5 YEARS LATER
"Woi."
"Huh!" pasinghap akong nagising nang bigla akong banggain ni Rhea sa balikat.
Napatunghay ako sa kaniya mula sa pagkakayukyok ko sa ibabaw ng mesa.
"Ano ba?! Kainis ka naman, eh. Aatekihin ako sa iyo, eh," inis kong sabi sa kaniya habang nakahawak ako sa aking dibdib.
"Oa lang? Ikaw nga d'yan patulog-tulog ka lang, eh. Eh, kung gumagawa ka na kaya ng thesis mo. Siguro naglagalag ka na naman kagabi, no? Sinundan mo na naman 'yang Prince charming mong nasaksakan ng isandaang anesthesia dahil sa sobrang MANHID!" sigaw niya at inemphasize pa ang salitang manhid.
Nagtinginan ang ilang mga estudyante dito sa aming kinaroonan.
Narito kami sa favorite place namin sa loob ng canteen. Saan pa? Eh, "di sa pinakasulok kung saan makikita namin ang lahat ng mga tao dito sa loob ng canteen lalong-lalo na ang aking Prince charming.
"Kitam, nagkakandahaba na naman ang leeg ng pinakamagandang ISLA sa balat ng lupa at hindi na naman ako pinansin. Malamang, nagma-marathon na naman ang utak n'yan sa isang kaharian kung saan mayroong isang Prinsipeng ubod ng MANHID! At mayroon namang isang isla na Maian ang pangalan na ubod ng TANGA! Isang TANGA at isang MANHID! TANGA plus MANHID equals NGANGA, nganga kayong dalaw--aray! Singit ko 'yon!" Kinurot ko lang naman siya sa kaniyang singit dahil sa kaingayan niya. Manang-mana talaga siya sa mama niyang bungangera! Kainis!
Nagtawanan naman ang lahat ng nariritong nakakarinig sa kaniya dahil sa walang tigil niyang kapuputak.
"Tapos na ako, no! Anong akala mo sa akin? Kaya nga may inspiration ako, eh. INS.PI.RA.TION! Hmp!" mayabang kong sabi sa kaniya at agad namang siyang napangiwi sa akin.
"Wow, ha. Tapos siya ay iba ang inspiration. Araykupu, sapol," sabi niya at maarte pa siyang nagtakip ng kaniyang bibig.
"Okay lang, atleast nakakapasa ako dahil may inspiration ako. Eh, siya? Hindi makapasa dahil mukhang tagiyawat na tinubuan ng mukha ang inspiration niya, hmp!" taas-noo ko muling sabi sa kaniya.
"Naks, ganda talaga ng islang 'to."
"Siyempre, kamukha ako ng Daddy ko."
"Bakit? Kamukha din naman ako ng Daddy ko, ah."
"Oo nga, kamukha ka ng Daddy mo. Kamukha naman ng Mama mo 'yang bunganga mo," natatawa kong sabi sa kaniya. Napakabungangera kasi ni Mama Mia, eh. Alam mo 'yon, 'yong hindi nauubusan ng salita.
"Hoy, Isla. For your information ang isang bungangera ay matatalino. Do you know what I mean, hmn? And because madaldal ako at marami akong nasasabi, mabilis maka-pick up ng salita ang utak ko. Mabilis akong maka-isip dahil matalino ako. MA.TA.LI.NO. Got it?"
"Hoy, Rhea bungangera. Magkaiba po ang matalino sa mabilis maka-pick up ng lines. At saka maraming meaning ang matalino, no. Saan ka ba doon? Bright, talented, sage, sensible, wise, cunning, appropriate, clever, intelligent, willy, penetrating, intelihente-"
"Teka nga! Teka nga!" Napahinto naman ako nang bigla siyang sumingit.
"Saan mo ba pinagkukukuha ang mga salitang 'yan?" nakanganga niyang tanong sa akin.
"Siyempre sa matalino kong utak. Baka gusto mo pang sabihin ko ang mga definition n'ong words na sinabi ko? Alam ko rin ang lahat ng iyon. While ang meaning ng mabilis maka-pick up ng lines ay fast thinker," maarte kong sabi habang tumataas-taas ang aking kilay at nagtatanggal ng dumi ng aking mga kuko gamit lang ang aking kapwa kuko sa isang kamay.
"Eh, en-inglesh mo lang 'yong mabilis maka-pick up at fast thinker, eh."
"Eh, 'yon na nga 'yon. Basta magkaiba iyon."
"Pareho na rin 'yon no! At saka paano ka naman naging matalino, eh TANGA ka nga! At siya ay MANHID!" sigaw na naman niya sa akin.
Ang sarap lang supalpalan ng sili ang bunganga ng bestfriend at pinsan kong ito. Paano ko ba siya naging pinsan? Kainis!
"Tara na nga. Busog na busog na ako dahil d'yan sa bunganga mo." Nauna na akong tumayo at nag-umpisang maglakad palabas ng malawak na canteen kung saan ang aming School University.
I am Maian Rhavalez Heinrich. Anak ako ng pinakapogi, pinaka-sweet at pinakamakulit sa lahat kong daddy na si Mr. Ghian Heinrich at mommy ko naman ang pinakamaganda, pinaka-lovable at pinaka-caring sa lahat na si Mrs. Charisma Rhavalez Heinrich. A.k.a Kisma.
I am 21 years old at 4rt year college sa kursong BS in Computer Technology. Idol ko kasi si daddy na magaling sa computer at electronics kaya iyon din ang kinuha kong kurso. Dapat talaga ay nag-graduate na ako last year pa, na-stop lang ako ng one year dahil sa pangyayaring--ay erase, erase!
Si Rhea naman ay aking pinsan sa daddy.
Anak siya ng pogi pero masungit, pero minsan naman ay mabait na si papa Andrei. At ang kaniya namang mama na si Mama Mia, Mama Mia eklaboom! Aw! Oh, 'di ba? Napakanta pa ako pero sa isip ko lang iyon. Oh, saan na nga tayo? Nawala tuloy ang focus ng isip ko. Napahawak ako sa aking utak.
Ting! Parang may bombilyang biglang umilaw sa aking smart brain.
Iyon na nga, ang mommy ko at si mama Mia ay mag-bestfriend. Kaya doon din nauwi ang relasyon ng kanilang mga anak. Magpinsan na, mag-bestfriend pa. Kaya no choice kundi ang pagtiyagaan ko ang bungangerang bunganga ni Rhea.
Sana lang ay makahanap pa siya ng kagaya ni papa Andrei na nakatiis sa bunganga ni mama Mia eklaboom! Aw!
Si Rhea ay gaya-gaya sa akin. Magka-edad kami pero noong mag-stop ako ng 1 year, five years ago ay nag-stop din ang bruhilda. At kung ano ang course ko ay iyon din ang course niya. Oh, diba? Gaya-gaya puto maya lang?
"Isla! Hintayin mo naman ako!" sigaw ni Rhea sa aking likuran kaya naman napalingon ako sa kaniya at nakita kong 'di siya magkandaugaga sa mga dala niyang gamit.
Ako kasi ay walang kadala-dala dahil maaga ko ngang tinapos ang thesis ko.
"Matalino nga, ang bagal naman. Hmp!" sabi ko sa kaniya at inerapan ko pa siya. Bumaling na ulit ako sa aking harapan dahil narito na rin ako sa may pinto ng canteen.
May napansin akong balat ng saging sa ibaba pero napahakbang na ako at hindi ko na nagawa pa itong iwasan. Kaya naman bigla akong nadulas. f**k!
"Ah--"
"Oopps." Hindi natapos ang aking pagsigaw nang biglang may yumakap sa aking katawan kaya hindi rin natuloy ang aking paglagapak sa matigas na sahig.
"Careful." Isang baritonong boses ang nagpagising at nagpamulat sa aking natutulog na diwa.
Napanganga at napatitig ako sa kaniyang maamo at animo'y Prinsipe sa kaniyang kaguwapuhan.
"P-Prince."
Marahan niya akong itinayo. Inayos niya pa ang aking nagusot na uniform.
"T-Thank you." Napakagat-labi ako at kaagad ding nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niyang mariing nakatitig sa akin.
"I'm sorry," mahina niyang sabi bago tuluyang tumalikod at naglakad papasok ng canteen.
Sorry? Why sorry?
Napahabol na lang ako ng tingin sa kaniya habang may nalilitong smart brain.