PROLOGUE:
Nangatog ang aking mga tuhod nang magsimulang humakbang siya papalapit sa akin.
"Run."
"P-Parang awa m-mo na..." Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha habang nanginginig ang buo kong katawan.
Patuloy pa rin siya sa marahan niyang paghakbang papalapit sa akin. Hinang-hina na ako, at ramdam ko na ang pagod sa aking mga tuhod matapos ang halos ilang oras nang pagtakbo sa napakadilim na kagubatan. Wala na ring sapin ang aking mga paa. Bukod pa roon, basang-basa at gutay-gutay na ang suot kong damit dahil sa pagkakasabit sa mga matataas na damo at mabababang sanga ng mga puno, pati na rin sa malakas na ulan.
"Run."
Patuloy pa rin siya sa pagsasalita habang marahang humahakbang papalapit sa akin. Hawak niya sa kanang kamay ang isang mahabang bakal, kaya't lalo pang nadagdagan ang takot na nararamdaman ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa kadiliman, ngunit nasisinagan ng buwan ang kanyang anyong nababalutan ng itim na kapote.
"Run!"
"Ahh! Parang awa mo na! Huwag po!" napasigaw ako sa takot at napahakbang paatras ang aking nanginginig na tuhod.
Ngunit dahil sa ginawa kong pag-atras ay may naapakan akong matalas na bagay.
"Ahh!" malakas akong napadaing sa sobrang hapdi. Pakiramdam ko'y nawakwak ang aking talampakan! Napaupo ako sa lupa, ngunit...
"Runnn!!!"
"Huwag!!!!" huli kong sigaw nang maaninag kong tumakbo na siya papalapit sa akin.
Hindi pa man dumadapo sa aking katawan ang hawak niyang bakal nang kusa na akong nawalan ng malay dahil sa tindi ng takot na naramdaman ko.
Nagising na lang ako, tulala, sa loob ng isang silid na puro puti ang nakikita. Ramdam ko ang hapdi sa aking kaselanan.
Napahagulgol ako nang mapagtanto kong kinuha niya ang pinakaiingatan kong p********e—ang pangakong inilaan ko para sa iisang lalaki lamang.
Sa lalaking nagmay-ari ng puso ko mula pa noong mga bata kami. At hanggang ngayon, dala ko pa rin ang mga salita niyang binitiwan.
"From now on, I have two women who own my heart—my mom and you."
Pero ano pa ba ang maihaharap ko sa kanya?
Ano pa bang maipagmamalaki ko kung kinuha na ako ng iba?
Kaya heto ako ngayon, nakatanaw mula sa malayo, tahimik na sumusunod sa kanya. Para akong anino, nagtatago sa dilim, natatakot na baka mapansin niya ako. Dahil kapag nangyari 'yon, baka tuluyan siyang lumayo sa akin.