CHAPTER 2: Warning/Threat

1264 Words
Sorry? Bakit sorry? "Ting!" bigkas ni Rhea na may kasamang pagpitik ng daliri sa aking harapan. "Ayan ang sinasabi ko sa 'yo. Tulo-laway ka na naman d'yan sa isang Prinsipeng ubod ng MANHID!" Lumingon pa siya sa gawi ni Prince habang ni-emphasize nang pasigaw ang salitang "manhid." Pero si Prince ay parang wala lang namang narinig kahit hindi pa naman siya gaanong nakakalayo. Mas nakaagaw-pansin pa nga namin ang mga estudyanteng nasa mas malalayong table. "Hindi, no. M-May iniisip lang ako," pagtanggi ko kahit sa loob-loob ko ay... KINIKILIG AKO, OH MY, FAFALICIOUS! NIYAKAP NIYA AKO! OH MY GOD! Pero hindi mo 'yan makikita sa physical appearance ko. Magaling akong mag-hide ng aking nararamdaman simula noo— Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo ng canteen, pero dahil kilala na ako ni Rhea, alam niya kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. By the way, ipinapakilala ko nga pala ang prinsipe ng buhay ko na si Prince Hernandez Jeong. Anak siya ni Tito King, na kaibigan at ka-trabaho ni Daddy. Ang mama naman niya, si Tita Nancy, ay kaibigan at dating workmate ni Mommy noong nagwo-work pa sila sa restaurant. Pareho na kasi silang nag-resign doon dahil nag-asawa na sila. Kaya ang resulta, mga bata pa lang kami ay magkakakilala na kami. Pero hindi kami naging close ni Prince, kahit na palagi siyang nagtatangkang lapitan ako. Hindi siya nagtagumpay dahil sa panggigitna ng aking istriktong kambal. Yes, I have a twin brother named Ian Rhavalez Heinrich. He's been away from the Philippines for about five years, though I'm not sure of the exact year. Nagising na lang ako mula sa pagkakatulala na hindi ko na siya nakita. Ang sabi ni Mommy, nagtungo siya sa ibang bansa kay Tito Chad, na kapatid ni Mommy. Doon na siya mag-aaral. Siguro nga ay nakatapos na siya ngayon. Hindi ko kasi siya nakakausap ng apat na taon mula nang magising ako. Suplado kasi siya, at sabi nila Mommy, hindi rin nila siya nakakausap. Si Tito Chad lang ang nakakausap nila at kinukumusta. Nagtaka rin ako kung bakit biglaan na lang siyang umalis, samantalang halos itali na niya ang sarili niya sa akin. Ayaw niyang hiwalayan ako at ayaw akong palapitan ng kahit sino, lalong-lalo na ng mga lalaki. Kahit lamok, ayaw niyang padapuan ako dahil ako daw ang kaniyang Prinsesa. Tapos, magigising na lang akong wala na siya at iniwan akong hindi man lang nagpaalam. But I've also gotten used to being apart for such a long time. Pero ang ipinagtataka ko ay si Prince na dapat ay nagagawa na niya ang lahat ng gusto niya dahil wala nang hahadlang sa kaniya. But... ...he distanced himself. He became distant from me. I became a stranger to him when I woke up from a nightmare of the past. FLASHBACK~~ "Mag-iingat kayo, ha. Ian, ang kapatid mo. Huwag na huwag mo siyang iwawala sa paningin mo," paulit-ulit na habilin ni Mommy. Naririndi na nga 'ata si Kuya Ian, eh pero hindi naman niya kasi pinapansin dahil busy siya sa kaniyang phone. Kanina ko pa rin napapansin ang pagtawag-tawag niya sa kung sinuman sa kaniyang phone at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Lumalayo pa nga siya kaya hindi namin marinig ang kanilang usapan. "Ian, did you hear me?! I'm talking to you." Naiinis na si Mommy sa kaniya. Narito kami sa living room ng aming mansiyon, na mukhang apartment kapag nasa labas ka. Nag-aayos kami ng aming bagahe para sa camping sa Antipolo, na tatlong araw at dalawang gabi kasama ang buong senior high. "Yes, Mom, I heard you. Nakukulelat na nga ang tainga ko, eh," masungit niyang sagot kay Mommy habang hawak pa rin ang kaniyang phone at doon pa rin nakatutok. Palakad-lakad siya at hindi magawang umupo. "Hoy, Ian, ha, isusumbong kita sa Daddy mo. Ayusin mo ang pagsagot-sagot mo sa akin!" Namaywang pa si Mommy habang pinagagalitan si Kuya Ian. Kuya ang tawag ko sa kaniya dahil nauna siya sa akin. "I'm sorry, don't worry about Maian, Mom. I'll take care of and watch over her," sagot niya, sabay naupo sa sofa. "Siguraduhin mo lang talaga, Ian, ha. Kapag may nangyaring masama sa kapatid mo, malalagot ka talaga sa Daddy mo." "I know, right," sagot niya, sabay muling bumaling sa kaniyang phone. "Matutulog na ako, Mom. 'Di ko na mahihintay si Daddy, ang antok na antok na ako, eh." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Kasi, si Daddy ay madalas na late umuwi. Minsan nga, umaga na siya nakauwi, at paminsan-minsan ay inaabot pa ng ilang araw bago makauwi. Kapag dumating siya, pagod na pagod siya at parang nakipagkarera sa sampung kabayo. Pero minsan lang naman iyon, at hindi pa rin siya nawawalan ng oras sa amin. Basta makapagpahinga siya ng isang gabi, kinabukasan ay kami naman ang kaniyang aatupagin. Kumakain kami sa labas, nagsisimba, namamasyal, nagsa-shopping, nanonood ng sine, at nagma-marathon dito sa bahay. Nagsu-swimming kami sa second floor at tinuturuan niya akong magpalipad ng helicopter. May helicopter kami at naroon iyon sa rooftop namin. Marunong na akong magpaandar niyon, pero hindi ko pa kayang paliparin. Baka mapunta ako ng maaga sa langit, ayoko pa, no. 'Di ko pa natitikman ang Prince ko. "Sige na, Princess. Goodnight. Umwaah." Niyakap pa ako ni Mommy ng mahigpit at hinalikan sa noo bago ako binitawan. 'Di ko na pinansin si Kuya Ian dahil mamaya naman ay naroon na rin siya sa kwarto ko. Doon kasi siya natutulog at magkatabi kami sa aking malambot na kama. Kasi mula pa noong bata kami, nasanay na kaming magkatabi sa isang kama, kaya hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang matulog ng mag-isa. Even though Daddy scolds him because we're teenagers and sixteen years old, he says we should get used to sleeping alone and having separate rooms. But hemp! Kuya never followed that. He's so stubborn. He still sleeps with me and hugs me all night long. I went into my room and lay down on the bed. I first checked Prince's Facebuk account to see if he had any new posts. Prince Jeong One hr.🌍 I'm excited about tomorrow's camping trip with you. :* 203 Reactions 101 Comments Ni-click ko ang mga comments at nagbasa. ZhaltierChandria Smith Sileded Me too, crush. :* 59 m. Stephanie Mangubat Ayah... Sino pong you? :D 58 m. Kristine Erica Embalsado Crush, notice me po. :( 58 m. Bernadeth Joy Pasco Sana oil... :o 57 m. Nixcel Watson Prince ko! :( 56 m. Erika Paula Trencio Awoooooo...sana all excited. :((( 55 m. Al Piz Grace Divine Ayiieeh...Daddy ko 'yan. :) 54 m. Jerley Mae Canlas Awiieh...tabi po tau sa seat tom. :p 53 m. Judith Lopez Hahahaha! Sino? 52 m. Faye Marasigan Amin-amin din pag may time... haha. :D 51 m. Kianna Faye Naks, may inspiration si Prinsipe. :D 50 m. Ro Landa Sacuab-w Lomalablayp si koya. HAHAHAHA! 48 m. Mhikay Cabrobias Helow crush. :) 47 m. Jamayka Loresco Lopez Excited na rin po ako SKL. 46 m. Cj Lanzar Bebe ko, malaki Camping Net ko. Kasya po tayo. :) 45 m. Blazy Devour Prince may pm ako sau. Notice, please. 43 m. Aubrey Ava Lee Prince ung sinabi ko sau kanina ha. :( 42 m. Rica Per Sana alllll..haha. 41 m. Lhan Tobias Julio Sabay tau tom baby. ^_^ 40 m. Dada Writes Babe koooooo... 39 m. Skylette Isaiah De Leon My Princeeeee.. 38 m. Rhea Villamor MANHID! -_- 37 m. Ian Heinrich We'll see. ^_,^ 36 m. Kuya?! Na-stop ako sa nakita kong comment ni Kuya. What does he mean by 'we'll see'? Is this some warning or threat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD