CHAPTER 30

2018 Words

CHAPTER 30 TAHIMIK LANG si Kirsten habang nasa labas siya ng sasakyan at nakasandal doon. Kaharap siya niya si Lavin a nakatingin lang sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit kasama niya pa ito pero nagpapasalamat siya dahil hindi siya nito iniiwan. Huminga siya nang malalim bago tumingin dito. “Makakapag-drive ka ba?” tanong nito. Tumango siya. “Oo.” “Ano bang problema?” tanong nito ngunit hindi siya kumibo. Hindi niya rin alam kung ano ang nangyari kanina kung bakit parang may gusto siyang alamin kina Anthony at Sophie. Sa itsura pa lang ni Sophie, mukhang galit ito at nabubuhay ang kuryosidad sa sarili niya kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito. Kung ano man ang dahilan, pakiramdam niya ay may kinalaman iyon kay Anthony. “May relasyon ba sila?” Kaagad siyang napalingon kay Lavi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD