CHAPTER 8
NANG MATAPOS si Kirsten sa pagwowork-out ay sandali muna siyang namahinga sa gym at nakipagkwentuhan sa aniyang coach. Naka-close na rin niya ito dahil mabait naman si Ate Nina niya dahil friendly ito at approachable din. Mas matanda ito sa kaniya ng dalawang taon ngunit ang katawan nito, mas fit kaysa sa kaniya.
“Tuloy ka ba sa Japan sa mga susunod na linggo?” tanong nito sa kaniya.
“Yes. Kasama ko si Ninang. Nagbago ang isip niya,” aniya na sinundan pa niya ng tawa.
Kahit ito ay natawa sa tinuran niya. “Pabago-bago talaga ang isip ni Tita Glo no?”
“Kaya nga. Nanghihinayang kasi siya sa ticket pero sabi ko naman ay minsan lang naman kami magpunta roon kaya deserve naming gumastos. Birthday naman ni mama iyon.”
Tumango-tango naman ang coach niya. “Tama. Saka maganda mamasyal ngayon sa Japan dahil nga malamig na rron ngayon.”
Bagay na totoo dahil papasok na ang winter season doon. Mabuti na lang talaga at nakapag-ayos na siya ng schedule at pinayagan siya ng kaniyang manager na si Mommy Pitchie. Ang inaalala niya ay si Anthony. Gusto kasi nitong sumama sa Japan. Hindi naman sa ayaw niya ngunit pakiramdam niya kasi ay hindi niya ma-eenjoy ang pamilya niya kung kasama niya ito.
“E, iyong boyfriend mong CEO ng PHM?” Hindi nito ka-close ang nobyo niya palibhasa ay Gemini rin ito. Kaya mas napatunayan niya na malabong magkasundo ang mga Gemini dahil Gemini ang kaniyang mga kaibigan pati na ang boyfriend niya.
‘Bakit ba ako napapaligiran ng mga Gemini?’
“Hindi ko pa sure kung sasama siya pero feeling ko kasi, hindi ko ma-eenjoy ang family ko kung kasama ko siya, di ba? Syempre, siya ang iintindihin ko kaysa iyong family ko.” Bumakas ang lungkot sa kaniyang mukha.
“Oo nga naman. Saka magkasama na kayo rito sa Pinas tapos sasama pa siya pagdating sa Japan. Grabe naman siya,” anito.
Bumuntonghininga na lang siya. Iyon din ang pumapasok sa isip niya pero hindi naman niya pwedeng sabihin iyon kay Anthony. Masasaktan ito panigurado.
Ilang sandali pa sila nagkwentuhan, maya-maya ay nagpaalam na siya na babalik na siya sa condo nila dahil baka hinihintay na siya ng kaniyang ninang. Nilandas niya ang daan patungo sa unit nila habang nakatingin sa screen ng cellphone ang mga mata. Nakita niya kasi na may bagong message si Lavi sa kaniya.
Reply iyon sa IG story niya. Nakaramdam naman siya ng hiya nang mabasa ng message nito.
Lavi Azul:
Saang gym iyan?
Kanina pa iyon nag-reply sa kaniya. Mga 2 hrs ago kaya naman offline na si Lavi. Ngunit kahit na ganoon ay nagtipa pa rin siya ng reply para dito.
Kirsten Del Mundo:
Dito lang din sa amin. Sorry late reply. Katatapos ko lang mag-work out.
Nagpatuloy siya sa paglalakad sa hallway hanggang sa makasakay siya sa loob ng elevator. Nang sumara iyon ay nakita niya ang sariling repleksyon na mayroong ngiti sa mga labi. Kaagad niyang inayos ang sarili. Pinalis niya ang ngiti na si Lavi ang dahilan.
“Ano bang nangyayari sa akin?” tanong niya saka inayos ang ilang hibla ng buhok na nalaglag na mula sa pagkakapusod. Huminga siya nang malalim saka pinilig ang ulo upang iwaglit ang bagay tungkol kay Lavi.
Nang makarating siya sa loob ng condo ay naabutan niyang naglilinis ng kusina ang ninang niya. Kumunot ang noo niya. “Ninang, bakit ikaw ang naglilinis niyan? Hindi ba at may care taker tayo ng unit?”
“Oo nga pero sa Linggo pa ang punta noon. Wala naman akong ginagawa.” Mukhang hindi naman siya mananalo sa ninang niya kaya naman hindi na lang siya kumibo. “Kumain ka na.”
“Mamaya na lang po. Maliligo lang ako.” Naglakad na lang siya patungo sa silid niya saka namili ng susuotin sa closet niya. May schedule siya mamaya sa isang shoot dahil mag-eendorse siya ng isang pabango. Nag-text na rin kanina si Mommy Pitchie at pinaalalahanan siya.
Nang makagayak ay naglagay siya ng light make up. Mama-maya naman ay aayusan siya ng glam team niya pagdating sa mismong location. Simpleng faded jeans at croptop ang sinuot niya. Pinatungan niya ng coat iyon habang ang buhok niya ay hinayaan lang niya na nakalugay. Paglabas niya sa sala ay tapos na ang ninang niya sa ginagawa nito.
“Kumain ka na muna bago ka umalis,” anito sa kaniya.
Sumulyap muna siya sa relong suot bago tumango. “Sige po.”
Ito ang kumilos upang ipagsandok siya ng pagkain samantalang siya naman ay naupo sa isang baknateng silay saka tiningna ang IG niya. May post kasi si Lavi at nakuha niyon ang atensyon niya. Picture iyon nito habang nakatayo sa gitna ng kalsada na may mga puno sa magkabilaang gilid. Nakasuot ito ng trench coat na kulay itim at turtleneck na panloob saka maong jeans at boots. Maganda ang ngiti nito sa mga labi.
Hindi maiwasan na titigan niya ang maganda nitong mukha. Nang makita niya kung nasaan ito, nagulat pa siya.
“Nasa Tokyo, Japan siya?” tanong niya sa sarili.
“Sino?” tanong ng ninang niya kaya napalingon siya rito.
“Ah, iyong kakilala ko lang po.” Muli niyang binalik ang atensyon sa larawan ni Lavi saka iyon ni-scroll upang tingnan pa ang ibang larawan nan i-upload nito Tama nga. Nasa Japan si Lavi ngayon.
Akala niya ay nasa Europe ito ngunit mali pala siya. Mukhang ang libangan nito ay ang paglilibot sa mundo. ‘Ang galing naman.’
“Kumain ka na. Masarap ang mga driued fish. Hindi siya ganoon kaalat.” Nilapag ng ninang niya ang pinggan na may lamang sinangag sa kaniyang tapat. May nilapag din ito sa gilid niyon na isang baso ng gatas. “Inumin mo rin ito.”
“Thank you po.” Binitiwan na lang niya nag cellphone niya at sinimulang kumain ng agahan. Maaga pa naman kaya pwede pa siya kumain. Sana lang ay huwag siya mahuli mamaya dahil sa traffic.
Hindi namna nagtagal ay natapos din siya sa pagkain. Siya na sana ang maghuhugas ng pinagkainan niya ngunit itong ninang niya, inako iyon at baka mabasa pa raw siya. Hindi na siya nakipagtalo pa rito kaya naman nagpaalam na rin siya na aalis na.
HABANG NASA byahe ay nakatanggap siya ng tawag mula sa nobyo. Halatang kagigising lang nito dahil medyo paos pa ang tinig nito sa kabilang linya. Nagmamaneho siya ng kotse niya habang naka-connect sa Bluetooth ang kaniyang in-pods.
“I’m sorry kung hindi kita nasundo ngayon,” anito.
Naiimagine pa niya itong nakahiga pa sa ibabaw ng kama. “Ayo slang naman sa akin. On the way naman na ako sa location kung saan gaganapin ang pictorial.” Tumingin siya sa unahang bahagi ng daan dahil medyo traffic.
“Sige. Gusto mo bang sunduin kita diyan mamaya?”
“Hindi na, no! Okay lang naman ako. Ang mabuti pa ay gumayaka ka na riyan at umain para makapasok ka na sa office.”
Umungol si Anthony sa kabilang linya. “Pwede naman kitang sundan, e.”
“Hindi na nga. Kaya ko, okay? Sige na. Ibababa ko na ito at nagmamaneho ako.” Iyon lang at saka niya tinapos ang tawag. Huminga siya nang maluwag. Matigas ang ulo ng nobyo niya kaya naman hindi na siya magtataka pa kung sakali man na makita niya ito mamaya sa location kung saan gaganapin ang pictorial niya.
Mabuti at hindi ganoon ka-traffic kaya naman nakarating siya agad sa pupuntahan. Nakita niya agad ang manager niya na masayang nakikipagkwentuhan sa mga taong nandoon. Nang makita siya ay tumayo ang mga ito saka siya sinalubong ng beso-beso sa pisngi. Binati naman din siya ng nandoon. Hindi mawawala ang glam team niya na kaibigan na rin ang trato niya sa mga iyon.
“Late na ba ako?” tanong niya sa mga ito.
“Naku hindi ah! Maaga lang talaga kami dahil nga ang karamihan ay malayon dito.” Malapad ang ngiti sa labi ng manager niya sa kaniya.
“Mabuti naman kung ganoon. So, let’s start?” tanong niya sa lahat bago siya inaalalayang makapwesto sa silya kung saan nakapwesto iyon sa vanity mirror kung saan nakalagay ang mga make-up at iba’t ibang gamit sa pag-aayos ng buhok.
Sinimulan siyang ayusan ng glam team niya habang ang atensyon niya ay nasa screen ng cellphone. Wala naman siyang plano na magtagal sa pag-scroll sa mga socialmedia accounts niya ngunit nang makita niyang may message siya ay kaagad niya iyong tiningnan. Nakaramdam siya ng pagkasabik nang makitang galing iyon kay Lavi Azul.
Lavi Azul:
Busy?
Gusto niyang matawa. Kung tutuusin ay ito ang hindi nag-reply kanina at seen lang siya nito. Mabilis siyang nag-type ng message para dito.
Kirsten Del Mundo:
Sorry. Kakarating ko lang sa location for my pictorial. Ikaw yata ang busy diyan.
Hindi niya namalayan na may ngiti na pala siya sa mga labi at nang magtagpo ang paningin nila ng manager niya sa salamin, nawala iyon sabay tikhim siya. Nag-iwas din siya ng tingin dito. Naramdaman niya ang paghakbang ng manager niya na lumapit sa kaniya.
“Ang ganda naman ng ngiti mo diyan,” anito sa kaniya saka naupo sa isang silyamalapit sa inuupuan niya. Umupo ito nan aka-dekwatro ang mga binti at hita saka tumingin sa kaniya na may nanunuksong tingin. “Si Boss ba iyan?”
Tinago niya ang cellphone dito. “Naku, ngayon pa lang gumagayak ang boss mo. Hindi nga ako nasundo pero ayos lang naman din para makapagpahinga pa siya.”
“Naku, alam mo ba nag tsismis?”
Natawa siya. “Mommy naman. Ang aging tsismis niyan ha?”
“Ay oo naman. Kung hindi ito tungkol sa iyo at kay Mr. Anthony, hindi ako makikialam, no? Kaso tungkol kasi sa inyo.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong ibig mong sabihin?”
Bahagya pa itong lumapit sa kaniya upang walang makarinig na iba sa sasabihn nito. “E, paano naman kasi. Usap-usapan sa scout department, may nakakita raw kina Mr. Anthony at sa secretary nito na magkasamang nag-didinner noong isang gabi.”
Natawa siyang muli dahil sa narinig. “Si Sophie?”
“Oo siya nga. Teka. Ang alam ko, may picture pa iyon, e.” Kaagad itong kumilos upang hagilapin sa cellphone na hawak ang larawan na sinasabi nito. Maya-maya niya pa kinalabit siya nito. “Ito, nak. Tingnan mo.” Pinakita nito sa kaniya ang isang larawan.
Sina Anthony nga iyon at Sophie. Nasa isang restaurant ang mga ito at kumakain. Wala namang kakaiba sa larawan ng mga ito kaya naman napailing na lang siya. “Para kumakain lang naman.”
“Ay nako. Teka. Ito pa,” anito saka mas lumapit sa kaniya.
Nang makita niya ang larawan na tinutukoy nito ay noon siya sandaling natigilan. Kung titingnan kasi ang picture ng mga ito, tila ba hinalikan ni Sophie si Anthony. Ngunit dahil malaki ang tiwala niya sa mga ito lalo na sa nobyo, inalis niya sa isipan ang unang bagay na pumasok sa isipan niya.
“Illusion lang iyan, mommy,” aniya sa manager. “Kilala ko si Anthony. Hindi ako lolokohin no’n.”
“Hmm… sana nga, anak dahil grabe naman siya kung pakakawalan ka pa niya.” Tiningnan nito ang cellphone na hawak. “Gusto mo bang isend ko sa iyo?”
Umiling siya. “Hindi na.”
“Ayaw mo?”
“Hmm.”
“Hindi mo man lang ipapa-check sa eksperto, ganoon?”
“Hindi na. May tiwala naman ako sa boyfriend ko. I know Anthony. Ako lang ang mahal no’n.” Kumindat pa siya rito.
“Taas ng kompyansa mo, girl, ah! Anong secret?” Natatawang wika nito habang tinatago ang cellphone sa bag.
“Walang secret, mommy. Basta alam ko na ako lang ang mahal ni Anthony. Malay ba natin kung may ka-business meeting ang dalawang iyan noong nakaraang gabi. Alam naman natin na super busy nila.”
Tumango-tango ito. “Kung sabagay, may point ka naman pero sana nga, tama ka.”
“Huwag mo na lang intindihin ang mga pictures na ganiyan kasi hindi naman natin alam kung ano talaga ang nangyayari sa mga larawang iyan, di ba? Stress-in lang natin mga sarili natin.” Sinundan pa niya iyon ng tawa.
Magsasalita pa sana ang manager niya nang tawagin ito ng isang staff ng i-eendorse niyang pabango. Siya naman ay nanatili sa inuupuan habang patuloy na inaayusan ng glam team niya.
“Miss Kirsten, sure ka bang wala lang ang mga pictures na iyon?” tanong ni Naomi, ang make-up artist niya. “Kasi halata naman sa mga pictures na may something sa kanilang dalawa, e.”
Isang matami na ngiti lang ang binigay niya rito. Ayaw niyang pakaisipin pa ang bagay na iyon dahil hindi niya talaga naiimagine ang boyfriend niyang lolokohin siya. Matagal na sila ni Anthony at sobrang malaki ang tiwala niya rito.
NANG MATAPOS ang pictorial niya ay sandali muna silang nagkwentuhan ng mga kasamahan niya sa set. Kausap din niya ang bestfriend niya kakarating lang na si Britney.May trabaho kasi talaga ito bilang isang writer at nag-sisideline lang sa kaniya bilang hairdresser o hairstylist
Naramdaman niyang siniko siya nito kaya naman nilingon niya ito. “Bakit?” tanong niya rito.
“May nakarating sa akin na pictures, ha? Ano iyon?” Naningkit ang mga mata ni Britney. “May babae ba talaga si Anthony?”
“Sus! Wala, okay?”
“E, paano mo maipapaliwanag ang mga pictures na kumakalat? Naku! Ikaw, Kirsten, huwag kang tatanga-tanga sa pag-ibig, ah?”
Napailing siya. “Pati ba naman ikaw, hindi ka naniniwala sa akin?”
“Kirsten, sa iyo, may tiwala ako at naniniwala ako sa iyo. Duh! Bestfriend mo ako. Pero syempre, hindi maiwasan na mainis ako kasi ganiyan ka. Pinagtatanggol mo iyong boyfriend mo gayong may ebidensya na niloloko ka na, e panay ka pa tanggi. Martyr ka?”
“Britney, hindi ako kayang lokohin ni Anthony—”
“So gaano ka nakakasigurado sa bagay na iyan? Masyado kang kampante, ah? Tingnan mo. Kapag dumating ang mga araw tapos malalaman natin na may relasyon nga ang dalawang iyan, ako mismo ang sasapak sa boyfriend mo.” Lumabas na naman ang pagiging Gemini to Gemini nitong kaibigan niya. Kahit kailan talaga ay hindi na nagustuhan ni Kirsten si Anthony. Ganoon din ang nobyo niya rito.
“Huwag ka mag-alala. Hindi ako kayang lokohin ni Anthony.”
“Sana nga. Huwag siyang tanga sa pagpili ng babae, di ba?”
Napailing na lang siya. Wala naman siyang magagawa kung ganoon ang tingin ng mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho patungkol sa nobyo niya. Hindi niya hawak ang emosyon ng mga ito. Malaya ang mga itong makadama ng mga bagay-bagay sa kapwa nila. Hindi rin naman siya naiinis. Tipong wala lang talaga. May mga bagay kasi na hindi na dapat pa pnagtutuunan pa ng pansin.
To Babe:
Where are you?
Tinext niya ang nobyo kung nasaan ito at napangiti naman siya nang mag-reply ito kaagad.
From Babe:
Office. Why? Tapos na ang pictorial? Ingat ka sa pag-uwi. Love u.
Pinakita niya ang screen ng cellphone niya sa kaibigan niya saka siya ngumisi. “See?”
Inirapan siya ni Britney. “Text lang iyan. Tandaan mo, walang feelings ang text, okay?”
“Alam mo ang overacting mo na,” aniya rito sabay tawa. Bahagya niya pang pinalo ang braso nito saka sila tumayo at nagpasyang magpaalam sa mga kasama.
Sa kaniya sasabay ang kaibigan niya dahil wala naman itong dalang kotse. Idadaan na lang niya ito sa condo unit nito. Habang nasa daan ay nagkwento ito tungkol sa publishing house nila. Sa kaniya ito nag-rarant ng mga bagay-bagay at hinahayaan niya itong magsabi ng kung ano-ano. Siya ang dakila at numero unong listener nito pagdating sa mga nakaka-stress na bagay para dito.
“Imagine, uulit kami? Hindi biro ang magsuulat!” anito sa kaniya. Ilang sandali pa ay huminga ito nang malalim saka tumingin sa labas ng bintana. “Naiirita talaga ako.”
“Bakit kasi hindi ka na lang lumipat ng ibang publishing?”
“Hindi pwede. Mahirap na makapasok sa mga pubhouse dahil iyong ibang senior, mayabang.”
“Kung sa bagay.” Naiintindihan naman niya kung bakit ayaw nitong lumipat. Ngunit naaawa na rin siya rito. Puro na lang problema mayroon ang kaibigan niya. Hindi na io nakahinga pagdating sa trabaho. “You know what, mag-date tayo.”
“Ano?”
“Kumain tayo sa labas para naman kahit paano ay gumaan ang pakiramdam mo. Deserve mo naman,” aniya.
Lumambot ang eskpresyon sa mukha ni Britney saka lumapit sa kaniya saka niyakap siya sa braso. “Thank you,” anito sa malambing na boses.
“Hoy! Nagmamaneho ako!”
“Ay sorry. Thank you talaga. Alam mo kaya hindi ko na kailangan pa ng boyfriend kasi sa bestfriend ko pa lang, solve na ako.”
Natawa siya. “Ayaw ko lang na ganiyan ka. Ramdam ko iyong stress mo, e!” Huminga siya nang malalim saka tumingin sa kaibigan. “Humanap ka na kaya ng boyfriend para naman umokay ka kahit paano?”
“Huwag na lang, no? Ayaw ko dumapot ng batong ipupukpok ko sa ulo ko. Masaya maging single dahil puro sa work lang ang stress ko. Ganon.”
“Kung sa bagay.”
“Kaya ikaw? Iwanan mo na si Anthony! Tsarot!”
“Sira ka!” Nagtawanan silang dalawa dahil sa tinuran nito. Kahit sa paanong paraan basta matitira nito ang nobyo niya, gagawin talaga nito e. Mabuti na lang talaga at sanay na siya sa bangayan ng mga ito na tipong kahit hindi magkasama ay tinitira ang isa’t isa.
Hindi pa niya alam kung saan dadalhin ang kaibigan kaya naman tinatanong niya ito kung saan nito nais magtungo. Kaya naman nang sabihin nito na gusto nito kumain ng Japanese food ay pinagbigyan niya ito. Doon sila dumiretso upang kumain dahil lagpas lunch time na rin naman. Hindi sila kumain sa set kanina dahil nalibang sila sa pagkukwentuhan.
Nagtatawanan pa silang dalawa ni Britney bago pumasok sa loob ng Japanese Restaurant nang kapwa sila mapahinto dahil nakasalubong nila ang nobyong si Anthony kasunod ang secretary nitong si Sophie.
“B-Babe? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Anthony na tila naging malikot ang mga mata at lumingon pa sa secretary nito.
“Kakain kami ni Britney dito. Kayo ni Sophie, anong ginagawa ninyo? Akala ko ba ay nasa office ka?”
“Ah, oo. May business meeting kasi kami dito at katatapos lang. Gusto mo bang samahan kita—”
“Hep! Hindi pwede!” ani Britney na nakataas ang isang kilay habang nakatingin kina Anthony at kay Sophie. “She’s my date today so kayong dalawa, ituloy na ninyo ang date ninyo.”
Kitang-kita niya kung paanong kumunot ang noo ng nobyo niya. Nagkatinginan pa ito at ang sekretarya nito saka muling tumingin sa kaniya. “A-anong sinasabi mo?” tanong nito sa kaibigan niya.
“Joke lang! Hindi ka naman mabiro.” Tinapik pa nito ang braso nito. “Namutla ka naman agad, e!” Tumawa pa ito.
“Brit, that’s enough,” aniya sa kaibigan saka hinarap ang nobyo. “Sige na at baka may lakad pa kayong dalawa. May problema lang itong isa kaya sasamahan lang siya ngayon,” aniya rito saka hinawakan sa braso si Anthony. “Ingat kayo.” Humarap siya kay Sophie na nahihiyang ngumiti sa kaniya. Gumanti naman siya ng ngiti rito bago hinila si Britney papasok. Inismiran pa nito ang dalawa bago lagpasan.
Nang makahanap sila ng table ay kaagd niyang kinausap ang bestfriend niya. “Britney, bakit mo naman ginanon iyong dalawa?”
“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na nag-date silang dalawa rito?”
“Hindi mo ba narinig? Ang sabi ni Anthony, may ka-meeting silang dalawa rito.”
“May nakita ka bang kasama nilang lumabas? Wala naman di ba? Alam mo, Kirsten, masama talaga ang kutob ko sa dalawang iyon. I’m sure may tinatago ang mga iyon sa iyo. Iyong Sophie, mukhang nasa loo bang kulo, e!” anito na halatang nanggigigil doon sa dalawa.
“Hayaan mo na nga sila. Wala namang ginagawang masama ang mga iyon. Nagtatrabaho lang sila.”
“Ay nako, Kirsten! Um-order ka na nga! Imbis na mastress free ako ngayon, mas lalo akong nainis sa buhay ko. Ang tanga ng bestfriend ko!” anito saka irap sa kaniya.
Natawa na lang siya. “Grabe naman! Oorder na nga ako. Dito ka lang!” Tumayo na siya upang umorder sa counter. Sa totoo lang, nagulat talaga siya nang makita ang dalawang iyon kanina. Tama si Britney, wala naman silang nakasalubong na pwedeng maging ka-meeting ng mga ito ngunit hindi naman siya maaaring mag-isip ng mga bagay na wala namang pruweba.
Hindi niya rin kasi talaga lubos maisip na maloloko siya ng nobyo. Ganoon kalaki an gang tiwala niya rito.