CHAPTER 3
AFTER THE fashion event na kinabilangan ni Kirsten ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isang kaibigan niyang nag-migrate sa Europe. Stacey is her friend na isang fashion designer. Dati ri siyang nag-momodel sa mga gawa nitong damit ngunit ngayon kasi ay tumigil ito dahil nag-asawa at ngayon ay buntis. Maselan ang pagbubuntis nito kaya naman hindi na una ito nagtatahi n mga gowns. Puro pag-dedesign na lang muna ang ginagawa nito at sa oras na mangak ay ito mimsmo ulit ang mananahi ng mga magaganda nitong obra.
Ayon sa kaibigan, may isang sikat na fashion designer na gusto siyang kuhanin upang mag-model ng gawa nitong mga gowns and dresses. Sa totoo lang, dinagsa talaga siya ng mga offers. Iba’t ibang mga sikat fashion designers ang nag-send ng proposal sa kaniyang business emails na ninang niya ang nag-hahandle. Hindi niya matanggap lahat ng mga iyon dahil sobrang hectic nan g schedule niya.
Isa pa ay hindi naman siya basta-basta makakapag-decide dahil under siya ng management ng Philippines Heart Models. Mayroon siyang manager din na siyang humaharap sa mga taong nais siyang kuhanin. Idagdag pa ang desisyon ng nobyo niyang si Anthony.
Kapag sinabi nitong hindi pwede, ay hindi niya talaga tinatanggap ang mga offer. Ngunit sinisigurado niyang mapapasalamatan niya ang lahat na kanilang natatanggihan.
Tininang ni Kirsten ang kaniyang schedule. Nasa dining are siya at kasalukuyang kumakain ng cereal na may gatas at ilang pirasong hiniwang strawberry. Halos puno ang schedule niya sa buong buwan na ito. Wala siya halos pahinga sa loob ng tatlong linggo. Mabuti na lang at sa huling linggo ng buwan ay wala siyang trabahong gagawin dahil uuwi siya sa Japan kasama ang kaniyang ninang. Bibisitahin niya ang pamilya niya roon na ilang buwan na rin niyang hindi nakita.
Uminom siya ng gatas saka nilapag sa mesa ang baso. Tumingin siya sa tita niyang kakaupo lang sa silyang nasa tapat niya.
“Nakita mo na pala ang schedule mo this month.” Nagsalin ito ng cereal sa sariling mangkok nito saka nilagyan din ng fresh milk.
“Opo,” sagot niya saka muling pinagpatuloy ang pagkain.
“May naisip ka na bang regalo para sa mommy mo?” tanong ng ninang niya sa kaniya.
Sandali siyang natigilan. Sa totoo lang ay wala pa. Kagabi pa siya nag-iisip kung ano nga ba ang dapat niyang bilhin para dito ngunit wala naman siyang maisip. “Wala pa po, ninang. Mag-suggest ka nga po.”
Natawa ito. “Sa akin ka pa talaga nagtanong, no?”
Sabay silang natawa. Paano ay kuripot ito pagdating sa mga ganoong bagay. Lalo na kung sa sariling pera nito ang gagastusin. Kahit sa mismong sarili ay ayaw na gagastos. Napailing siya. “Hindi na nga, ninang. Ako na lang ang mag-iisip.” Dinampot nia ang cellphone na nasa gilid ng mangkok.
Sa internet siya nag-search ng mga gamit na maaari niyang maibigay sa ina niya. Kung ang ninang niya ay hindi waldasera ng pera, ang mommy naman niya ay hindi materyalismo na tao. Simpleng lang ito. Dito nga yata siya nagmana kaya ganoon din ang ugaling mayroon siya.
Ilang sandali pa siyang naghanap ngunit wala siyang makita. Huminga siya nang malalim bago tumayo. “Maliligo na po ako,” aniya sa ninang niya.
“Tapos ka na agad?” tanong nito nang makitang kaunti lang ang bawas ng kaniyang mangkok.
“Busog na po ako,” sagot niya rito. Kaagad siyang bumalik sa kaniyang silid upang gumayak ng damit na isusuot niya.
Susunduin siya ng nobyong si Anthony dahil sabay silang papasok sa office ng PHM. Kailangan niya magtungo roon upang mag-training. May mga babasahin din siyang papeles patungkol sa mga offers sa kaniya na inoohan niya.
Puff sleeves hanging blouse ang napili niyang suotin. May katerno itong skirt na checkered at kulay pink ang design. Ang buhok niyang bahagyang maalon na ay kaniya pang kinulot upang mas lumabas ang pagka-curl. Light make-up lang ang kaniyang nilagay sa mukha na bagay lang sa kaniyang suot.
Alas-otso nang umaga nang marinig niya ang doorbell. Alam niyang si Anthony na iyon kaya naman nagmamadali siyang lumabas ng sariling silid. Namataan niya ang kaniyang ninang na patungo na sa pinto upang pagbuksan na nobyo niya. Sinigurado niya pa muna na maayos ang kaniyang itsura saka niya hinarap ang nobyo na siyang kapapasok lang.
“Good morning. Are you ready?” tanong nito sa kaniya.
Ngumiti siya nang matamis dito saka tumango. “Oo.” Bumaling si Kirsten sa ninang niya. “Ninang pasok na ako sa trabaho.”
Tumango naman ang ginang sa kaniya. “Mag-iingat kayo. Tawagan mo ako kapag nandoon na kayo sa office, okay?”
Humalik siya sa pisngi nito. “Yes, ninang.” Dinampot niya ang kaniyang sling bag saka iyon sinukbit sa balikat.
Nauna siyang lumabas at dahan-dahan lang ang hakbang niya upang mahintay niya si Anthony na pinagbibilinan pa ng ninang niya. Ganoon palagi mag-usap ang dalawa. Palaging sinasabihan si Anthony na mag-iingat sa pagmamaneho at iuwi siya sa tamang oras.
Nasa elevator na silang dalawa nang biglang magsalita si Anthony. “Hindi ka pa ba nakakapag-decide kung lilipat ka na ng bahay?”
Kumunot ang noo niya saka sandaling napaisip. “Wala naman akong plano na umalis dito sa condo unit ko,” aniya saka ngumiti.
“I know pero mas maganda kung kumuha ka na ng bahay mo doon lang din sa subdivision naming, di ba? May lupang binebenta sa—” Natigil ito sa pagsasalita nang humarap siya rito.
“Nag-usap na tayo sa bagay na iyan, di ba?”
“I know, babe pero kasi…”
“Anthony, pwede naman akong mag-invest ng bahay. Alam ko na para naman iyon sa future ko at ng family ko pero saka na. Sabihin na lang natin na hindi pa sapat ang naiipon ko, okay?”
“Pero pwede naman kitang pahiramin—”
Mabuti na lang at tumunog ang elevator, napahinto ulit sa pagsasalita si Anthony kailangan nilang lumabas. Napailing na lang ito. Sinuot naman ni Kirsten ng shades niya upang hindi siya makilala ng ibang mga fans niya.
Mabuti na lang at hindi na nangulit pa ito patungkol sa sinasabing pagbili ng bahay.
Gusto naman na niya at hindi totoong hindi pa sapat ang pera niyang naiipon. Sa totoo lang ay sobra-sobra pa iyon. Ang totoo ay hindi niya gusto ang ideyang bibili siya ng lupa malapit kung saan ito nakatira. Hindi niya iyon gusto. Kahit na anong isipin niya, nauuwi siya sa pagtanggi dahil may kung ano sa isip at puso niya na huwag dahil ayaw niya maging mas mapalapit dito.
Weird? Yes. Ngunit iyon talaga ang nadarama niya.