CHAPTER 7

1052 Words
CHAPTER 7 KINABUKASAN AY naging maganda ang gising ni Kirsten. Maaga siyang gumayak at nagbihis ng damit pang work-out. Ginagawa niya iyon tatlong beses sa isang linggo upang ma-maintain niya ang pagiging fit ng katawa niya. Maganda rin na ma-burn niya ang mga fats niya upang hind imaging dahilan iyon upang maapektuhan ang trabaho niya. Mahilig pa naman siya kumain at mabilis ang metabolism niya ngunit kahit na. Mas mabuti pa rin iyong maayos ang kalusugan niya at naaalalagaan nang maayos. Nagbihis siya ng leggings at brazierre na may tatak na Calvin Klein. Nagsuot din siya ng kulay putting rubber shoes. May hinanda rin siyang face towel at sinampay niya iyon sa kaniyang balikat. Ang buhok niyang mahaba ay kaniyang pinunggos nang mataas upang hindi iyon mapunta sa kaniyang mukha mamaya. Nang lumabas siya ng kaniyang silid ay naabutan niya ang ninang niya na abala na sa kusina. Naghihiwa ito ng bawang na gagamitin. Mukhang magsasangag ito ng kanin. Kumunot ang noo niya. “Ang dami palang kanin?” tanong niya rito nang makalapit siya sa mesa. “Oo. Nakapagluto na kasi ako ng dinner nating dalawa nang tawagan ako ni Anthony na sa labas nga tayo mag-didinner. Mabuti at hindi napanis kaya isasangag ko na lang. Tamang-tama lang din dahil may tuyo at daing na padala sa akin galing Pamarawan ang kaibigan ko.” Nginuso nito ang isang box na nakabukas kaya nakita niya kung ano-ano ang laman. “Ang dami naman ng mga ito!” Lumapit siya sa kahon saka inisa-isang tingnan ang mga dried fish. “Talagang sa Pamarawan pa po ito galing?” “Oo. Kaklase ko iyon noong High School. Nakakatuwa nga at nagkaroon kami ulit ng komunikasyon dahil sa social media na iyan. Hindi lang siya ang nakita kong may account. Pati na rin ang iba namang kaibigan ni Ate Berna.” Nakangiti ito habang nagkukwento. “Mabuti naman po at may mga contact na kayo sa mga kaibigan ninyo noon.” Naupo siya sandali sa bakanteng silya. Maaga pa naman masyado upang magtungo sa gym na 5th floor. “Oo nga, hija. Paniguradong matutuwa rin ang mama mo kasi nawalan talaga kami ng contact sa mga kaibigan namin mula nang magtungo tayo rito sa Manila. Lalo na nang mag-migrate ang parents mo sa Japan.” “Kaya nga po.” “Ay siya nga pala, sasama ba sa atin si Anthony sa Japan?” tanong nito habang pinagsasama-sama ang mga bawang sa isang platito. Kumunot ang noo niya. “Wala naman sa usapan namin ang pagsama niya.” “Isama mo na para naman ma-meet na ng mga magulang mo ang mapapangasawa mo,” anito. “Ninang, boyfriend ko pa lang po si Anthony.” “E doon din naman mapupunta ang bagay na iyon, di ba?” Napailing na lang siya. Makulit talaga ang ninang niya pagdating sa pagpapakasal nila ng nobyo. Kulang na lang ay ito ang magkasal sa kanila ni Anthony. “Kagaya nga po ng sinabi ko, masyado pang maaga para sa bagay na iyon. Bata pa kami.” “Bakit naman kasi patatagalin pa ninyo kung pwede namang ngayon pa lang ay maaari na kayong magpakasal. Ito namang si Anthony ay mukhang handa na rin naman na ibahay ka. Mayaman ang nobyo mo.” Nanunukso ang tingin nito sa kaniya. “Ninang, ayaw ko po isipin na dahil sa pera kaya pakakasalan ko si Anthony.” Bagay na totoo dahil hindi naman siya tumitingin sa estado ng nobyo. “Aba oo naman, hija saka mali iyon. Ang ibig ko lang naman sabihin ay handa na siya. Tipong ready na siyang gumawa ng pamilya kasama ka. May stable job at business. Tapos tanggap naman kayo ng parehong pamilya ninyo at boto pa. Perfect relationship, kumabaga.” Hindi na lang siya kumibo. Oo nga at halos perfect na ngunit hindi para sa kaniya. May kulang talaga at kahit na anong isip niya, hindi niya matukoy kung ano man iyon. Napalingon siya sa cellphone niya nang tumunog iyon. Nang makitang galing kay Lavi Azul ang mensahe ay nakaramdam siya ng pagkasabik na basahin ang message nito. Lavi Azul: Good morning! Nakita kong online ka kanina. Ang aga mo magising ah? Naalala niyang nag-online nga pala siya kanina pagkagising niya upang magtingin ng mga messages at notification. Kaagad naman siyang nagtipa ng message para dito. Kirsten Del Mundo: Yes. Mag-gygym kasi ako kaya maaga akong gumayak. Lavi Azul: I see. Sige. Have a nice day, Miss Kirsten. Kirsten Del Mundo: Huwag naman masyadong formal. Call me ‘Kirsten’. You, too. Have a nice day. Nang bitiwan niya ang cellphone ay nagulat pa siya nang makitang nakatingin sa kaniya ang ninang niya. “Sino ba iyang kausap mo at ang ganda ng ngiti mo diyan?” tanong pa nito. Mabilis na sumeryoso naman ang mukha niya. “Wala po. Nakangiti ba ako?” balik na tanong pa niya rito. “Oo, hija. Sino ba iyang kausap mo? Si Anthony ba?” “Hindi po. Tulog pa poi yon ng ganitong oras. May nabasa lang akong funny memes kaya ako natawa,” pagsisinungaling niya. Ayaw niya na baka kung ano ang isipin nito gayong wala lang naman ang pakikiusap niya kay Lavi. “Sige. Teka at magsasangag na ako,” anito sabay kuha ng siyanse sa sabitan. Hindi sila kumukuha ng cook dahil kaya naman ng ninang niya ang pagluluto. Mahusay din ito sa paggawa ng mga cake at ng iba’t ibang pastries. “Mauna na po ako, ha? Mamaya na ako kakain kapag dating ko,” aniya saka tumayo at dinampot ang tumbler niyang kulay asul. “Kumain na po kayo kapag nakaluto na kayo.” Humalik pa siya sa pisngi nito bago lumabas ng kusina at dumiretso sa main door ng condo. Hindi naman malayo ang gym dito sa building nila. Nasa 4th floor ang tinutuluyan nila habang an gym ay nsa 5th floor kaya naman sumakay lang siya ng elevator para magtungo doon. Nang makarating ay binati pa siya ng coach niya na palaging nag-aassist sa kaniya. Bago magsimula ay nag-picture muna siya sa tapat ng malaking salamin saka iyon ni-post sa kaniyang story sa account. Ganoon naman siya everytime mag-wowork out. Before and after work-out ay palagi niyang ginagawa iyon. Ilang sandali pa ay nagsimula na sila ng coach niya sa pag-eexercise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD