CHAPTER 12

2625 Words

CHAPTER 12 NAPANGITI NANG malapad si Kirsten nang makita niya ang dress na nakasuot sa isang mannequin. Nasa mall sila ngayon ng kaniyang pamilya upang mamasyal at may nadaanan silang isang boutique. Bahagya siyang naiwanan ng kaniyang mga kapatid kaya tinawag siya ng mga ito. “Ate, ang tagal mo naman,” ani Kristal sabay hawak sa kaniyang braso. “Ang ganda kasi ng dress.” Tiningnan ng kapatid niya ang mannequin na naka-display sa harapan ng shop. “Wow! Ang ganda nga. Simple lang siya pero elegante ang style. May blazer pa.” Tumingin ito sa kaniya. “Bagay sa iyo iyan, ate. Gusto mo tingnan natin?” “E paano sila mommy?” Noon lang niya napansin na nawala na ang mga magulang niya pati ang ninang at isa niyang kapatid. “Nandyan lang naman sila. Mag-text na lang ako kung nasaan tayo. Tara!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD