CHAPTER 3: Own

1290 Words
"Mauna ka na, ha," sabi ko kay Rhea. Hindi pa man siya sumasagot, nagmadali na akong umalis. "Woi, Isla! Stalker ka na naman!" sigaw niya mula sa malayo, dahil mabilis na akong nakalayo sa kanya. Hindi ko na siya pinansin at kaagad akong sumakay sa aking motorsiklo dito sa parking lot ng School University. Ala-sais trenta na ng gabi, at kanina pang alas-sais natapos ang aming klase. Sinasadya ko talagang magpaabot ng dilim bago lumabas ng unibersidad. Naka-jacket na ako na may hood at naka-black pants bago lumabas. Sinadya ko ring motorsiklo ang gamitin araw-araw nang sa gayon ay mabilis akong makabiyahe. Isinuot ko na ang aking helmet, ini-start ang motor, at sinimulang patakbuhin ito. Sinuong ko ang kasagsagan ng traffic na pinaka-iiwasan ko, kaya hindi ko ginagamit ang kotseng ibinigay sa akin ni Daddy noong mag-18th birthday kami ni Kuya Ian. Halos isang oras ang itinakbo ko bago nakarating sa isang bar dito sa isang exclusive na lugar na hindi gaanong matao. Ala-siete y media na at madilim na ang paligid. Wala ring gaanong ilaw, at kakaunti lang ang tao sa labas, pero puno na ng mga kotse sa parking lot sa magkabilang gilid ng bar, kaya malamang marami ng tao sa loob. Pinili kong mag-park sa isang sulok na pinakamadilim na bahagi. Bumaba ako sa aking motorsiklo, ngunit nanatili lang akong nakasandal dito habang tinatanaw ang ilan sa mga dumarating. Alam kong hindi nila ako makikita dito—bukod doon, nais ko ring maitago ang sarili ko mula sa aninong palaging sumusunod sa akin kahit saan ako magpunta. Ang aninong pilit kong binubura sa aking isipan at mga alaala, pero ayaw pa rin akong tantanan. Ang aninong hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko—siya ang sumira ng aking kinabukasan at nagwasak ng aking p********e. Unang beses ko siyang mapansin na sumusunod-sunod sa akin, hindi na ako nakaramdam ng kahit anong takot. Namanhid na ako. Ano pa bang ikakatakot ko, eh nakuha na niya ang lahat sa akin. Patayin niya ako kung gusto niya—wala akong pakialam. Pero hindi iyon nangyayari. Ni hindi rin siya lumalapit sa akin; nagkukubli lang siya sa malayo habang alam kong nakatanaw siya sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ano pa kaya ang maaari niyang dahilan? O baka naman nagi-guilty siya sa ginawa niya sa akin. Pero walang kapatawaran ang ginawa niya. Hindi mangyayari 'yan, kahit kailan. Hindi nagtagal, napansin ko na nga siya sa madilim na bahagi habang nagkukubli sa isang posteng walang ilaw. Nakikita ko ang kaniyang anino sa pader na malapit sa kaniyang pinagtataguan. Hindi ko alam kung napansin na niya ako rito sa madilim ding bahagi, pero nanatili lang siya roon, hindi gumagalaw. Naisipan kong umikot nang mabilis sa likurang bahagi ng bar, patungo sa kabilang side kung saan mas malapit ako sa kaniya. Gusto kong makilala ang aninong ito. Tama na ang pakikipagtaguan sa akin. Pagkarating ko sa kabilang side na madilim pa rin, bigla siyang nawala. f**k! Asan na 'yon?! Nagkubli ako sa likod ng isang kotse habang tumatanaw-tanaw sa paligid. Inayos ko ang hood ko para walang makakilala sa akin, just in case na may makapansin. Hanggang sa matanaw ko na siyang nagkukubli-kubli pa rin sa mga poste, pero papalayo na. Wala na akong inaksayang oras—lumabas ako mula sa pinagtataguan kong kotse at naghanap ng shortcut. Napatingala ako sa gusaling nasa tabi ko, kahit wala namang second floor. Mabilis akong umakyat sa bubong ng isang kotse at saka inakyat ang katabing pader. Pagkatapos, nakaakyat ako sa bubong at agad tinungo ang susunod na mas mataas na gusali. Mula rito, natanaw ko na may pagitan ang dalawang gusali sa di-kalayuan. Hindi ko na pinag-isipan pa—mabilis akong tumakbo at buong puwersang tinalon ang kabilang side, na madali ko namang nagawa. Gano'n din ang ginawa ko sa mga sumunod na gusali, patuloy akong nagpatalon-talon at nagpalipat-lipat. Mahigpit akong kumakapit sa mga pader at matitigas na bakal. Ano pa't isang agent ang Daddy ko kung hindi ko mamanahin ang bawat galaw niya. Oo, alam ko, dahil minsan ko na siyang nahuli nang hindi sinasadya. Pumasok siya sa isang gusali na kalaunan ay nalaman kong isang safehouse pala. Akala ko noon, nambababae siya, kaya agad ko siyang sinundan at pumasok din ako sa loob ng gusali. Pero nahuli ako ni Daddy, kaya wala siyang nagawa kundi umamin. Nakita ko na ang mga armas, computer, at kung anu-ano pang gamit sa loob ng safehouse. Doon ko rin nakita si Tito King, ang ama ni Prince, na isa rin palang agent! Kaya pala sila magkaibigan—magkasama pala sa trabaho! Tsk. Ipinaliwanag sa akin ni Daddy ang lahat at sinabing walang pwedeng makaalam. Pero dahil matalino ako, nakipag-deal ako sa kanya. Hindi ako magdadaldal basta't turuan niya ako ng lahat ng skills niya. Wala siyang nagawa sa kakulitan at pamba-blackmail ko kaya heto ako ngayon. Napangisi na lang ako sa alaala. Napansin kong pumasok sa madilim na iskinita ang aninong sinusundan ko, at alam kong malapit na ako sa kanya. Tumakbo ako ng mabilis, hindi alintana ang kabog ng aking dibdib, hanggang sa makarating ako sa bungad ng iskinita. Maliksi din siyang gumalaw, pero sisiguraduhin kong hindi siya makakatakas sa akin! Sa isang iglap, tumalon ako papasok sa madilim na iskinita. Mabilis kong kinabig ang kanyang balikat at isinandal siya ng malakas sa pader, paharap sa akin! Narinig ko ang mahina niyang pag-igik nang tumama ang kanyang likuran sa matigas na pader. Napakadilim ng paligid, halos hindi namin makita ang isa't isa, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Akala ko ay muli pa rin siyang tatakbo at tatakas mula sa akin, pero sa halip, mabilis niya akong sinugod at kinabig pasandal sa pader. Inihanda ko na ang sarili ko para sa paglagabog ng aking likuran sa matigas na pader, pero hindi iyon nangyari. Sa halip, isinandal niya lang ako, at hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may pag-alalay ang bawat galaw niya. Ikinulong niya ang aking katawan sa kanyang bisig, at gamit ang isang kamay, kinabig niya ang aking batok! Sa bilis ng kanyang galaw, hindi ko kaagad napaghandaan ang sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako ng mariin sa labi, habang nakakulong ang katawan ko sa kanyang braso at halos maipit ako sa pagitan ng pader at ng kanyang katawan! Hawak niya ng mahigpit ang aking batok, idinidiin ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Nagulat ako at hindi kaagad nakakilos dahil sa kakaibang lakas na taglay niya! Nagpumilit ang kanyang dila na pumasok sa aking bibig, na mahigpit kong iniwasan, ngunit bigla niyang kinagat ang ibabang labi ko. Kaya naman... "Uhmmnnn..." napa-ungol ako at napanganga, at sa pagkakataong iyon, malaya na niyang naipasok ang kanyang dila at ginalugad ang loob ng aking bibig. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng panghihina at pangangatog ng aking mga tuhod nang maramdaman kong naging masuyo ang mainit niyang halik sa akin. Isinayaw niya ang kanyang dila sa aking dila, halos lamunin na ang aking labi, tila sabik na sabik siya sa akin. Hindi na ako nakagalaw at hinayaan ko na lang siyang angkinin ako. Ilang sandali lang ay bumitaw na siya at isinandal ang kanyang noo sa akin. Napakabilis ng kanyang paghinga. Tumatama at nalalanghap ko ang mabango niyang hininga sa aking bibig. "No... one else... can own you... but me. You. Are. Mine," bulong niya sa akin, halos paos ang kanyang boses, habang habol ang hininga. Pagkatapos niyon, bigla niya akong binitawan, at naramdaman ko ang kanyang mga yabag na mabilis na lumayo, hanggang sa tuluyan na akong maiwan sa madilim na iskinita, hindi na maramdaman ang kanyang presensiya. Naiwan akong hinang-hina at tulala. Sino siya? Bakit niya ito ginagawa sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD