CHAPTER 11
SA LOOB ng dalawang araw na pinanatili ni Kirsten sa Japan kasama ang mga magulang ay kaniya munang ini-off ang cellphone. Ayaw niya muna ng abala. Si Anthony naman ay nakausap niya noong unang gabi at panay ang hingi ng paumanhin sa kaniya. Nagsabi ito na susunod ngunit hindi pa alam kung anong araw makakalipad dahil may biglaang schedule. Ang akala ni Anthony ay magalit siya or tatampo ngunit kabaligtaran niyon ang nadarama niya.
Masaya siya dahil hindi ito sumama sa kaniya. Mas gusto niya kasi talagang walang sabit na magtutungo sa Japan. Kaya naman sinusulit niya talaga ang panahon habang wala pa ito dahil sa oras na makarating ito roon, mahihirapan na siyang balasehin ang oras sa kaniyang pamilya.
Nanatili lang muna silang buong pmailya sa loob ng bahay nito upang doon mag-bonding. Nandyan iyong Maghapon lang silang manonood ng movie, kakain nang sama-sama, Mag-iinuman sa gabi at magkukwentuhan ng mga malalalim na bagay. Ang bawat sandali ay knaiyang nilalaan para sa mga ito dahil sobra niyang namiss ang bawat isa.
Binigyan niya ng pasalubong ang mga kapatid niya pati na ang mga magulang niya. Malapit na nag kaarawan ng mommy niya kaya naman may bukod pa siyang regalo dito. Hindi na lang niya muna binibigay dahil pang-surprise niya iyon.
“Anak, inumin mo itong Shochu. Masarap iyan pero malakas ang tama,” wika ng daddy niya ng iabot ang isang maliit na shot glass. Mya kulay putting likidong laman iyon samantalagng hawak ng daddy niya sa isang kamay nito ang bote na kulay puti na may pagka-matte ang design. May nakasulat doon ngunit hindi niya maintindihan.
“S-Shochu?”
“Oo. Rice wine iyan. Niregalo lang din iyan sa akin ng kasamahan ko sa planta pero hindi ko kaagad binuksan dahil alam alam kong darating ka. Gusto kong sabay nating tikman.”
“Akala ko sasabihin mo, daddy apara matikman din ni Anthony.” Natatawa niyang sabi habang inaamoy-amoy ang shot glass. Matapang ang amoy nito ngunit tolerable naman.
“Naku, hindi na. Alam mo, anak. Hindi naman talaga ako boto sa nobyo mo,” anito. “Huwag sasama ang loob mo sa akin ha? Iyon kasi talaga ang nadarama ko. Mukhang maloko, e!”
Inirapan niya ito. “Naku ang daddy, judgemental ka pala, ah?” aniya rito. “Hindi mo pa nga nakikilala nang personal iyong tao, e. Makahusga ka naman!” dugtong pa niya. Hindi naman siya galit pero nagulat siya sa narinig mula rito. Bilang girlfriend ni Anthony, naawa niya rito dahil nahuhusgahan gayong alam naman niyang mabait ito.
“Alam ko na may kasalanan ako. Judgemental ako, anak sa mga taong hindi maganda ang pakiramdam ko pero maniwala ka sa akin, iyong instinct ko, hindi nagkakamali.” Nakaupo ito sa katapat niyang silya. Nagbabarbeque naman ang mommy at ang ninang niya habang ang mga kapatid naman niyang babae ay nasa loob ng bahay. Nasa garden sila ngayon.
Tumango na lang siya. “Wala naman akong magagawa, dad kung ganiyan ang first impression mo sa kaniya. Pero di ba, dapat bigyan mo siya ng chance na kilalanin?” Buong tapang niyang tinungga nag lahat ng laman ng shot glass. Kaagad na gumapang sa lalamunan niya ang magkahalong tamis at pakla ng inuming iyon. Masarap nga ngunit kaagad na nag-init ang kaniyang pakiramdam.
“Isa pa?”
Tumango siya.”
Ganoon nga ang ginawa ng ama niya. “Oo naman, anak. Willing naman akong bigyan siya ng chance na kilalanin pero hindi pa ako ganoon katiwala. Iyong bagay na hinayaan ka niyang lumipad dito mag-isa, ekis na siya kaagad.”
“Dad, hindi ako mag-isa. Kasama ko si Ninang Glo!” aniya rito.
“Oo nga. Ang ibig kong sabihin, hinayaan ka niya. Kayo. Lalaki siya. Dapat kasama siya sa mga ganoong lakad mo gayong may usapan naman kayo. Ang lagay ay nahuli siya ng gising, may biglaang appointment kaya hindi makakasama? Hindi niya agad nasabi sa iyong ganoon ang nangyari sa kaniya. Hindi sana kayo naghintay.”
Natawa siya. “Ang babaw mo, daddy ah!” Inaasar niya pa ang ama niya kahit seryoso ang tingin nito sa kaniya.
“Anak, huwag mo akong tawanan diyan dahil tungkol din naman ito sa iyo. Paano kung mag-asawa na kayo, di ba?”
Natigilan siya at dahan-dahan na nilingon ang ama. “Asawa agad?”
“Oh, bakit? Hindi mo ba siya nakikita bilang asawa mo?” Diretsahang tanong nito. Natameme siya. “O kita mo itong bata na ito! Hindi makasagot?”
Tumikhim siya. “E kasi naman, daddy. Ang bata ko pa para sa ganiyan.”
“Hindi ko naman sinabing ikakasal na agad kayo bukas agad-agad. Ang sinasabi ko lang, paano kung mag-asawa na kayo?” Uminom ito sa sarili nitong shotglass bago tumingin sa kaniya nang diretso sa mga mata. “Anak, seryosong tanong. Curious lang ako.”
“Ano iyon, dad?”
“Hindi mo ba nakikita si Anthony bilang asawa mo in the future? Na iyong siya ang kasmaa mo tumanda kasama ang mga anak ninyo. Ganoon.”
Napaiwas siya ng tingin dito saka nag-isip. Sinubukan niyang tingnan sa isip ang sarili kasama si Anthony. Para siyang tanga na napangiwi. Kahit ang daddy niya ay nagulat sa naging reaksyon niya.
“Kirsten!” anito pa sa kaniya.
Nagtaas siya ng mga kamay. “Wait, dad! Let me explain, okay? Hindi pa kasi talaga ako ready para sa ganoong bagay.” Napasandal naman siya sa silyang inuupuan saka natatawang tinatapik-tapik ng kamay ang armrest. “Huwag kayo mag-isip ng kung ano diyan!” aniya sa ama.
Umiling ito. “Mahal mo ba siya?”
“Of course!”
Naningkit ang mga mata niya. Gusto niyang matawa dahil nakikita niya ang sarili sa ama. Siya kasi ang girl version nito. Kamukhang-kamukha niya ang ama niya samantalang ang dalawa niyang mga kapatid ay sa mommy nila kumuuha ng wangis ng mukha.
“Kirsten, masama manloko ng tao.”
“Daddy hindi ako nanloloko ng tao.”
“E, ang sarili mo, hindi mo niloloko?”
Hindi siya nakasagot dahil sa tanong ng ama niya. Tila naumid ang dila niya at hindi niya alam kung ano ang salitang bibitiwan dito. Ayaw niyang magbigay ng kung anong ibigsabihin dito ang sasabihin niya.
“Dad, bakit parang nilalagay mo sa hotseat ang anak mo?” tanong ng mommy niya na biglang sumulpot sa gilid nilang dalawa. Pinagpapasalamat niya iyon dahil wala pa rin siyang masabi sa ama.
“Nagtatanong lang ako sa anak natin. Ikaw naman.”
Tinungga niya ang laman ng shotglass saka tumayo. “CR lang po ako.” Paalam niya sa mga ,magulang niya. Humugot siya ng malalim na hininga habanag naglalakad papasok ng bahay. Hindi niya alam kung bakit parang anhirapan siyang sagutin ang sarili niya. Kung ano man ang dahilan niyon, wala pa siyang ideya.