bc

HEART ATTACH (GXG)

book_age16+
867
FOLLOW
6.3K
READ
possessive
friends to lovers
goodgirl
drama
gxg
office/work place
colleagues to lovers
model
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Kirsten Del Mundo is happy with life because she can do what she wants in life. She is a model in one of the most popular agencies in the country. The Philippines Heart Models who owned by her boyfriend named Anthony Miguel.

When it comes to working, she can say that she is successful because of a number of her achievements. Kirsten was not the only one nationwide known as a model. She is also known abroad because she has participated in rampages in various countries to model the work of well-known fashion designers.

When it comes to her relationship with Anthony, she can say it's perfect. As a child, she dreamed that she would find her prince charming, and she saw that in the person of her boyfriend. Anthony was kind and respectful to her. She also feels that he loves her, and so does she.

But everything changed when she once went to Japan to visit her parents. It has also happened that she was one of the models who took to the stage wearing the works of a famous fashion designer from Paris, France named Lavi Azul.

When the two of them faced each other, Kirsten had a strange nervousness that was felt, especially when their palms clasped. She couldn’t determine what it was but, he noticed every time Lavi looked at him and smiled, it had a strange effect on his heart.

Fortunately, her boyfriend was with her during those hours. She lost sight of the fashion designer. Kirsten thought she would never see Lavi again, so she would calm down. But until she came home to the Philippines, he always had a dream where he always talked to him.

And what she wondered more was if Lavi, and she seemed to be sweet in her dream. Every time she woke up, her chest was pounding.

When Kirsten and Anthony's anniversary came, he told her to have a dinner date, and that was also the night where Anthony asked her if she was willing to be his wife. She was shocked, and Kirsten was confused but what she thought was right prevailed. She accepted Anthony's proposal. It was too late when she saw that Lavi was also at the event because she had a meeting at the same restaurant.

She saw the pain in its eyes, but it also immediately disappeared. There was a pain in her heart, but Kirsten thought that was more right. That's what she should do. Kirsten also thought that what she saw in Lavi's eyes was wrong as well as how she felt.

But instead of avoiding her, Lavi seems to have had more of a chance to get close to Kirsten because she partnered with the agency she belongs to. That’s why they always have time to meet and be together because they only enter one building.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 MALAKAS ANG palakpakan ng mga taong nanonood ngayon dito sa isang sikat na fashion event. Bukod kasi sa tanyag ang siyang lumikha ng mga magagandang gowns and dresses, ang mga models din na siyang nagrampa ay talaga namang bigatin. Isa na roon si Kirsten De Mundo. Isa sa tinaguriang flavor of the show dahil siya ang nakatakdang magsusuot ng pinaka-highlight na gown ngayong gabi.   Ang mga ilaw ay naglalaro sa kulay sky blue at rosas na siyang nagsasayaw sa buong stage. Nagbibigay ito ng buhay kasabay ng tugtugin na kay gandang sabayan ng bawat beat. Ang mga tao na siyang nakaupo sa magkabilaan na stage ay mayroong malalawak na ngiti. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagkasabik na magsimula na ang show.   “Are you nervous?” tanong ni Britney kay Kirsten nang makita siya nitong nakasilip sa isang side ng stage kung saan may malaking kurtina na humaharang sa kinatatayuan niya.   Lumingon si Kirsten sa kaibigan. “I’m not,” aniya kahit pa ang totoo, sobra siyang kinakabahan. Umalis siya sa pwesto saka bumalik sa harap ng vanity mirror kung saan siya inaayusan. Lumapit ang kaniyang glam team upang ayusan ang buhok at make-up niya.   “May kailangan ka pa ba?” tanong ni Britney sa kaniya.   Umiling siya. “Samahan mo na lang si Ninang sa labas. May upuan naman kayo roon.” Ngumti siya sa kaibigan na tumango lang saka lumabas ng silid.   Humarap siya sa malaking salamin. Nakikita niya ang mga kasamahan niyang modelo na halatang mga kabado. Ang iba ay panay ang pag-alok ng mga kamay na tila ba sa ganoong paraan inaalis ang kabang nadarama. Mayroon naman na parang maiiyak na.   Well, hindi naman siya ganoon kahalata. She’s a pro when it comes to this. Forte niya ang pagmomodelo mula pa noong siya ay nasa edad anim na taon pa lang. At hindi iyon natigil at nagdire-diretso kaya naman sanay na siya. Oo at kabado siya ngunit normal naman iyon.   Nag-ipon siya ng isang malalim na hininga sa dibdib bago iyon pinakawalan nang dahan-dahan. Tumingin siya sa sariling repleksyon saka ngumiti ng matamis.   “Okay na po, Miss Kirsten.”   Ngumiti siya sa kaniyang make-up artist. Maya-maya pa ay may lumapit na sa kanila bakla. It’s Bill. Kilala niya ito. Ito ang nag-organize ng event na ito at isa sa kaibigan niya. “The show will start in 5 minutes. Get ready, girls.” Tumingin ito sa kaniya. “Fighting, girl!”   Tumango siya saka ngumiti rito nang matamis. “Thanks!” Tumayo siya saka inayos ang gown na suot. Labinlima silang mga modelo. Sampung babae at limang lalaki na nasa kabilang silid. Siya ang nas huling pila. Talagang ang pinakamagagandang obra ang mapupunta sa kaniya na dapat niyang irampa nang todo mamaya sa entablado.   Humilera siya sa pila ng mga kasama. Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga. Sa oras na magsimulang rumampa ang nasa harap, bibilis na naman ang kilos nila. Ganoon naman ang oras nila kapag nasa taas ng stage. Maglalakad nang mabilis habang buong kumpayansang suot ang damit na iminomodel sa mga audience.   Namataan niya si Bill na sumenyas na sa kanila hudyat na dapat na siyang maghanda. Ganoong nga ang ginawa nila. Lumingon pa siya ng isang beses sa glam team niyang naka-ready at standby para mamaya kapag nakabalik na siya rito sa loob.   Kaagad siyang nagtungo malapit kay Bill na tila nagbibilang habang nakasilip sa gitnan ng stage dahil binabantayan kung anong oras siya maaring lumabas. Nang magkatinginan silang dalawa ay alam na niya.   “Go, girl!”   Taas noong sumampa ang mga paa niya sa entablado habang diretso ang tingin sa harapan. Bahagya niyang pinatalim ang tingin upang mas makadagdag ng angas o dating sa suot niyang damit. Ang bawat hakbang na ginagawa niya ay mabilis lang. Mataas ang taking ng suot niyang sandals at dahil nga matagal na niyang itong propesyon, alam na niya kung paano maglakad nang suot ang 7 inches high heels na iyon. Ang bawat hakbang niya ay sumasabay sa beat ng tugtog.   Pagdating niya sa dulong bahagi ng stage ay umawra siya at umikot pa ng isang beses bago naglakad pabalik. Kahit malakas ang tugtog ay naririnig niya ang mga reaksyon ng mga taong nandoon sa audience. Ang iba ay napapasinghap. Hindi niya iyon tinitingan dahil makakasira lang iyon sa kanyang atensyon.   Nagdiretso siya sa backstage kaya naman kaagad siyang naghubad sa harap ng kaniyang glam team at katuwang ang mga ito ay nagbihis siya ng panibangong damit. Ngayon ay may bag na rin siyang hawak. Pati nag buhok niya na nakalugay lamang kanina ay tinali na ng hair stylist niya. Abala na rin ang ibang modelo pati ang mga glam team ng mga ito.   Muli siyang sumunod sa pila ng mga kasama niya saka muling naglakad sa entablado. Apat na beses siyang rumampa doon. Ang huling damit na suot niya ay ang pinaka-highlight  ng event. Sa huling rampa magkakasama na sila ng mga kapwa niya modelo na naglalakad sa stage habang pumapalakpak. Doon na rin nagsimulang tumayo ang mga taong nanonood sa kanila at nagpalakpakan. Nakakabingi ngunit ayos lang. Ibang kasiyahan sa puso ni Kirsten ang dala nang marinig ang mga iyon. Para sa kaniya, iyon ang pinaka-satisfying na tunog sa tanang-buhay niya.   Namataan niyang papanhik ng stage ang sikat na fashion designer na siyang may likha ng kanilang nirampa ngayong gabi, ay nilapitan niya ito at sinalubong.   “Let us welcome, the creator of this wonderful gowns and dress, Mr. Ralph Sy!” Anunsyo ng MC kaya naman nagpalakpakan ang mga tao. May mga confetti rin na sinaboy sa kanila.   Malapad ang pagkakangiti nito sa kaniya. “Congratulations, Mr. Sy!” bati niya rito bago humalik sa kanang pisngi nito.   “Thank you, angel! Thank you so so much.” Nagpatuloy ito sa pagsasalita at pagpapasalamat sa lahat habang si Kirsten ay nakatayo sa gilid nito.   Panay na ang pag-flash ng mga camera sa kanila. Panay lang siya ngiti sa mga ito dahil totoo ang kasiyahan niyang nadarama. Para kasi sa kaniya ay isa na namang achievement unlocked iyon sa kaniyang pangarap na natupad talaga. Bagay na sobra niyang pinagpapasalamat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Brother's Wife [GxG]

read
89.0K
bc

NINONG II

read
633.4K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

NINONG III

read
389.4K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
54.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook