasi ang totoo!" ang sigaw ko habang tumatakbo.
"Pwes kung hindi mo pananagutan ang anak ko ay papatayin na lang kita Mario!" sigaw ng tatay niya
Patuloy ako nagtatakbo hanggang sa maya maya ay nakita ko ang pamilyar na mukha sa isang magarbong bakuran. Wala na akong hiya noong mga oras na iyon, mabilis akong umakyat sa kanila para magtago.
"Mario? Anong ginagawa mo? Bakit para kang isang akyat bahay?" tanong ni Sergio.
"Pasensiya na pero kailangan kong magtago!" ang sagot ko sabay sisik sa kanilang halamanan para makapagtago.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman sina Digna at ang kanyang ama, naabutan nila si Sergio sa tarangkahan habang nakatayo.."Dito, dito lumiko si Mario," ang wika ni Digna.
"Dito ba talaga?" tanong ng kanyang ama at dito ay napatingin siya kay Sergio. "Anak, halika tingnan mo ang isang ito. Gwapo, makinis at meztiso. Maganda pa ang katawan at mukhang mayaman. Gusto mo ba dito na lang? Hoy ikaw pakasalan mo ang anak ko!" ang hirit ng ama niya.
Nagmaktol si Digna, ipinadyak ang mga paa sa lupa na parang bata. "Ayoko niyan papa, hindi ko iyan tipo. Si Mario ang gusto ko!"
"Eh bakit yun pa gusto mo e bakla yun, saka mukhang latang gulay iyon, mukhang hindi tatagal sa kama. Etong si tisoy mukhang tatagal ito at tingnan mo putok na putok ang bayag, tiyak na makakabuo agad kayo dito," ang hirit ng kanyang ama.
"Mawalang galang na ho, wala dito ang inyong hinahanap, may isang lalaki akong nakita na nagtatakbo doon sa kabilang kanto. Tiyak na hindi niyo na siya maabutan kung magtatagal kayong nakahinto dito," iyon ang pagtatakip ni Sergio sabay kandado sa kanilang tarangkahan.
Itutuloy.