CHAPTER 29

1058 Words

CHAPTER 29 HINDI MAKAPANIWALA si Kirsten sa sinabing iyon ni Lavi. Ibig ba nitong sabihin, okay lang na pumunta siya sa bahay nito? Saka, nababasa ba nito ang isip niya. Alam bannitong nag-aalala siyang baka hindi siya nito ulit kontakin? Napayuko siya sandali upang titigan ang screen ng cellphone. “Okay na, babe. Nakausap ko na si Pitchie. Siya na ang bahalang ma-explain na may urgent meeting ka. Wala naman silang magagawa.” Tumingin ito kay Lavi. “Di ba?” Tila humihingi ito ng segunda rito. “Well, hindi yata gusto ni Kirsten na naaabala ang schedule niya,” anito saka ngumiti nang matamis. “Again, sorry ulit,” dugtong pa nito. Imbis na sumagot, ngumiti na lang siya rito nang matipid. Tumingin siya kay Anthony na nagulat sa tugon ni Lavi. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD