CHAPTER 5
ALAS SINGKO y media na ng hapon nang tingnan ni Kirsten ang oras sa kaniyang relong suot. Nang tingnan niya si Anthony na siyang nakatayo sa tapat ng bintanat ay may kausap sa cellphone, napabuntonghininga siya. Napalingon siya sa pinto kung saan dadaan ang sekretarya nitong si Sophie. Ang tagal kasi nitong dumating.
Sumandal siya sa inuupuan niya saka pinikit ang mga mata.
“Babe?” tawag sa kaniya ni Anthony kaya naman muli niyang dinilat ang mga mata. “Inaantok ka na ba?” tanong nito sa kaniya.
Umayos siya ng upo. “Medyo. Matagal pa ba si Sophie?”
“Nasa baba na at paakyat na dito.”
Tumango siya. Magpapalit lang naman siya ng damit dahil naligo siya kanina pagkaraan ng training. Hindi naman nagtagal at pumasok na nga sa loob ng opisina si Sophie na dire-diretso ang paglalakad hanggang sa makalapit sa table ni Anthony.
“I’m sorry kung medyo natagalan. Ito na po ang dress na para kay Miss Kirsten.” Tumingin pa ito sa kaniya. Wala itong emosyon sa mukha. Hindi naman na bago sa kaniya ang bagay na iyon dahil may pagka-isnabera talaga ang isang ito. Kaedad lang niya halos si Sophie at sa pagkakaalam niya, may nobyo ito ngunit hindi nila alam kung sino.
Tumayo iya upang ilabas mula sa paper bag ang dress na sinasabi nito. “Thank you, Sophie. Naabala ka pa.”
“No worries, Miss Kirsten.” Humarap ito kay Anthony.
May sinabi ito ngunit hindi na niya pinansin pa dahil natuon na ang buong atensyon niya sa kaniyang dress na nakikita. Kulay itim iyon na spaghetti strap. Fit iyon sa kaniyang katawan kahit sa unang tingin pa lang niya. Napangiti siya sa ganda ng damit. “Ang ganda naman nito.”
Humarap sa kaniya si Sophie saka bahagyang ngumiti. “Alam kong kasya po iyan sa inyo saka iyong kulay,” anito saka lumingon kay Anthony.
Nang tingnan niya ang nobyo ay kitang-kita niya kung paanong kumunot ang noo nito habang nakatingin sa dress na hawak niya. “Babe, may problema ba? Ayaw mo ba ng style nito?” Natatawa niyang tanong. Kilala niya kasi ang nobyo. Conservative ito at ang damit na napili ni Sophie ay masyadong revealing.
Umiwas ito ng tingin sa kaniya saka tumingin sa secretary nito. “Sophie, bakit naman iyan ang napili po para sa ‘girlfriend’ ko?” Binigyan nito ng diin ang salitang girlfriend kaya naman nakaramdam ng hiya si Kirsten.
“Anthony, okay lang naman ah? ,Maganda kaya.” Tumingin siya kay Sophie na bahagyang nakakunot ang noo. Nang makita nito na nandito ang tingin niya ay kaagad itong ngumiti kahit pa alam niyang napipilitan lang ito.
“Pasensya na kayo, Miss Kirsten. Kung ayaw po ninyo—”
“No, it’s okay. Maganda siya at elegante ang design. Thank you, Sophie.” Hinawakan niya ang braso nito. Gusto niya kasing basagin ang pader na mayroon sa pagitan nila nito. Mukha namang mabait ang secretary ng boyfriend niya. Medyo istrikta lang ang aura nito.
“Sigurado po ba kayo?”
“Oo naman. Sandali at magpapalit na ako. Dito muna kayo,” aniya saka nagtungo sa isang pribadong silid kung saan nagsisilibing mini room ni Anthony. Hindi naman ito nagtutulog doon ngunit nagpalagay pa rin doon dahil baka may hindi raw inaasahan na pagkakataon. Iniwanan na muna niya ang mga ito saka nagtungo sa silid upang magpalit ng damit.
Habang nagpapalit ay excited siyang makita kung bagay ba sa kaniya ang damit na iyon. Nang maisuot sa katawan ay napangiti siya nang malapad nang makitang kitang-kita ang kurba ng kaniyang katawan. Tumagilid pa siya upang makita kung ayos lang ba sa kaniyang likuran ang at tagiliran ang dress.
Kahit anong damit naman ay bagay sa kaniya. Sa tangkad niya, sa sexing kurba ng katawan at sa katamtamang laki ng hinahanarap ay masasabi niyang perfect ang katawan niya. Bukod pa roon, maganda rin ang mukha niya. Makinis pa ang balat na siyang alagang-alaga niya kahit na anong mangyari.
Nang makapagbihis ay naglagay na siya ng kaunting make-up. Ang buhok niyang mahaba ay kaniyang pinunggos ng mataas. Niligon niya ang paperbag na isa pa. Sandals na may 4 inches naman ang laman niyon at kulay krema. Sinuot niya iyon at bago siya lumabas ng kwarto ay kaniya munang tiningnang muli ang sarili sa harapan ng malaking salamin.
Snadali siyang umawra-awra at kinuhanan ng larawan ang sarili upang may ipang-post siya sa kaniyang socialmedia account. Mamaya na lang niya ipopost ang mga iyon kapag nakauwi na siya.
Nang lumabas siya ng silis ay hindi niya inaasahan na makikita niyang tila galing sa panenermon si Anthony. Kunot ang noo nito habang ang nangngangalit ang panga. Ang kamao rin nito ay nakakuyom habang si Sophie ay umiiyak. Bumangon ang pag-aalala niya para sa sekretarya nito.
“Anthony, Sophie? Anong nangyayari?” Dumiretso siya kay Sophie saka hinawakan ito sa mga braso. “Anong nangyari? Okay ka lang ba?” bakas sa mukha niya ang labis an pag-aalala.
Nag-iwas ng tingin si Sophie, Inayos nito ang itsura saka tumingin sa kaniya. “I’m okay, Miss Kirsten. Excuse me,” anito saka naglakad palabas ng opisina ni Anthony.
Hinarap niya ang nobyo. “Anong ginawa mo sa kaniya?” tanog niya rito. Naiinis siya dahil pinagalitan poa yata nito ang secretary gayong nakisuyo lang naman sila. “Nakakahiya kay Sophie.”
Huminga nang malalamin si Anthony. Mukhang kinakalma pa rin nito ang sarili kaya namang harapin siya nito, nakangiti niya. “Pinagalitan ko lang siya kasi masyadong sexy ang damit na napili niya for you,” anito saka tiningnan ang kabuuan niya. “But now… wow! You look so beautiful and hot,” anito saka ngumiti sa kaniya. Hinaplos pa nito ang kaniyang mga braso. Nang hawakan nito ang kamay niya ay pinaikot pa siya nito upang mas makita ang kabuuan niya pati sa likuran. “Wow!”
Halata sa mukha nito ang labis na paghanga sa kaniya. “Thank you,” aniya. Alam niyang kasing pula na ng kamatis ang kaniyang mukha dahil nahihiya siya sa nakikita niyang paghanga at pagpuri ng nobyo niya sa kaniya.
Kinabig siya nang mahina ni Anthony saka siya niyakap nang mahigpit. “Ang swerte ko talaga sa iyo. Napakaganda mo. Ang sexy pa tapos sobrang bait din,” anito saka siya binigyang ng halik sa ibabaw ng buhok. Napangiti na lang siya. Masaya siya dahil nakikita niyang proud si Anthony at nagustuhan nito ang ayos niya ngayon.
“Hindi ko alam kung anong klaseng dinner date ba ang pupuntahan at ganito kaelegante ang suot ko pero sana, formal naman no?” natawa siya sa sariling sinabi.
Kahit si Anthony ay ganoon din ang reaksyon. “Don’t worry. Sisiguraduhin kong magiging masaya ka ngayong gabi.” Sandali itong tumingin sa relong suot. Malapit na mag-alas siyete kaya naman sakto lang ang oras para sa dinner date nila. “Siguro mas mabuti pa kung aalis na tayo?”
“Okay,” aniya.
Inalok ni Anthony ang braso nito sa kaniya upang kapitan niya roon kaya naman tinanggap niya iyon saka sila naglakad palabas ng opisina nito. Nang makalabas ay nadatnan pa niya si Sophie na nag-aayos ng sariling mga gamit. Mukhang paalis na rin. Nakaramdam siya ng awa dito dahil kung tutuusin ay tapos na ang oras ng pagtatrabaho nito ngunit dahil hinanap siya nito ng damit ay nagtagal pa tuloy doon.
Lalagpasan na sana nila ito ngunit nakaramdam siya ng pagka-guilty. Kaya naman huminto siya sa tapat nito kaya pati si Anthony ay napahinto.
“Bakit?” Nagtatakang tanong nito sa kaniya.
“Wait,” aniya rito. Humarap siya kay Sophie na mukhang wala sa mood pero dahil boss sila ay kailangan silang harapin nito. Kumabaga, wala itong choice. “Sophie, ahm. Pasensya ka na kung ano man ang nasabi ni Anthony sa iyo kanina. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan ninyong dalawa pero ako na ang humihingi ng pasensya.”
Tumingin sa kaniya si Sophie bago tumingin sa nobyo niya. Blangko ang tingin nito ngunit nang bumalik sa kaniya ang tingin nito ay tipid itong ngumiti sa kaniya. “It’s okay, Miss Kirsten. Wala kang dapat na ikahingi ng pasensya dahil aminado akong may kasalanan ako.”
“I appreciate your effort, Sophie. Thank you,” aniya upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nito. Ngumiti naman ito sa kaniya.
“No worries, Miss Kirsten.”
“Let’s go, babe,” ani Anthony na nilingon naman niya. “Bakit?” tanong nito nang senyasan niya ito. Mukhang hindi nakukuha ang ibig niyang sabihin.
“Baka may gusto kang sabihin sa kaniya, babe?” tanong niya pa sa nobyo.
Nagkatinginan naman ang dalawa. Halata kay Sophie na masama ang loob niya rito habang si Anthony naman ay naka-poker face lang dito. Siniko niya ang nobyo. Napunta sa kaniya ang tingin nito. Pinanlakihan niya ng mga mata ito.
Tumikhim muna si Anthony bago nagsalita. “Sohie, I’m really sorry.” Iyon lang saka tumingin sa kaniya. “Okay na ba? Tara na. Baka ma-traffic tayo.”
Hindi siya nasiyahan sa paghingi nito ng sorry pero tama ito. Baka ma-trafiic sila kapag hindi pa sila umalis ngayon. Nahihiya tuloy siyang tumingin kay Sophie. “Tuloy na kami, Sophie. Thank you and sorry ulit. Ingat ka sa pag-uwi mo,” aniya rito.
“Ingat po kayo,” anito.
Noon lang sila naglakad parehas ni Anthony. Gusto niyang kurutin ang nobyo dahil ganoon ang pinakitang ugali nito sa secretary nito. Ang loyal pa naman nit okay Anthony tapos simpleng pagkakamali ay sesermunan na nang matindi. Sa katunayan nga ay maganda ang suot niyang damit ngayon. Nagustuhan niya talaga iyon. Mas lumutang kasi ang ganda at kasexyhan niya. Pati ang confindence niya ay na-boost din.
Tahimik lang sila habang nasa byahe. Inabutan na sila ng gabi sa daan kaya naman bukas na ang mga ilaw sa labas. Ilaw mula sa mga poste, bahay, establishimento at kahit sa mga sasakyan.
“Nagugutom ka na ba?” tanong ni Anthony sa kaniya.
Nilingon niya ito. “Medyo,” sagot niya.
“Malapit na tayo, don’t worry.” Ngumiti ito sa kaniya saka muling tinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
Sinandal na lang niya ang ulo sa head rest ng inuupuan saka pinikit sandali ang mga mata. Naging mabilis ang byahe nila hanggang sa tumigil ang sasakyan ni Anthony sa tapat ng isang fancy, class at elegant restaurant na nadadaanan niya sa tuwing mauuwi siya sa bahay ng ninang niya kung saan siya nakatira. Napanganga siya habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Are you sure na dito tayo kakain ngayon?” Nilingon niya sandali ang nobyo.
Tumango naman ito sa kaniya. “Oo naman.” Bumaba ito at umikot upang pagbuksan siya ng pinto.
Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi niya habang bumaba at kaagad na natuon ang atensyon niya sa mga ilaw na nagliliwanag. Iba-iba ang hugis ng mga ilaw at ang aura, napakasosyal. Ang ganda lugar, nagutuhan niya talaga.
Inaya siya ni Anthony sa loob ng restaurant. May lumapit sa kanilang lalaki na mukhang manager at kinausap ang nobyo niya sandali, Nag-usap ang mga ito sandali hanggang sa nauna itong maglakad at sumunod silang dalawa. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad.
Hindi niya alam kung bakit ngunit tila kabado siya ngayon. Parang may mangyayari na kung ano mamay ngunit wala siyang ideya kung ano man iyon.
Nang tumapat sila sa isang private room at buksan ng manager, doon na siya napanganga sa gulat. Nandoon kasi ang kaniyang ninang kasama ang ibang mga kaibigan niya at pati na ang parents ni Anthony.
“Babe,” tawag nito sa kaniya.
“Bakit sila nandito?” tanong niya.
“Wala lang. Gusto ko lang magkaroon ng bonding moment kasama sila. Okay lang naman sa iyo, di ba?” tanong nito.
Tumango siya kasabay ng magandang ngiti. “Oo naman!”