CHAPTER 6

2551 Words
CHAPTER 6 NAGING MASAYA ang dinner date na iyon para kay Kirsten. Kasama nila ang pamilya nila parehas ni Anthony. Wala nga ang mga magulang at mga kapatid niya ngunit nag-videocall naman sila sa mga ito. Hindi niya alam kung ano man ang dahilan ng nobyo kung bakit magkakasama sila pati ang mga kamag-anak nila ngayon pero aaminin niya na masaya siya. “Thank you,” aniya rito nang hawakan siya nito sa kanang kamay. Nakaupo sila sa isang mesa na mahaba at kasalukuyang kumakain ng dessert. Ngumiti si Anthony sa kaniya. “Anything for you, babe,” wika nito. Humarap ito sag awing likuran nito kung saan nakapwesto ang ilang mga kalalakihan na siyang may hawak ng mga music instrumental. May sinenyas ito sa mga ito at hindi iyon nakita ni Kirsten. Nagkatinginan na lang sila nang biglang tumugtog ang kantang Thinking Out Loud na siyang kanta ni Anthony sa kaniya. Nagulat pa siya nang bigla itong tumayo at simulang kantyawan ng mga kamag-anak nila. Nagkatinginan naman sila ni Britney na ngumisi lang. Ang ninang naman niya ay mayroong malapad na ngiti sa mga labi. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero kabado siya. Tumikhim si Anthony kaya naman nakuha nito ang atensyon niya. “Ano?” tanong niya habang natatawa. “Can I have this dance?” tanong nito sa kaniya sabay lahad ng kanang palad. Hindi niya sana iyon tatanggapin dahil hindi naman siya marunong sumayaw ngunit dala ng panunudyo ng mga pamilya nila, napilitan na rin siya. “Alam mong parehong kaliwa ang mga paa ko,” bulong niya rito. Natawa si Anthony. “Ako na ang bahala,” wika nito sa kaniya saka siya bahagyang hinila patungo sa pinakagitna. Ngayon lang niya napansin na walang ibang tao sa silid na kinaroroonan nila. Mukhang para sa mga VIP lang ang silid na iyon. Ang kamay nito ay humawak na sa kaniyang magkabilaang baywang samantalang ang mga braso naman niya ay pinatong niya sa balikat nito. Ilang sandali pa ay nagsimula silang magsayaw. Noong una ay naaapakan pa niya si Anthony dahilan upang magtawanan ang lahat. Natatawa na lang din siya at pilit na tinatago ang kahihiyan. Iniisip na lang niya na mga pamilya lang naman nila ang nakakakita ngayon kung paano siya sumayaw kaya kahit paano ay ayos lang. Ang mga camera ng mga kasama nila ay nakatutok sa kanila. Ang iba ay naka-video pa. Ang ninang niya ay may ka-videocall at nang makita niya kung sino, natawa siya at kumaway. Pamilya niya iyong nakabase sa Japan at kasalukuyang nanood sa pagsasayaw nila ni Anthony. “Nakakahiya. Nakikita pa nila mama na hindi ako talented sa pagsayaw,” aniya sa nobyo. “Okay lang naman iyon. No body is perfect naman.” Hinawakan nito ang kanang pisngi niya. “Babe?” “Hmm?” Sinalubong niya ang tingin nit. “Babe, I love you,” bulong nito sa kaniya. Matamis naman siyang napangiti rito. Pilit niyang kinapa sa puso kung ano ba talaga ang nararamdaman niya ngayon para sa nobyo. Mahal niya ito ngunit tila may kulang. Pinilig niya ang ulo nang bahagya saka ngumiti rito. “I love you, too.” Iyon na lang ang naisagot niya rito. Perfect and ideal boyfriend material itong si Anthony kaya wala talaga siyang maipipintas dito. Mahal naman niya ito ngunit sa tuwing dadamhin niya ang puso, may mali. May tila kulang. Kaagad niyang inaalis sa isipan ang bagay na iyon at pilit sinisiksik sa isip na baka pagod lang siya kaya ganoon ang nadarama niya. Ilang taon na rin naman ang relasyon niya rito kaya naman mimposible na hindi niya ito mahalin. Nang matapos ang espesyal na dinner date na iyon kasama ang pamilya nila ay hinatid siya ni Anthony sa bahay nila kasama ang ninang niya. Si Britney ay hindi nila kasama dahil may iba pa itong gala. Inaaya nga siya nito ngunit pagod na siya sa maghapong trabaho. Mas gusto niyang magpahinga at matulog na lang. “Thank you, hijo sa dinner. Sobrang nag-enjoy kami. Ang sarap ng pagkain,” ani Ninang niya. Gusto matawa ni Kirsten dahil kilala niya ito. Alam na alam niyang sa isip nito ay nanghihinayang ito sa binayad. “You’re always welcome, Tita Ninang.” Humarap ito sa kaniya. “Tuloy na ako, babe ha?” Hinalikan siya nito sa noo. “Magpahinga ka na,” anito. Tumango siya. “Ingat ka. Thank you ulit.” Bahagya pa siyang kumaway bilang pagpapaalam dito. Ilang sandali pa ay nakasakay na ito sa kotse nito saka kumaway din sa kanila bago pinaandar. Nakatanaw lang sila rito habang nakatayo sa labas ng building kung saan naroroon ang condo nila. Nang mawala ito sa paningin nilang dalawa ng ninang niya ay bumaling na sila patungo sa loob ng building. Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad papasok. “Hija, wala pa ba sa plano ninyo ni Anthony ang magpakasal?” tanong nito sa kaniya. Natigilan siya sa paghakbang dahilan upang pati ang ninang nia ay napahinto rin sa paglalakad at tiningnan siya. Nagtataka itong tumingin sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng tingin. “Bakit, hija? May problema ba?” tanong nito na hindi nawala ang pag-aalala sa mukha. Umiling siya. “Wala naman po, ninang. Nagulat lang po ako sa tanong ninyo.” Bagay na totoo dahil wala pa naman sa isip niya ang magpakasal. Masyado pa siyang bata. Maaga pa poara sa bagay na iyon. Humarap sa kaniya ang ninang niya. “Bakit, hija? Hindi pa ba kayo nagkakausap tungkol sa bagay na iyon?” Umiling si Kirsten. “Hindi pa po, ninang. Okay lang naman po dahil wala pa sa isip namin ang bagay na iyon. Mukhang hindi rin naman siya ready pa kaya wala pong problema pa. Marami pa po kaming gustong gawin sa buhay naming. Ibang usapan po ang pag-aasawa.” Humakbang siya dahilan upang maglakad na rin ang ninang niya. “Well, totoo naman ang sinasabi mo. Naitanong ko lang naman kasi ang tagal na ninyong dalawa, di ba?” Tumango siya. “Opo. Ayo slang iyon, ninang. Para naman mas makilala pa naming ang isa’t isa.” Iyon na lang ang sinabi niya. Ayaw niya na kasing humaba pa ang sasabihin nito at baka kung saan pa mapunta. Sa totoo lang, hindi niya makita ang sariling nakasuot ng putting wedding gown habang si Anthony ay nasa altar at hinihintay siya. Hindi niya kayang isipin na ikakasal siya rito. Ang sama niya sa bagay na iyon. Boyfriend niya si Anthony at matagal na sila. Mahal na mahal siya nito ngunit siya, tila hindi niya kayang ibigay ang pagmamahal na kasing dami ng binibigay nito sa kaniya. Unfair ngunit wala siyang magawa. Mahal niya ito ngunit tila hindi bilang isang karelasyon. Ewan. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Nagsisimula na talaga siyang kwestyunin ang sarili at naiinis na rin siya. NANG MAKAPASOK sila sa loob ng condo ay kaagad siyang dumiretso sa kwarto niya. Kumuha muna siya ng damit pantulog bago pumasok sa loob ng banyo. Ginawa niya ang lahat ng mga dapat niyang gawin upang mapanatili ang kagandahan ng balat sa buong katawan pati na sa mukha. Tumagal din ng kulang isang oras siyang nasa loob ng banyo dahil sa ginagawang self-ritual. Nang matapos ay dumiretso siya ng upo sa ibabaw ng kama at bahagyang sumandal sa mga unan na nandoon. Inabot niya ang laptop na nasa ibabaw lang ng higaan saka iyon binuksan. Magpapaantok siya sa pamamagitan ng pag-scroll sa kaniyang social media account. Iyon ang palagi niyang ginagawa bago siya matulog. Tinitingnan niya lahat ng mga accounts niya pati na ang page niya na siya rin ang admin at si Britney. Mga ganap sa buhay niya ang naka-post doon ngunit mas nag-sstay siya sa kaniyang account dahil may less ang mga fans doon. Hindi kasi maiwasan na maraming mga toxic fans at hindi na iyon nawawala. Napangiti siya nang makita ang account ng mama niya na dumaan sa news feed niya. Screen shot iyon ng video call sa kanila kanina habang sumasayaw sila ni Anthony. Legal ang relasyon nilang dalawa at kung tutuusin, perfect relationship na sana. May nag-notif sa kaniya kaya naman kaagad niya iyong ni-tap. May nag-follow sa kaniya. Nang tingnan kung sino iyon ay halos manlaki ang mga mata niya nang makita kung sino iyon. Si Lavi Azul. Dahil sa kuryosidad ay binisita niya ang account nito. Nasa kulang isang milyon na ang followers nito. Ang profile picture nito ay kaniyang natitigan. Paano ay sobrang sexy ni Lavi Azul sa suot na kulay maroon na spaghetti strap fitted sexy dress habang ang buhok nito ay nakalugay lang. May sukbit itong sling bag habang ang tingin nito ay nasa ibang direksyon. Nagkibit siya ng balikat. “Impressive,” aniya lang sa larawan nito. Ang sunod niyang tiningnan ay ang mismong account nito kung saan nakalagay ang mga larawan nito. Napanganga siya nang literal nang makita ang mga sexy post nito habang nakasuot ng bikini. Ang isa pa nga ay ang kuha habang nakashort lang ito samantalang sa itaas na bahagi ng katawan nito ay tanging sombrero lang ang nakatakip sa mayaman nitong dibdib. Napalunok si Kirsten. Hindi niya alam kung bakit nag-iba ang pakiramdam niya. Kaagad niyang tiningnan ang iba pang larawan. May mga disenteng pictures naman si Lavi. Karamihan ay mga post ng designs nito ng mga gowns, dresses at kung ano-ano pang kasuotam. May mga video rin ito kung paano mag-make up. “Sobrang talented naman ng isang to.” Hindi niya maiwasang purihin si Lavi. Bukod sa nararamdamang paghanga, naiinggit na rin siya. Noong nagsaboy yata ng kagandahan at ng talento ang Diyos ay dala ni Lavi ang paying kaya maraming nakuha. Pinagpatuloy lang niya ang pag-stallk sa account nito. Humahanga siya sa galing ng mga post nito. Naisip niya n asana ay pati siya, kayang mag-post ng mga sexy na kagaya ng mga ginagawa nito. Nagulat pa siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Nailapag niya agad ang cellphone saka nagtungo roon.. “Yes, ninang?” “Iyong gatas mo,” anito sa kaniya. Nakangiti naman niyang tinanggap iyon. “Thank you, ninang.” “You’re welcome. Alam ko kasi na hindi ka na naman makakainom ng gatas kapag nahiga ka. Makakatulog ka na naman agad panigurado,” anito sa kaniya. Bagay na totoo. Kapag kasi nahiga siya, kadalasan na kinatatamaran na niyang bumangon upang magtimpla ng gatas kaya ang nangyayari, hindi na siya nakakainom. “Thank you po talaga.” “Sige na at inumin mo na iyan nang makatulog ka nang maayos.” Tumango na lang siya daka dahan-dahan na sinara ang pinto. Sinimula niyang humigop ng gatas habang naglalakad at natigilad siya nang marinig ang message tone hudyat na may message siya sa kaniyang account. Kumunot ang noo niya. Madalang siya matanggap ng mga mensahe sa account na iyon dahil naka-private lang siya. Unless kung pina-follow din siya ng taong sinusundan siya. Nilapag niya muna ang baso sa night stand saka naupong muli sa ibabaw ng kama. Kumunot ang noo niya nang makitang galing kay Lavi Azul ang mensaheng iyon. Lavi Azul: Hi! Thank you sa pag-followback. :) Nanlaki ang mga mata niya nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Kaagad niyang tiningnan ang account nito at tama si Lavi. Na-followback nga niya ito. Napakurap-kurap siya ng mga mata at hindi siya makapaniwalang na-tap niya nang hindi sinasadya ang follow button. ‘Ang tanga!’ aniya sa sarili habang sapo-sapo ang noo. Hindi naman niya sa ayaw i-follow si Lavi. Nakakahiya lang dahil baka kung ano ang isipin nito. Ang lakas ng kabog ng puso niya lalo na nang makita na typing si Lavi. Naitakip niya ang isang kamay sa tapat ng bibig niya. Ang dibdib niya, malakas talaga ang kabog. Binaba niya sa ibabaw ng kama ang cellphone saka naglakad pabalik-balik habang nag-iisip ng sasabihin. Nang muling tumunog ang message tone ay halos mapalundag siya. Dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone saka binasa ang bagong dating na chat. Lavi Azul: I’m such a fan of yours. Dahil sa sinabi nito ay nakaramdam siya ng pag-init ng puso niya. Hindi siya makapaniwala na ang isang Lavi Azul, magaling mag-design ng mga damit, magaling mag-make up, mahusay mag-model… ay isang fan ng kagaya niya. Nasinghap si Kirsten dahil sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi ni Lavi pero kahit na totoo o hindi, iba ang tama sa kaniya. Natutuwa siya. Kirsten Del Mundo: Thank you. I’m sorry but I actually don’t know what to say. Hindi niya kasi talaga alam kung ano ang sasabihin. Nahihiya siya kasi sikat ito tapos magchachat sa kaniya. Ayaw naman niyang masabihan na feeling close ganoon. Kinagat niya ang ibabang labi habang hinihintay na mabasa nito ang chat niya. Kaagad niyang ininom lahat ng laman ng baso niya saka nahiga sa ibabaw ng kama. Nakatitig lang siya sa screen ng cellphone at nang makitang na-seen na ni Lavi ang chat niya, napapikit siya ng mga mata. “Bakit ganiyan ang pakiramdam mo, Kirsten? Umayos ka nga.” Saway niya sa sarili bago tumikhim. ‘Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sa kaniya, di ba?’ Nang mag-reply si Lavi, kaagad siyang napatingin sa screen. Tila ba nasasabik siyang mabasa ang reply nito sa kaniya. Lavi Azul: It’s okay. Hindi mo kailangan mailang sa akin, ah? Simpleng tao lang din naman ako. Bago siya mag-reply dito ay binisita niyang muli ang profile nito. Legit naman na si Lavi iyon dahil may verified icon ito sa gilid ng IG name nito kaya naman hindi siya dapat mag-alala na baka poser lang iyon. Ilang beses na kasing nangyari sa kaniya na may mag-chachat gamit ang pangalan ng mga kaibigan niya ngunit mga poser naman pala. Pero… ‘s**t! Ibig sabihin, si Lavi nga ito?’ Kirsten Del Mundo: Excuse me? Ang dami mong followers at sikat ka pang fashion designer tapos simpleng tao ka lang? Niloloko mo ako ah? Kagat-kagat niya ang ibabang labi habang hinihintay nag reply nito. Napangiti siya nang makatanggap muli ng reply dito at aaminin niya, napapahanga siya nito. Baka kung ibang tao ang kausap niya, baka niyabangan na siya at doon siya madalas mag-cancel. Ayaw niya sa ganoong klase ng tao kaya naman ngayon ay natutuwa siya rito kay Lavi. Lavi Azul: I’m just a simple person. Iyong mga followers ko at supporters, sa mga gawa ko sila humahanga. Iba ang designs ko sa mismong personality ko. Tumango-tango na lang siya. May point din nama ang isang ito kaya naman napangiti na lang siya. Kirsten Del Mundo: I see. Lavi Azul: I checked my proposal email to you. Hindi mo pa yata nakikita. Natigilan siya bigla nang maalala ang offer nito sa kaniya upang maging modelo siya nito sa clothing line na pag-aari nan aka-base sa Paris, France. Kinagat niya ang ibabang labi. “Anong sasabihin ko?” Hindi niya naman maaaring sabihin dito na hindi niya balaka tanggapin ang offer. Nakakahiya iyon. Kirsten Del Mundo: Ahm… actually nakita ko na. Medyo na-ooverwhelmed pa kasi ako kasi parang ang laki ng offer sa akin. Hindi naman ako ganoon kagaling. Lavi Azul: Hindi kita oofferan kung hindi ko nakita ang galing mo sa pagmomodelo, Miss Kirsten. Napangit na lang siya nang mabasa ang mensahe nito. Kakaibang tuwa ang nadama niya at aaminin niyang tumaas ang kompyansa niya dahil sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD